Showing posts with label grace poe. Show all posts
Showing posts with label grace poe. Show all posts

Friday, December 4, 2015

Sheryl nagpipiyesta dahil sa mga kasong isinampa laban kay Grace?





Maraming nagtatanong, ano raw kaya ang nararamdaman ngayon ni Sheryl Cruz sa mga isyung kinasasangkutan ni Senadora Grace Poe, nagbubunyi raw kaya ang aktres na matagal nang nangnenega sa senadora?

Hindi ba’t nu’ng una pa man ay ‘yun na ang sigaw ni Sheryl, hilaw pa raw si SGP para kumandidatong pangulo, marami pa raw dapat pag-aralan ang senadora bago mangarap tumakbo sa isang mataas na posisyon.

Nu’ng isang araw ay masayang-masaya naman ang kampo ng senadora dahil sa ikalawang sultada ng kanyang laban sa Senate Electoral Tribunal ay ibinasura ang motion for reconsideration ng isang abogadong naghain ng kaso laban sa kanyang citizenship.

Panalo si Senadora Grace sa SET, pero sila naman ang maghahain ng MR ngayon sa COMELEC, sa kinukuwestiyon niyang residency ay natalo ang senadora sa botong 3-0.

Malayo pa ang pagta-tapos ng laban, sabi ng kampo ni Senadora Grace Poe, may karapatan pa siyang mag-apela hanggang sa makarating ang usapin sa Supreme Court.

Kapag pala inabot ng eleksiyon ang mga usaping ito nang hindi pa nareresolbahan, manalo o matalo si Senadora Grace Poe ay mawawalan na ng saysay ang lahat, kaya nag-aapura ang kanyang mga katunggali na madesisyunan agad ang mga kasong ihinahain laban sa senadora.



Friday, September 25, 2015

Sheryl Cruz binuhay ang bangkay; ’BINUGBOG’ ng mga kakampi ni Grace





Negang-nega ang imahe ngayon ni Sheryl Cruz, natupad ang kanyang pa-ngarap na bumida siya sa mga pahayagan, radyo at telebisyon, ang nakalulungkot lang ay sa anong paraan?

Nabubuhay ngayon si Sheryl sa pamba-bash ng ating mga kababayan, gusto man o hindi si Senadora Grace Poe, maraming naiinis kay Sheryl dahil sa mga ginagawa niyang pangmamaliit sa kapasidad ng senadorang tatakbo sa panguluhan sa 2016.

“Kailan pa siya naging political analyst? And what does she know about politics? Ano ba ang ipinagmamalaki ni Sheryl at ganyan na lang ang ginagawa niyang paninira kay Senator Grace?

“Saka bakit ipinapasok niya ngayon sa usapan ang mommy niya na matagal na raw na nananahimik sa Amerika, sino ba ang kumakaladkad sa pangalan ng mommy niya, di ba’t siya lang naman?

“Hindi raw sila magkapatid ni Senadora Grace, magkaiba raw ang mga magulang nila, sabi ni Sheryl. E, teka lang muna, sino ba kasi ang nagpipilit magsabing magkapatid sila, meron ba?

“Ibalik ba ang nakaraan, buhayin ba ang bangkay para lang siya mapag-usapan? Gusto rin ba naman kasi siyang maging kapatid ni Senator Poe?

“Huwag naman sana, dahil kapag totoo ang iniisip ng iba, e, magiging katapusan na ‘yun ni Sheryl! Huwag sanang totoo ang haka-haka ng iba na nagpapagamit siya sa mga kalaban sa posisyon ni Senator Grace!” napapailing na sabi ng aming source.



Thursday, September 24, 2015

Pagkontra ni Sheryl sa pagtakbong pangulo ni Grace gimik lang?





MARAMI raw mga taga-entertainment press ang nagtampo sa sinabi ni Sheryl Cruz na hindi pa raw panahon para sa pinsan niyang si Sen. Grace Poe ang tumakbo ito sa pagkapangulo.

Bakit naman sila magtatampo kay Sheryl? Why can’t they just understand or respect Sheryl’s decision eh karapatan niya i-yon? Kahit sino sa atin ay may kaniya-kaniyang choices kung sinu-sino ang iboboto natin sa anumang halalan. Just because pinsan ni Sheryl si Sen. Grace ay kailangang automatic na sasang-ayon na lang siya kung labag naman sa kalooban niya?

Not because she doesn’t like her to run now ay i
big sabihin nang hindi niya mahal ang pinsan niya.
Malinaw naman ang pagkasabi ni Sheryl na hindi pa right time for her Manang Grace to run for president sa 2016 – puwede pa raw sa 2022. That’s perfectly right kung kami rin ang tatanungin tungkol dito. Kumbaga, too soon for Sen. Grace to run for the highest position of the land.

Hindi porke anak siya ni late FPJ and veteran actress Ms. Susan Roces ay tiyak nang mananalo siya. Eh kung ang late dad nga niyang tumakbo before ay natalo, siya pa kayang anak lang.

For Sheryl to say what she truly felt took a lot of courage – pero nasabi niya nang maayos. She was not fighting her cousin naman – ang sinasabi ni Sheryl ay hindi right time – kumbaga hindi pa hinog ang pinsan niya to run dahil pag pinagpilitan nila itong tumakbo, mas lamang na matatalo ito. 
Yes, she may be very po-pular sa surveys – pero huwag nating kalimutang hawak ng administrasyon ang makinarya.

Huwag din nating kalimutang malakas din talaga si VP Jejomar Binay na nakauna nang umikot sa buong bansa. Kaya walang guarantee na sikat si Sen. Grace Poe para makasigurong ma-nanalo siya. Show of concern lang yung kay Sheryl and that should be taken positively.

Dapat nga magpasalamat pa ang buong angkan ni Sen. Grace that there’s someone like Sheryl in their family na nagbubukas ng isipan nila – that she is not ripe to run for presidency. Iba yung ripe to become president at iba rin ang ripe to run for presidency. These are two different scenarios and I admire Sheryl for doing so.
Kung tutuusin pa nga, mas dapat pa nilang ipagpasalamat ang ginawa ni Sheryl at lalong napag-u-sapan ngayon si Sen. Grace. Kung iisipin mo nga, baka strategy pa nila ito para lalo silang lumakas sa media mileage. We wouldn’t know – alam niyo naman kung gaano kagulo at kadumi ang politics, di ba?


Maraming mga ganap na hindi natin mawari minsan.
Kaniya-kaniya tayo ng choices kung sino ang iboboto natin sa susunod na halalan. Some choose those who have helped them in the past – some say, “Naku, mga hinayupak na iyan. Magagaling lang pag nangangampanya pero pag nakaupo na hindi mo na malapitan. Kaya doon na lang ako sa pinakikinabangan ko”.

Totoo naman, eh. More often than not, yung mga dati nating minanok na naupo ay deadma na during their entire term pero pag malapit na ang halalan, parang mga maaamong tupang nakikipagkaibigan sa atin. Sumisimpleng nakikiusap pero pag nakaupo na, ni anino nila ay hindi mo na makikita.
Pag may kailangan ka sa kanila ay pagpapasa-pasahan ka hanggang sa mainis ka na lang. Kaya tama pa yung may attitude na kung kanino siya may pakinabang doon siya. Hindi mo sila masisisi kasi halos karamihan namang lumalabas ay matatalino nga sana pero mas masahol pa sa pobol pag nasinagan na ng salapi.

Peralang naman ng bayan ang habol ng karamihan sa mga iyan eh. And that power na very addictive. Hay naku, sa eleksiyon ngayon, kuwartahan na lang ang mga kandidatong iyan para patas ang laban, ok?

Saturday, September 19, 2015

Susan kinontra ang mga tsismis kay Grace Poe





TALIWAS sa kumakalat na balita, 100 percent pa rin ang suporta ng movie queen na si Susan Roces sa kandidatura ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe sa 2016 presidential elections.

Sa gitna nga ng mga pamba-bash kay Sen. Grace, partikular na ang mga banat sa kanya ng hilaw pa sa pagtakbong pangulo next year, naniniwala ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na handa na ang kaniyang anak na pasanin ang mga responsibilidad ng pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Ani Ms. Susan, kilala niya ang anak at hindi ito susuong sa isang tungkulin nang hindi ito pinaghahandaan at pinag-isipang mabuti. Todo-suporta ang biyuda ni Da King Fernando Poe, Jr. sa senadora pati na rin sa running mate nitong si Sen. Chiz Escudero noong nagdeklara ang mga ito ng kanilang kandidatura kamakailan.

“Nakikiisa ako sa damdamin ng aking anak at alam ko na kung anuman yung kanyang susuungin ay pinaghadaan niyang mabuti, pinag-isipan niyang mabuti,” ang pahayag ni Ms. Susan sa isang panayam.

Ang tanging panalangin ng movie queen para sa kaniyang anak ay gawin nito ang nakakabuti para sa bansa at mga kababayan, “Ang aking panalangin ay gabayan siya ng Panginoong Diyos na gawin kung ano ang makabubuti para sa ating bansa at sa ating kapwa Pilipino.”

Dagdag pa ng veteran actress, “Sa lahat ng mga sumusuporta kay Grace, ‘yung mga naririto at ‘yung mga nasa kanilang mga tahanan, maraming-marami pong salamat sa pagbibigay suporta ninyo na nagbibigay naman ng lakas ng loob para sa kanya na pasukin ang larangan na ito. Marami pong salamat.”



Saturday, August 22, 2015

Erap nabuking habang nasa puntod ni Fpj: Si Grace ang mamanukin sa Eleksiyon 2016



Ayon sa mga kuwentong lumalabas ay hindi pa sigurado ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada kung sino ang kanyang susuportahan sa panguluhan sa darating na halalan.

Kung sino sa pagitan nina VP Jejomar Binay at Senadora Grace Poe Llamanzares ang gusto niyang ikampanya sa pagiging pangulo ay wala pa raw siyang tiyak na maisasagot.
Kaibigang-matalik kasi ni Mayor Erap ang Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na ama ni Senadora Grace, kaibigan niya naman at kapartidong maituturing si VP Binay, nakapagitna raw siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato.

Pero nu’ng nakaraang Huwebes, sa isang misang ginanap sa harapan mismo ng puntod ng nagdiwang ng kaarawang si Da King, ay nadulas ang dila ng aktor-pulitiko.
Sa kanyang maigsing mensahe para sa pumanaw niyang bestfriend ay binati ni Mayor Erap ang lahat ng mga nakaalala sa kanyang kaibigan, pero pagdating sa pagpapakilala niya kay Senadora Poe ay binitiwan niya ang salitang, “Ang susunod na…”

Hindi niya ‘yun itinuloy, sa halip ay itinutok niya ang mikropono sa mga nandu’n, kaya ang isinagot sa kanya ng mga ito, “Ang susunod na pangulo ng ating bayan!”
Dahil du’n ay kumalat na agad ang mga ispekulasyon na ang anak ng kanyang kaibigang-matalik na si Da King ang susuportahan niya sa susunod na eleksiyon.

Hindi si VP Binay. Lalo namang hindi si DILG Secretary Mar Roxas na minamanok ng partido Liberal.
Si Senadora Grace Poe Llamanzares.

Thursday, August 20, 2015

Susan Roces nag-ala-FPJ para kay Grace: Pag puno na ang salop, dapat kalusin na!



Ano ngayon ang masasabi ng mga umuupak kay Senadora Grace Poe Llamanzares tungkol sa kanyang pagkatao at sa kanyang citizenship?

Nagsalita na ang Reyna Ng Pelikulang Pilipino, galit na galit ang beteranang aktres sa mga paninirang pinalulutang ng mga pulitikong ngayon pa lang ay takot na takot nang makalaban ang senadora, kahit naman sinong ina ay ganu’n din ang gagawin sa pagmamalasakit at pagmamahal na ipinakita ni Ms. Susan Roces.

Matagal na nanahimik si Manang Inday, marami nang may gustong makainterbyu sa kanya, pero ayon sa beteranang aktres ay kayang-kaya pa ng kanyang anak ang madugong laban sa mundong pinasok nito.

Pero ina si Manang Inday, hinding-hindi siya makapapayag na basta na lang yurakan ang pagkatao ng isang anak na itinuring na niyang kanya talaga, kinakalos nga naman ang salop kapag umaapaw na.

Emosyonal ang mga litanya ng aktres, ramdam na ramdam sa kanyang pagsasalita ang matinding pagmamahal ng ina sa kanyang supling, walang nanay na basta na lang papayag na duru-duruin ng kahit sino ang kanyang anak.

Sinabi ni Manang Inday na kailanman ay hindi nila tinawag ng namayapa niyang mister na si Fernando Poe, Jr. na ampon si Mary Grace, sarili nilang laman at dugo ang kinagisnang uri ng pagmamahal ng senadora sa piling nilang mag-asawa, kaya lalong hindi makapapayag si Manang Inday na bastusin ng kanit sino ang magiting na mambabatas.

Ngayon magsalita uli ang mga traydor kung ituring na kalaban ni Senadora Grace, ngayon sila magsalita, para makita nila ang mga ayaw nilang makita.



                                                                                 by Cristy Fermin

Sunday, August 16, 2015

Ate Guy niresbakan ang mga kaaway ni Grace Poe sa politika



KITANG-KITA ni Superstar Nora Aunor si Fernando Poe, Jr. sa anak nitong si Sen. Grace Poe, kaya naman ipinagtanggol din nito ang senadora sa pambabatikos ng ilan nitong detractors sa politika.
Sa gitna nga ng mali- lisyosong mga isyu na ibinabato laban kay Sen. Grace, siniguro ni Ate Guy na “101 percent support” ang ibinibigay niya sa anak nina FPJ at Susan Roces.
Ayon kay La Aunor, handa siyang suportahan si Sen. Grace sakali ngang magdeklara na itong tumakbo sa 2016 elections, “Para sa akin dapat lang siyang tumakbo bilang presidente dahil isa siya sa mga kakaunting matino at masigasig na opisyal ng gobyerno na nakikita ko,” sabi ni Ate Guy.
“Madali siyang lapitan, maunawain siya. Wala akong kaduda-duda sa kanyang kakayahan at katapatan bilang isang Pilipino at public servant.
Ako ay 101 percent na sumusuporta sa kanya,” dagdag niya. Paliwanag ng superstar, nakikita niya ang yumaong FPJ sa katauhan ng senadora.
Aniya, pareho silang mapagkumbaba at may malasakit sa mga mahihirap. “Sa totoo lang, mas naki- kitaan ko siya ng malasakit at pagmamahal sa Pilipino kaysa sa mga tumutuligsa sa kanya.
Si Sen. Grace ay isang magandang halimbawa ng isang Pilipinong tunay na naglilingkod sa bayan. Siya ang dapat tularan ng mga sinasabing batikang pulitiko diyan,” ani Ate Guy.
Pero nilinaw ng Superstar na hindi niya sinusuportahan si Sen. Grace dahil anak ito ni FPJ, na isang matalik na kaibigan at naging katambal niya sa ilang pelikula.
May sariling talino at diskarte aniya ang senadora, na napagmasdan niya noong una pa lang itong umupo sa Senado at nagsulong ng mga panukala upang makatulong sa mga mahihirap at sa industriya ng pelikulang Pilipino.