NAPATILI si Sam Pinto nang tanungin ng entertainment press kung may chance bang magkalapit muli sila ng Pambansang Bae na si Alden Richards.
Kung matatandaan, na-link noon ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikulang “Tween Academy Class of 2012″ ng GMA Films. Nabalitang nag-date sila for a couple of times – pero hindi rin sila nagkatuluyan hanggang sa itambal na nga si Alden kay Louise delos Reyes.
Itinanggi ni Sam sa ginanap na presscon ng horror-suspense-drama movie na “Maria Labo” under Viva Films (showing on Nov. 11), na naging magdyowa sila ni Alden, pero inamin niyang na-ging malapit talaga sila sa isa’t isa.
Pero sey ng sexy actress, huwag na siyang i-link kay Alden dahil natatakot siyang mapag-initan ng milyun-milyong fans nina Alden at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.
“Oh, my God! Ayaw kong mangialam sa AlDub na ‘yan ngayon. Baka mawala na talaga ang career ko. Ha-hahaha! Everybody wants them to be together. I don’t wanna be in-between that,” ang napasigaw na depensa ni Sam sa panayam ng media sa kanya after ng “Maria Labo” presscon.
Dugtong pa nito, “First of all, I’m very happy for Alden.
He really deserves this break finally, kasi ang tagal na niyang climbing up. And finally, he’s here telling everybody, ‘I’m here, I’m Richard (Faulkerson Jr., tunay na pangalan ni Alden.’) I’m super happy for him.
And with the whole AlDub thing, grabe! Nakakalurkey!” Inamin din ni Sam na super fan din siya ng AlDub at ng kalyeserye ng Eat Bulaga, “Yes, of course, I’m a fan and how they did get this crazy, so ang galing lang talaga!”
May nagtanong naman sa Kapuso actress kung may regrets ba siya na hindi natuloy ang panliligaw ni Alden sa kanya, “No, not at all! Ang bagets pa niya noon. Para akong nagiging cougar! I don’t like. I mean, he’s too young for me.”
Until now ay wala pa ring dyowa si Sam, “Yes, single pa rin ako, matagal na. Almost nine months na ngayon. My last (boyfriend) was a businessman, he’s non-showbiz. Waley ako sa…complicated pag showbiz, e,” chika pa ni Sam.
Tatlong record-breaking TV rating ng mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao ang binura ng “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga na naganap noong nakaraang Sabado sa Philippine Arena.
Bukod sa winasak na record sa Twitter (with 41 million tweets), ang nasabing Eat Bulaga episode na ngayon ang may hawak ng titulong Most-watched (highest-rating) program sa history ng telebisyon sa Pilipinas.
Base sa overnight ratings ng AGB Nielsen sa Mega Manila households, ang Tamang Panahon episode ng Eat Bulaga noong Oct. 24 ay nagtala ng 50.8%, samantalang 5.4% lang ang nakuha ng It’s Showtime.
Winasak nga nito ang most-watched Pacquiao fight noong April 13, 2014 – ang Manny Pacquiao vs Timothy Bradley na nakapagtala ng 48.9%. Pa-ngalawa na lang ito ngayon sa listahan habang nasa third spot naman ang Sept. 26, 2015 episode ng Eat Bulaga na may hashtag na #ALDubEBforLOVE, with 45.7%; pang-a-pat ang Pacquiao vs Floyd Mayweather fight (May 3, 2015) with 44.4%; at panglima ang Pacquiao-Algieri fight (Nov. 23, 2014) with 43.8%.
Lahat ng nabanggit na programa ay ipinalabas sa GMA. Ang Pacquiao-Mayweather fight naman ay ipinalabas din sa ABS-CBN at TV5 bukod sa GMA.
Base naman sa National ratings ng Kantar Media/TNS, nakapagtala ang Eat Bulaga ng 40.1% noong Oct. 24 habang 10.2% naman ang nakuha ng It’s Showtime.