Showing posts with label kim chiu. Show all posts
Showing posts with label kim chiu. Show all posts

Monday, October 26, 2015

Kim Chiu nakiusap: 'Wag nang palakihin ang isyu AlDub fans, Allan K rumesbak sa isyung ‘recycled’ ang gown ni Yaya Dub





ISA ang TV host-comedian na si Allan K sa mga nagtanggol kay Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa mga bashers na walang ginawa kundi ang gumawa ng isyu mula sa isang maliit lamang na bagay.

Usap-usapan kasi ngayon ang gown na isinuot ni Yaya Dub sa “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga noong Sabado sa Philippine Arena – recycled lang daw pala ito dahil una nang naisuot ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nasabing Francis Libiran gown sa isang fashion show noong 2013.

Kumalat pa nga sa social media ang litrato ni Kim suot ang kaparehong gown ni Maine noong Saturday, at dahil nga rito, maraming nang-okray kay Maine.
Pero siyempre, hahayaan ba ng milyun-milyong netizens na nagmamahal kay Yaya na basta apihin ang ka-loveteam ni Alden Richards?

Ayon sa ilang comments na nabasa namin sa Twitter at Facebook, wala naman daw issue kung nagkapareho ng gown sina Maine at Kim, nangyayari naman daw talaga iyan sa showbiz.

At mismong ang fashion designer nang si Francis Libiran ang nagsabi na binili ng Eat Bulaga wardrobe team ang gown ni Maine at hindi pa raw ito nagamit ng kahit sinong artista sa kahit anong event.

Komento naman ng isang AlDub fan, “Naku, wag nang ikumpara si Yaya kay Kim Chui, wag nang maki ride sa mga pumuna ng gown damit lang yan. Ang importante ang nangyari sa PhilArena.

Hindi magagawa ni kim chui un, eh kung movie lang ang pag uusapan wag kayong atat oi abangan sa december 25 ipapakita namin kung anung kakayahan ng aldub!”

Sa kanyang official Twitter account halatang napikon din si Allan K sa mga namba-bash sa gown ni Maine, aniya sa kanyang post, “Wag na lagyan ng issue yung gown.

Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?” Kasabay nito, hinamon din ng komedyante ang mga bashers ni Yaya, “Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets.

Ok?” Kahit si Kim ay nakiusap na huwag nang palakihin ang isyu ng gown nila ni Maine, aniya sa kanyang Instagram post, “No hate please. A gown is just a gown…its how you make people happy.

Friday, October 9, 2015

Maja: Yung relasyon namin ni Kim na nawasak, unti-unti na pong nabubuo!




NAKASARADO pa rin daw ang puso ngayon ni Maja Salvador. Single siya pero hindi ibig sabihin ay malungkot ang personal life niya dahil wala siyang boyfriend.

Nilinaw din niya ang balita na nagdededmahan sila everytime na magkikita sa studio ng ASAP 20, “Nagpapansinan po kami ‘pag nagkikita kami, nagbebeso siya tapos ako ‘pag nakikita ko siya, nagbebeso.”

Bukod kay Gerald, unti-unti na ring bumabalik ang friendship nila ng kanyang dating BFF at ex-girlfriend din ni Gerald na si Kim Chiu.

“May mga bagay na ka-ming dalawa lang ni Kim ang nakakaalam at parang ayoko nang idetalye po ‘yun, ayoko ng balikan (ang nakaraan) kasi sa ngayon sobrang happy ako na okay kami ni Kim.

Na minsan, parang pabalik na ‘yung friendship kasi iba kami minsan mag-usap sa ASAP. “So ‘yun po, sobrang masaya ako kung anuman ‘yung estado nu’ng kung anong meron kami ni Kim, yung papuntang friendship nga po…kasi kung nawasak ‘yung dati, sobrang nadurog, ito paunti-unti, binubuo,” chika pa ni Maja sa interview ng ABS-CBN.

Nag-react din si Maja sa mga isyu noon na kaya sila naghiwalay ni Gerald ay dahil hindi siya gusto ng ina ng aktor na si Mrs. Vangie, “Siguro ‘nung umpisa, parang ganon naman eh, nagpakananay.

Siyempre sobrang mahal niya ‘yung anak niya, inaalagaan niya ‘yung anak niya.  “Pero in fairness kay Ge-rald naman, hindi niya pinaramdam sa’kin na dapat kami magpaapekto sa kung ano.

Pero ‘yun gusto kong ipagtanggol si Tita Vangie kasi nu’ng kami po ni Gerald, i-nalagaan naman niya ako at saka naramdaman ko naman na minahal po niya ako,” esplika pa ni Maja.

Sunday, September 27, 2015

Kim Chiu



Image result for gma kapuso stars

Sunday, August 2, 2015

Claudine ipinagtanggol si Kim sa bashers: Hindi siya retokada!



May ipinost na picture si Claudine Barretto sa kanyang Instagram account recently kung saan kasama niya si Kim Chiu.
Nag-comment ang ilang followers ng nakahiwalay na misis ni Raymart Santiago na halatang-halata raw naman na nagpa-nose job si Kim.


Hindi naman daw ganyan katangos ang kanyang nose noong nasa PBB house pa siya. Pero agad na sumagot si Claudine sa nasabing follower at ipinagtanggol si Kim na kasama niya ngayon sa pelikulang “Etiquette For Mistresses” with Kris Aquino.
Claudine defended Kim by saying, “No po, hindi po retokado si Kim.” Ah, talaga lang, ha!


R

Friday, July 31, 2015

Ogie kay Kim Chiu: Panindigan mong recording artist kana!



SA gitna ng kontrobersiya hinggil sa pagsikat at pagbenta ng mga album at concerts ng non-singers sa bansa, binigyan ng payo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit president Ogie Alcasid si Kim Chiu na isang singer na rin ngayon.
Sa episode ng Kris TV kahapon, hiningan pa ni Ogie ng sampol si Kim – kinanta ng Teleserye Princess ang Chinese song na “Peng Yu” na pinasikat niya noon sa Pinoy Big Brother Teen Edition (2006).
“We are entertainers so no one can question ‘yung value ng entertainment na binibigay mo. Ibig sabihin, may bumibili ng plaka mo,” sabi ni Ogie kay Kim habang pinag-uusapan nga nila ang isyu sa mga non-singers sa Pilipinas.
“Kapag nasubukan mo rin sa pagko-concert at pinanood ka, makukwestiyon ba natin ‘yon? Hindi, ‘di ba? Nag-e-entertain tayo ng mga tao so ‘yung value na ibinibigay mo sa pag-e-entertain mo, hindi natin makukwestiyon ‘yon.
Saka ‘yung taong bumibili ang nagde-decide kung gusto nila ang mga kanta mo, ang concert mo. Hindi nila kasalanan ‘yon,” dagdag pa ng mister ni Regine Velasquez.
Sinabi pa ni Ogie kay Kim Chiu na hindi mawawala ang mga bashers kahit na sa mga tunay na singers, “Ganoon talaga. Laging may mapupuna, ganoon talaga ‘yon.
Panindigan mo na singer ka. Panindigan mo na recording artist ka.”