Showing posts with label cristy fermin. Show all posts
Showing posts with label cristy fermin. Show all posts

Friday, December 4, 2015

Sheryl nagpipiyesta dahil sa mga kasong isinampa laban kay Grace?





Maraming nagtatanong, ano raw kaya ang nararamdaman ngayon ni Sheryl Cruz sa mga isyung kinasasangkutan ni Senadora Grace Poe, nagbubunyi raw kaya ang aktres na matagal nang nangnenega sa senadora?

Hindi ba’t nu’ng una pa man ay ‘yun na ang sigaw ni Sheryl, hilaw pa raw si SGP para kumandidatong pangulo, marami pa raw dapat pag-aralan ang senadora bago mangarap tumakbo sa isang mataas na posisyon.

Nu’ng isang araw ay masayang-masaya naman ang kampo ng senadora dahil sa ikalawang sultada ng kanyang laban sa Senate Electoral Tribunal ay ibinasura ang motion for reconsideration ng isang abogadong naghain ng kaso laban sa kanyang citizenship.

Panalo si Senadora Grace sa SET, pero sila naman ang maghahain ng MR ngayon sa COMELEC, sa kinukuwestiyon niyang residency ay natalo ang senadora sa botong 3-0.

Malayo pa ang pagta-tapos ng laban, sabi ng kampo ni Senadora Grace Poe, may karapatan pa siyang mag-apela hanggang sa makarating ang usapin sa Supreme Court.

Kapag pala inabot ng eleksiyon ang mga usaping ito nang hindi pa nareresolbahan, manalo o matalo si Senadora Grace Poe ay mawawalan na ng saysay ang lahat, kaya nag-aapura ang kanyang mga katunggali na madesisyunan agad ang mga kasong ihinahain laban sa senadora.



Tuesday, November 3, 2015

Maine bagong reyna ng TV Commercial; mga naninira sa AlDub butata, nganga




Maraming sikat na artistang nasagasaan nang hindi sinasadya ni Maine Mendoza, ang Yaya Dub ng sambayanang Pilipino, ang palagi nang nami-miss ngayon ni Alden Richards.

Nakamamangha naman kasi ang biglang pagdami ng kanyang TV commercials, kahit saang ista-syon ka tumutok ngayon ay mukha ni Maine ang bubulaga sa iyo, parang wala nang interes ang mga ahensiya ngayon sa ibang mga artista at sa kanilang loveteam na lang ni Alden nakasentro ang mga kumpanya.

Kunsabagay, ganu’n naman talaga sa mundo ng advertising, kung sino ang sikat at may magandang imahe sa publiko ang kanilang kinukuhang tagapag-endorso. At ang sigaw ng buong bayan ngayon ay AlDub.

Sila ang kinakikiligan ng ating mga kababayan, sila ang hinahanap at hinahangaan, kaya hindi natin masisisi ang mga agency kung bakit nakatutok ang kanilang tingin ngayon kina Maine at Alden bilang endorser ng kanilang mga produkto.

Parang kumpetisyon lang ‘yan sa bentahan ng paboritong pausok ng mga Pinoy. Nakakamangha dahil kahit saan ka magpunta, lalo na sa mga probinsiya, ang makikita mong tatak ng sigarilyo ay Mighty, Chelsea, King at Marvels.
‘Yun ang dahilan kung bakit sila ginagaya ng kanilang mga kalaban, ginagaya na nga ay sinisiraan pa, pinepeke na rin ngayon ang kanilang mga produkto. Para silang AlDub.

Ginagaya na ay sinisiraan pa, ibinabagsak dahil sila ang nasa itaas ngayon, kung anu-anong komento ng paninira ang pinalulutang tungkol sa pinakasikat na loveteam pero sorry na lang sa mga ito.

Nananalamin ang sambayanang Pilipino sa mga napapanood nilang eksena sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Ang kulturang Pinoy ay buhay na buhay sa kalyeserye.
Kaya hindi ‘yun basta komedya lang, hindi ‘yun basta pakilig lang, maraming natututuhan lalo na ang mga kabataan sa mga inili-litanya ni Lola Nidora.



Tuesday, October 20, 2015

Kilalang female celebrity naadik sa retoke, nagmukha nang unggoy




MAY nakakita sa isang dating magandang young actress na naninirahan na ngayon sa isang napakalamig na bansa. Nang ipakilala siya nu’n ay talaga namang siya ang sinasabing crush ng halos lahat ng mga male stars.

Napakaganda naman kasi niya talaga, sexy pa, kaya nakuha niya ang atensyon ng mga bagets na kasamahan niya. Pero sinuwerte ang isang actor-TV host, ito ang una niyang na-ging boyfriend, sumunod naman ay isang young comedian at nagtagal din ang kanilang relasyon.

Pero biglang nagbago ang mundo ng girl, may karelasyon siyang businessman, mula nu’n ay wala nang naging balita sa kanya.

Nu’ng minsang may mag-show sa malamig na bansa kung saan naninirahan ngayon ang dating magandang young actress kasama ang kanyang pamilya ay naloka ang source.
Bakit daw nagkaganu’n na ang dating crush ng bayan, ibang-iba na ang kanyang itsura, dahil nagpaayos ng mukha ang female personality.

“Ano ba naman ‘yun? Halos hindi na namin siya nakilala ng mga friends ko! Bakit niya pinabayaang pakialaman ng siyensiya ang face niya? Sorry, pero hindi ito OA, nagmukha na siyang monkey!

“Ang ganda-ganda niya dati, pero ang nose niya ngayon, huwag na huwag siyang titingala, dahil baka masalo niya ang ulan. Ano na ang nangyari sa kanya? Bakit niya pinabayaang magkaganu’n ang itsura niya?

“Ang ganda-ganda niya dati, maliit ang face niya, pero natural na natural ang beauty niya. Ngayon, para na talaga siyang monkey, napakalaki ng ipinagbago ng itsura niya!” windang na windang na kuwento ng aming impormante.
Bradly Guevarra, may kapangalan siyang naging champion sa isang labanan ng pabi-lisan, tunog-Italyana naman ang apelyido niya. Siya na ‘yun!

Thursday, October 15, 2015

Hiling ng Dabarkads: Sana si Kimpoy o si Bitoy ang gumanap na Isadora sa AlDub kalyeserye



Kahit saan kami magpunta ngayon ay panay-panay ang tanong ng ating mga kababayan, sino raw ba si Isadora, ang idadagdag na karakter sa matagumpay na kalyeserye ng Eat Bulaga?
“Mahaba ang buhok ng nakatalikod na babaeng i-pinakikita. Parang babae nga, pero parang may duda ako na lalaking magbebeki-bekihan din ang magiging Isadora, e!
“Sana nga, e, si Keempee de Leon na lang si Isadora. Magaling gumanap na becki si Keempee, sila ni Michael V ang babagay sa naghahanap na mommy ni Yaya Dub!” excited na komento ng becki naming kaibigan na si Sonia.
Kapala-palakpak ang ginawang pagpapalit ng karakter nina Yaya Dub at Jose Manalo nu’ng isang araw, kailangan nilang mag-disguise, takot na takot kasi si Lola Nidora (Wally Bayola) sa sorpresang pagsulpot ni Isadora para kunin na sa kanila ang anak nitong si Maine Mendoza.

Saturday, October 3, 2015

Sheryl biglang bawi; nagpadala sa mga sulsol ng mga kumakalaban kay Grace l





Anumang pagbawi at pagbabalanse ang gawin ngayon ni Sheryl Cruz ay mawawalan na ng saysay. Pinuhin man niya ngayon ang kanyang mga pinagsasasabi laban kay Senadora Grace Poe ay wala nang mangyayari dahil ikinapit 
sa kanya ng publiko ang imahe ng kawalan ng utang na loob.

‘Yun ang mahirap sa mga taong hindi muna nag-iisip nang maraming beses bago magpakawala ng mga salita. Nagpapadala sila sa mga bulong, sa mga sulsol, siguro’y ramdam na ramdam na ngayon ni Sheryl ang masasakit na salitang ibinabalik sa kanya ng mga taong nagmamahal kay Senadora Grace at kanyang tiyahing si Ms. Susan Roces.

Iniiba-iba na niya ngayon ang kuwento, hindi raw naman niya sinabing ayaw niyang kumandidatong pangulo si Senadora Grace, paano niya pasisinungalingan ngayon ang sinabi niyang botante rin siya at ayaw niyang malagay sa hindi magandang sitwasyon ang ating bayan?

Dapat munang sagutin nang totoong-totoo ni Sheryl ang dahilan kung bakit hindi man lang niya sinilip ang bangkay ng kanyang ama. Hanggang hindi siya nagpapakatotoo ay wala ring paniniwalaang kahit ano ang mga kababayan natin sa mga nililitanya niya.

Sa respetong-respeto na lang para sa kanyang tiyahin, dapat ay nag-isip muna si Sheryl Cruz bago siya nagpadala sa mga bulong at sulsol ng mga taong pagkatapos siyang gamitin ay sa basurahan din naman ang kanyang tuloy, ang nagagawa nga naman ng pagiging Spell M.
As in!


Sunday, September 27, 2015

Sheryl walang utang na loob, Pati si Susan Trinaydor





Lumantad na si Mrs. Norma Lim, isang negosyanteng nagtiwala kay Sheryl Cruz, pero ngayon ay nadadamay sa mga akusasyon ng aktres dahil ginigipit daw siya ng kanyang mga dating manager.

Ang mga tinutukoy niyang manager ay sina Tita Dolor Guevarra at Tita June Rufino, ang dalawa raw ang utak sa mga nangyayari nga-yon sa kanyang career, idinamay niya pati ang negosyanteng walang ibang kasalanan kundi ang pagkatiwalaan siya.

Masakit sa loob ni Mrs. Norma Lim ang mga pinaggagagawa ngayon ni Sheryl, “Parang tunay na anak na ang turing sa kanya ni Ms. Susan Roces, tapos, ganito pa ang ibinabalik niya sa tiyahin niya?

“Nakakahiya ang mga pinagsasasabi ni Sheryl, pati akong nananahimik, e, idinamay pa niya, samantalang binigyan ko na nga siya ng hanapbuhay nu’ng mga panahong ang sabi niya, e, kailangan niyang kumita para sa anak niya!” 

punumpuno ng sentimyentong kuwento ni Mrs. Norma Lim.
Ayaw bigyan ng panahon ni Manang Inday ang mga kuwentong-kutsero ng kanyang pamangkin, kilalang-kilala kasi nito si Sheryl, kaya ayaw nang magsayang pa ng panahon ng respetadong aktres.

Saan ngayon pupulutin si Sheryl Cruz, hindi naman panghabampanahon ang eleksiyon, nakakalungkot pero ang nakadikit na paglalarawan sa kanya ngayon ay walang delicadeza at utang na loob.

Sabi pa ng isang kasamahan namin, “Ano kaya ang nakain ni Sheryl at ipinagka-nulo niya ang mismong mga kadugo niya? Bakit siya nagpagamit, bakit siya nagpadalus-dalos?



Friday, September 25, 2015

Sheryl Cruz binuhay ang bangkay; ’BINUGBOG’ ng mga kakampi ni Grace





Negang-nega ang imahe ngayon ni Sheryl Cruz, natupad ang kanyang pa-ngarap na bumida siya sa mga pahayagan, radyo at telebisyon, ang nakalulungkot lang ay sa anong paraan?

Nabubuhay ngayon si Sheryl sa pamba-bash ng ating mga kababayan, gusto man o hindi si Senadora Grace Poe, maraming naiinis kay Sheryl dahil sa mga ginagawa niyang pangmamaliit sa kapasidad ng senadorang tatakbo sa panguluhan sa 2016.

“Kailan pa siya naging political analyst? And what does she know about politics? Ano ba ang ipinagmamalaki ni Sheryl at ganyan na lang ang ginagawa niyang paninira kay Senator Grace?

“Saka bakit ipinapasok niya ngayon sa usapan ang mommy niya na matagal na raw na nananahimik sa Amerika, sino ba ang kumakaladkad sa pangalan ng mommy niya, di ba’t siya lang naman?

“Hindi raw sila magkapatid ni Senadora Grace, magkaiba raw ang mga magulang nila, sabi ni Sheryl. E, teka lang muna, sino ba kasi ang nagpipilit magsabing magkapatid sila, meron ba?

“Ibalik ba ang nakaraan, buhayin ba ang bangkay para lang siya mapag-usapan? Gusto rin ba naman kasi siyang maging kapatid ni Senator Poe?

“Huwag naman sana, dahil kapag totoo ang iniisip ng iba, e, magiging katapusan na ‘yun ni Sheryl! Huwag sanang totoo ang haka-haka ng iba na nagpapagamit siya sa mga kalaban sa posisyon ni Senator Grace!” napapailing na sabi ng aming source.



Saturday, September 19, 2015

Singer-actress binalaan: Peperahan lang ng negosyanteng BF




HANGGANG ngayon ay marami pa ring nagdududa sa pinasukang relasyon ng isang magandang singer-actress. Hindi na siya bagets, pero may karapatang umibig, sa haba ng panahon ng kanyang pagsasakripisyo sa dati niyang minahal ay dapat lang naman siyang mapremyuhan ngayon.
May mga kasamahan pa rin ang singer-actress na nagdududa sa motibo ng lalaking pinili niyang makasama. Parang natatakot ang mga ito sa kanilang kaibigan.
Nakarating kasi sa grupo ang mga nagdaang relasyon ng lalaki, puro mga kilalang pangalan sa lipunan ang mga ex nito, lumulutang tuloy ang ideya na materyal na bagay lang ang habol ng negosyante sa magandang singer-actress.
Pero pagtatanggol ng isang malapit sa female personality, “Palagi na lang bang pera ang habol ng lalaki sa babae? Hindi ba puwedeng may love muna? Bakit kasi laging motibo ang tinitingnan. Bakit hindi muna tingnan kung maligaya ang babae sa boyfriend niya?
“At saka past is past. Kung ganu’n man ang tingin ng iba sa guy, okey lang, pero paano kung totoong-totoo pala ang hangad niya sa girl? E, napakalaya na namang makipagrelasyon ang girl at ang liga-ligaya niya ngayon, sa totoo lang!” kuwento ng aming source.
Kahit saan sila makita ay punumpuno ng pag-ibig ang kapaligiran. Hindi sila nahihiyang iparamdam ang pagmamahal nila sa isa’t isa, daig pa nga nila ang mga bagets na magkarelasyon, ganu’n na ganu’n.

“Huwag na nilang pakialaman ang happiness ni ____ (pangalan ng magandang singer-actres), sobra-sobrang sakripisyo na ang pinagdaanan niya. Naipakita niya sa buong mundo na napaka-sincere niyang magmahal.

Bashers kay Kris: Gumanda lang siya dahil sa kayamanan at pagpaparetoke





Napakaganda mo naman!” ‘yun ang reaksiyon ng isang becking nakausap namin tungkol sa binitiwang pahayag ni Kris Aquino sa kanyang programa na kung nakita lang daw niya ang itsura ng babaeng kinalokohan nu’n ng kanyang ex ay hindi na sana siya nagsayang ng panahon.

Walang tinukoy na pangalan ng ex niya si Kris, hindi rin niya tinukoy ang pagkakakilanlan sa babae, kaya ang opinyon ng aming kausap ay parang pitik-bulag din.

Sabi pa nito, “Kung makaganu’n naman si Kris, para namang ang ganda-ganda niya! Bakit naman ganu’n ang tabas ng dila niya, e, wala naman siya sa posisyon para mamintas ng itsura ng kahit sino?

“Ano ba? Kundi naman sa yaman niya at tulong ng siyensiya, e, hindi naman ganyan ang magiging itsura niya, di ba? OA naman ang reaction niya, naka-base talaga siya sa physical lang, ‘no!

“Ang unang dapat niyang pinanghinayangan, e, ang nasira niyang relasyon sa ex niya at hindi ang itsura ng babae. Kung ang tingin ni Kris, e, napakaganda na niya at pangit ang girl, e, di wow!” sarkastikong komento ng kausap naming becki.

Nakalimutan na nga yata ni Kris ang kasabihan na anumang uri ng babae ang ipinalit sa kanya ng lalaki ay nakalalamang pa rin sa kanya ang babaeng ‘yun.

Kahit pa mababang klase ng babae ang kinahumalingan ng lalaki ay nakahihigit pa rin ito sa pinalitan dahil ito ang kasalukuyan at siya ay bahagi na lamang ng nakaraan.



Tuesday, September 15, 2015

Sharon, Gary napanganga sa panggagaya ni Eric kay Willie





Pagkatapos nang limang taon ay muling nakita ang retrato ni Willie Revillame sa ABS-CBN. Taong 2010 ito umalis sa network para lumipat sa TV5 at nanatili naman sa ista-syon nang tatlong taon.

Mula nu’n ay hindi na nakita pa ang video o retrato man ng aktor-TV host sa Dos. Nagkademandahan kasi sila, ipinanalo ni Willie ang mga asunto laban sa kanya ng ABS-CBN, natural lang na hindi na ito suportahan ng pinanggali-ngan nitong istasyon.

Pero nu’ng Linggo nang gabi ay walang pamimilian ang Dos kundi ang ipakita ang standee at mga larawan ni Willie Revillame, ang TV host na gagayahin ni Eric Nicolas, dating jester sa mga programa ni Willie.

Wasak na wasak ang mga judges at manonood sa ginawang panggagaya ng magaling na komedyante kay Willie, hindi ‘yun nakapagtataka dahil mahabang panahon ang kanilang pinagsamahan, alam na alam ni Eric ang galaw at boses ng kanyang kaibigan.

Top 1 si Eric Nicolas nu’ng unang sultada ng Your Face Sounds Familiar, nakaipon siya ng 42 points, aliw na aliw sa kanya si Sharon Cuneta at saludo naman sa kanyang talento si Gary Valenciano.

Palagi naming pinatutugtog ang piyesang “Ating Pag-ibig” ni Eric Nicolas sa aming programa sa radyo.

Nakakaaliw rin ang kanyang kanta, tulad ni Willie ay si Vehnee Saturno rin ang composer ng piyesa, nagsisimula na nga ang pagle-level-up ni Eric Nicolas na napakagaling na stand-up comedian.

Sayang na sayang ang kanyang talento kung hindi ‘yun masisilip ng publiko.



Monday, September 14, 2015

Enrique Gil inokray ng bashers, tinaguriang lalaking ‘Melissa Mendez’



Sa minsang paglalasing-pagwawala lang ay heto, namarkahan na ang pangalan ni Enrique Gil, napasama na siya ngayon sa listahan ng mga artistang walang disiplina sa sarili kapag nasasayaran na ng agua de pataranta ang lalamunan.

Siya ang tinatawag na “lalaking Melissa Mendez” ngayon dahil sa eroplano rin nangyari ang kanyang pagwawala, ang pambabastos niya sa kanyang mga kasamahan, ang malapit nang paghuli sa kanya ng airport police ng London dahil sa kanyang kalanguan.

At ganu’ng siya na nga ang nagkamali ay binibira pa ng mga tagahanga nila ni Liza Soberano si Jessy Mendiola, ang nabastos pa ang binabastos nga-yon ng mga tagasuporta ng aktor, kaya nagbanta na ang ina ng dalaga na idedemanda si Enrique kapag patuloy pa ring sinaktan ng kanyang mga tagahanga si Jessy.

Tama na kasi ang pamba-bash, umamin na nga si Enrique na nagkamali siya, may aral na siyang napulot sa karanasang ito. Huwag na uli siyang maglalasing dahil hindi naman pala niya kayang kontrolin ang kanyang sarili kapag nakainom na siya.

Ganu’n na lang para ma-tapos na ang kuwento. Para mapahinga na ang istoryang hindi na dapat pang ulitin ng aktor. Sayang na sayang ang tambalan nila ni Liza Soberano, maba-ngung-mabango pa naman sila, umasim lang nang dahil sa kuwentong paglaklak-pagwawala ni Enrique.

Kapag hindi kayang panindigan ang isang bagay ay huwag nang pagtangkaan. Ganu’n lang kasimple ‘yun.



Sunday, September 13, 2015

Enrique wasak ang imahe; mga kapamilya sa Dos hugas-kamay




Kani-kanyang hugas-kamay na ang mga artista ng ABS-CBN tungkol sa hindi kagandahang insidenteng naganap sa eroplano habang bumibiyahe sila papuntang London.
May nagbigay ng alak, may nalasing, may nagwala. May mga naabalang pasahero, may mga nainis na flight attendant, pero walang may gustong umamin ngayon kung sino ang pinag-ugatan ng kahiya-hiyang sitwasyon.
Ang naipit nang todo, siyempre pa, ay ang naging makulit na si Enrique Gil. Pinakakain ng apdo ngayon ng mga netizens ang guwapong binata, pinangaralan siya’t sinisi sa nangyari, kundi sanay uminom ay huwag nang magtangka dahil siguradong may nakaabang na senaryo.
Ayun nga, nangulit nang nangulit si Enrique, minura sina Liza Soberano at Jessy Mendiola habang galit pa kay Luis Manzano nang sawayin siya nito sa kakulitan.
Maitatago nilang magkakasama ang insidente, kahit ang kanilang mga road managers ay makapagdedenay sa naganap, pero sila lang ba ang mga pasahero ng eroplano para hindi lumabas ang nangyari habang nasa biyahe sila?
Kulang na kulang sa pag-iingat ang maraming artista, itinuturing nilang pasaporte sa pagiging palalo ang popularidad na hawak nila, nasa huli ang pagsisisi.
Manghingi man ng paumanhin ngayon si Enrique Gil ay naganap na ang naganap, natatakan na siya, matagal na panahon pa ang kailangang lumipas bago makalimutan ‘yun ng publiko.



Friday, September 11, 2015

Mawawasak ang magandang career dahil lang sa alak ‘Sayang na sayang talaga si Enrique Gil!’





Nakapanghihinayang ang popularidad ni Enrique Gil. Ang ganda-ganda pa naman ng markang meron ang kanilang tambalan ni Liza Soberano.

Tinangkilik ng ating mga kababayan ang kanilang serye, umangat ang kanyang popularidad, pero sisirain lang pala ‘yun ng kawalan niya ng disiplina sa pag-inom.

Anumang katwiran ang ibigay ngayon ng binatang aktor ay mababalewala na. Nangyari na ang lahat, nakapanakit na siya ng kanyang mga kasamahan, kumalat na ang kuwentong magbibigay ng lamat sa kanyang karera at pa-ngalan.

At hindi lang paglala-sing ang kuwentong ikinakabit sa kanya ngayon kundi pagwawala, ihinaham-bing tuloy siya sa isang magaling na aktor na sinira rin ng bisyong paglaklak, sayang na sayang ang aktor na ito.

Kung minsan talaga ang hindi kinakayang hawakan ng mga popular na artista ang kanilang disiplina. Natatangay sila ng kung anu-anong gawain na siguradong magtatatak nang negatibo sa kanilang imahe, sa kanilang pangalan, sa oportunidad na napakatagal nilang hinintay pero masasayang lang pala nang madalian.

Siguradong tatakpan ng damage control ng mga nag-aalaga sa kanyang career ang kuwento, pero sayang dahil hindi lang naman silang magkakaibigang artista ang sakay ng eroplano, maraming pasaherong kababayan din natin ang nakasaksi sa kanyang pagmamarakulyo.

Sayang na karera, sayang na imahe, sayang na pagkakataong maganda na paminsan-minsan lang naman dumarating sa buhay ng mga artista.

Dahil lang sa kapangyarihan ng agua de pataranta, siguradong matataranta ngayon ang mga tagapagtanggol ng isang guwapong batang aktor na minahal na sana ng masa, pero nasayang pa.

Thursday, September 10, 2015

True ba, Arnell napabayaan na ang negosyo dahil sa lalaki?




Dahil sa sobrang pag-focus sa kanyang lovelife ay may nagpasimuno sa pagpapakalat ng balita na sarado na ang negosyo ni Arnell Ignacio.

Ang kanyang business na Creative Hair Systems na nasa second floor ng Greenhills Shopping Center ang tinutukoy ng nagkuwento, hindi na raw napagkikita du’n ang magaling na komedyante-TV host, kaya siguro i-pinalagay nito na sarado na ang negosyo ni Arnelli.
Walang katotohanan ‘yun, napakarami nga nilang ginagawang wig ng mga artista ngayon, tulad na lang ng gagamitin ni Kim Chiu sa bagong seryeng pagbibidahan nito.
“Buhay na buhay ang business ko, ewan naman kung sino ang nagpakalat na nagsarado na raw kami. Kung ang basis niya, e, hindi na raw ako masyadong nakikita sa Greenhills, hindi enough reason ‘yun.

“Very responsible ang staff ko, kahit sa telepono lang ang communication namin, puwede ko nang ipagkatiwala sa kanila ang business ko. Mapagkakatiwalaan sila.

“Hindi lang naman kasi ang Creative Hair Systems ang pinagkakaabalahan ko, may mga tinatanggap din akong shows, nagho-host ako, car racer pa ako,” pahayag ni Arnelli.

‘Yun ang totoo, pero mas magiging maayos siguro ang lahat kung tatantanan na ni Arnelli ang pagtutok sa kanyang lovelife, business na muna bago ang pagsasayang ng panahon para sa mga taong wala namang naidudulot na maganda sa kanya.

Wednesday, September 9, 2015

Binigyan ng jacket, cellphone, TV at may bonus pang cash Special child na namamanata sa Quiapo kasama ang Nanay…pinaligaya ni Willie





Umabot na sa iba-ibang bansa ang kadakilaan ng puso ni Willie Revillame, maraming kaibigang tumatawag at nagte-text sa amin ngayon na nakikiusap, pakiparating daw namin sa aktor-TV host ang kanilang paghanga.
Napakasimple lang naman ng senaryo kung tutuusin, tumugon si Willie sa hiling ng mag-inang Aling Jean at Engelbert na ininterbyu ni Jessica Soho na makita siya nang personal, humanap ng panahon si Willie para makipagkita sa mag-ina.
Si Aling Jean na ang tumayong ina ni Engelbert (Kuting ang kanyang palayaw) na may sakit na cerebral palsy, palagi silang namamanata sa Poong Nazareno sa Quiapo, in-upload ng isang kababayan natin sa social media ang kanilang retrato.
Isang magandang istorya ng mag-ina ang i-pinalabas sa programa ni Jessica Soho, mas nagkaroon ng ningning ang istorya nang makita ng mag-ina si Willie Revillame, napakasarap ng ngiti ni Kuting nang makaharap na nito ang kanyang idolo.
Sabi ni Aling Jean, nang mawala raw sa himpapawid si Willie ay hinahanap siya ni Kuting, “Siya lang ang nagpapasaya sa anak ko, kaya nu’ng mawala si Willie sa TV, hinahanap siya palagi ni Kuting.”
Binigyan ni Willie ng jacket, cellphone at TV ang mag-ina, nagbigay rin siya ng monetaryong ayuda, pero hindi na niya ‘yun ipinakita sa mga camera.
Maligayang-maligayang umuwi sina Aling Jean at Engelbert pagkatapos ng kanilang pagkikita ni Willie Revillame. Puring-puri ng ating mga kababayan si Willie dito at sa iba-ibang bansa man.
Napakalapit naman kasi talaga sa puso ng aktor-TV host ang matatanda at bata lalo na ang mga special children. Isa lang ang nasabi ni Willie Revillame sa mga papuring tinatanggap niya, “Masarap tumulong sa mga higit na nangangailangan.
Mula sa puso ang lahat, napakasaya ko kapag nakakakita ako ng mga kababayan nating nakangiti.”
Tulad ng napakasarap na ngiti ng maysakit na si Kuting na hindi mapapantayan nang kahit magkano nang magkaharap na sila ng kanyang Kuya Wil.




Monday, September 7, 2015

Hulaan Ninyo: Tisoy na aktor nakipagsubuan ng ice cream sa gwapong hunk




NAPAKATAGAL na panahon nang pinagdududahan ang kasarian ng medyo may edad nang tisoy na aktor. Nu’ng bagu-bago pa lang siyang nag-aartista ay marami nang nagsasabing berde ang kulay ng kanyang dugo.
Marami siyang nakaparehang aktres, pero gaano man kagaganda ang mga ito, kahit minsan ay hindi siya naugnay kaninuman.

Ang kanyang galaw ay marahan. Pinung-pino. Kaya sigaw ng mga kapatid, “Kumpirm! Trulili, kapatid nga siya!” At mula nu’n ay nagpatuloy na ang pagdududa sa seksuwalidad ng tisoy na aktor.

Kailan lang ay nakita ang tisoy na aktor sa isang malaking mall. May ice-cream parlor sa loob, nandu’n siya, kumakain ng sorbetes kasama ang isang guwapong lalaki.

Salamin lang ang pa-gitan ng kanilang kinaroroonan sa mismong daanan ng tao, kitang-kita sila mula sa labas, walang naitago ang may edad nang aktor sa mga nakakita sa kanya habang nakikipagsubuan ng ice-cream sa kasama niyang macho.

“Late bloomer ba siya? Parang hindi naman, kasi nu’ng nagiging leading man na siya sa mga movies na ginawa niya, ang tawag sa kanya ng production staff, e, leading lady, di ba?

“Kapag dumarating na siya sa set, agad nang may magsasabi, ‘O, ready na tayo, nandito na ang lea-ding lady natin.’ Kaya lang, ngayon lang siya talaga lumalabas-labas na may kasamang mhin.

“Talagang nagpapakita na siya, wala na siyang pakialam. Wala na kasi siyang kailangang itago, bukelya na siya, saka wala na siyang kasama sa buhay,” kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra, may paborito kang kanta na binago mo ang lyrics, di ba? Si Aida O Si Loida O Si Fe?

Saturday, September 5, 2015

Rica Peralejo tinawag na laos, uhaw sa publicity





Napakalaking tulong ng social media ngayon sa ating lipunan. Maraming trabaho ang napapabilis, parang madyik ang pagdaloy ng komunikasyon, kumportable ang lahat dahil sa social media.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging paborable para sa atin ang iba-ibang porma ng social media, meron ding panahon na sa halip na makatulong ay ‘yun pa ang naglalagay sa atin sa alanganin, tulad na lang ng nangyari kay Rica Peralejo.

Sumama raw ang kanyang pakiramdam, nagpunta siya sa ospital, pero hindi niya nagustuhan ang ginawang pagpaparetrato sa kanya ng mga nurses na nandu’n.

Agad-agad na nagsumbong si Rica sa kanyang social media account, nakiayon naman sa kanya ang mga kaibigan niya, pero mas niratrat siya ng mga negatibong komento ng mga netizens na hindi nagkagusto sa kanyang ginawa.

Tinawag siyang publicity hungry, mas masakit ang isa pang salitang ipinakain sa kanya, laos. Matagal na kasing wala sa sirkulasyon si Rica, mula nang mag-asawa siya ay nanahimik na ang aktres, at kapag matagal na hindi napapanood ang artista ay laos ang itinatawag sa kanila ng iba.

Sa postura kasi ni Rica ay parang gusto niyang mawalan ng trabaho ang mga nurses na nagpa-picture sa kanya dahil sa termino niyang ginamit na “Isusumbong ko sila!”
Ayon sa mas nakararami, dapat nga raw ay nagpasalamat pa si Rica dahil kahit hindi na siya aktibo sa pag-aartista ay kilala pa rin siya, pero hindi pala okey para sa kanya ang ganu’n.

Sana’y nagpairal na lang ng diplomasya si Rica Peralejo. Kaya nga artista-entertainer ang tawag sa mga tulad nila ay nagpapasaya sila ng publiko.

Tuesday, September 1, 2015

Willie pinipilit ng mga kilalang politiko na tumakbong Senador sa Eleksiyon 2016




Maraming alok na sa pagpasok sa mundo ng pulitika ang tinatanggihan ni Willie Revillame. At ang nakagugulat ay hindi niya kailangang magsimula sa ibaba, mataas na posisyon agad ang inilalatag ng mga kumakausap sa kanya, pagiging senador.

Bakit daw hindi tumakbong senador si Wilie samantalang kilalang-kilala siya sa pagtulong sa ating mga kababayan? May punto naman ang mga lumalapit sa kanya dahil maraming buhay na ng mga Pinoy ang kanyang binago sa pamamagitan ng kanyang mga programa.

Ang milyun-milyong papremyo na meron pang house and lot at sasakyan ay hindi nga naman biro, hindi sa lahat ng panahon ay may nakapagbibigay ng ganu’n kagandang oportunidad sa ating mga kababayan, kaya puwedeng-puwedeng kumandidato si Willie sa susunod na taon.
Pero mukhang umuuwing luhaan ang mga emi- saryong nagpupuntahan kay Willie, matatag ang kanyang disposisyong hindi pagtakbo, ang kanyang katwiran ay tama nang nakatutulong siya nang walang anumang posisyon sa gob- yerno.

Kung ngayon gaganapin ang eleksiyon ay siguradong lusot na sa labanan si Willie, mataas na numero ang makukuha niyang boto ng ating mga kababayan, dahil napakaganda ng kanyang puso para makatulong sa ating mga Pinoy na sayad na sayad sa kabuhayan.

Madalas niyang sabihin, tama nang nandito lang siya kapag nangangailangan ng ayuda ang mga kababayan nating kapuspalad, hindi na niya kaila- ngan pang maging pulitiko para lang makatulong.

Sunday, August 30, 2015

Pagkatalo ng Showtime sa Aldub ng Eat Bulaga isinisi kay Vice Ganda



Matinding pressure para kay Vice Ganda ang biglang pagsikat ng AlDub. Matindi talaga dahil mula nang mamulat ang mga Pinoy na meron palang tambalang kinagigiliwan ngayon ang buong bayan ay napag-iwanan na sa rating ang It’s Showtime.

Si Vice Ganda ang iti- nuturing na kapitan ng barko ng programa ng Dos, kaya sa unti-unting paglubog nito, natural lang na sa kanya ituro ang sisi.

Kung anu-ano nang gimik ang ginagawa ng noontime show ng Dos, pero nakakaawa pa rin sila, pinakakain sila ng alikabok ng Eat Bulaga.

Double digit na ang rating na kanilang kalaban, pero ang It’s Showtime ay hirap na hirap pang makakuha ng single digit, pine-pressure siyempre ng pamunuan ng Dos ang produksiyon lalo na si Vice Ganda na tumatayong pinaka-leader ng tropa.

Hanggang hindi sila nakakaisip ng mga gimik na orihinal ay walang mangyayari sa kanilang pakikipagsalpukan sa Eat Bulaga.

Grabe ang epidemya ng kalyeseryeng pinagbibidahan nina Yaya Dub, Alden Richards, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo.

Panahon nila ngayon, kakampi nila ang kapalaran, kaya kahit anong pagtatambling pa ang gawin ni Vice Ganda ay mawawalan ‘yun ng katuturan.

Magmumukha lang silang kaawa-awa na gaya lang nang gaya, nakikiamot ng ideya sa kalaban nilang show, kailangang magi- sing ang mga hosts at staff ng It’s Showtime para kahit paano naman ay makabawi sila. Sa totoong-totoo lang.

Saturday, August 29, 2015

April Boy nag-iiyak: Si Willie ang unang tumulong sa operasyon ko!



Isang tribute para sa Jukebox King na si April “Boy” Regino ang tinatrabaho na ngayon ng staff ng Wowowin. 

Nu’ng minsang maging guest namin sa radyo ang Idol Ng Bayan ay tiyempo namang nanonood pala si Willie Revillame.


Nasundan niya ang kuwento ng pagkakasakit ng singer-composer, binanggit pa nga siya ni ABR bilang pinakaunang artistang tumulong sa pagpapaopera ng mata nito, nalungkot si Willie dahil bulag na ang mga mata ni April Boy.

Wala nang bisyon ang kaliwa nitong mata, bahagya na lang na nakakabanaag ang kanan, hindi ‘yun agad maoperahan dahil kailangan pang palakasin ang singer na napakaraming Pinoy ang pinasaya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

“Napakalaki ng pangalan ni April Boy sa mundo ng music, marami siyang pinasayang kababayan natin through his songs. It’s about time na mabigyan na siya ng tribute,” tanging nasabi ni Willie.

Ngayon nga ay naghahanda na ang kanyang staff para sa tribute na gagawin ng Wowowin para sa singer-composer, nakausap na nila ang mga singers na kaibigan ni ABR, ang mga ito ang kakanta ng kanyang mga piyesa.

Iyak nang iyak si April Boy nang malaman nito ang plano ni Willie, pati ang kanyang misis na si Madel ay iyak din nang iyak, ibang klase raw talagang magpahalaga si Willie Revillame.

“Nu’ng manghingi po ako ng tulong kay Kuya Willie, nagpadala siya nang walang tanung-tanong. Salamat po sa kanya, isa po siyang tunay na kaibigan,” sabi ni April “Boy” Regino.