Habang nagpapatawa si Wally Bayola sa harap ng camera ay matinding pagsubok naman ang hinaharap nito sa tunay na buhay.
Inamin ng TV host-comedian na sikat ngayon sa Pilipinas at sa iba’t iba pang bahagi ng mundo bilang si Lola Nidora sa kalyeserye ng Eat Bulaga, na hanggang ngayon ay patuloy silang nakilipaglaban para sa paggaling ng anak niyang si Rian na may sakit na kanser.
May orbital tumor ang kanyang 18-year-old daughter at limang taon pa ang hihintayin upang ganap na madeklarang cancer-free ang dalaga.
Dalawang taon nang sumasailalim sa medication ang anak. Kuwento ni Wally sa interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, “Simula nung nadiskubre namin na meron siya nito, sobrang pagsubok sa amin yun.
Hanggang sa paunti-unti na na-survive namin yung mga pangangailangan. “Kailangang matapos niya yung chemotherapy niya, tapos ngayon under medication siya.
Five years pa bago malaman kung talagang total free na siya o puwedeng bumalik (ang cancer). Ngayon nakadalawang taon na siya, may tatlong taon pa,” kuwento ni Lola Nidora.
Lahat daw ay gagawin ni Wally at ng asawang si Riza para gumaling ang kanyang anak. Pagmamalaki naman ng kanyang misis tungkol sa ko- medyante, “He’s very responsible.
Hindi niya talaga kami pi- nabayaan kahit kailan, yung mga bata. Yun yung pinakaano du’n, hindi niya kami iniiwan. Ang bait. Mabait naman si Wally. May konting kalokohan, malaking kalokohan siguro…pero mabait, mabait na tao.”
Natanong si Wally kung paano niya nagagawang magpatawa sa telebisyon sa kabila ng pinagdaraanan nila, “Iniisip ko na lang, ‘O, mamaya ka na.
Mamaya na lang. Mamaya na ‘yang emo-emo, ha. Lola Nidora muna ako.’ Kasi ilang oras lang naman ito, e. Pagkatapos ng Lola, ‘O, balik ka ulit. Bahala kang magmukmok diyan sa gilid.'”
Marami na ring pinagdaanan si Wally sa buhay, kabilang na riyan ang paglabas ng sex video niya. Pero sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa niya noon, muli siyang binigyan ng second chance at nakabalik pa sa Eat Bulaga.
Paano nga ba niya nagawang makabawi? “Mahirap na magkamali ka muna bago ka matuto. Much better na matuto ka nang matuto ng hindi ka nagkakamali.”
Nagsimulang bumango muli ang pangalan ni Wally nang gampanan niya ang iba’t ibang karakter sa “Problem Solving” segment ng Eat Bulaga, pero ang pinakasikat nga sa lahat ay ang kanyang Lola Nidora role sa kalyeserye ng Eat Bulaga na siyang kontrabida sa pagmamahalan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.
No comments:
Post a Comment