Showing posts with label dingdong dantes. Show all posts
Showing posts with label dingdong dantes. Show all posts

Friday, December 4, 2015

Baby nina Marian at Dingdong inuulan ng offer sa commercial




Tulad ng inaasahan ng lahat, tila anghel ngang bumaba sa lupa ang itsura ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Napakaganda ni Baby Letizia sa mga litratong ipinost ng mag-asawa sa kanilang Instagram account.
Balitang napakarami nang natatanggap na offer nina Marian at Dingdong para gumawa ng TV commercial ang sanggol, pero wala pa raw tinatanggap ang GMA Primetime King and Queen.

Mismong si Marian na ang nagsabi noon na gusto muna nilang i-enjoy ni Dingdong ang kanilang first baby bago nila ito payagang gumawa ng commercial. Sa kanyang Instagram account, ilang litrato ni Baby Letizia ang ipinost ni Dingdong, pero ang pinakapaborito niya raw sa lahat ay ang nasa pahinang ito kung saan nakabalot sa lampin ang baby.

“I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10,” ang caption niya sa nasabing picture. Sey naman ni Marian sa kanyang IG, “41 weeks akong nag hintay , 18 hrs na nag labor.

Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko, @dongdantes.

“At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga ta-yong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina.

Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia” dagdag pa ng aktres.  Samantala, bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, active rin ngayon si Dingdong pagdating sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang aspeto ng Climate Change.

Layunin niyang maturuan ang kanyang bawat Filipino na maging handa sa lahat ng mga sakunang maaari nating maranasan sa mga darating pang panahon. Ngayong Linggo (Dec. 6), mapapanood sa SNBO ng GMA ang 2Degrees, isang dokyumentaryong patungkol sa Climate Change.

Kasama ng Kapuso Primetime King sa napapanahong dokumentaryong ito ang GMA News personality na si Jiggy Manicad. Hosted by Dingdong, this documentary will aim to answer all the questions that each of these fathers have about the causes of the most devastating natural calamity that struck the Philippines this decade – typhoon Yolanda.

Sabi nga ni Dingdong, “This is the right time to be informed. Learn more about climate change and realize the pressing need to take action with this special documentary.”



Friday, September 11, 2015

Dingdong namakyaw ng mamahaling baby dress sa New York





Just like their lavish wedding, luxurious ang baby dresses na pinamili ni Dingdong para sa kanyang magiging anak.
As posted by one big DongYan fan-cum-blogger na parang publicists ng mag-asawa, nag-shop daw si Dingdong sa Babie R Us noong nasa New York siya.

But that’s not all. He also did shop at the chi chi stores like Burberry and Dolce & Gabbana. Impressive enough? Kinda. But what baffles us is that this blogger seems to have a penchant for everything luxurious.

Talagang she makes an effort to post bran-ded items purchased by the couple. Parang magkakasakit siya kapag hindi niya na-namedrop ang signature items na na-accumulate ng mag-asawa.

Why the fascination for anything branded, my dear?



Sunday, August 30, 2015

Dingdong pinigilan ng mga kaibigan na tumakbo sa 2016



Kung may nagpu-push kay Dingdong Dantes na sumabak na sa politika sa 2016, may mga kaibigan din siyang nagsasabi na wag na niyang ituloy kung may balak siyang tumakbo sa dara- ting na eleksiyon.

Tulad ng matagal na niyang kaibigan na si Dino Guevarra na napapanood ngayon sa afternoon series ng GMA na Buena Familia, kung siya raw ang tatanungin, hindi niya ie-encourage si Dingdong na pasukin ang magulo at maiskandalong mundo ng politika.

“Kasi nakakatulong naman siya kahit hindi siya politiko, e. Maganda ang pagpapatakbo niya sa YES Foundation at marami na rin silang natulu- ngang mga kabataan.

“So, why run? Ang advice namin sa kanya hindi mo naman kailangan, e. Talagang dini-discourage namin siya. Kasi na-experience ko na rin yan nu’ng tumakbo ako, e.

Nagkonsehal ako sa ParaƱaque 2004. Tapos nu’ng 2010 tumakbo uli ako pero talo. After that, ayoko na, hindi naman traumatic, pero mahirap talaga,” paliwanag ni Dino nang makausap namin sa taping ng Buena Familia kamakailan.
“Actually, six years na namin pinag-uusapan yan, e. Anim na taon na niyang pinag-iisipan yan kung tatakbo ba siya o hindi.

So dati pang maraming humihikayat sa kanya, pero yun nga lagi naming sinasabi sa kanya hindi na niya kailangan,” hirit pa ng aktor na naging close kay Dong simula pa noong 1990s nang magkasama sila sa Abztract Dancers, hanggang maging magkatrabaho sa TGIS.

Nu’ng huli naming makausap si Dong, nagsalita na siya nang tapos – hindi siya tatakbo sa 2016 elections.  Maligaya rin si Dino ngayong magiging tatay na ang kaibigan niya sa first baby nila ni Marian Rivera,”I’m happy kasi magiging dad na si Dingdong.

I’m sure he’ll gonna be the best dad that he can be. “Magiging magaling na ama si Dingdong, long overdue na ‘yan sa kanya. I mean, alam na niya ang ginagawa niya diyan, at magiging good dad ‘yan at good mom si Marian,” sey pa ni Dino.

Tuesday, August 18, 2015

Ate Guy kay Dingdong Dantes: Naku, idol na idol ko po ‘yun!



“ISA talaga ito sa mga inaabangan ko, para sa akin dream come true.

 Ako’y namamangha every time I see her!”  Ito ang pahayag ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang tanungin tungkol sa pagkakataong makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na mapapanood na nga sa GMA Telebabad series na Pari ‘Koy.

Aniya pa, “Gusto ko ring maranasan ‘yung karangalan na makatrabaho ang isa sa pinakamalaking artista sa kasaysayan ng industriyang ng pelikulang Pilipino.”

Ngayon, hindi na lamang ito pangarap dahil mapapanood na nga si Ate Guy sa Pari ‘Koy na siyang pinagbibidahan ni Dingdong.

Hindi naman nagawang itago ni Ate Guy ang kanyang pananabik na makatrabahong muli ang batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes na nakasama na rin niya sa kanyang mga naunang pelikula.

At sa isang panayam ay ibinahagi niyang pinakahihintay din niya ang makatrabaho si Dingdong, “Idol ko ‘yun. Nagkita kami minsan sa backstage sa isang awards night.

Sabi ko pa nga gawa kami ng pelikula. Ito nga, finally, nagkaroon na ng katuparan na magkatrabaho kami.”  Gagampanan ni Ate Guy ang karakter ni Lydia, isang mapagmahal na ina at asawa.

Masasadlak siya sa matinding kalungkutan matapos mamatay ang kanyang asawa. Mapapabayaan niya ang sarili pati na rin ang kanyang mga anak.

Magpapalabuy-laboy siya hanggang sa makarating siya sa Barangay Pinagpala. Mapapanood ang Pari ‘Koy mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Thursday, August 13, 2015

Birthday day gift ni Dingdong kay Marian nilait-lait




DINGDONG Dantes posted a photo of his gift sa dyowa niyang si Marian.
Isang pearl necklace at red roses ang nasa photo niya sa Instagram account niya.
When the said photo surfaced sa isang website, merong isang nambasag ng trip ni Dingdong and commented, “Kumpara tlga kay Marian eh barat magregalo itong si DingDong kahit pa south sea pearls pa yan still walang panama sa mga over expensive gifts na binibigay ni Marian sa kanyang hubby.”
Ayun, kinuyog kaagad ng lait ang nag-comment.
“Ganun! eh anong mas gusto mo mamahalin nga regalo niloloko ka naman. yong bracelet na bigay sa kanya dati worth almost P1M daw yon, barat pa rin ba yon sa yo?”
“Bakit sinasabihan ka ba ni Marian ng lahat ng regalong natatanggap nya from Dong? Unless nakalimutan mo yung kasal nila na gastos lahat ni Dong. Gown pa lang ni Marian P2M pesos na.”
See how fans of the couple behave?

Sunday, August 2, 2015

B-day wish ni Marian: Lumaking mabuting tao ang baby namin ni Dong!



Ngayong araw ang 35th birthday ni Dingdong Dantes at siguradong may celebration silang gagawin ng kanyang misis na si Marian Rivera.
Sa Aug. 12 naman ang ika-31 kaarawan ng GMA Primetime Queen kaya natanong namin siya sa presscon ng bagong Sunday show ng Kapuso network na Sunday PINASaya kung ano ang kanyang birthday wish para kay Dingdong at para na rin sa kanyang sarili.
“Wish? Siguro ngayon wala akong gustong i-wish para sa sarili ko. Lahat ng wish, gusto ko para sa anak ko.“Na sana paglabas niya, maging mabuti siyang tao at, alam mo ‘yun, maging magandang inspirasyon niya ang tatay niya.
Kasi, kahit ako, naa-amaze ako sa ginagawa ni Dong, especially sa pagtulong niya sa kapwa niya. “Alam mo ‘yun, kahit wala siyang tulog, basta maging aware lang ang mga kababayan natin kapag may sakuna, may lindol,” sey ni Marian na ang tinutukoy ay ang naging partisipasyon ng asawa, bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission, sa Metro Manila Earthquake Drill noong July 30.
Hirit pa ni Marian, “Puyat na puyat ‘yan. Parang isa, dalawang oras, umalis agad ng bahay. Parang nakaka-inspire na grabe ‘tong tao na ‘to na magmahal sa trabaho niya, especially sa advocacy niya.”
Samantala, sa Aug. 9 na nga magsisimula ang kanilang weekly variety show na Sunday PINASaya kung saan makakasama niya bilang host sina Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Wally Bayola, Jose Manalo, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Jerald Napoles at Valeen Montenegro.
Siyempre, tuwang-tuwa ang fans ng Primetime Queen dahil regular na uli nilang mapapanood sa TV ang aktres. Sey ni Marian, pinayagan siya ng kanyang OB Gyne na magtrabaho kagit na six months na ang ipinagbubuntis niya.
“Actually, hanggang kayo ko. Nandiyan din naman ang team ko, especially the AAA (talent management). Alam ko na hindi nila ako pababayaan at sila mismo magsasabi sa akin na, ‘O, Yan, kailangan mo nang mag-rest or anything.’
“Siyempre, nasa akin din naman yun kung hanggang kailan ko kakayanin. So far naman, parang wala namang nangyayari. Lumaki lang ang tiyan ko, pero kaya ko naman,” chika pa ni Marian.
Sasayaw pa rin daw ang misis ni Dong sa Sunday PINASaya tulad ng ginawa niya noong Grand Kapuso Fans Day sa MOA Arena. “E, kasi nga, sabi ng OB ko, ‘Kung ano yung ginagawa mo noong hindi ka pa buntis, puwede mo siyang gawin nang buntis ka.
As long as nag-iingat ka, walang problema.’”

Dingdong nakapagdesisyon na sa Eleksiyon 2016



SINIGURO sa amin ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na hindi talaga siya tatakbo sa 2016 elections, ito’y sa kabila ng kumakalat na balita na kasado na raw ang political plans ng aktor next year.
Ayon sa ulat, patuloy pa rin daw kasing kinukumbinse ng ilang political groups ang mister ni Marian Rivera para lumaban sa darating na eleksiyon.
Partikular na tinukoy ang pagsabak diumano ng aktor sa senatorial race. Sa ginanap na thanksgiving party para sa GMA Telebabad series na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ni Dingdong, muli namin siyang tinanong kung may pagbabago ba sa plano niya in terms of politics, aniya, ganu’n pa rin ang desisyon niya – hindi siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa 2016.

“Uunahin ko muna yung mga priorities ko ngayon, like yung sa National Youth Commission, (kung saan siya itinalagang commissioner at large) tuluy-tuloy yung mga proyekto natin diyan, katatapos lang nu’ng ginawa naming training for the earthquake drill, and marami pa tayong naka-line up na projects for the youth,” pahayag ni Dong.

Bukod pa riyan, meron pa siyang YES Foundation at siyempre, ang top priority pa rin niya ay ang kanyang pamilya, lalo na ngayong magkakaroon na sila ng baby ni Marian.

Kaya sey ni Dingdong, wala pa talaga siyang panahon para i-commit ang sarili niya sa politika.
Samantala, inamin ni Dingdong na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging tatay na siya.


Nakita na niya ang itsura ni Little Marian matapos magpa-ultrasound ang Primetime Queen kamakailan. “Oo, nakita ko na siya, sabi nila kamukha ko raw, pero tingin ko kamukha ng asawa ko.
Pero regardless, boy or girl, ang lagi naming ipinagdarasal, healthy siya. Until now, hindi nga ako makapaniwala, nu’ng nakita ko yung itsura niya, sabi ko, ‘Totoo ba ‘to?’ Bumilib mga ako du’n sa mga aparato na ginagamit nila, talagang hi-tech, biro mo, nasa tiyan pa lang yung baby, nakikita mo na yung itsura nya,” sey ni Dingdong.

Natutuwa naman si Dingdong sa mga natatanggap niyang feedbacks sa pagpapatuloy ng faith serye nilang Pari ‘Koy at umaasa siya na kahit magtapos na ito ay manatiling buhay sa isipan at puso ng mga tao ang lahat ng aral na naibahagi ni Father Kokoy at ng iba pang karakter sa programa.

“Actually, dalawang beses na kami na -extend, pero kung magtatagal pa ang Pari ‘Koy, depende yan sa management, but now, we are already grateful na tumagal kami ng ganito, at napakarami naming nai-inspire at napapasaya,” sey pa ni Dong.

Marami nang Kapuso stars ang nag-guest sa Pari ‘Koy, kabilang na riyan sina Mark Herras at Kris Bernal, Carla Abellana at Louise delos Reyes – at sa mga susunod na episode ng serye, mapapanood naman ang Superstar na si Nora Aunor.

Sabi ni Dingdong, dream come true para sa kanya ang makatrabaho si Ate Guy, “Hindi lang makaeksena, kahit man lang makausap nang matagal, kasi lagi ko lang siyang nakakasalubong sa mga events.

“Pero ngayon, kasama ko na ang isa pinakamagaling na aktres sa kasaysayan ng pelikula at telebisyon sa Pari ‘Koy, at mararanasan ko na rin yung karangalan na makatrabaho siya,” sabi pa ng Primetime King.
Hindi pa maidetalye ni Dingdong kung anong magiging role ni Ate Guy sa serye ng GMA, kakatanggap pa lang daw kasi niya ng script kung saan papasok ang karakter ng Superstar.

Maraming-marami pang mangyayari sa Pari ‘Koy na napapanood pagkatapos ng 24 Oras, kaya yan ang tutukan n’yo, kasama pa rin dito sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Jillian Ward, David Remo as Pinggoy, at marami pang iba, sa direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Saturday, July 25, 2015

Marian muling kinawawa ng bashers, pati magiging baby nila ni Dingdong dinamay


Pinag-usapan si Marian Something dahil sa kanyang Instagram baby bump photo na inilabas sa kanyang fan page sa Facebook.
Kaso, ang daming negative reaction sa photo na ‘yon. Kesyo bakit daw kailangan pa niyang mag-pose na obvious na ang kanyang baby bump at bakit kailangan pa itong ibalita sa social media.
“The heck!! Kulang na lang ibalita nyo na pumutok ng laway c marian at nautot c dingdong.. Sana nman ung may sense ang ibalita!”
“Nako si Marian ala magawa sa buhay pati pagbubuntis eupload, palibhasa hindi sikat!” “Kailangan bang ibalita ang paglaki ng tiyan nia everyweek? OA OA OA OA OA OA OA!”
“Ano to every man kailangan post tlaga …ang dami celebrity na nagbuntis….napaka #OA naman neto….dios ko ano takot malaos, nakakasira ng mood.”
“Naku para Lang kumita ng pera pose talaga ng Katawan. Siguro yung anak ninyo gagamitin nyo rin para kumita LNG ng pera.”
Ilan lang ‘yan sa nasty comments na aming nabasa. Well, one fan defended the actress and said, “Grabe naman kau magslita at mang husga perfect b kau .try nyo kya rumespeto ng tao. ke panget yn buntis o pabebe pa wla na kau paki dun.
Kya sa haters ni marian manahimik nlang kau wla naman kaung alam.” In fairness to Marian, maganda nga siyang magbuntis. But that’s all there is to her!!!

Dingdong favorite ng Malaysian ‘Soundtrack Queen’



FINALLY, the long wait is over! Pwede nang i-enjoy nang paulit-ulit ang latest favorite theme song ng bayan, ang “Sa Iyo” nina Min Yasmin at Nikki Bacolod. Nai-release na ang “2 Voices”, ang first full collaboration album mula sa mga talented music artists na ito mula sa Malaysia at Philippines.
Patok na patok ang “Sa Iyo” sa iba’t ibang major stations ng bansa kaya hindi ito nawawala sa kanilang top 10 countdown kung saan kalimitang dominated by foreign songs and artists.
Sa katunayan, sa June 15-21 TOP 10 ng 90.7 Love Radio, tanging “Sa Iyo” lang ang Tagalog song na pumasok sa kanilang weekly countdown. Nakakalungkot isipin na tila ang mga Pinoy artists pa ang nagi-struggle para lang mapabilang sa top radio music .
This is also one of the main reasons kung bakit sinusuportahan ng Malaysian songwriter and record producer na si Julfekar Ahmad Shah II ang Filipino singers.
He believes na very talented ang mga Pinoy music artists at naniniwala na siya dapat, Pinoy ang namamayagpag sa ating music industry.
Salamat at merong local radio stations and PolyEast Records that share the same sentiments. Pero bakit nga malapit na malapit ang puso ni Julfekar sa musikang Pinoy? Meron kasi siyang Filipino blood.
Isang Tausug ang nanay niya pero kahit na lumaki, nag-aral at naging successful businessman sa Malaysia, hindi nabura sa puso niya ang pagpapahalaga sa musikang Pinoy.
“The Filipino music has its own heart and soul. It’s poetic and endearing,” paliwanag pa ni Jul. Dagdag pa niya, may kakaiba raw charm ang kantang Pinoy at yung mga bagay daw hindi natin ma-express, we can express well through music, lalo na through Tagalog or Malaysian songs.
Ito pa ang good news – balak din niyang dalhin ang ilan sa ating singers para mag-concert sa Malaysia.
Hindi biro ang mag-produce ng album dito sa Pili-pinas. Madugo. Mahal.
Pero handa raw si Julfekar na harapin ang mga challenges na ito para lang marinig at magkapuwang sa ating mga kababayan ang kanyang musika.
At hindi masamang mangarap kung ang bayan na kanyang sinilangan at bayang tahanan sa kasalukuyan ay magsanib-pwersa para lumikha ng isang magandang musika, di ba?
Ang “2 Voices” album ay may 10 tracks na binubuo ng Tagalog, Malay at English songs. Aside from “Sa Iyo” meron pang “hugot” songs sa album gaya ng “Ang Tanging Dasal”, “Back To Me”, “Laging Nagmamahal Sa Iyo”, “Sayang Naman”, “Lafazkanlah”, “Fairy Tails”, “Di Na Ako Luluha Pa”, “Yakap”, “Satu Hati Dua Jiwa”, “Sana’y May Bukas Pa” at “Pusong Duguan”. These songs were recorded both in Manila and Kuala Lumpur.
“2 Voices” is distributed by PolyEast Records. Catch Min and Nikki sa kanilang Mall Tour soon.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang press kay Min, na kilalang-kilala sa Malaysia bilang Soundtrack Diva dahil siya raw ang laging kinukuha ng mga TV production doon para kumanta ng theme song ng mga ipinalalabas na serye roon.
Meron din daw siyang kilalang Filipino actors tulad ni Dingdong Dantes na sikat na sikat daw sa Malaysia tulad ng misis nitong si Marian Rivera dahil sa mga teleserye nila na ipinalalabas doon.
Alam din niya na nagpakasal na rin ang dalawa.

Monday, March 30, 2015

Pare koy - San Jose Del Monte, Bulacan - March 27, 2015


































































































































































































































































SECOND (DAY) DAY 2
Pari Koy - San Pedro Bautista, San Francico del Monte, Qc - March 28, 2015 - day 2