Showing posts with label Angelica Panganiban. Show all posts
Showing posts with label Angelica Panganiban. Show all posts

Tuesday, September 8, 2015

Angelica tinawag na bobo si Kathryn




Mainit na pinag-usapan sa social media nu’ng isang gabi ang paghaharap nina Kathryn Bernardo at Angelica Panganiban sa mas tumitindi pang kuwento ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo.

Pinalakpakan ng netizens ang akting ni Kathryn bilang si Yna sa PSY nang labanan na niya ang pagmamalupit ng kanyang boss na si Angelica bilang si Madam Claudia.

Sa nasabing episode, inutusan ni Claudia si Yna na magluto ng isang putahe na hindi magugustuhan ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria). Ngunit hindi ito sinunod ni Yna kaya nagwala sa galit ang ina ni Angelo (Daniel Padilla).

“Madam, pasensiya na po. Pero pinapahalagahan ko po at nirerespeto ang pagluluto at ang pagkain. Nandito po ako para magluto ng masarap. ‘Yon po ang prinsipyo ko,” ang paliwanag ni Yna.

Nanggagalaiti namang sagot ni Claudia, “Eh bobo ka pala eh. ‘Yong pagkain kaya mong respetuhin, pero akong boss mo, hindi mo nirerespeto, ano ‘yon? Anong ibig mong sabihin doon? Ano bang pinagmamalaki mo, ha?”

Tinulak nito si Yna sabay sigaw ng, “Hindi ka namin kailangan dito, lumayas ka!” Nang makita ito ng nanay-nanayan ni Yna na si Belen (Amy Austria), tinulak nito si Claudia hanggang sa tumumba ito at nauntog sa lamesang metal.

Nagpadala ito sa ospital kahit na hindi naman talaga nasaktan. Nagdrama na naman si Claudia.

Habang umeere ang episode, ang hashtag #PSYPangamba ay nanguna na ito sa mga trending topic sa Twitter with over 312,000 tweets.

Siguradong tumaas pa ito hanggang sa matapos ang serye last Monday.

Sunday, August 30, 2015

Alex Medina: Wow, grabe yang si Angelica Panganiban!



IPINAGTANGGOL ng ma- galing na character actor na si Alex Medina si Angelica Panganiban sa mga intrigang naglalabasan na lagi itong galit at palamura sa set ng kanilang seryeng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sa panayam sa aktor sa presscon ng pelikulang “Heneral Luna” kamakailan ay natanong ito tungkol sa co-star niyang si Angelica na gumaganap na Madam Claudia sa PSY, natatawa lang daw siya sa mga kumakalat na chika.

Si Alex ang gumaganap sa role na Simon sa Pangako Sa ‘Yo, ang ex-boyfriend ni Madam Claudia. Ayon sa binata, magaling na aktres si Angelica at feeling niya, laging in character ang girlfriend ni John Lloyd Cruz sa set ng serye nila kaya marahil ay misunderstood lang ang aktres.
“Professional. Tahimik lang siya ‘tapos usap-usap sa eksena. Kapag rumolyo na, yun na,” aniya pa.

Hirit pa ng anak ni Pen Medina, “Feeling ko, very in-character siya, so nakakatuwa.
Intimidating lang si Madame Claudia kaya ang ganda ng ginagawa niya para sa character. Kahit ako natutuwa ako na, ‘Wow, grabe ‘yang si Angelica mag-ano.’ Yung hold niya sa character niya na si Madame Claudia. Talagang madame talaga siya.”

Bago nagsalita si Alex, nauna nang ipinagtanggol ni Joem Bascon si Angelica sa mga bashers nito at nagsabing maayos naman katrabaho ang aktres at never itong nag-inarte sa set.

Kasama rin si Joem sa Pangako Sa ‘Yo. Kamakailan ay naging u- sap-usapan na naman si Angelica matapos itong magwala sa galit at pagmumurahin ang kanyang bashers.
May kinalaman ito sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens na nagsabing gaya-gaya raw siya sa mga pino-post na litrato ni Bea Alonzo sa Instagram.

Samantala, umaasa naman si Alex Medina na panonoorin ng mga kabataan ang pelikula nilang “Heneral Luna” na pagbibidahan ni John Arcilla sa direksiyon ni Jerrold Tarog, “Sana mapanood ng mga kabataan, kasi iba din yung ipinaglaban ni Antonio Luna.

Talagang pasok, e. Panalo e.” “Ang ganda ng action dito. Grabe yung budget namin. Buti nga na malaki yung budget namin dahil hindi napipi- gilan ang direktor na pagandahin ang bawat eksena,” aniya pa na gumaganap sa movie na Jose Bernal, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Gen. Antonio Luna noong panahon ng Filipino-American War (1898).

Wednesday, August 26, 2015

Bashers pinagmumura ni Angelica dahil kay Bea: Mga bobo kayo! ang dumi ng utak n’yo!



NAPIKON si Angelica Panganiban sa bashers niya sa kanyang Instagram account after they accused her of making gaya Bea Alonzo sa isang pose niya.
Initially, ito ang caption ni Angelica sa picture niya, “Sabi ko sa friend ko, picturan nya ko. Eh bigla akong natawa. Naisip ko, ayos lang. post ko na din. A least d ako may hawak ng phone ko habang tumatawa.
“Whooo yes! Ang saya mag picture. Nakakatawa!!! Yan ang tawag sa stolen happiness. Hehehehe. Nakakabaliw talaga ang pagod at puyat.
Mag iisip pa ako mamaya ng mga uso sa Instagram. Para in na in ako. # NowInHawaii.” And when somebody bashed her, she posted the photo of Bea’s shot and said, “Ah! Eto pala yung picture! Pasensya na sa mga fans ni Bei.
Sa mga malalawak ang isip, pasensya na. At salamat. Sa mga makikipot, sana wag kayong mga praning. Malala na kayo. Sa mga nagsasabing gusto kong magpasikat kaya ko siya ‘pinaparinggan’ wala akong planong sumikat.
Ni minsan d ko pinangarap na sumikat. Ang gusto ko lang magtrabaho. Ayoko ng sikat, ayoko ng hinahabol habol. Gets?
“Sa pagkakaalam ko, kaibigan ko si Bea. Yung ang tingin ko sa kanya. Anyway. Napaka baduy na nitong pagpapaliwanag na to nang dahil sa gusto ko lang mag post ng kakulitan ko.
If you guys can’t get my sense of humor, then stop following me. Malayong malayo ho si Bea sa akin.
“Siya ang reyna ng abscbn. Chuwariwap lang ako. Okay napo ba? Malinaw na? para lang to sa mga makikitid ang utak uulitin ko.
“At uulitin ko, wala akong pakelam sa image ko o sa tingin nyo sakin. Pag my d ako gustong tao, sasabihin ko. Ikukuwento ko pa kung bakit.
Pero pag ay kaibigan akong, pinaglalaruan niyo kami at pag sinisira nyo kami. Masasasalita ako. Salamat.”
Later, she ranted against her basher and posted this message, “Nakakaloka mga tao! Sarap nyong murahin. Tinatamaan kayo sa caption ko? Eh, mga bobo pala kayo eh.
Ni hindi ko nga nakikita mga posts ng ibang artista na ganyan! Pakelam ko kung may ganyan si Bea? Sa huling pagkakaalam ko, kaibigan ko siya.
“Mga gago kayong madudumi ang utak na gustung gusto nyong may kaaway mga tao. Kaya ang baduy ng ugali nyo eh. Grabe eh! Kikitid ng utak! Naki- kitawa na nga lang kayo, maninira pa kayo. Woooh. T—a talaga! SO mga idol nyo lang ang pwedeng gumawa nyan?! T—a! G—o! B—o.”
Grabe si Angelica, di ba? Talagang palaban ang hitad. Wala siyang takot na makipag-away sa kanyang bashers sa social media. Patol kung patol ang drama niya!

Thursday, July 23, 2015

Sabunutan, sampalan nina Jodi at Angelica sa ‘PSY’ kasado na


As expected, muling nag-trending sa social media ang paglabas ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) sa pagtatapos ng Monday episode ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Naging number one trending topic sa Twitter ang Pangako Sa ‘Yo, partikular ang hashtag #PSYAngPaglabas.
Ito yung eksena kung saan ipinakilala si Amor Powers sa isang musical play bilang isa sa mayayamang benefactors ng isang foundation na tumutulong sa mga mahihirap.
Nandoon din sa audience sina Gov. Edurado Buenavista (Ian Veneracion) at asawa niyang si Madam Claudia (Angelica Panganiban) dahil ang kanilang anak nga na si Lia (Andrea Brillantes) ang gumanap na lead star sa nasabing musical play.
Kasali rin sila sa mga nag-donate sa foundation. Inaasahan na mas tataas pa ang rating na nakukuha gabi-gabi ng Pangako Sa ‘Yo kapag nagkrus na ang landas nina Amor Powers at Madam Claudia, at kung paano muling mai-in love sa kanya si Eduardo.
Siguradong umaatikabong tarayan, sampalan, sabunutan at kung anu-ano pang sakitan ang magaganap sa pagitan nina Amor at Claudia.
At siyempre, mas marami pang dapat abangan ang KathNiel fans sa PSY dahil sa mga susunod na episode ng serye, tiyak na magugulat ang lahat sa mga eksena nina Yna (Kathryn) at Angelo (Daniel).
Kuwento ni DJ noong huli namin siyang makachika, kumbaga, parang nagsisimula pa lang ngayon ang Pangako Sa ‘Yo dahil napakarami pang pasabog ng bawat karakter sa kuwento.
Kasama pa rin sa Pangako Sa ‘Yo sina Diego Loyzaga, Joem Bascon, Amy Austria-Ventura, Ronnie Lazaro, Sarah Carlos, Bernard Palanca, Jan Marini, Sunshine Garcia at marami pang iba.


Saturday, November 19, 2011

Angelica Panganiban