Thursday, August 20, 2015

Susan Roces nag-ala-FPJ para kay Grace: Pag puno na ang salop, dapat kalusin na!



Ano ngayon ang masasabi ng mga umuupak kay Senadora Grace Poe Llamanzares tungkol sa kanyang pagkatao at sa kanyang citizenship?

Nagsalita na ang Reyna Ng Pelikulang Pilipino, galit na galit ang beteranang aktres sa mga paninirang pinalulutang ng mga pulitikong ngayon pa lang ay takot na takot nang makalaban ang senadora, kahit naman sinong ina ay ganu’n din ang gagawin sa pagmamalasakit at pagmamahal na ipinakita ni Ms. Susan Roces.

Matagal na nanahimik si Manang Inday, marami nang may gustong makainterbyu sa kanya, pero ayon sa beteranang aktres ay kayang-kaya pa ng kanyang anak ang madugong laban sa mundong pinasok nito.

Pero ina si Manang Inday, hinding-hindi siya makapapayag na basta na lang yurakan ang pagkatao ng isang anak na itinuring na niyang kanya talaga, kinakalos nga naman ang salop kapag umaapaw na.

Emosyonal ang mga litanya ng aktres, ramdam na ramdam sa kanyang pagsasalita ang matinding pagmamahal ng ina sa kanyang supling, walang nanay na basta na lang papayag na duru-duruin ng kahit sino ang kanyang anak.

Sinabi ni Manang Inday na kailanman ay hindi nila tinawag ng namayapa niyang mister na si Fernando Poe, Jr. na ampon si Mary Grace, sarili nilang laman at dugo ang kinagisnang uri ng pagmamahal ng senadora sa piling nilang mag-asawa, kaya lalong hindi makapapayag si Manang Inday na bastusin ng kanit sino ang magiting na mambabatas.

Ngayon magsalita uli ang mga traydor kung ituring na kalaban ni Senadora Grace, ngayon sila magsalita, para makita nila ang mga ayaw nilang makita.



                                                                                 by Cristy Fermin

Warning kay Pauleen: Guwardiyahan si Bossing laban kina Yaya Dub at Patricia!





Nagbibiro lang ba o seryoso si Nay Lolit Solis nang turan nitong kapag hindi pa raw nagpakasal sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay baka maagaw pa ng ibang babae si Bossing?

Sa kasalukuyan daw kasing mga ganap sa Eat Bulaga ay hindi maikukubling enjoy na enjoy si Vic sa AlDub lalo na siyempre kay Maine Mendoza na maganda rin naman at talagang may ang sense of humor.

Kahit daw kinontra ito ni Joey de Leon na nagsabing imposibleng mangyari dahil solid na solid sa tingin niya si Yaya Dub kay Alden Richards, hindi rin daw imposibleng sa bagong dabarkads na si Patricia Tumulak ito mahulog lalo pa’t sexy, maganda at may kakaiba ring sense of humor.

Hmmmmm, mukhang may point ang statement ng manager ni Pauleen, ha! Kaya ang dapat gawin ng dalaga, gwardiyahan niyang mabuti ang boyfriend para hindi mahumaling sa iba. Ha-haha!

.....bakit kaya pinagagalitan ni Mang nano ang kanyang anak ....ano kaya ang ginagawa ni Bentot sa loob ng nitso ...ang ang tanong ano kaya ang titulo ng pelikulang ito ng LVN Pictures


.....bakit kaya pinagagalitan ni Mang nano ang kanyang anak

....ano kaya ang ginagawa ni Bentot sa loob ng nitso

...ang ang tanong ano kaya ang titulo ng pelikulang ito ng LVN Pictures




.....

Sef Cadayona gustong sundan ang yapak ni Bitoy: Idol na idol ko siya!




TIYAK na hindi tatamarin sa paghalakhak ang mga manonood sa paparating na comedy series ng GMA Network, ang Juan Tamad, na pagbibidahan ng magaling na komedyanteng si Sef Cadayona kasama ang kanyang leading lady na si Max Collins.

Simula ngayong Linggo, Aug. 23, sundan ang buhay ni Juan D. Magbangon a.k.a. Juan Tamad, ang binatang saksakan ng tamad na gagawin ang lahat para mapansin ng kanyang maganda at masipag na kapitbahay na si Marie Guiguinto (Max Collins).

Magkaibang-magkaiba sina Juan at Marie: kung gaano kasigasig at kasipag ang dalaga lalo na pagdating sa kanyang pag-aaral at balang araw ay career, siya namang ikinatamad ni Juan na ang paboritong gawin ay maghapong humiga sa ilalim ng puno ng bayabas.

Ngunit nang malaman niyang attracted si Marie sa mga lalaking maabilidad at may ambisyon sa buhay, maghahanap siya ng trabahong maglalapit sa kanya sa dalaga—kahit ano pa ito, susunggaban ni Juan!

Magbunga kaya ang milagrong pagsusumikap ni Juan Tamad?
Lalong magpapasaya sa nasabing programang hatid ng GMA News and Public Affairs ang iba pang cast members nito kabilang sina Roi Vinzon, Marissa Sanchez, Melanie Marquez at Gene Padilla—ang mga magulang nina Juan at Marie na lagi namang nagbabangayan dahil sa puno ng bayabas na nakatayo sa pagitan ng kanilang mga bakuran!
Abangan ang exciting at nakatatawang kwento ni Juan Tamad sa pilot episode nitong isinulat ng Carlos Palanca Hall of Famer na si Rody Vera at ng “Rak Of Aegis” playwright Liza Magtoto, sa ilalim ng direksyon ng beteranong komedyanteng si Soxy Topacio, ngayong Linggo na, 4:45 p.m., sa GMA 7.

Samantala, inamin ni Sef na gusto niyang sundan ang yapak ng Kapuso TV host-comedian na si Michael V na kasama niya sa longest-running gag show sa GMA na Bubble Gang.
Si Bitoy daw talaga ng inspirasyon niya pagdating sa pagkokomedya. Sa bawat episode nga raw nila sa Bubble Gang ay marami siyang natututunan kay Bitoy, sa katunayan, may collaboration na rin siya sa production ng Juan Tamad kung saan nagbibigay siya ng kanyang suggestions sa pag-atake sa kanyang role pati na rin sa magiging takbo ng buong episode.

Nangako naman ang komedyante na hindi lang puro comedy ang mapapanood nila sa Juan Tamad, kapupulutan din daw ito ng aral ng mga bata.

by Ervin Santiago

0


Sarah G wagi sa Global Sound 10th Int’l Song Contest



WAGI ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa ginanap na 10th International Song Contest: The Global Sound para sa kanyang hit song na “Kilometro”.

Base sa ulat ng Viva Entertainment si Sarah ang nag-shine sa nasabing international contest kung saan sumali ang may 26 artists mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
Ayon sa report ng ISC Global Song ang singer-actress ang kauna-unahang Pinay na itinanghal na winner sa nasabing competition at ito rin ang first time na nagwagi any isang Asian country.

Sabi pa ng ISC Global, “Geronimo is the first returning artist to ever win the competition on their second try.” Sa nakaraang edition ng kumpetisyon, nominated din ang kanta ni Sarah na  “Sino Nga Ba Siya” pero hindi ito nakapasok sa final round.

Nagsimula ang ISC Global contest noong 2012 with the goal of “getting countries together to showcase the importance of music and culture.” The competition “is completely online and has been slowly but surely become recognized.”