Showing posts with label daniel padilla. Show all posts
Showing posts with label daniel padilla. Show all posts

Wednesday, October 7, 2015

Daniel & Kathryn







Tuesday, September 1, 2015

Pangako ni Daniel kay Kathryn: Lagi akong nandito kahit anong mangyari!



KILALANG-KILALA na raw ni Kathryn Bernardo ang kanyang rumored boyfriend na si Daniel Padilla. Sa tagal na raw nilang magkasama, kabisado na niya pag-uugali ng Teen King.

Ayon kay Kathryn nang mainterview ni Korina Sanchez sa Rated K last Sunday, sa mahigit apat na taon nilang pagiging magka-loveteam, marami na raw silang shared me- mories and discoveries ni Daniel tungkol sa isa’t isa.

Chika ng Teen Queen, alam na niya ang moods at ugali ni Daniel, kahit daw ang mga paboritong pagkain ng binata ay kabisado na niya kaya knows na raw niya kapag may pinagdaraanan ang akto at kung may mabigat itong dinadala.
Sobrang mysterious din daw si Daniel in some ways pero maalagain at lahat ay tinuturing na family.
Sey naman ni Daniel kay Kath, mababaw lang at madaling pasayin ang dalaga.


Anito, “Bigyan mo lang yan ng cotton candy masaya na ‘to, e.” Marami-rami na ring napuntahang lugar ang dalawa na magkasama, hindi lang dito sa Pili- pinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang paborito raw ni Kathryn ay Los Angeles, pati na rin ang Norway dahil sa magagandang tourist spots doon at dito rin daw nila naranasan ni Daniel na tumakbo sa yelo.
Tiyak namang kinilig nang bonggang-bongga ang milyun-milyong fans ng KathNiel sa mga naging mensahe nila sa isa’t isa.

Nang tanungin kasi ang magka-loveteam kung ano ang maipapa- ngako nila sa bawat isa, ang sey ni Kathryn kay Daniel, “After ng family ko, malaking part siya ng buhay ko forever.” Dagdag pa ng dalaga, hindi na raw mawawala ang shared me- mories nila ni Daniel habang siya’y nabubuhay.
Ang pangako naman ni Daniel kay Kathryn, “Lagi lang akong nandito, kahit anong mangyari.”

Speaking of pangako, patuloy pa ring nangunguna sa ratings game ang serye nila sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo, isa pa rin ito sa mga top trending topic sa Twitter gabi-gabi kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng dalawa sa mga manonood na hindi bumibitiw sa kuwento nina Yna Macaspac at Angelo Buenavista.


Tinanong sina Kathryn at Daniel kung ano ang mga favorite kilig scenes nila bilang Angelo at Yna sa Pangako Sa ‘Yo, sey ni Daniel hindi niya makakalimutan ang mga scenes nila ni Kathryn noong “nagkakailangan pa sila ni Yna.”
Favorite naman ni Kathryn ang eksena kung saan hinarana siya ni Angelo at ng buong Casa Corazon.

At kung gusto ni Kathryn na mag-date sila ni Daniel sa Amanpulo sa Palawan kung mabibigyan sila ng chance, ang dream date naman daw niya with Kathryn ay isang bonfire date sa “shore.” So, almost the same lang ang trip nilang gawin sa kanilang dream date, ‘no!




Wednesday, July 29, 2015

Babala ni Daniel: Wag na kayong magpapa-video nang nakahubad!



NASULIT ang mahigit kumulang tatlong oras na paghihintay ng mga fans sa Trinoma Activity Center kay Daniel Padilla sa launch ng Bench Fix Styling Tools last Saturday.
Na-traffic kasi si Daniel mula sa bahay nila sa Commonwealth. As expected dumagundong ang buong area paglabas ni Daniel sa stage pagkatapos rumampa ng mahigit 40 models ng Bench.
Nakita rin namin ang happiness ng Bench owner na si Ben Chan habang pinapanood si Daniel, kahit na nga pinaghintay sila ng Teen King.
Inamin naman ni Daniel na kinabahan siya paglabas niya ng stage sa Trinoma. Hindi na raw kasi siya sanay na nagmo-mall show.
Pero masayang-masaya raw siya dahil ang daming sumusuporta sa kanya. At hindi pa rin daw nagsi-sink sa kanya na sobra na siyang sikat.
“Happy lang ako dahil syempre hindi pa ako artista clay na ng Bench ang ginagamit ko, e. Tapos just imagine biglang ngayon ikaw na ang endorser.
So, sobrang ano, ewan ko, nakakatuwa,” lahad niya. Pagkatapos ng event, nakausap nga ng press si Daniel at dito na nga siya nagpaliwanag tungkol sa larawan niyang lumabas sa isang blog site na may hawak siyang electronic cigarette habang nasa taping ng serye niya na Pangako Sa ‘Yo.
“Hindi yosi ‘yun at hindi rin ‘yun droga. Vapor po ‘yun,” diin niya. Ayaw na raw niyang mag-yosi pero hindi naman niya sinasabing dapat lahat ay tumigil na rin sa pagsisigarilyo.
Pero siguro raw tayong mga tao, e, may mga sariling buhay din. Nagbigay din siya ng opinion sa nangyayaring iskandalo sa mga kabataang artista kamakailan.
Bilang kinikilala ngayon as Teen King, siya ay maging ehemplo dapat ng mga kabataan. “Tapos na ako du’n! Nauna ako…hindi loko lang.” Ang tinutukoy ni Daniel ay ang kinasangkutan niyang audio scandal noong nakaraang taon.
“Mag-ingat po kayo. At huwag na po kayong nagpi-picture nang nakahubad,” sabi pa ni DJ. Then, when we asked him kung mahilig din ba siyang i-video lahat ng aktibidades sa buhay niya, eto ang sagot ng binata, “Bakit ako pa? Iba na lang! Ha-hahaha! Hindi wala. Hindi ko po ginagawa ‘yun.”

Friday, December 5, 2014

Bonifacio (2014)



Monday, November 24, 2014

Bench Naked Truth Fashion Show 2014














































Sunday, November 23, 2014

Kathryn handa nang ‘HIWALAYAN’ si Daniel

Ngayon pa lang ay tanggap na ni Kathryn Bernardo na darating at darating ang araw na mabubuwag ang loveteam nila ni Daniel Padilla. Naniniwala kasi ang Kapamilya Teen Queen na walang loveteam na pang-forever sa showbiz.
“Wala naman yatang love team na forever kaya kahit ayaw mo na maka-loveteam na iba o kaya ay hindi ka sanay, e, part talaga ‘yon. Kahit ayaw namin siyempre hindi naman ‘yon pwede,” paliwanag ng dalaga sa interview ng ABS-CBN.
Marami-rami na ring nagawang proyekto together ang dalawa at halos lahat ay sinuportahan talaga ng kanilang fans, tulad ng mga seryeng Princess And I at Got To Believe, pati na rin ang mga pelikulang “Must Be Love” at “She’s Dating The Gangster.”
Pero sa ngayon, ayaw daw munang isipin ni Kathryn na magkakanya-kanya na sila ni Daniel sa kanilang career, sa katunayan, pareho na silang excited sa bago nilang proyekto, ang remake ng ’90s drama series na Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
“Ayaw muna naming isipin kasi nakakalungkot na kasama for almost three years tapos iba bigla ‘yung kasama mo. Well okay lang naman ‘yon.
Ayaw ko namang maging selfish sa kanya, pwede rin siyang i-love team sa iba, pero iba lang talaga na comfortable na kayo sa isa’t isa,” chika pa ni Kath.