Jc hindi ugaling-ahas: Ayoko ngang masyadong magdidikit kay Maja, e!
HINDI nakarating si JC de Vera sa grand presscon ng pelikulang “So It’s You” kasama sina Carla Abellana at Tom Rodriguez mula sa Regal Entertainment na idinirek ni Jun Lana. Tanghali na kasi siyang na-pack up sa taping ng The Legal Wife.
Hindi naman itinanggi ni JC na hindi kasing heavy drama ng Legal Wife at Moon of Desire ang kuwento ng “So It’s You” na mapapanood bukas, Miyerkules, “Feel good movie lang, light drama lang,” sabi ng aktor.
Nagagandahan si JC kay Carla na first time niyang makatrabaho pero wala raw sa puntong liligawan niya ang aktres na kahihiwalay lang sa boyfriend nitong si Geoff Eigenmann.
“Maganda si Carla, pero naka-focus kasi ako ngayon sa work. At sa rami ng work ko, wala na rin akong time sa sarli ko. Kasi most of the time, ibinibigay ko na rin sa trabaho lahat.
Kaya hindi ko rin maasikaso. Kahit nga ‘yung textmate-textmate, nami-miss ko nga, wala kasi akong ka-textmate,” pag-amin ng binata. Samantala, ang ganda ng career ngayon sa ABS-CBN ni JC kaya naman inspired siyang magtrabaho dahil dalawang programa niya ang umeere sa isang araw, ang Moon of Desire nga sa hapon at ang The Legal Wife sa gabi.
Napangiti nga ang aktor dahil maganda ang mga project niya kaya ang tanong namin kay JC ay kung alam ba niya na maraming home grown talents ng ABS-CBN ang naiinggit sa kanya.
“Hindi mo maiiwasan, katulad ng sinasabi ko sa lahat, hindi sinasadyang maging dalawang show na sabay, nagkataon lang.
“Kasi ‘yung naka-project na time na sisimulan ang Legal Wife ng sometime June or July na target date to start taping na magra-run for six months so dapat December (2013) tapos na tapos sisimulan ko ‘yung Moon of Desire.
“Pero ang nangyari, delay nang delay ang Legal Wife, nag-start almost November (2013) na, kaya nag-abot sila ng Moon of Desire. At alam ko rin na mas kokonti ang scenes ko sa Legal Wife compared to Moon of Desire, so tinanggap namin ‘yung Moon of Desire kasi ‘yung focus (istorya) ay napunta sa akin,” katwiran pa sa amin ng aktor.
Samantala, unang beses makatrababo ni JC sina Jericho Rosales at Maja Salvador at aminadong sobrang starstruck at intimidated daw siya sa dalawa, “Intimidated talaga ako sa kanya (Echo), alam kong napakagaling niyang artista,” aniya.
Sabi namin magaling din naman siya at hindi naman siya napag-iiwanan sa acting, “Well, siguro dahil din sa kanila (Maja, Echo at Angel) kaya ko rin pinagbubuti ang papel ko.
Kasi mahirap maiwanan kaya dahil din sa kanila kaya ako nakakasabay, natsa-challenge ako, di ba? “At dahil magaling silang tatlo, siyempre, hindi ko puwedeng pabayaan ‘yung mga bida ko kasi kailangan ko silang suportahan, hindi tatawid ‘yung scene kung hindi ko aayusin ‘yung sa akin (karakter) kaya sila rin ang dahilan kung bakit namarkahan ang karakter ko,” katwiran niya sa amin.
Paano naman ikukumpara ni JC ang ABS-CBN sa GMA 7 in terms of work ethics? “Sabihin nating prime ngayon ng ABS, mas competitive sila, mas mataas ‘yung goal nila ngayon.
“Pareho naman sila ng standard ng GMA, gandang shows, since ambitious nga itong mga nasa ABS dahil gusto nila ng magagandang mga palabas, sila mismo ang critic sa sarili nilang programa nila kung maganda ba ito o hindi.
Hindi sila magse-settle sa, ‘puwede na ‘yan, okay na ‘to.’ “Kasi maski na ‘yung show na panghapon, namamatay kami sa hirap, pero panghapon lang ‘yun,” paliwanag sa amin.
Kung sakaling magtapos na ang dalawa niyang serye, posibleng mabakante ulit si JC dahil ganito naman ang istilo sa ABS-CBN na may “pahinga” moment ang mga artista.
“Ako, naman thankful na rin kung ano ‘yung ibinigay nila sa akin kasi, once in a lifetime ‘yun. Hindi ko na maulit ulit or ‘yung possibility na maulit uli, e, matagal pa. So pinagpahinga nila ako, hindi ko call ‘yun,” saad ng aktor.
Sa edad na 28 ay wala pa sa isip ni JC ang pag-aasawa, “Walang specific age, kung darating, e, di darating, pero siyempre hindi natin masabi.”
Aminadong crush ni JC si Maja at posible naman daw niyang ligawan ito kung walang boyfriend. Pero biro namin sa kanya, boyfriend palang naman, at hindi pa asawa.
“Ay iyon naman ang hindi ko gagawin kasi nirerespeto ko sila, maski nga sa taping, hindi ako madikit kay Maja, hindi naman ako ilag, alam ko lang ‘yung limitasyon ko, hindi ako mahilig makigulo.
“Hindi ko kasi ugali ‘yun (manulot), pag alam kong may boyfriend na, hindi ko ugali,” say ng binata. Samantala, hindi pala ni-renew ng TV5 ang kontrata ni JC kaya siya napunta sa ABS-CBN, “Iyon nga po ang kuwestiyon sa akin bakit hindi ako ni-renew.
Pero siguro may dahilan kasi may nag-open na window sa akin, itong ABS nga. “Kasabay po ng pag-expire ng kontrata ko sa TV5 ang kontrata ko kay tita Annabelle (Rama) bilang manager ko kaya nu’ng nakahanap na po ako ng bagong manager, si tito Leo (Dominguez) nga, nagpatulong naman ako at tinanong nga ako kung type ko sa ABS, subukan daw namin kaya heto, nasa ABS po ako,” balik-tanaw ng aktor.
Hindi naman minenos ni JC ang TV5 dahil, “I had a very good contract with TV5.” Pero nang makausap namin ang manager ni JC na si Leo, “Actually, when JC is about to sign with ABS, hinabol siya ng TV5, e, hindi na puwede kasi nagbitaw na kami ng salita sa ABS.
“At that time kasi wala yatang nire-renew ng kontrata ang TV5, even Alex Gonzaga nga hindi nila ni-renew kaya nakabalik sa ABS, tapos biglang lahat ni-renew na, e, too late na nu’ng habulin nila si JC,” paliwanag pa sa amin ng manager ni JC.