Sunday, August 30, 2015

5 Anino ni Baltazar (1965) Van de Leon, Von Serna & Lauro Delgado



5 Anino ni Baltazar (1965) 

Filmakers Productions

* * 

Story Romy Espiritu and Marcelo B. Isidro, 

Screenplay Johnny C. Pangilinan, 

Executive Producer Amado Cortez, 

Direction Max Rivera 

**

Van de Leon

Von Serna

Lauro Delgado

Flor Bien 

Amado Cortez

Alona Alegre 

Nora Nunez

Carina Mojer

Chito Montalbo 

Mel Francisco 

Pugak

Jose Padilla. Jr.

Bob Padilla 

Ric Mata 

Leo Longalong

Feliz Marfil 

Jun de Villa 

Danny Villanueva 

Adriano Medina 

Enchong Valderama

September 1

Main Theater 

Jodi Sta Maria as Amor Powers in Pangako sa Yo (2015)



Kilala ba ninyo kung sinong Darnang ito na.........


Kilala ba ninyo kung sinong Darnang ito na nakikipagpambuno sa isa buwaya?

...nagsimula akong kumanta sa edad ng 4 ...noong maliit pa ako ay......



...nagsimula akong kumanta sa edad ng 4

...noong maliit pa ako ay mahilig din akong sumali sa mga kompetisyon

....ang una kong big-break sa softdrink commercial bilang fan ni Piolo

SINO AKO?


...BS Psychology ang kinuha kong karera sa De La Salle University at ang mga ......




BS  Psychology ang kinuha kong karera sa De La Salle University

at ang mga magulang ko ay may kanya-kanya ng asawa

SINO AKO?

Piolo kay Inigo Pascual: Sobra akong nasaktan! pero wala akong magagawa!



Nasaktan si Piolo Pascual nang mas piliin ng kanyang anak na si Inigo Pascual na sumama sa barkada nito kesa sa kanya sa isang showbiz event kamakailan.

Pero aniya, alam niyang darating talaga ang panahon na magsasarili na rin ang kanyang anak at magkakaroon ng sariling pamilya, “I don’t wanna be clingy because I also wanna have my own time.

I also wanna be able to do things on my own, but I’m always there for him, no matter what,” sabi ng Box-Office King sa isang panayam.

Dagdag pa nito, “Of course, it hurts me, like yung sa concert nila last night. He chose to hang out with people his age. Sobra akong na-hurt, pero siyempre wala kang magagawa.”
Akala raw kasi niya ay magkasama sila ni Inigo na manonood sa concert ng American band na Imagine Dragons, “And then, after less than five minutes, nandu’n na siya the whole time (sa kanyang tropa). Sabi ko, ‘Salbaheng bata ‘to, a!’

“Pero inevitable ‘yon, e. He would want to hang out with people na makakabiruan niya. But at the end of the day, tatay pa rin niya ako, so yun.

Parang, for me, huwag ka lang magmamadali because it will affect you in a way na hindi mo maku-control, yung mga taong nagpo-phone, nagso-social media, baka masaktan ka lang din.”

Basta ang masisiguro lang ng Kapamilya actor, never siyang nagkulang ng paalala sa anak, “Kasi party boy ako when I was young, di ba? Takot tayo sa sarili nating multo.
Sabi ko, ‘Kalma ka lang, huwag ka lang magmadali.’ “Especially nowadays, prevalent ang mga nagda-drugs sa clubs, so nakakatakot. You can’t be with them 24/7.

He knows better, nakikita naman niya ako. At the end of the day, just know what is right, just know what is good.”

Chito na-bad trip sa nagsulat na nakunan si Neri: Gusto ko siyang hantingin!



Hindi pala nagustuhan ni Chito Miranda ang pagkakabalita na nakunan ang kanyang misis na si Neri Naig.

Sa sunud-sunod niyang tweets ay talagang ikinuwento ng Parokya ni Edgar frontliner na hindi niya gustong ilabas ang miscarrriage story ng misis niyang si Neri.

“Never nagpa-interview si Neri re her miscarriage. During a presscon for a new show, the reporters were told not to ask about her pregnancy.”

“Neri didn’t want to talk about it, still, she was asked by a reporter and had to answer truthfully because it was the courteous thing to do.”

“Nagalit ako kasi the initial news re her miscarriage felt heartless and insensitive. It made me want to hunt down the one who reported it.

Anyway, hinayaan ko na lang kasi I believe that it is always better to take the high road. :)” ‘Yan ang magkakasu- nod na tweets ni Chito.

The singer should be aware na isang legitimate story ang miscarriage ng kanyang misis. Siyempre, marami silang fans na gustong makibalita sa kanilang first baby.

Pagkatalo ng Showtime sa Aldub ng Eat Bulaga isinisi kay Vice Ganda



Matinding pressure para kay Vice Ganda ang biglang pagsikat ng AlDub. Matindi talaga dahil mula nang mamulat ang mga Pinoy na meron palang tambalang kinagigiliwan ngayon ang buong bayan ay napag-iwanan na sa rating ang It’s Showtime.

Si Vice Ganda ang iti- nuturing na kapitan ng barko ng programa ng Dos, kaya sa unti-unting paglubog nito, natural lang na sa kanya ituro ang sisi.

Kung anu-ano nang gimik ang ginagawa ng noontime show ng Dos, pero nakakaawa pa rin sila, pinakakain sila ng alikabok ng Eat Bulaga.

Double digit na ang rating na kanilang kalaban, pero ang It’s Showtime ay hirap na hirap pang makakuha ng single digit, pine-pressure siyempre ng pamunuan ng Dos ang produksiyon lalo na si Vice Ganda na tumatayong pinaka-leader ng tropa.

Hanggang hindi sila nakakaisip ng mga gimik na orihinal ay walang mangyayari sa kanilang pakikipagsalpukan sa Eat Bulaga.

Grabe ang epidemya ng kalyeseryeng pinagbibidahan nina Yaya Dub, Alden Richards, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo.

Panahon nila ngayon, kakampi nila ang kapalaran, kaya kahit anong pagtatambling pa ang gawin ni Vice Ganda ay mawawalan ‘yun ng katuturan.

Magmumukha lang silang kaawa-awa na gaya lang nang gaya, nakikiamot ng ideya sa kalaban nilang show, kailangang magi- sing ang mga hosts at staff ng It’s Showtime para kahit paano naman ay makabawi sila. Sa totoong-totoo lang.

Alex Medina: Wow, grabe yang si Angelica Panganiban!



IPINAGTANGGOL ng ma- galing na character actor na si Alex Medina si Angelica Panganiban sa mga intrigang naglalabasan na lagi itong galit at palamura sa set ng kanilang seryeng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sa panayam sa aktor sa presscon ng pelikulang “Heneral Luna” kamakailan ay natanong ito tungkol sa co-star niyang si Angelica na gumaganap na Madam Claudia sa PSY, natatawa lang daw siya sa mga kumakalat na chika.

Si Alex ang gumaganap sa role na Simon sa Pangako Sa ‘Yo, ang ex-boyfriend ni Madam Claudia. Ayon sa binata, magaling na aktres si Angelica at feeling niya, laging in character ang girlfriend ni John Lloyd Cruz sa set ng serye nila kaya marahil ay misunderstood lang ang aktres.
“Professional. Tahimik lang siya ‘tapos usap-usap sa eksena. Kapag rumolyo na, yun na,” aniya pa.

Hirit pa ng anak ni Pen Medina, “Feeling ko, very in-character siya, so nakakatuwa.
Intimidating lang si Madame Claudia kaya ang ganda ng ginagawa niya para sa character. Kahit ako natutuwa ako na, ‘Wow, grabe ‘yang si Angelica mag-ano.’ Yung hold niya sa character niya na si Madame Claudia. Talagang madame talaga siya.”

Bago nagsalita si Alex, nauna nang ipinagtanggol ni Joem Bascon si Angelica sa mga bashers nito at nagsabing maayos naman katrabaho ang aktres at never itong nag-inarte sa set.

Kasama rin si Joem sa Pangako Sa ‘Yo. Kamakailan ay naging u- sap-usapan na naman si Angelica matapos itong magwala sa galit at pagmumurahin ang kanyang bashers.
May kinalaman ito sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens na nagsabing gaya-gaya raw siya sa mga pino-post na litrato ni Bea Alonzo sa Instagram.

Samantala, umaasa naman si Alex Medina na panonoorin ng mga kabataan ang pelikula nilang “Heneral Luna” na pagbibidahan ni John Arcilla sa direksiyon ni Jerrold Tarog, “Sana mapanood ng mga kabataan, kasi iba din yung ipinaglaban ni Antonio Luna.

Talagang pasok, e. Panalo e.” “Ang ganda ng action dito. Grabe yung budget namin. Buti nga na malaki yung budget namin dahil hindi napipi- gilan ang direktor na pagandahin ang bawat eksena,” aniya pa na gumaganap sa movie na Jose Bernal, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Gen. Antonio Luna noong panahon ng Filipino-American War (1898).

Rufa Mae inokray sa mga bagong kadramahan sa buhay


Masyadong madrama itong si Rufa Mae Quinto. Noong una, ipinost ng comedienne na nagpunta siya sa isang clinic for a surgery pero hindi naman niya sinabi kung anong ipinaopera niya.


Ngayon naman, merong bagong drama ang hitad, ipinost niya sa Instagram account niya ang katawan niyang tadtad ng pasa with this caption, “This is what I’ve been though… Thru .. True and truth… So thank you lord for saving my life and yes… To my doctors.. May pag Asa pa.

“And I’m sharing this so I could be of help to people suffering and in pain. I will teach or atleast inspire and give support , advice , strength to people healed sickness , get ready physiologically and physically and spiritually emotionally .
I’m sharing this coz I’

m done being scared. So if u need superrrr B! Call me baby! I’m here . “Thanks to the people who really care . And loved me for being Booba ! For 20 years .

For Loving and Laughing WITH me NOT At me. For my nose bleed barok English . Guys! Ganon talaga . I love you all #hematoma #bloodclot.”

Meron pang isang video kung saan cry to death siya na nilagyan niya ng caption na, “Yessssss! Booba Cries kakayanin natin to guys!!! Super B .. Kahit masikip sa dibdib.”
Ano bang gimik ito, Rufa Mae? Bakit hindi mo sabihin sa followers mo kung saan mo nakuha ang mga pasa mo? Masyado kang papansin, ‘te.

Barbie, Thea patuloy na nagrereyna sa Afternoon Prime ng GMA



Hindi natitinag ang pamamayagpag ng Afternoon Prime block ng GMA Network dahil patuloy pa rin itong pinapaboran ng mas mara- ming manonood dahil sa dekalibreng programa na hatid sa pamilyang Pilipino tuwing hapon.
Bukod sa relatable na mga kwento ay tinututukan din ng mga manonood ang kahanga-hangang pagganap sa mga karakter sa bawat serye.

Patuloy ang The Half Sisters nina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa pagtataguyod ng pagmamahal at malasakit sa pamilya, maging ang Buena Familia na hatid ang aral ng katapatan at dignidad.

Hindi rin matatawaran ang inspirasyong dulot ng Healing Hearts dahil sa pagbibigay nito ng pag-asang malalampasan ang anumang kahirapan sa buhay.

Hindi maikakailang pinakapinapanood sa Afternoong Prime ang The Half Sisters na patuloy na pinapadapa at tinatalo ang kalaban sa TV ra- tings.

Siguradong mas tututukan ang programa dahil sa pagpasok ng karakter ng seasoned actress na si Cherie Gil bilang Magnolia.

Mapapanood din sa mga susunod na episodes ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid bilang Joaquin Castillo. Abangan kung ano ang magiging papel ni Ruru sa buhay ni Diana (Barbie Forteza).

Lola Nidora Cover sa VUGUL


Dingdong pinigilan ng mga kaibigan na tumakbo sa 2016



Kung may nagpu-push kay Dingdong Dantes na sumabak na sa politika sa 2016, may mga kaibigan din siyang nagsasabi na wag na niyang ituloy kung may balak siyang tumakbo sa dara- ting na eleksiyon.

Tulad ng matagal na niyang kaibigan na si Dino Guevarra na napapanood ngayon sa afternoon series ng GMA na Buena Familia, kung siya raw ang tatanungin, hindi niya ie-encourage si Dingdong na pasukin ang magulo at maiskandalong mundo ng politika.

“Kasi nakakatulong naman siya kahit hindi siya politiko, e. Maganda ang pagpapatakbo niya sa YES Foundation at marami na rin silang natulu- ngang mga kabataan.

“So, why run? Ang advice namin sa kanya hindi mo naman kailangan, e. Talagang dini-discourage namin siya. Kasi na-experience ko na rin yan nu’ng tumakbo ako, e.

Nagkonsehal ako sa Parañaque 2004. Tapos nu’ng 2010 tumakbo uli ako pero talo. After that, ayoko na, hindi naman traumatic, pero mahirap talaga,” paliwanag ni Dino nang makausap namin sa taping ng Buena Familia kamakailan.
“Actually, six years na namin pinag-uusapan yan, e. Anim na taon na niyang pinag-iisipan yan kung tatakbo ba siya o hindi.

So dati pang maraming humihikayat sa kanya, pero yun nga lagi naming sinasabi sa kanya hindi na niya kailangan,” hirit pa ng aktor na naging close kay Dong simula pa noong 1990s nang magkasama sila sa Abztract Dancers, hanggang maging magkatrabaho sa TGIS.

Nu’ng huli naming makausap si Dong, nagsalita na siya nang tapos – hindi siya tatakbo sa 2016 elections.  Maligaya rin si Dino ngayong magiging tatay na ang kaibigan niya sa first baby nila ni Marian Rivera,”I’m happy kasi magiging dad na si Dingdong.

I’m sure he’ll gonna be the best dad that he can be. “Magiging magaling na ama si Dingdong, long overdue na ‘yan sa kanya. I mean, alam na niya ang ginagawa niya diyan, at magiging good dad ‘yan at good mom si Marian,” sey pa ni Dino.

Lola Nidora cover sa TIML




Dennis: Maganda paglaki nila, sila ang magkatropa!



ISA sa mas nagpapatatag nga- yon sa relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay ang pagiging magkaibigan ng kanilang mga anak.

Kapag may pagkakataon ay nagkakasama ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar na si Calix at ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Huling nagkasama nang medyo matagal ang dalawang bagets ay sa nakaraang birthday party ni Alex Jazz kung saan isinama pa ni Dennis ang kanyang tatay.

Sey ni Dennis na muling magbibida sa pelikula bilang si Felix Manalo ng Iglesia Ni Cristo, malaking factor sa samahan nila ni Jen ang pagba-bonding ng kanilang mga anak, “Oo naman. Siyempre magandang tingnan na lumalaki silang magkasundo, maging close sa isa’t isa.

“Tutal pareho naman silang lalaki, e, di sila na ang magtropa later on. Masaya lang na tingnan na okay sila sa isa’t isa. “At saka mga bata pa ‘yan.

Bigyan mo lang ‘yan ng laruan, maglalaro na ‘yan together, di ba?” paliwanag ng Kapuso actor.

Nang matanong si Dennis kung ano pa yung mga napansin niyang magandang pagbabago sa friendship nila ni Jen, “Siguro yung pagiging open sa communication… yung pagkakaroon ng mas malawak na pag-iisip, at pag-iintindi.”
“Sa ngayon kasi, ilang taon na rin ang nagdaan. Marami na kaming pinagdaanan sa buhay, mga experience. So, ayun, masasabi kong naging okay kaming pareho.

In terms of maturity, siguro mas mature na kami pareho ngayon,” chika pa ni Dennis. Napangiti lang si Dennis sa kumalat na chika na ang magpapatunay daw na nagkabalikan na sila ni Jennylyn ay ang pagkakaroon nila ng term of endearment – “Paw” na raw kasi ang tawagan nila ngayon.
Marami kasi ang nakabasa sa komento niya sa isang post ng aktor sa Instagram. “Hindi, yun ang gamit namin sa My Faithful Husband. Du’n sa mga nakakapanood ng show, naiintindihan nila, kung bakit ganu’n ang tawagan namin.
Nagkataon lang na yun ang gamit namin, so akala ng iba na hindi alam, akala nila ay yun na ang term of endearment namin ni Jennylyn. Pero sa roles lang namin dun sa show namin together.”

Pero kung magkakabalikan daw sila ni Jen, mas gusto niya na may epesyal na tawagan sila, “Halimbawa, kung mahal mo ang isang tao, minsan kahit anong corny ang tawag mo sa isang mahal mo, bigla na lang may ganun, di ba?”

“Masarap din pakinggan yung tawagang ‘Babes,’ ‘Honey,’ ‘Sweetheart,’ ‘Heart,’ di ba? Parte na siguro yun sa relasyon, depende talaga sa inyong dalawa. Puwede naman na yung pangalan o palayaw mismo, depende talaga.

“Sa akin, okay naman yung espesyal na tawagan, para ma-feel naman nung karelasyon mo espesyal din naman siya,” sey pa ni Dennis.

Wally sa Cover ng ROLLING STORE


Marian isinumpa ng Basher, pati baby dinamay sa kabaliwan



GRABE naman ang isang basher ni Marian Something, talagang idinamay pa ang magiging anak ng aktres sa kanyang galit.

“It sucks and SPS is a bunch of freakin starlets why not have A List Actresses like Heart Evangelista, Lovie Poe or Carla Abellana not just pure blooded trashers like that Dirty Moon lady Ai Ai annoying and Marian who has to suffer miscarriage and let her Aids infest baby die Goah,” tweeted one @ekaterinamolavska kay Rams, ang alalay ng dyowa ni Dingdong.

“Hi @ekaterinamolavska Hindi kita kilala but it’s ok to bash me d naman ako artista wag ka lang mangdamay ng ibang tao wala din silang kasalanan syo.

Thanks for watching our show @gmasundaypinasaya,” sagot naman ni Rams. Actually, noong una ay si Rams ang bina-bash ni @ekaterinamolavska.

Sinumulan niya ito sa panglalait sa ilong nito. Grabeng panlalait naman ang inabot ng basher sa fans ni Marianita. “Kung usapan AIDS lang din..

Mukang ikaw ang meron nun @ekaterinamolavska ugali mo pa lang AIDS infested na, mas malala pa sa AIDS ang pagkatao mo.. God bless your soul darling,” said one fan.
“Unbelievable. There’s a special place in HELL for this kind of people. What a sorry excuse for a human being,” say naman ng isa pang Marian defender.

Say naman ng isang fan kay Rams, “sir, kahit saan account ng artista pakalat kalat yan, bastos talaga bunganga nyan. Walang modo, mukang walang magulang na nagturo sakanya ng magandang asal, siguro di rin sya nakatungtong sa eskwela kaya ganyan.

Di rin si- guro nagsisimba yan.. Ipagdasal na lang natin sya kawawa naman.. Pero faney nga sya ni ?? (H.O-E).”
Sino kaya ang basher ni Ma- rian at pati ang magiging anak nito ay idinamay pa. Hindi na siya natakot, parang wala siyang Diyos. Madalas naming pitikin si Marian pero never did we include her soon-to-be-baby.

That @ekaterinamolavska clearly has no SOUL. Wala siyang kaluluwa!!! Hindi siya TAO!!!

Lola Nidora in NEWSWEAK


Lola Nidora in COSMOPALITAN


Palaboy Magazine Cover noon ni Lola Nidora, kumakalat



Bukod sa tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub, hilig rin ng netizens na i-edit ang mga larawan ni Lola Nidora.

Matapos kumalat ang ilang throwback photos nito, na bahagi umano ng mga sikreto sa nawawala niyang diary, patok naman ngayon sa social media ang kaniyang pagiging cover girl sa ilang sikat ng magazines na ginawang ng parody ng netizens.

Joey Albert, nananatiling matapang sa kabila ng pagkikipaglaban niya sa Colon Cancer




Time is the most important thing in life, not money, not career… nothing, time talaga.” 

Ito ang pahayag ng OPM icon na si Joey Albert kaugnay ng muli niyang pakikipaglaban sa colon cancer.

Ito ang ikatlong pagkakataong na-diagnose na may cancer si Joey.

Basahin: Joey Albert battling cancer anew

Matatandaang noong 1995 ay matagumpay nang nalabanan ni Joey ang cervical cancer.

Ngunit noong 2003 ay na-diagnose naman siyang may colon cancer.

Gumaling siya matapos ang isang matagumpay na operasyon noong Hulyo 2013.

Pero noong January 2015 ay nag-recur o bumalik ang kanyang colon cancer, at muling inoperahan noong Marso.

Pahayag ni Joey tungkol sa kanyang panibagong pagsubok, “Scared and disappointed because I really thought that the last time was the last na.

“And I do get scared still if you really think about the longevity of your life here, the realization you’re not as strong as you think you are.

"But I do try to keep positive, because I feel it’s really the best medicine.

“I think if I lend myself to all this fear, I’ll slip.”

Matapang namang ibinabahagi ni Joey ang pagsailalim niya ng gamutan laban sa kanser sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Aniya, ito ay paraan upang humingi siya ng dasal at upang ibahagi ang kanyang karanasan sa mga taong may parehong pinagdadaanan.

“I share my battle, my journey with people, first of all, I need prayers and I’m not gonna pretend I don’t need help, because I do.

“And the other thing also, I feel that if I share my journey, there might be other people going through the same thing and I might be able to inspire, para naman may purpose ang pagkasakit ko,” saad ng singer.

Ilan sa mga pinasikat na awitin ni Joey ay ang mga sumusunod: "Tell Me", "A Million Miles Away", "Points of Views" (duet with Pops Fernandez), "Yakapin Mo Ako", at "Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Arnel Ignacio at Ken Psalmer nagkabalikan na



Nagkaayos na ang dating magkasintahan na sina Arnell Ignacio at Ken El Psalmer.

Sa live interview ng Startalk kanina, August 29, ibinahagi nina Arnell at Ken sa hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis ang kanilang naging pag-aayos.
- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/534859/showbiz/pep/arnell-ignacio-and-ken-el-psalmer-patch-things-up-but-are-just-friends-for-now#sthash.9sH5cSPN.dpuf


Una silang tinanong ni Joey kung sila ba ay nagkabalikan na at sino ang gumawa ng unang paraan para sila ay muling magkasundo.

Tugon ni Arnell, “Di naman kami nagkahiwalay, e!”

“Sige na, lalamunin ko na yung mga sinabi ko.

Sabay itinuro niya si Ken at sinabihan na siya na ang sumagot. “Ikaw na sumagot, ikaw may kasalanan, e!”

Paliwanag ni Ken, “Ngayon po bale, magkaibigan po muna kami.

“We patched things up naman na, e. So yung mga nangyari before, okey na kami, napag-usapan na namin.

Pagbabahagi naman ni Arnell, “Oho. So kung yung sorry mo, punung-puno ng sinseridad!”

Dagdag pa niya, “Nakatalikod ako, [sabi lang niya,] ‘Sorry.’ Ganun lang?

“Walang kakuwenta-kuwentang mag-sorry.”

Nilinaw naman ni Ken ang tungkol sa sinasabing mga naging ibang karelasyon niya habang sila pa ni Arnell.

Matatandaang nang naghiwalay ang dalawa, isa sa mga dahilan nito ay nang mahuli ni Arnell si Ken na may mga karelasyong iba.

Saad niya, “Yung mga nabalitaan po niya no’n, actually, yun yung past ko.

“So, nung nagkataon na rin na nalaman niya...”

Singit ni Arnell, “Echosera!”

Sagot naman ni Ken kay Arnell, “Totoo naman, e! Madali ka kasi maniwala kung saan-saan.

Bawi ni Arnell, “O, hindi na, sorry na.”

Pagpapatuloy ni Ken, “So, may mga nalaman niya po, actually, mga nauna, mga past ko yun.

“So nalaman niya, so siyempre yung mga taong nakapaligid sa 'min...”

Putol na naman ni Arnell, “Ganda-ganda mo kasi.

Tinanong naman ni Lolit ang dalawa kung sino raw ba sa kanila ang “beke,” o terminong ginagamit ni Lolit sa kung sino ang mas babae sa kanilang dalawa.

Sagot ng comedian-TV host, "Ito, mas!” sabay turo niya kay Ken.

Kontra naman ng up-and-coming singer, “Siyempre siya, long-hair siya, e.

Pumunta naman si Joey sa isang mas seryosong usapan nang tanungin niya si Arnell sa napapabalitang siya mismo ang nagpapagamit sa dating karelasyon.

Tanong pa ng komedyante kay Arnell, “Bakit ganun ka kabait ka sa kanya?”

Tugon niya, “Ewan ko nga rin, e.

“Hindi. Kasi ako naniniwala na magaling siya. Una magaling siyang singer, performer.

“Tsaka mukha siyang for entertainment [industry] talaga.

“Nanghihinayang ako na makitang manatili siyang ganun. -

Charo Santos napiling maging Gala Chair sa 43rd Emmy Awards



Si ABS-CBN president, chief executive officer, at chief content officer Charo Santos-Concio ang magsisilbing Gala Chair sa ika-43 International Emmy® Awards na gaganapin sa darating na Nob. 23, sa New York City.
Ito ang inanunsyo ng prestihiyosong International Academy of Television Arts & Sciences.

Pamumunuan ni Ms. Charo ang Gala, kung saan kikilalanin ng International Academy ang programming sa sampung program categories at gagawaran ng Special Awards sina Julian Fellowes, ang creator at writer ng Downton Abbey (Founders Award) at Richard Plepler, ang Chairman at CEO ng HBO (Directorate Award). Ang awards ceremony ay pangungunahan ng Egyptian satirist na si Bassem Youssef, ang dating host ng popular na TV show na Al-Bernameg (The Program) bilang host.

“Ms. Charo Santos-Concio is an internationally respected broadcast producer and executive who has spearheaded the growth of her organization to a leading position in the Philippines and the region beyond,” ani Bruce Paisner, President at CEO ng International Academy of Television Arts & Sciences.

“We are delighted to have her Chair our 2015 International Emmy Awards Gala.”

Sabi naman ni Ms. Charo, “Nagbabago na ang paraan ng panonood ng mga tao sa lahat ng panig ng mundo, ngunit sa kabila nito ay hindi nagbabago ang sigasig ng creators na gumawa ng mga mahusay at makabuluhang palabas sa iba’t ibang platforms na tumatatak sa mga tao.

“Ito ang ipinagdiriwang ng International Emmy Awards kada taon. Ikinararangal kong pangunahan bilang chair ang Gala na pagtatagpuin ang mga pambihirang indibidwal na ito mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at kilalanin ang kanilang galing at tagumpay,” aniya pa.

Itinalaga bilang President ng ABS-CBN si Charo Santos noong 2008 at bilang Chief Executive Officer noong Enero 2013. At noong 2014, nagwagi siya ng Gold Stevie Awards sa prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business at sa Asia Pacific Stevie Awards.

Pinangalanan din siyang Asian Media Woman of the Year ng ContentAsia, isang nangungunang publication na pinagkukunan ng mahahalagang imporma- syon tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific.
Sa TV, napapanood pa rin siya bilang host ng longest-running drama anthology sa Pilipinas na Maalaala Mo Kaya.

Nag-umpisa siya sa industriya bilang aktres at nanalong Best Actress sa 1977 Asian Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Itim.” Ang nominees sa 2015 International Emmy® Nominees ay iaanunsyo sa Oct. 5. Kasama sa sponsors ngayong taon ang Dori Media, Ernst & Young, Globo, Mipcom, Phoenix Satellite Television, Semba, Sofitel at Variety.

Rufa Mae tadtad ng pasa ang katawan dahil sa hematoma




MALALIM ang hugot ni Rufa Mae Quinto nang mag-post siya sa kanyang Instagram account ng isang litrato kung saan makikita ang napakaraming pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa seksing komedyana, ito’y sanhi raw ng hematoma o ang pamumuo ng dugo sa labas ng blood vessels. Nilagyan niya ang nasabing IG ng caption na: “This is what I’ve been though… Thru .. True and truth…

“So thank you lord for saving my life and yes…To my doctors.. May pag Asa pa… And I’m sharing this so I could be of help to people suffering and in pain.

I will teach or at least inspire and give support, advice, strength to people healed sickness, get ready physiologically and physically and spiritually emotionally.

“I’m sharing this coz I’m done being scared. So if u need superrrr B! Call me baby! I’m here. Thanks to the people who really care. And loved me for being Booba! For 20 years.
For Loving and Laughing WITH me NOT At me. For my nose bleed barok English. Guys! Ganon talaga. I love you all #hematoma #bloodclot.”

May mga nakisimpatya kay Rufa Mae, pero meron ding hindi sineryoso ang kanyang kundisyon, para raw kasing nagpapatawa lang ito at nagpapapansin lang sa madlang pipol para mapag-usapan.

Kalat na: Yaya Dub tinanggihan ang alok ng Ginebra at Team Pacquiao



Samantala, gaano katotoo ang chika na parehong tinanggihan ng kampo ni Yaya Dub ang alok ng Team Pacquiao at Ginebra na maging muse sa 41st Season ng PBA sa October 18.

Wala raw tinanggap na offer si Maine para sa anumang team sa PBA.

GMA muling bumuwelta laban sa SkyCable: May basehan ang reklamo










Tila hindi nagustuhan ng GMA 7 ang naging tugon ng Skycable na malisyoso at walang basehan ang reklamo ng Kapuso network sa National Telecommunications Commission tungkol sa pagkasira ng signal ng ilang subscribers kapag umeere na ang Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

Ayon sa ikalawang official statement ng GMA ang reklamong inihain ng network sa NTC ay mismong mga hinaing ng SkyCable suscribers, tungkol sa diumano’y kawalan ng channel signal ng GMA mula July 19 hanggang August 21.

Narito ang kabuuan ng bagong pahayag ng GMA hinggil sa naging sagot ng SkyCable sa kanilang reklamo: “SkyCable issued a press statement calling the complaint, which GMA Network filed with the NTC regarding the poor cable signal during the airing of the noontime show Eat Bulaga, particularly during the airing of its ’Aldub kalye-serye segment’, as malicious and without basis.

“In reply, GMA Network wishes to point out that: 1. GMA’s complaint with the NTC is based on the numerous complaints GMA has received from its viewers. “2.

Instead of merely saying that GMA’s complaint is malicious and without basis, SkyCable would do well to refute the specific complaints of GMA’s viewers submitted to the NTC, where the case is now pending.”

Sa unang sagot ng SkyCable sa nasabing reklamo, “isolated” case lang ang “service interruptions” na nararanasan ng kanilang subscribers.

Ayon sa mga viewers ng Eat Bulaga baka raw may nananabotahe sa noontime show dahil nga napakalakas nito ngayon sa mga manonood, lalo na kapag simula na ang kalyeserye ng AlDub.



0

0