Showing posts with label ken chan. Show all posts
Showing posts with label ken chan. Show all posts

Tuesday, November 10, 2015

Ken Chan umaming may natatanggap na mga indecent proposal mula sa mayayamang bading






DIRETSONG inamin ng Kapuso actor na si Ken Chan na may mga indecent proposal siyang natatanggap mula sa mga bading na gustong maka-score sa kanya kahit one-night stand lang.

Ayon sa Destiny Rose lead star, may mga beking nagpaparamdam at nag-aalok sa kanya ng kung anu-ano kapalit ng kanyang katawan at “pagmamahal”. Pero aniya, wala raw siyang pinatos sa mga ito.

“Aaminin ko po, meron talaga. Pero alam ko pong natural lang yun sa mga artista. Hindi lang naman si-guro ako ang nakaka-experience ng ganu’n, ” sabi ni Ken. Pero ayon sa binata, hindi naman daw niya binabastos o nire-reject agad ang mga ba-ding na lumalapit sa kanya.

“Mas flattered ako kesa sa nao-offend. Kasi alam ko na may dahilan sila kung bakit nila nagawa yun. Lahat naman tayo may karapatang magmahal. Yun nga lang hindi ko talaga kaya yung ganu’ng relasyon. Kaya ang ginagawa ko ine-explain ko lang sa kanila yung side ko,” esplika pa ni Ken na sikat na sikat na ngayon dahil sa napa-kagaling na performance niya sa afternoon series ng GMA na Destiny Rose.
Tinanong namin kung magkano ang pinaka
malaking offer na natanggap niya sa isang bading? “Huwag na yun, basta meron po. Pero like I said, mas naa-appreciate ko yung ganu’n kesa magagalit ako. Kasi ibig sabihin may dating ka sa kanila.”

Samantala, natanong din si Ken kung hindi pa ba niya nadadala sa tunay na buhay ang role niya bilang si Destiny Rose, “Minsan sinasabi nila pagkatapos ng taping parang hindi ko pa mabitiwan si Destiny Rose, lalo na pag intense yung mga eksenang ginawa namin. Pero sabi ko nga, secured naman po ako sa gender ko at trabaho lang po ang ginagawa ko.”

Sa Nov. 13, Biyernes, aba-ngan daw ang “most beautiful transformation” sa balat ng telebisyon. Sa wakas, magiging “babae’ na si Joey Flores Vergara bilang si Destiny Rose at tutukan ang mga bonggang pagbabago sa kanyang buhay bilang isang transgender woman.

“Napakahirap pong gawin ito. Hindi siya biro, physically and emotionally, hindi ganu’n kadali ang pinagdaraanan ko as Destiny Rose. Marami akong prosesong pinagdaraanan. I did a lot of workshops and I researched about transwomen, about girls, how they move, talk, communicate, sing, and everything else about women,” paliwanag pa ni Ken.

Pero kahit na nga sobrang hirap ng kanyang role sa Destiny Rose, sobrang grateful siya sa trust na ibinibigay sa kanya ng GMA at sa all-support nila sa kanilang serye.

“Nang nakuha ko na at nahulma si Destiny Rose, natuwa ako at na-overwhelm, sa nakikita ko sa sarili ko. Na-appreciate ko kung gaano kaganda, kung gaano ka-sexy, na-appreciate ko siya, kasi hindi ko pa naman naranasan maging babae, magkilos babae.

“Ngayon sabi ko ang sarap ng pakiramdam na nagagawa ko ito, na kaya kong gawin, kasi artista ako and it’s my duty and work para i-entertain ang viewers. Masaya ako at excited na mapanood nila ang pagpapatuloy ng kuwento ni Destiny Rose,” litanya pa ni Ken.

Kaya tutukan ang mga pagsubok, ang pagbagsak at muling pagbangon ni Destiny Rose, tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Buena Familia.

Anyway, game rin si Ken sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Fabio Ide, ang ka-loveteam niya sa Destiny Rose.
“Kung talagang kailangan sa istorya bakit hindi. Gagawin ko naman yun bilang artista, as a transwoman at hindi bilang si Ken Chan,” chika pa ng guwapo at magaling na young actor.
Kasama rin sa cast sina Katrina Halili, Manilyn Reynes, Joko Diaz, Jackielou Blanco, Jeric Gonzales, JC Tiuseco, Sheena Halili, Irma Adlawan at Michael De Mesa, sa direksyon ni Don Michael Perez.


Friday, September 11, 2015

Ken Chan sa isyung bading: Kilala ko ang sarili ko





LALAKING-LALAKI ang Kapuso matinee idol na si Ken Chan. Ito ang panini-guro ng binata sa mga magdududa sa kanyang kasarian kapag nagsimula nang umere ang kanyang transgender serye sa GMA na Destiny Rose.
Ito ang kauna-unahang soap opera sa telebisyon na tatalakay sa buhay ng isang transwoman na gagampanan nga ni Ken.

Ayon sa Kapuso young actor, hindi naman daw siya natatakot kung pagdudahan man ng publiko ang kanyang pagkalalaki dahil sa pagganap niya bilang isang lalaking naging ganap na babae sa Destiny Rose na magsisimula na sa darating na Lunes sa Afternoon Prime ng GMA.

Paliwanag ni Ken sa presscon ng nasabing serye, “As long as alam ko sa sarili ko kung sino ako, as long as alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ako bilang isang aktor, wala akong kailangang ikakaba o ikatakot, na after ng teleserye ma-imbibe ko yung pagiging Destiny Rose, dahil alam ko naman kung sino ako.

“Bilang isang aktor, alam ko kung kailan dapat kumapit sa isang karakter at alam ko kung paano bumitaw,” paliwanag pa ng binata.

“Ako naman, basta alam ko sa sarili ko kung ano ako, alam ko kung ano ang kasa-rian ko, alam ng pamilya ko ‘yan, alam ni Lord, lalo na ang sarili ko, I’ll do everything for Destiny Rose, du’n sa character niya. I am secured,” hirit pa ni Ken.
Handa na rin daw siya sa mga bashers sa social media na walang sasabihing maganda tungkol sa pagganap niya bilang transgender woman, kabilang na nga riyan ang mga moralista.

Dagdag pa ni Ken, wala siyang balak na patulan o gantihan ang mga bashers niya, “Hindi naman kaila-ngan. Actually, kung makuwestiyon nga ang kasarian ko because of Destiny Rose, matutuwa pa ako, e. Ibig sabihin, effective ‘yon.”
May mga tunay na transwoman ding tumutulong kay Ken para maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa nasabing serye.

“Ang pinakaimportante na lagi kong tinatandaan, e-very gagawin ko sa Destiny Rose, sabi nila, ‘You have to think that you are a girl, you have to think that you are a woman.’
“Pag inisip mo at in-internalize mo na babae ka, lalabas ‘yan sa lahat—gestures, yung maliliit na detalye, yung mga mata mo. Parang yun ang pinaka-core na advice,” sey pa ng aktor.
Matinding hirap at sakripisyo rin ang ginagawa ni Ken sa bawat taping ng serye, lalo na sa pagdadamit-babae at pagsusuot ng high heels.

“Physically, sobra siyang mahirap. Alam mo yung nagda-diet ako nang sobra-sobra, pati pag-iisip ko naaapektuhan Pinag-diet nila ako na kumonsulta ako sa doktor dahil di biro yung pagda-diet nang biglaan.

“Malakas ang loob ko at naniniwala ako and I’m ho-ping na mabigyan ko ng justice si Destiny Rose dahil yun ang goal ko, na maipakita ko sa televiewers na kaya kong gawin ang pagiging isang transwoman. At hanggang ngayon, nandun pa rin ako sa process na ‘yon,” aniya pa.

At siyempre, para maging makatotohanan ang kanyang pagganap bilang babae, kinailangan din niyang itago ang kanyang birdie, partikular na kapag nakasuot siya ng hapit na damit bilang si Destiny Rose.

Samantala, grabe rin ang biglang pag-iyak ni Ken habang nagpapasalamat sa mga bossing ng GMA dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya para magbida sa isa na namang serye na siguradong magiging kontrobersyal na naman sa balat ng telebisyon.

Magsisimula na sa darating na Lunes, Sept. 14 ang Destiny Rose pagkatapos ng Buena Familia. Ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide ang magiging love interest dito ni Ken. Ka-join din sa cast sina Manilyn Reynes, Michael de Mesa, Jackilou Blanco, Katrina Halili, Sheena Halili, Jeric Gonzales, Joko Diaz, Irma Adlawan, JC Tiuseco at Ken Alfonso. Ito’y sa direksiyon ni Don Michael Perez.



Thursday, August 6, 2015

Baguhang male star nakuhang commercial model sa China



We will not be surprised if Ken Chan is now a superstar in China. After all, bongga ang airing ng kanyang toothpaste commercial sa nasabing bansa which has a total population, if we’re not mistaken, of two billion people.

How did he get the part? “Actually naghahanap ang China ng new endorser ng Colgate so nagpa-screening sila sa buong Asia like Thailand, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Philippines etcetera.

So nu’ng nagpunta po sila dito sa atin I took the chance and luckily ako ‘yung nakuha na endorser and airing na po sa buong China.

“Nag-shoot po ako nu’ng March 28 ng TVC for this and April 4 naman ‘yung sa billboard,” he said in an interview.

Ken recalled feeling jittery during the TVC shoot, “Sobrang nakakakaba nu’ng shoot day na kasi pumunta yung mga clients from different countries representative ng P&G. I had so much fun!

Napakabait ng buong production, sobrang alaga nila ako and naging kaibigan ko din sila.” On why he was chosen, Ken said, “They’re looking for a celebrity na Asian guy. So hanap nila ay chinito.”

When asked kung iga-grab niya ang opportunity kung may offer from China because of his commercial, nagpakatotoo ang binata and said, “I’ll take the opportunity kasi bihira lang ang magkaroon ng chance sa international showbusiness.”

So, we have a potential Asian Superstar in our midst and that’s Ken