Monday, October 12, 2015

Rocco, Lovi matatagalan pa bago magpakasal




HANGGANG ngayon ay matipid pa rin sa pagsagot ang Beautiful Strangers stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino tungkol sa isyu ng pagpapakasal.

Ayon sa magdyowa, talagang marami pa silang priorities sa kanilang mga respective career kaya walang-wala pa silang planong magpakasal in the near future. Sey nga ni Rocco, ine-enjoy lang nila ni Lovi ang kung anong meron sila ngayon at ang mahalaga ay patuloy na nagiging strong ang kanilang samahan.

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng kanilang Beautiful Strangers ngayong gabi sa GMA Telebabad: Masaya si Alejandra sa propaganda na kanyang ginawa para mapabango ang pangalan kahit na ang naging kapalit nito ay ang pananakit ni Kristine sa kanya.

Makakarating naman kay Ronaldo ang balita ng pagsu-god ni Kristine kay Alejandra. Alam ni Ronaldo na pakana ito ng asawa kaya kukumprontahin niya ito na patahimikin na si Kristine.

Yayayain ni Noel si Joyce na magbagong buhay kasama niya. Plano niyang lumayo sa lahat ng mga problemang nagkumplika sa kanilang pamamahalan. Puno pa ng pag-asa si Noel na maibabalik pa nila ni Joyce ang naudlot nilang mga pangarap.

Maririnig ni Lawrence ang offer ni Noel kay Joyce. Ipaglalaban din ni Lawrence ang nararamdaman niya kaya yayayain din niyang sumama si Joyce sa kanya. Hindi magiging madali para kay Joyce ang mamili kina Noel at Lawrence.

Titiisin na lang ni Kristine ang mga pagpapahirap niya sa loob ng kulungan. Pinapangako niyang lalayo na lang siya sa gulo para hindi ito makaapekto sa kaso laban sa kanya. Mababalitaan niya na gumagawa din ng paraan si Noel para mapalaya siya.

Samantala makakapagdesisyon na rin si Joyce kung kanino siya sasama at magsisimula ng bagong buhay, kay Lawrence. Ikasasama ng loob ni Noel ang naging desisyon ni Joyce. Dahil doon ay hindi magtatagumpay si Noel sa plano niyang kumbinsihin si Joyce na iurong na ang kaso laban kay Kristine.
Hihingi ng tawad si Joyce kay Noel dahil hindi na niya matutulungan si Kristine na lumabas sa kulungan. Dadalhin ni Lawrence si Joyce sa resthouse ng Pamilya Castillo sa Tagaytay.
Pareho nilang kakalimutan ang lahat ng kumplikasyon sa Maynila at susundin ang kanilang mga puso. Kasunod nito ay mabilis nilang paplanuhin na ituloy ang naudlot nilang kasal.

Makakarating din kina Alejandra at Rigor na nasa Tagaytay sina Lawrence at Joyce. Hindi na magsasayang ng oras si Alejandra at gagawin niya ang lahat para pigilan ang kasalan.

Maririnig naman ni Kristine ang planong pagtakas ng mga preso kasama si Georgia. Walang planong tumakas si Kristine pero madadamay siya sa aksidenteng magaganap sa sasakyan nila kasama ng mga preso.



Elmo Magalona lalayasan na ang GMA; tinalbugan na kasi ni Alden?




Elmo Magalona is said to be leaving GMA 7 and will be a Kapamilya soon.

Kaya pala hindi na siya kasama sa bagong soap opera ni Janine Gutierrez. Kaya pala tila wala nang romantic news about them kasi maghihiwalay na sila ng network.
Naisip siguro ni Pia, the mom of Elmo, na walang nangyayari sa career ng kanyang anak sa Siyete. Naunahan pa siya ni Alden Richards na sumikat gayong higit siyang mas may pangalan dito noong una.

Rumors have it na hinihintay na lang magtapos ang contract ni Elmo sa Siyete para makalipat na siya ng Dos. Kasi naman itong GMA, ang laging comment ng mga tao sa social media, ay hindi marunong mag-alaga ng ta-lents.
Since si Alden ang pinakasikat ngayon, ayun, lahat daw ng attention ay nasa binata, nakalimutan na nila na marami pa silang ibang artista.

We can only agree. Parang wala nang ibang artista ang GMA kundi si Alden. The network must learn to spread its help to its other wards. Ang daming waiting in the wings na baka sa paghihintay ay mainip na at maisipan nang lumipat.

We also observe na kapag lumipat ang Kapuso talent sa Dos ay nama-maximize ang kanilang popularity. Sumisikat sila at gumagaling. Take for example Cristine Reyes, Paulo Avelino and Jake Cuenca. Mas gumaling sila’g nagkaroon ng premium when they moved to ABS-CBN.



Baguhang aktor iniwan ang buhay sa Canada para mag-artista




Image result for nasaan ka inay

Todo ang ginagawang paghahanda ng showbiz newbie na si Kevin Poblacion sa pagsabak niya sa mundo ng pag-arte. Desidido ang binata na tuparin ang kanyang matagal nang pangarap na maging isang artista.

Ang 20-taong-gulang na binata na lumaki sa Canada ay seryosong kumukuha ngayon ng extensive acting workshop sa Star Magic na pinamamahalaan ng magaling na direktor na si Rhyan Carlos.

In fairness, positive naman ang mga nakukuhang komento ni Kevin mula sa kanyang mentors at mga kasamahan sa workshop matapos ang ilang acting exercises.

Kevin just turned 20 last Aug. 5, at diretso niyang inamin na matagal na niyang pinapangarap na makapasok sa mundo ng showbiz. Pero na-delay ito dahil nga kinailangang muna niyang tapusin ang kursong Tourism sa isang kilalang university sa Canada.

Matangkad, hunk at guwapo si Kevin kaya siguradong madali siyang mapapansin once na magsimula na siyang gumawa ng pangalan. Sa ngayon, bukod sa acting workshop sa ABS-CBN na natapos niya last August ay kumukuha rin siya ng Tagalog lessons dahil alam niyang mahalaga na matuto siyang magsalita ng Tagalog sa pagpasok niya sa showbiz.
Dumating si Kevin sa Maynila noong Abril kasama ang kanyang mga magulang. Nang malaman na posible siyang magkakaroon ng chance na maging artista rito nagpaalam siya sa kanyang mga magulang kung puwede siyang maiwan sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pa-ngarap na maging artista.

Wala siyang ibang kamag-anak dito except sa mga kaibigan ng kanyang mga magulang pero matapang ang binata na harapin ang challenge ng kanyang buhay dito.
Iniwan din ni Kevin ang kanyang trabaho sa isang sikat na fastfood joint sa Canada at ang offer sa kanya na magtrabaho bilang steward sa isang airline company para manatili rito sa Pinas.

Sa ngayon ay busy din siya sa paggawa ng VTRs para sa mga commercial, “I hope that I will be able to share my ta-lent sa ating mga kababayan, sana matanggap din nila ako rito.”

Nang tanungin kung sinu-sino ang mga crush niya sa local showbiz, binanggit niya ang mga pangalan nina Marian Rivera at Kim Chiu at idol din niya si Piolo Pascual.

Ang mga ito raw ang madalas niyang napapanood sa Canada. Si Kevin ay mina-manage ni Boy Palma, ang manager din ni Superstar Nora Aunor.



Yaya Dub nagpasalamat sa EB: Pinalakas ninyo ang loob ko!




MARAMI mang naging pagbabago sa buhay niya ngayon, naniniwala pa rin ang tinaguriang Social Media Queen na si Maine Mendoza sa aral ng kababaang-loob.
Isang mahabang mensahe ang ipinost ni Maine o Yaya Dub sa milyun-milyong fans nila ni Alden Richards sa kanyang Instagram account na tumutukoy sa mga kaganapan sa kanyang buhay na biglang nabago nang dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nila ni Alden.

Maraming na-touch sa nasabing IG post ni Maine (sinulat ni Yaya matapos ang bonggang performance niya sa Bulaga Pa More Dabarkads Pa More grand finals noong Sabado) kaya mas lalo pang dumami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Sinabi ni Maine na ang pagkakasali niya sa Eat Bulaga ang naging tulay para maipakita niya sa buong mundo ang kanyang talento at makapagpasaya ng mas maraming tao. Inamin din niya na mababa ang self-confidence niya noon sa pagpe-perform sa harap ng maraming audience. Narito ang bahagi ng emosyonal na IG post ni Maine.

“I used to be a girl with a poor self esteem—I actually think I still am.

“I never believed in my capability of doing things; it could be just me being a pessimist about almost everything but the thing is, I never really believed in myself.
“Every time I am about to do something, the first thing that comes to my mind is ‘Hindi ko kaya yan.’ (That’s the fighting spirit! *note sarcasm*) Though I am already used to it, it’s still sad to think that I grew up with a negative mindset.
“I grew up believing I am not good enough for anything.”
Pero ngayon daw ay masasabi na niyang, “I am proud of myself. People may think ‘Wala pa namang nararating/napapatunayan yang Yaya nyo.’ True enough, I guess.

“Pero para sa ‘kin, I’ve done so many things that I never thought I can do; things that I never imagined I am capable of doing.

“Everything that I am experiencing and doing right now is new to me. And I am proud to say that [finally] —because of Eat Bulaga— I am having the courage to step out of my comfort zone.

“I have waited so long for the moment where I’d be able to say ‘I am proud of myself.’ Kung wala pa man akong napapatunayan sa inyo, sa ‘kin marami-rami na.. at yun lang, sapat na.

“Sapat na din para masabi kong proud ako sa sarili ko. Way to go, Meng!”




Archie Alemania (b. 1978)



Lola Nidora, Tidora and Tinidora dancing "Dessert"