Showing posts with label yaya dub. Show all posts
Showing posts with label yaya dub. Show all posts

Thursday, October 29, 2015

Yaya Dub ginawang Inang Kalikasan sa isang mural sa Italy






GINAWANG Inang Kalikasan si Yaya Dub na Maine Mendoza sa totoong buhay sa isang mural sa Italy.
Nagpost sa kanyang Facebook si dating Climate Change Commissioner (CCC) Naderev “Yeb” Saño, isa mga lider ng Climate Walk, ng isang litrato kung saan nakaupo siya sa isang mural na ginawa ng kanyang kapatid na si AG Saño.


“AG Saño does it again. A masterpiece in Galliate, Italy. The woman portrayed as Madre Della Terra looks familiar. And AG painted this in 4 degrees Celsius super cold weather,” sabi ni Saño sa kanyang post.

Nakalagay sa caption ang “#yayadub as mother nature… art attack italia.”


Sa isang text message, sinabi ni AG, na
 umaasa siyang makakatulong ang popular na love team ng AlDub na sina Alden Richards at Yaya Dub para ipaalam sa buong mundo ang mga isyu na kinakaharap ng Inang Kalikasan.



Monday, October 26, 2015

Kim Chiu nakiusap: 'Wag nang palakihin ang isyu AlDub fans, Allan K rumesbak sa isyung ‘recycled’ ang gown ni Yaya Dub





ISA ang TV host-comedian na si Allan K sa mga nagtanggol kay Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa mga bashers na walang ginawa kundi ang gumawa ng isyu mula sa isang maliit lamang na bagay.

Usap-usapan kasi ngayon ang gown na isinuot ni Yaya Dub sa “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga noong Sabado sa Philippine Arena – recycled lang daw pala ito dahil una nang naisuot ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nasabing Francis Libiran gown sa isang fashion show noong 2013.

Kumalat pa nga sa social media ang litrato ni Kim suot ang kaparehong gown ni Maine noong Saturday, at dahil nga rito, maraming nang-okray kay Maine.
Pero siyempre, hahayaan ba ng milyun-milyong netizens na nagmamahal kay Yaya na basta apihin ang ka-loveteam ni Alden Richards?

Ayon sa ilang comments na nabasa namin sa Twitter at Facebook, wala naman daw issue kung nagkapareho ng gown sina Maine at Kim, nangyayari naman daw talaga iyan sa showbiz.

At mismong ang fashion designer nang si Francis Libiran ang nagsabi na binili ng Eat Bulaga wardrobe team ang gown ni Maine at hindi pa raw ito nagamit ng kahit sinong artista sa kahit anong event.

Komento naman ng isang AlDub fan, “Naku, wag nang ikumpara si Yaya kay Kim Chui, wag nang maki ride sa mga pumuna ng gown damit lang yan. Ang importante ang nangyari sa PhilArena.

Hindi magagawa ni kim chui un, eh kung movie lang ang pag uusapan wag kayong atat oi abangan sa december 25 ipapakita namin kung anung kakayahan ng aldub!”

Sa kanyang official Twitter account halatang napikon din si Allan K sa mga namba-bash sa gown ni Maine, aniya sa kanyang post, “Wag na lagyan ng issue yung gown.

Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?” Kasabay nito, hinamon din ng komedyante ang mga bashers ni Yaya, “Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets.

Ok?” Kahit si Kim ay nakiusap na huwag nang palakihin ang isyu ng gown nila ni Maine, aniya sa kanyang Instagram post, “No hate please. A gown is just a gown…its how you make people happy.

Tuesday, October 6, 2015

ano nga kaya ang dahilan????


Tuesday, September 29, 2015

Lola & Yaya


Friday, September 11, 2015

Yaya Dub - The Cinderella Moment





A few days after Maine's fainting episode, Yaya Dub and Alden had the chance to meet, as Yaya was set to perform at the Eat Bulaga studio, as opposed to the segment's usual street setting.
Unfortunately, Lola Nidora's meddling got in the way of the two seeing each other: Alden was delayed because Lola said she would only let him see Yaya if he filled a large aquarium with water, and Yaya had to leave the studio in a rush, lest she turn into a giant pumpkin as Lola threatened.

Wednesday, September 9, 2015

Lumalabas na ang husay ni Yaya Dub sa pagganap Comedy man o Drama


Si Maine ay unang nakilala bilang si Yaya Dub sa "Problem Solving" segment ng Eat Bulaga, hanggang sa gawan na ng Kalyeserye ang love story nila ni Alden Richards sa show.

Si Yaya Dub ang masungit na tagapag-alaga ni Lola Nidora (Wally Bayola) na idinadaan sa pagda-Dubsmash at pagsasayaw ang emosyon.

Sa pag-usad ng kuwento ng Kalyeserye, unti-unting nakita ang iba't ibang emosyon ni Maine, bilang Yaya Dub o maging ang totoong siya.

Una ay ang pagkakilig nang una niyang masilayan si Alden sa screen, na nagbigay-daan sa sikat na sikat nilang tambalan ngayon na AlDub.

Bagamat hindi nagsasalita, naipapakita ni Maine ang kanyang emosyon sa mga kantang dina-Dubsmash niya—kilig, tuwa, galit, at lungkot.

Ngunit madalas ding lumalabas ang tunay niyang nararamdaman sa kilig moments nila ni Alden, na crush niya talaga sa totoong buhay.

Isang halimbawa nga nito ay ang pinaghalong kilig at saya na napanood sa unang pagtatagpo nila ni Alden nang malapitan noong Sabado, September 5.

Nagtapos ang episode noong Sabado nang dukutin si Yaya Dub ng dalawang nakamaskarang lalaki.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo ay ipinakita si Yaya Dub na nasa isang tila bodega, kung saan siya dinala ng mga dumukot sa kanya.

Sa mga eksena niya ay nagpakita si Maine ng panibagong dimension ng pag-arte—seryoso, takot, at nangungulila.

Malayung-malayo ito sa dating Yaya Dub na masungit, masayahin, at galawgaw.

Agad naman itong napansin ng maraming netizens at inihayag nila ang kanilang paghanga kay Maine sa pamamagitan ng Twitter.

Monday, September 7, 2015

Yaya Dub, totoo nga bang nag auditioned sa PBB 737?





Sunday, August 30, 2015

Kalat na: Yaya Dub tinanggihan ang alok ng Ginebra at Team Pacquiao



Samantala, gaano katotoo ang chika na parehong tinanggihan ng kampo ni Yaya Dub ang alok ng Team Pacquiao at Ginebra na maging muse sa 41st Season ng PBA sa October 18.

Wala raw tinanggap na offer si Maine para sa anumang team sa PBA.

Monday, August 24, 2015

Yaya Dub, kahit anong tanong mo sa kanya di siya magsasalita, puro sign language lang



Sa isang probinsiya kung saan natoka ang All For Juan, Juan For All ng Eat Bulaga ay dumayo ang mga pamangkin ng aming kaibigan.

 Hindi nila pinalampas ang pagkakataon, isang van silang nakiusyoso sa palabas, napakasaya nilang nag-uwian.
Matagal nang tagahanga nina Jose Manalo at Wally Bayola ang buong pamilya ng aming kaibigan, pero mas tumindi pa ‘yun, dahil sa pagkapanganak ng AlDub.

Matagal na naghintay ang mga dumayo sa lugar kung saan nandu’n ang tropa ng All For Juan…, hanggang sa makalapit na sila kay Maine Mendoza (Yaya Dub), mabilisan silang nagpakuha ng picture sa sikat na sikat nang personalidad.

Komento ng aming kaibigan, “Ganu’n pala ‘yun? Kahit anong kausap ang gawin nila kay Yaya Dub, e, ayaw niyang magsalita. Hindi siya sumasagot, sign language lang daw.
“Hindi raw suplada si Yaya Dub, kaway siya nang kaway sa mga fans, ‘yun nga lang, hindi siya puwedeng magsalita, bawal daw?” tanong-opinyon ng aming kaibigan.

Sa pagkakaalam kasi namin ay sa harap lang ng mga camera bawal magsalita si Yaya Dub, ang tanging ginagawa lang niya ay ang pagda-dubsmash, pero hindi namin alam na kahit pala wala na siya sa ere ay bawal pa rin siyang magsalita.

Consistent lang si Yaya Dub sa hindi pagsasalita, ‘yun ang pinakahihintay sa kanya ngayon ng mga kababayan natin, ang kanyang boses na matagal nang misteryosa dahil puro dubsmash nga lang ang ginagawa niya sa Eat Bulaga.
Ibang klase ang tambalan nila ni Alden Richards, may isang kaibigan kami na ngayon lang namarkahan ang kaguwapuhan ng aktor, dahil sa tambalan nila ni Yaya Dub.
Hanggang sa iba-ibang bansa ay may epidemya na rin ang AlDub.

Kinikilig na rin sa kanila ang mga Pinoy na kahit pagod na pagod sa maghapong pagtatrabaho ay hindi nakalilimot na panoorin ang AlDub.
Phenomenal. ‘Yun lang ang salitang puwedeng ikapit sa kasikatan ngayon ng tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

Walang ka-effort-effort. Natural na natural.
At original.

Sunday, August 23, 2015

Maine Mendoza (1995 - )



Nicomaine Dei Capili Mendoza (born March 3, 1995 in Santa Maria, Bulacan, Philippines),
popularly known as Yaya Dub or Maine Mendoza, is a Filipina comedienne, television personality and host.

She currently appears in the noontime variety show Eat Bulaga! airing on GMA Network and worldwide via GMA Pinoy TV as one of the co-hosts


Mendoza was born and raised on the municipality of Sta. Maria in the province of Bulacan in the Philippines. She is the fourth of five siblings. She finished elementary and high school in St. Paul College located at Bocaue, Bulacan. Mendoza got a bachelor degree on De La Salle-College of St. Benilde. She pursued on the job training for her profession at The Sagamore in Bolton Landing, New York

Mendoza's career took off after her Dubsmash compilation, in which she impersonates Kris Aquino, went viral with one million views overnight. Mendoza began posting Dubsmash compilations on Facebook where one of the videos she posted got a million views over a period of 24 hours. This earned her the tag as the "Queen of Dubsmash." This opened several opportunities for Mendoza. She had the opportunity to collaborate with many other Dubsmashers, met Kris Aquino herself and auditioned for Eat Bulaga. Subsequently, she was cast as Yaya Dub, the nanny of Wally Bayola's character, Lola Nidora, in the Juan For All, All For Juan segment of Eat Bulaga. Mendoza's character "Yaya Dub" whom she portrayed is paired with fellow Eat Bulaga co-host Alden Richards, in a rom-com/drama sketch/segment on the show entitled "KalyeSerye".


Mendoza and Richards are set to appear in a proposed 2015 Metro Manila Film Festival entry entitled Romcom-in Mo Ako. The reported movie stars are Vic Sotto and Ai-Ai de las Alas. The film will be directed by Jose Javier Reyes.[

Filmography

Television

2015 Kapuso Mo, Jessica Soho Guest appearance GMA Network

24 Oras

Eat Bulaga! Co-host

Filmography

20162016 - 

2015 Romcom-in Mo 'Ko TBA

OctoArts Films

M-Zet TV Productions

GMA Films

APT Entertainment

41st Metro Manila Film Festival entry

Thursday, August 20, 2015

Warning kay Pauleen: Guwardiyahan si Bossing laban kina Yaya Dub at Patricia!





Nagbibiro lang ba o seryoso si Nay Lolit Solis nang turan nitong kapag hindi pa raw nagpakasal sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay baka maagaw pa ng ibang babae si Bossing?

Sa kasalukuyan daw kasing mga ganap sa Eat Bulaga ay hindi maikukubling enjoy na enjoy si Vic sa AlDub lalo na siyempre kay Maine Mendoza na maganda rin naman at talagang may ang sense of humor.

Kahit daw kinontra ito ni Joey de Leon na nagsabing imposibleng mangyari dahil solid na solid sa tingin niya si Yaya Dub kay Alden Richards, hindi rin daw imposibleng sa bagong dabarkads na si Patricia Tumulak ito mahulog lalo pa’t sexy, maganda at may kakaiba ring sense of humor.

Hmmmmm, mukhang may point ang statement ng manager ni Pauleen, ha! Kaya ang dapat gawin ng dalaga, gwardiyahan niyang mabuti ang boyfriend para hindi mahumaling sa iba. Ha-haha!

Tuesday, August 18, 2015

Hamon ng dabarkads sa GMA: Bigyan agad ng serye ang AlDub!




Hindi pa man umeere ay basag na kaagad ang nilulutong love team nina Megan Young and Tom Rodriguez na magtatambal sa remake ng isang Mexicanovela.

Todo-lait ang social media people sa kanilang tambalan, kaliwa’t kanang nasty comments ang aming nabasa when an item about their soap was posted in one popular website.
Meron man kaming nabasang good comments, ay iilan lang naman ‘yun, mas marami talaga ang bad.

“Iba ang beauty queen sa showbiz world.
She might have taken home the crown but in showbiz you need MASS APPEAL, that’s the not-so-secret ingredient nina Marian, Anne and other popular stars. Mass appeal.”
“Pang kontrabida beauty ni Megan. Dimples lang maganda kay Tom, mukha siyang bungo. Tapos ang Angelica matanda pa (Jaclyn Jose). I sense a big flop.

Suwerte nang abutin ito ng 4 months.” “Eww walang dating tlga.. kahit ikiss pa nya si Megan, parang pilit lang. Saka parang di taga isla si marimar dyan. dati taga isla yung character ni Marian sa Marimar, dadalawa lang ang damit nya yung daster pa.

Eto parang mahirap lang na morena, hindi din sya mukhang inosente. Nakakaloka GMA! Bigyan nyo nalang ng soap ang AlDub kesa dyan.”

Madlang pipol nagsawa na kay Vice Ganda kaya biglang sikat sina Alden at Yaya Dub



Parang nakikita na namin ang eksena ngayon sa production room ng It’s Showtime. Ang ibang staff ay gigil na gigil dahil pinakakain sila ng alikabok ng Eat Bulaga.

Ang iba nama’y handang makipaglaban, handang-handa silang makipasalpukan, kaya todo-todo ang pag-iisip nila ngayon ng mga bagong atakeng tatapat sa pinagpipistahang kalyeseryeng pinagbibidahan ng AlDub.

Sobrang sikat ngayon ang loveteam, ultimo mga paslit na bata ay kinikilig sa loveteam nina Yaya Dub at Alden Richards, siyempre’y aliw na aliw rin sila kina Wally Bayola bilang si Lola Nidora at Jose Manalo na gumaganap namang si Frankie Arenolli.

Ibang klase ang kasikatan ng AlDub. Parang biyaya mula sa langit ‘yun na nasalo nina Alden Richards at Yaya Dub para pakinabangan nang husto ng Eat Bulaga.

Araw-araw nilang kinakain ngayon ang rating ng kalaban nilang programa, napakataas ng kanilang numero, habang sadsad na sadsad naman ang kanilang katunggali.
Sabi ng isang source, “Paano naman hindi pakakainin ng alikabok ng Eat Bulaga ang Showtime, e, bukod sa nagsasawa na ang mga kababayan natin sa mga paulit-ulit na antics ni Vice Ganda, e, napakagulo pa ng sitwasyon sa loob?

“Di ba, may kinasuhan silang staff dahil sa nawawalang budget ng show? Kung du’n mismo sa loob, e, magulo na sila, paano pa gaganda ang rating ng show nila?
“Ayusin muna dapat nila ang mga problema nila sa loob, kailangang maayos ang climate sa linya ng trabaho nila, para gumanda ang takbo ng show,” opinyon ng aming impormante.

Walang kuwestiyon, panahon ng AlDub ngayon, sa ayaw at sa gusto ng kanilang kalaban sa ere.

Sunday, August 16, 2015

Wish ng Barangay Ginebra fans: Kuning muse si Yaya Dub sa 41st season ng PBA!



WALA na talagang makakapigil sa kasikatan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay. 

Biglang naging instant superstar ang dalawa sa Eat Bulaga, lalo na nang simulan ng nila ang kanilang kalyeserye na talagang tinututukan nga- yon ng buong mundo.

Kamakailan ay pumirma ng movie contract si Alden sa APT Entertainment, sumunod dito ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Records bilang singer at balita namin ay makakasama na rin sila ni Yaya Dub sa MMFF entry nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na “Rom-Comin Mo Ako”.

Ang latest, si Yaya Dub din daw ang request ng Barangay Ginebra fans na kuning muse ng nasabing basketball team sa opening ng 41st season ng PBA sa October.

Sa isang sports website namin nabasa na maraming fans ng Ginebra ang humihiling kay Yaya Dub, tiyak daw na mas iingay ang Barangay Ginebra kapag ang tinaguriang Dubsmash Queen ang kinuha nilang muse.

Ayon sa ulat, open naman daw si PBA chairman Robin Non, ang tumatayo ring basketball operations head ng SMC franchise, sa hiling ng Ginebra fans.

Pero aniya, hindi naman daw siya o ang players ng Ginebra ang makakapagdesisyon tungkol dito.
Sey nito, kailangang dumaan muna ito sa SMC marketing department, ang namamahala sa pagpili ng magiging muse ng lahat ng team under SMC.
Sa ngayon, mas malaki ang posibilidad na si Ellen Adarna ang maging muse ng Ginebra dahil siya ang 2015 calendar girl ng nasabing produkto.

Samantala, nag-tweet naman ang isang executive ng Ginebra ng, “Mga ka barangay susubukan natin ibigay ang idea sa marketing para makuha natin si YAYA DUB para muse ng ginebra — alfrancis chua.”

Saturday, August 15, 2015

Pagkikita nina Alden at YayaDub inaabangan ng buong mundo; bibida na rin sa TV Commercial



Hindi pa nagkikita sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa kanilang kalyeserye kaya naman inaabangan ang kanilang meeting.
Ang daming kinilig sa kanilang moments na muntik nang pagkikita, very positive ang tambalang ito, bata, matanda, girl, boy, bakla, tomboy ay wiling-wili sa kanila.
“I’m a 64-year old grandmother, pero talagang kinikilig ako sa dalawang ito. Nakakalimutan ko ang depresyon ko sa tuwing napapanood ko sila.
Sana, magtagal pa ang kalyeseryeng ito.” “For sure, magwawarla ang twitter at fb world pag nagkita na talaga si yaya at papa alden! 2M tweets na yan. baka bumaba pa sa 9% ang ratings ng kabila. Hehehe!”
“Juice Colored! Kilig To The max ako!!! kaloka yung AlDubYou at MaAldenKita.. lakas makakilig. ang Witty lang eh. ano na lang kung magkikita na talaga sila, siguro magwawala na talaga ang social media.”
“PUSTAHAN MAGKAKAROON SILA NG COMMERCIAL OH! HULAAN NLNG SA ANONG PRODUCT…THIS WILL BOMB ALL COMMERCIALS EVER MADE! OH KAYA NIYO YUN??? E DI WOW!!!!!” said he.
Why not? Sa kasikatan nila ngayon sigurado kaming marami nang interesado sa kanilang tandem para sa TV commercials.

Thursday, August 13, 2015

EAT BULAGA (Ang pagkikita ni YaYaDub & Alden ) - August 12 2015 FULL EPISO...



Reklamo ng Dabarkads: Alden, Yaya Dub ’sinabotahe’, cable ng TV biglang nasira



NALOKAH ang mga neighbors namin last Wednesday when they were watching Eat Bulaga.
Nagdabog ang collective bangs nila kasi biglang lumabo ang cable at hindi nila napanood ang much-awaited pagkikita nina Alden Richards and Yaya Dub.
With bated breath, they collectively waited for the two’s pagkikita sa kalye. Nag-igib pa raw si Alden ng water just to show how much she loves Yaya Dub.
At the height of his pag-iigib, biglang nawala ang cable connection sa lugar namin, much to the consternation of the AlDub fans na gigil na gigil. Medyo matagal din nawala ang cable connection kaya bwisit na buwisit sila dahil hindi nila nasubaybayan ang kaganapan.
Our neighbors Sunnybelle Soriano and Toto Fabula were almost seething with anger dahil hindi nga nila napanood ang pagkikita ng dalawa nilang idol.
Ang tanong nila, meron daw bang sumabotahe sa AlDub loveteam? Well, bakit hindi na lang nila i-check ang cable connection nila. Right?
Anyway, we watched the “Maybe This Time” video of Alden and Yaya Dub at talaga namang nakakakilig ang mga eksena nila. Hawak-hawak pa ni Alden ang isang sapatos ni Yaya Dub na tumatakbo na parang si Cinderella. Basang-basa si Alden habang tumatakbo at talaga namang kaabang-abang ang eksena niyang iyon.
Si Yaya Dub naman ay nakitang sumabit sa isang jeepney na papalayo. Magaling magpaikot ng story ang Eat Bulaga at talagang click na click ang cliffhanger nila kaya marami na ang nag-aabang sa pagkikita ng dalawa.
May nakita kaming short video sa Twitter account ni Joey de Leon which showed Yaya Dub na nadulas habang halos patakbo. Ewan kung nasaktan nang husto si Yaya Dub sa kanyang pagkakadulas na ‘yon.
Scripted ba ‘yon o talagang nadulas lang siya? Mukhang lapitin lang ng disgrasya itong si Yaya Dub.
Pagkatapos kasing himatayin sa kasal nila ni Frankie Arinolli (Jose Manalo), ayun at nadulas naman ang dalaga.

Magkahawig ba sila? Sino ang mas maganda sa kanila?


Magkahawig ba sila?
Sino ang mas maganda sa kanila?

Sunday, August 9, 2015

Eat Bulaga: AlDub Day 23 (Wedding Crasher)

Alden at yaya Dub, ang kakabog sa lahat ng tambalan sa Showbiz



Kinakabog nga- yon ni Yaya Dub (Maine Mendoza) ang maraming sikat na artista. Kahit saan ka magpunta ay siya ang pinagpipistahan ng ating mga kababayan, siya ang ginagawang pulutan, aliw na aliw sa kanya ang buong bayan.

Pati mga batang bahagya pa lang na nakakaintindi ay siya ang itinatanong, kailan daw ba nila makikita si Yaya Dub, tanong naman ng mga kababayan nating araw-araw na tumututok sa Eat Bulaga ay kailan daw ba nila maririnig ang totoong boses ng dalaga?

Marami silang pinaki- kilig ni Alden Richards na kinokontra naman ni Lola Nidora (Wally Bayola) dahil ang minamanok nito para kay Yaya Dub ay si Frankie Arenoli (Jose Manalo).

Number one loveteam ngayon ang AlDub! Sabi ng isang nakakuwentuhan namin tungkol sa AlDub, “Tingnan mo ‘yan.

Sino ang magsasabing dahil sa Kalyeseryeng naisip ng Eat Bulaga, e, may sisikat palang tambalan na ganyan sa AlDub! ?“Walang ka-effort-effort, napakanatural, tumatakbo ang kuwento araw-araw na basta paganu’n-ganu’n lang, pero talagang aliw na aliw ang manonood sa kanila!

“Natakpan na ang lahat ng isyu tungkol kay Wally, may kinaaaliwan nang Lola Nidora ang buong bayan, pana-panahon lang talaga ‘yan!” komento ng aming kausap.
Kalyeserye pa more!!!!