Friday, August 21, 2015

AlDub mino-monitor ng ABS




Hindi lang pala sa dubsmash magaling si Maine Mendoza, more popularly known as Yaya Dub.

May lumabas na video which showed Yaya Dub playing Coldplay’s “In My Place” gamit ang drums.

 Hit na hit sa kanyang fans ang video at ang daming nag-like, libo-libo. Ang daming pumuri sa dalaga sa ipinakita niyang talent.

Apparently, mahirap ma- pataob si Yaya Dub. What her edge is that she is not a product of network’s spinmasters. Raw na raw siya and although she’s not radiantly beautiful in the mold of a Dawn Zulueta or Gretchen Barretto, her simpleness is what makes her attractive.

Actually, pinamo-monitor pala ng executives ng Dos ang mga pinaggagawa nina Yaya Dub at Alden Richards sa Eat Bulaga. Pinag-aaralan yata nila kung ano’ng klaseng charm meron ang dalawa at hit na hit sila sa televiewers.



By Alex Brosas
Bandera

Rufa Mae Quinto agaw-eksena sa concert ni David Foster; laylay na balat nilait-lait




May mga kaibigan kaming nanood ng concert ng manager-record producer ng mga sikat na international singers na si David Foster nu’ng Martes nang gabi.

Okey raw naman ang attendance, halos puno rin ang Araneta Coliseum, siyempre’y pinupuri ng a- ming mga kaibigan ang mga performers na ki- nabibilangan ng sariling atin na si Charice Pempengco.

Pero nakaagaw ng kanilang pansin ay ang ginawang pagpapapansin ng sexy star na si Rufa Mae Quinto.
Habang nagpo-production number daw kasi ang pamosong grupong Boyz II Men ay hinawakan ni Rufa Mae ang microphone ng isang miyembro at saka nagsisigaw ng, “Go, go, go!”

Nalokah siyempre ang mga nandu’n, lalo na ang mga kausap namin, bakit daw gumagawa ng ganu’ng eksena si Rufa Mae?

Komento ng aming kausap, “Dahil ba sa parang nawawala na siya sa eksena ngayon? Look, pati ang pagpapaospital niya lately, naka-Instagram din. May mga ipinakikita siyang pasa sa katawan niya, pero hindi niya naman sinabi kung saan niya ‘yun nakuha?

“Maganda pa rin naman siya at flawless, in fairness, pero halata nang tumatanda siya. Hindi kagandahan ang balat niya, hindi na firm, may laylay factor na,” kuwento ng a- ming source.

Papansin na ba ngayon si Rufa Mae Quinto?



By Cristy Fermin

Bandera



Paolo Bediones idinetalye kung paano ginawa at kumalat ang video scandal



FINALLY ay nagsalita na si Paolo Bediones about his controversial sex video with an unnamed woman.

In a tell-all podcast interview with DJ Mo Twister and Erika Padilla itsinika ni Paolo kung paano nagawa ang sex video, kung paano ito nag-leak at kung paano naapektuhan ang kanyang pamilya.
Say ni Paolo, the video run for two hours na kanyang kinunan limang taon na ang nakararaan gamit ang kanyang laptop. Nang masira ang laptop battery ay dinala niya ito sa isang shop para ipa-repair. 

Hindi naman niya alam na dinala pala ito sa Greenhills para maayos. Nang makuha niya ang laptop, nawala na ang kanyang password.

Nagsimulang makatanggap ng mails si Paolo ng screen capture ng kanyang sex video at merong nag-demand ng P3 million sa kanya.

Dagdag pa ng TV host, before pa siya pumasok sa TV5 ay alam na ng executives ang kanyang sex video.
Maging ang GMA 7 at ABS-CBN ay aware sa kanyang sex video pero hindi sila nangahas na ilabas ito.

“The hardest part is having to deal with my partner in the video. Having to deal with the fact that it was my fault. ‘Yung pinakamasakit ‘yung may sinaktan ka, ‘yung pamilya ko, nasaktan ‘yung babae na kasama ko sa video,” say ni Paolo as reported in a Facebook fan page.

Nag-sorry si Paolo sa kanyang nagawang kasalanan, “Sorry to my family for the shame I brought to them for that period of time. To the viewers, fans, admirers, people who have been supportive all these years – I would like to say from the bottom of my heart if I disappointed anyone – I am really sorry,” say ng TV host.

Incidentally, tila si Paolo ang tinukoy ni Mo Twister sa kanyang latest Twitter message.
“Projection: humans defend themselves against unpleasant impulses by denying their existence in themselves, while attributing them to others.”

“Learn to face ur own shadows or u will continue to see them in others, cuz the world outside u is only a reflection of the world inside you. In other words, own up to your bullsh***t come to terms w/ your own awful past, or else you will THINK you see it in others close to you.” ‘Yan ang sunud-sunod na tweets ni Mo.

Totoo ba, Ate Vi ayaw tumakbong VP dahil takot makalkal ang yaman?




FOR a while ay malakas ang ugong-ugong that Batangas Gov. Vilma Santos was eyeing a higher political position sana for 2016 pero someone very reliable whispered to us that she finally conceded on her plans to run either for Senate or Vice-Presidency for some fears.

“Hindi ba’t isa siya sa kinu-consider na richest politicians sa bansa ngayon with a net worth of more than P400 million? Inilabas iyon ni Mareng Winnie Monsod before sa kaniyang programa pero hindi ito masyadong natutukan ng media.

“Naging showbiz ang chikahan nila ni Mareng Winnie hanggang sa makalimutan na ang isyu ng kaniyang biglang pagyaman. Hindi ba’t kaya hindi siya gaanong interesado sa pag-aartista dahil there is so much money in politics.

“Yung sinasabi niyang P400 million net worth niya ay hindi lang daw kaniya iyon – sa kanila raw ‘yun ng asawang si Sen. Ralph Recto na alam naman nating before niya mapangasawa si Vilma ay bagsak na ang financial status ng pamilya.

“Nag-resurrect lang ito nu’ng magsimulang mag-mayor si Vilma and then become governor. Kumbaga, gamit na gamit ni Sen. Ralph ang sikat na asawa para lalong tumingkad ang kaniyang political career and financial status. Si Ralph naman talaga ang tunay na nagpapatakbo ng Batangas eh,” ang kuwento ng aming source.

“One friend told me na talagang nag-decide na si Vilma na hindi tumakbo for higher position dahil baka makakalkal daw ang yaman nila. Alam n’yo naman ang politika sa atin, labasan ng baho kapag kampanya na. Kaya tiyak na tatanungin ng bayan kung saan talaga galing ang ganoon kalaking pera nila? Movies? Oh c’mon! Endorsements? Di siya si Kris Aquino, ‘no!” sabi ng aming kausap.

Naikuwento pa nito sa amin kung paano yumayaman ang mga politiko sa ating bansa, “Marami akong nakakausap tungkol sa tinatawag na SOP mula sa mga projects ng local government. Kung gaano kalaki ang porsiyentong hinihingi nila sa mga bidding-bidding ng mga government projects. SOP na kasi na merong porsiyento ang mga opisyal tuwing may bini-bid na negosyo – kung kanino ina-award ang project.

“Automatic iyon, may certain amount daw na para sa mga local official. Walang choice ang mga nagbi-bid kundi ang pumayag kaysa mapunta sa iba ang project, babawian na lang nila sa pagtaas ng presyo sa kanilang consumers. So, ang nagsa-suffer ngayon ay ang taumbayan dahil itataas nila ang bilihin or produkto nila para makabawi. Ganoon din kaya ang labanan sa Batangas?” ang sabi pa ng ating source.

Pero feeling ba niya talagang hindi na tatakbo si Vilma sa 2016? “Hindi na. Alam niyo naman ang Philippine politics, kaniya-kaniyang kalkalan ng baho iyan para masira ang mga kalaban nila. Doon natatakot si Vilma,” dagdag pa ng kausap natin.

Ano kaya ang masasabi rito ni Vilma Santos? Siguro ang magandang gawin niya, ipaliwanag nang mabuti sa publiko kung saan talaga galing ang daang-milyong net worth niya. Totoo nga kayang lumobo na raw ito sa bilyong halaga? Kailangan na sigurong mag-explain ni Gov. Vilma Santos hinggil dito para maunawaan ng kanyang mga nasasakupan.

..wow nagkasama-sama sina Nino Muhlach, Vivian Velez at Rudy Fernandez ....ano kaya ....


..wow nagkasama-sama sina Nino Muhlach, Vivian Velez at Rudy Fernandez

....ano kaya ang title ng pelikulang ito?


Lea kinikilig pa rin kay Aga: Sayang ang kaguwapuhan niya kung…




Sa presscon para sa top 6 finalists ng The Voice Kids 2 ay natanong ang isa sa coach na si Lea Salonga kung matutuloy pa ba ang balik-tambalan nila ni Aga Muhlach sa pelikula.
“If we have our way, yes! But allow me to say this first, we don’t have our contracts, we don’t have a script, we don’t have a storyline and I’m leaving for New York (USA) in two weeks so obviously, it’s not gonna happen for a while,” tugon ng singer-actress.
Dugtong pa ni coach Lea, “This movie, probably is not gonna film until I get home, kasi I come home, mga third week of June na of next year, matagal, I’m gonna away for a while and I’m hoping that the show is a hit.
“So as far as this movie we both want to do the movie and after seeing the restored version of ‘Sana
Maulit Muli’ and how people seem to responding to it pakiramdam ko, I mean I can’t speak for Aga, I’m speaking for myself, the timing seems right for us but actually do something and ang guwapo talaga niya, talagang, we cannot waste that face. Hit that face should be on that film again,” sabay tawa ni Lea na talagang kilig na kilig pa rin.
Bukas abangan ang mga naging pahayag ni coach Lea sa magaganap na Voice Kids 2 live show.

By Reggee Bonoan

Bandera

...stage actress ako pero Englisg ang salitaan namin duon at hindi Tagalog ...kaya tuloy noong dinala ako sa Sampaguita Pictures diko mabigkas-bigkas ang salitang .....



...stage actress ako pero Englisg ang salitaan namin duon at hindi Tagalog

...kaya tuloy noong dinala ako sa Sampaguita Pictures diko mabigkas-bigkas ang salitang kinamumuhian kita bagkus ang nasasabi ko ay kinakamuhian kita

...hindi tuloy napunta ang roleko bilang bida na gaganap na Elsa Oria kundi naging kontrabida ako sa Sampaguita Picturessa loob lamang ng isnag taon

Sino Ako?

...alam ba ninyo na Violeta Orbita ang tunay kong pangalan ....ako na yata ang babeng artistang may pinaka......


...alam ba ninyo na Violeta Orbita ang tunay kong pangalan

....ako na yata ang babeng artistang may pinakamahabang buhok noon

sabi ng iba banlag daw ako ...eh ano ngayon mestisa namn ako , maputiu at maganda

Sino Ako?

.....mana ako sa lola ko kaya mahilig akong kumanta ....mana naman ako sa mommy ko dahil isa siyang...


.....mana ako sa lola ko kaya mahilig akong kumanta

....mana naman ako sa mommy ko dahil isa siyang magaling na komedyante at manunulat

....balang araw ay susundan ko ng yapak ng akong daddy dahil isa siyang magaling na Direktor

Rafa Siguion-Reyna ang guwapong anak nina Bibeth Orteza at Carlitos Siguion Reyna

His grandmother is the legendary singer, actress and producer Armida Siguion Reyna. Father is acclaimed and much repected Carlitos Siguion Reyna, the film master behind contemporary motion picture classics such as Hihintayin Kita Sa Langit, Ikaw Pa Lang Ang Minahal, Saan Ka Man Naroroon, Kailangan Kita and Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin.

His mother is Bibeth Orteza, comedienne and screenwriter of unforgettable films namely Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya Kahapon, May Dalawang Bata and the immensely popular Enteng Kabisote franchise.
Thus, Rafa Siguion Reyna, as a newbie in the entertainment industry, is a most welcome addition. In a business that gives more premium to looks than substance, this Mass Communication graduate from New York University strikes you as a mild-mannered, cerebral young gentleman. is like mannah from heaven.

His candor and wit, and magnetic personality wins you over. 
“Having a family name like Siguion Reyna like Siguion Reyna helps me a lot,” answers Rafa when asked about the advantages of havin a famous family name
He smiles earnestly and continues, :”It is wonderful have parents like them. I can approach them any time and they are my greatest resource and critics.”
“Can you imagine when we are having dinner at home? Ang kausap ko about movies is my dad and its my mom, who injects the humor,” shares the young scion.
He goes on, “After my taping and I feel that I did a terrible performance, I approach them na masama yung performance ko. They help me in deciphering my character and kung paano ako on the set and how to treat people din.”

He is currently part of prime time drama Nino were he acts as Jay Manalo’s henchman and as one of the vampire bullies in Vampire Ang Daddy Ko.
His latest gig excites him the most though, he plays a supporting role in Hari ng Tundo, the comeback film entry of his dad for the tenth year of CineMalaya. 
“It’s exciting to work with my parents,” avers the NYU Mass Communications degree holder. “How I am as a performer, and most of the things I know about life, my values as a person, it came from them. I am excited to apply it professionally.”
Being an actor was not Rafa’s first dream job, “I only realized that I want to become one, during my last year’s in college. You know, my first big dream was to become a professional basketball player.

The six-footer recollects, “When I was in high school, I wanted to be a star player. Dream ko talaga PBA. It was my mom who kept pushing me to try the arts, like dancing or theater. What is funny here is that, when I play ball, my parents, even my grandma, they were always busy. But when I am part of a workshop recital, present sila lahat!”
He shares a secret,” I had a classmate before na ang galing sumayaw, then all the girls in schooll, nagka-crush sa kanya. Naiingit ako. Kaya ayun, I joined the dance troupe first, then tuloy-tuloy na,.” kaya naiingit ako, yun tuloy-tuloy na.

Whether villain or lead, character or small roles, and even part of a love team, Rafa has no qualms in trying every thing. 
“I am not opposed to any role,” the newbie declares. “All of them pose all sorts of challenges. I am comfortable doing both drama and comedy. I am willing to take any role that comes my way.Pag artista ka naman, all you have to do is to bring out the truth sa lahat ng mga ginagampanan mo.”
Is he ready for the intrigues, “Yes, I am,” Rafa snaps quickly. “I am very grounded. I know I will make mistakes, and it is okay with them. My parents told me that as a public figure I must be careful with what I say and do and that it is important to be safe and smart all the time.”
He avers, “I know naman what is true or not. I cannot do anything about intrigues because it is really part of the industry. What they want to say, especially yung mga iniimbento lang, I cannot control anymore.”

“Mahal na mahal ko ang ang aking trabaho, I want to do good work, “Rafa affirms. “I’d rather be busy, out of the house, doing work than be at home and bum around. More than talent, more than looks, mor than anything, my strongest thing is my work ethics.
He does not hide the fact that he is currently single and that his long distance relationship with his Chinese American girlfriend did not prosper.
The twenty something Siguion Reyna does not mind doing gay roles, daring characters, bed scenes and the likes. 
“If it serves the script and maganda yung role, I will do it, I say bring it on!” Rafa exclaims with a smile.
He ends,”I am willing to do it because as an actor, that is what you must do. To give life to various characters. Any role will help you showcase your talent and gives you the opportunity to expand your capacities as an actor. Iyun ang job mo as actor, to do your job well.”

Sorry na lang Carla: Tom bibilhan muna ng house & lot ang pamilya bago mag-asawa

PANGARAP din ng Kapuso leading man na si Tom Rodriguez ang magkaroon ng sariling pamilya in the future. Wala naman daw siyang balak magpakatandang-binata.
“I’ve never been the type of person na iniisip I’ll grow up to be a bachelor. I want a family, I want to settle down,” ang sey ni Tom nang makachikahan ng entertainment press sa media launch ng bagong GMA Telebabad series na Marimar kung saan makakatambal niya ang bagong Marimar na si Miss World 2013 Megan Young.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring umamin nang diretsahan ni Tom kung girlfriend na niya ang Kapuso actress na si Carla Abellana, basta ang lagi niyang sinasabi, “I’m very, very happy ngayon sa buhay ko, lalo na sa career ko dito sa GMA.”

Natanong si Tom kung kailan ba talaga niya ba- lak mag-asawa? “Siguro pag nagawa ko na lahat ng gusto ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko… to take care of my family.

“It’s safe to say na because of GMA, I’ve been able to make some investments. In my three years with GMA, nakaipon ako, nakapag-invest ako. And I’m very happy…yung dream ko of building a house for my parents para they can retire.
“They wouldn’t have to worry about being far away from us, lahat kami. My sisters, nasa Japan pareho dahil yung husbands nila du’n na-station. 

My older brother has his own family, my younger brother nasa Tucson, Arizona, my other younger brother nasa military. So, parang kalat-kalat.

“It’s my dream for my family, my mom and dad, na maibili ko sila ng lupa’t bahay dito. Tapos malapit lang sila sa mga pamangkin ko,” anang binata na siyang gaganap na Sergio Santibañez sa bagong version ng Marimar na magsisimula na sa darating na Lunes.

Abot-langit naman ang pasasalamat ni Tom sa GMA dahil mula nang lumipat siya sa Kapuso network ay hindi na siya nabakante, pero aniya, “Hindi ko maku-quantify in those terms, na big star, na ganito. Hindi ko binabase sa ganu’n, e, those are arbitrary terms.

“Hindi ko naman alam din yung ano ang meaning o ibig sabihin, ano bang pagbabasehan natin? Yung alam ko lang na nung lumipat ako sa GMA, naramdaman ko yung talagang pag-aalaga, pagmamahal nila sa akin. Ramdam ko na willing silang sumugal sa akin nang paulit-ulit at ramdam ko na, dito, I’m at home.

“Although I’m very, very thankful where I came from, they gave me the opportunities to be where I am now.

By Ervin Santiago
Bandera

Armida Siguion Reyna - The Singer





Armida Siguion-Reyna
Singer, actress, movie producer and former Movies and Televison Review Classification Board (MTRCB) Chairperson, Armida Ponce-Enrile Siguion-Reyna was 

born on November 4, 1930. She studied at the Philippine Women's University (PWU). She has starred in operas like "Lucia de Lammermoor", "La Traviata", 

"The Merry widow", and in the zarzuela entitled "Ang Mestiza". She is well-known for her musical TV show "Aawitan Kita", where artists/guests get to 

sing kundimans or Filipino love songs. She has recorded the following albums: “Aawitan Kita” Vols 1 and 2 for Villar Records, “Armida” for Dyna Records 

and “Sa Lungkot at Saya…Aawitan Kita” for Viva records. In 2004 she released an album, POP LOLA, where she sings OPM pop songs in lieue of her signature 

kundiman songs.

Baltazar



Baltazar

Ako'y Litung-Lito
Composer, Lyricist, Singer

Ang Tipo Kong Lalake
Composer, Lyricist, Singer

Araw- Araw
Composer, Lyricist, Singer

Damdaming Nagtitiis
Composer, Lyricist, Singer

Gabay
Composer, Lyricist, Singer

Hanggang Ngayon
Composer, Lyricist, Singer

Huwag Ipagkait
Composer, Lyricist, Singer

Kasaysayan Ng Kayumanggi
Composer, Lyricist, Singer

Kay Palad Mo
Composer, Lyricist, Singer

Mandirigma
Composer, Lyricist, Singer

Mismo
Composer, Lyricist, Singer

Pag-Asa
Composer, Lyricist, Singer

Pakinggan Mo
Composer, Lyricist, Singer

Pangako Na Naman
Composer, Lyricist, Singer

Paraiso
Composer, Lyricist, Singer

Sa Isip, Sa Salita, Sa Gawa
Composer, Lyricist, Singer

Sagot Sa Tanong
Composer, Lyricist, Singer

Sino
Composer, Lyricist, Singer

Tayo Na
Composer, Lyricist, Singer

Yugyugan Na
Composer, Lyricist, Singer

puwede ba kaming maging mag-ina sa pelikula?