Saturday, October 3, 2015

Enrique at Lisa tsinugi sa MMFF





PINALITAN na nina Kim Chiu at Xian Lim sina Enrique Gil at Liza Soberano sa pelikula nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pelikulang “Pamilyang Love, Love, Love” na entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Tinanong namin ang executive ng Star Cinema na si Roxy Liquigan kung bakit pinalitan ang LizQuen, “Schedule problems” ang sabi sa amin.

Hindi pa raw kasi tapos ang shooting nina Liza at Enrique sa pelikulang “Everyday I Love You” na tiyak na hindi kayang lagariin ng dalawang artista.

At tila hindi aware ang manager ni Liza na si Ogie Diaz dahil nu’ng i-text namin ang talent manager-comedian tungkol sa balitang ihihiwalay na ang dalaga kay Quen ay nagulat ito at sumagot ng, “After

Everyday I Love You, gagawin nila ang Kris/Herbert filmfest, eh.”


Anyway, hindi na kami magtataka kung mas lalong magiging bayolente ang supporters ng LizQuen sa pagkakatanggal sa mga idolo nila sa MMFF entry nina Kris at Bistek dahil ito sana ang kauna-unahang pagsali ng magka-loveteam sa MMFF.

Kaya’t salpukan to the max na ang mga sikat na loveteams sa darating na MMFF 2015 dahil kung may JaDine (James Reid at Nadine Lustre) sa entry nina Vice Ganda at Coco Martin ay maroon namang KimXi sina Bistek at Kris.
Hindi nakasama ang KathNiel (Daniel Padilla at Kathryn Bernardo) dahil super ngarag daw ang dalawa sa taping ng Pangako Sa ‘Yo.

Kris inupakan, walang preno ang bunganga





MARAMI ang nanghinayang when Kris Aquino posted this message, “MMFF2015 movie Pamilyang LoveLoveLove, LizQuen is OUT, KimXi is IN with Kris, Herbert & Bimby.”
Yes, out na ang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Metro Manila Film Festival movie nila. Pinalitan sila nina Kim Chiu at Xian Lim. Marami rin ang naloka dahil out na yata si Derek Ramsay at in na uli si Mayor Herbert Bautista.

Napabalita kasing hindi na kasama si Mayor Herbert sa movie which turned out to be not true kasi nang makausap si Mayor Herbert ng press para sa birthday party ng entertainment media ay sinabi nitong kasama pa rin siya sa movie.

Ang daming nanghinayang sa pagkawala nina Liza at Enrique sa MMFF movie. “Sayang naman mis kris out cla lizquen.” “Why Ms. Kris d na Sina LiZQuen. Excited pa me naman.” “Oo nga excited panaman ako. Sayang pro oky lng sobrang bc din ang lizquen.”

“Ibig bang sabihin nakaapekto talaga sa career ni Enrique ang pagkakasangkot niya sa airplane scandal with Jessy Mendiola? Wala kasi kaming nakikitatang dahilan kung bakit kailangan silang tanggalin ni Liza.
We know na tapos na nilang i-shoot ang movie nila. So, why o why?” Ilan lang ‘yan sa mga reactions ng madlang pipol sa social media. Meanwhile, Kris Aquino seems to have a penchant for butting in while interviewing her guests on her show.

Apparently, one fan noticed it and made it public by posting her observation on Facebook. “I was watching Kristv today October 1 episode I was just wondering why did Kris invited the Doctor in the set when she won’t even give the Lady Doctor the chance to explain, she’s always butting in hayzzzz OA na as in.

“I’m sorry to say that she was so rude and she’s the only one talking parang siya yung guest super duper multi tasking? I’m watching this show coz I’m a foodie, through the show I’m able to know which restaurants I should go to when I’m back in Pinas.

“What turns me off is yung feeling she’s Ms ‘know it all’ kumalma ka Ms Kris the show is already good you don’t need to try harder..Godspeed,” said one fan.
There is no doubt that Kris is a very good interviewer but sometimes she gets over excited sa kanyang panayam to the point na hindi na nakakapagsalita ang mga ito.

Ang Gayuma (1932) Gregoro Fernandez & Mary Walter



Ang GayumaGregoro Fernandez, Mary WalterBanahaw PicturesFantasy

Sheryl biglang bawi; nagpadala sa mga sulsol ng mga kumakalaban kay Grace l





Anumang pagbawi at pagbabalanse ang gawin ngayon ni Sheryl Cruz ay mawawalan na ng saysay. Pinuhin man niya ngayon ang kanyang mga pinagsasasabi laban kay Senadora Grace Poe ay wala nang mangyayari dahil ikinapit 
sa kanya ng publiko ang imahe ng kawalan ng utang na loob.

‘Yun ang mahirap sa mga taong hindi muna nag-iisip nang maraming beses bago magpakawala ng mga salita. Nagpapadala sila sa mga bulong, sa mga sulsol, siguro’y ramdam na ramdam na ngayon ni Sheryl ang masasakit na salitang ibinabalik sa kanya ng mga taong nagmamahal kay Senadora Grace at kanyang tiyahing si Ms. Susan Roces.

Iniiba-iba na niya ngayon ang kuwento, hindi raw naman niya sinabing ayaw niyang kumandidatong pangulo si Senadora Grace, paano niya pasisinungalingan ngayon ang sinabi niyang botante rin siya at ayaw niyang malagay sa hindi magandang sitwasyon ang ating bayan?

Dapat munang sagutin nang totoong-totoo ni Sheryl ang dahilan kung bakit hindi man lang niya sinilip ang bangkay ng kanyang ama. Hanggang hindi siya nagpapakatotoo ay wala ring paniniwalaang kahit ano ang mga kababayan natin sa mga nililitanya niya.

Sa respetong-respeto na lang para sa kanyang tiyahin, dapat ay nag-isip muna si Sheryl Cruz bago siya nagpadala sa mga bulong at sulsol ng mga taong pagkatapos siyang gamitin ay sa basurahan din naman ang kanyang tuloy, ang nagagawa nga naman ng pagiging Spell M.
As in!


Sharon nasaktan sa pang-iisnab ng FAMAS; pero nagpasalamat kay Nora (Sharon Cuneta)





NA-HURT si Megastar Sharon Cuneta matapos hindi makasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga binigyan ng Iconic Movie Queens of Philippine Cinema award ng FAMAS kamakailan.

Ayon kay Sharon, medyo na-offend siya sa ginawa ng nasabing award-giving body dahil alam niya sa kanyang sarili na kahit paano’y nakagawa rin naman siya ng mga pelikulang maaaring ipagmalaki ng kahit sinong Filipino moviegoer lalo na noong dekada 80 hanggang 90.
Ang mga nabigyan ng nabanggit na award ay sina Susan Roces, Sarah Geronimo, Maricel Soriano, Gloria Romero, Dawn Zulueta at Nora Aunor.

Sa interview kay Sharon ng Tonight with Boy Abunda, nagpasalamat siya kay Ate Guy dahil sa pagkakabanggit sa kanyang pangalan sa naging acceptance speech nito during the awards night.

Sabi ng Superstar, “Gusto ko pong hatiin ang karangalang na ito sa apat na tao na sana po ay makita rin natin sa entablado sa mga susunod na taon. Unang-una na ay si Ms. Sharon Cuneta, dekada otsenta.

At itong year 2000 na si Bea Alonzo at si Marian Rivera, gusto ko pong ialay ang award na ito sa kanila.” Ayon naman kay Mega, ang ibinigay na award ay, “(Movie) Icons and Queens of the 80s and the 90s and the 2000s and I felt a little well…I wanted to be a little offended by the FAMAS because I know I was one of the… we were a few, just a few of us who ruled the 80s and the 90s and Ate Guy said that.”

Malaking bagay na raw ‘yung in-acknowledge ni Ate Guy ang naging kontribusyon niya sa industriya ng pelikula.


“And then I said if one of the actresses in the country and the world says this about you and show you how much she respects your being in the business and what you have contributed, you know what, wala nang hihigit pang honor du’n, di ba, kasi si Ms. Nora Aunor siya, she’s a Superstar.
“So pagka-ganu’n kalaking artista na nirerespeto ng buong mundo ang talent, wala ka ng kailangang kung sino mang ano…I love you Ate Guy, and salamat po ng marami,” dagdag pa ng Megastar.

In fairness, may point naman si Mega diyan. Sana, hindi muna nila isinama si Dawn Zulueta dahil mas deserving para sa amin ni Mega.

Buti pa kayo alam n’yo! na ikakasal kami ni Angel





Nag-react si Luis Manzano sa chikang magpapakasal na sila ni Angel Locsin. Apparently, a post on the DZRH website where it said, “SHOWBIZ: Kasalang @143redangel – @luckymanzano kinumpirmang sa June 2016 na. #PangunahingBalita” caught Luis by surprise.
“Buti pa po iba alam nila! Kami nga hindi pa e :)” came Luis’ initial reaction. “Curious lang po, sino nagkumpirma?” he then asked.
“Pero malay nga naman natin ;)” he later said. Sino nga kaya ang may pakana ng balitang magpapakasal na sina Luis at Angel sa June?

Ate Guy nagtampo kay Coco; natapos na pelikula sa TV na lang ipalalabas (Nora Aunor, Cococ Martin)





NAGDAMDAM ang kampo ni Ate Guy dahil hindi man lang ipinaalam ni Coco Martin na imbes na sa sinehan ipalabas ang movie nilang “Padre de Familia” ay sa cable channel na lang ito mapapanood.u

We were informed that the indie movie will be shown sa Cinema One ng cable TV. Siyempre pa, nagulat na lang ang kampo ni Nora Aunor dahil wala silang kaalam-alam sa desisyon ni Coco na ipalabas na lang ito sa cable channel at hindi na sa mga sinehan.

Si Coco kasi ang producer ng movie kaya naman siya ang may final say. Ang ipinagdaramdam lang ng camp ni Ate Guy, hindi sila na-inform man lang.

There’s another story which also landed to us. One time during the shooting of the movie, biglang sumigaw ng cut itong si Coco. Hindi kasi nabitawan kaagad ni Ate Guy ang kanyang lines.

Nagulat ang lahat sa inasal ni Coco and that includes Ate Guy. First time yata na merong kaeksena si Ate Guy na sumigaw ng cut. Ang director lang naman talaga ang may karapatang sumigaw ng cut, ‘no.

When Ate Guy explained to Coco and the director na that’s how she planned to attack the scene, natigalgal ang dalawa, parang napahiya. Totoo ba ito, Coco? We want to hear your side of the story.

Anyway, ang latest kay Ate Guy ay certified Kapuso na raw ito. Bibida ito sa isang dramedy na magsisimula ang airing next month.



Jessy galit na galit sa bashers: Matagal na kong nagtitimpi!




When Jessy Mendiola posted this message on her Instagram account, “I don’t hate you. I’m just disappointed you turned into everything you said you’d never be,” may nag-comment na dapat ay mag-move on na si Jessy sa split nila ni JM de Guzman at sa nangyari sa kanila ni Enrique Gil sa loob ng eroplano noong patungo sila sa Europe for ASAP20 tour.
Sumagot si Jessy and said, “@dulnaem at ikaw? 

I will take my time to MOVE ON. Puso ko to. “Ako ang magsasabi kung kelan ako mag-move on at kung kelan ako hindi pa ready. Ikaw try mo mag-move on sa instagram account ko.

Magunfollow ka kung ayaw mo o wag mo nang bisitahin account ko ng hindi ka frustrated magsabi sakin ng MOVE ON. Keri? BLOCKED.” When someone said na she’s hoping na hindi naman sana ginugulo ni Jessy ang ulo ni JM, the actress replied, “Try mo.

Tignan ko kung kaya niyo kung nasaan ako ngayon. Palit tayo for a day. Baka kayo mismo ang sumuko. @dulnaem @yhesoliman @ylangbango #bashpamore”.

Tila lalong nag-init ang ulo ni Jessy when someone said that her messages are being posted in one popular website, and this was her reply, “@bebebear128 i dont care.
He can post whatever he wants, halos di naman din totoo mga pinopost niyang iba kaya pagbigyan nalang natin sa pagrepost ng pa-quotes ng iba.

“Ako din magpopost ng gusto ko. Matagal nako nagtitimpi. Lahat sinasabihan ako na wag patulan blah blah blah. But i will take time to reply right now. I just want to say sa lahat ng nagmamarunong at alam kung ano nangyayari.

Na OKAY lang. Sige. Umatake pa kayo. “Ikatutuwa niyo yan eh. Ikabubuti ng buhay niyo yan. I will post what I want to post because this is MY instagram account. Bahala na kayong lahat. Sige bash pa at comments pa ng nega. Dyan kayo mabubuhay ng matiwasay. GOOOOO.”

That came Jessy’s lengthy reply na talagang ikinaloka ng kanyang followers. Patol kung patol si Jessy sa kanyang bashers. Wala ba siyang pinagkakaabalahan ngayon kundi ang tumambay sa harap ng kanyang computer or tablet or cellphone kaya she has all the time para sagutin lahat ng bashers niya?



Tumatawa siya pag nanonood ng kalyeserye!’ Pasyente sa St. Lukes pinaligaya ni Wally; pamilya nagpasalamat




KAHIT saan magpunta ngayon si Wally Bayola ay talagang pinagkakaguluhan siya ng mga dabarkads – siyempre, dahil ‘yan sa pagganap niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si Lola Nidora.

Biglang sikat uli ang TV host-comedian dahil sa pagpapatawa at pagdadrama niya sa kalyeserye na pinagbibidahan din nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub. Sabi nga ng mga nakakausap namin, buradung-burado na ngayon sa isipan ng mga tao ang kinasangkutan niyang iskandalo noon.

Nakachikahan namin si Wally at ng ilang piling miyembro ng entertainment press kamakailan sa Zirkoh Morato at dito nga naiparating sa kanya na kung merong isang lalaking artista na karapat-dapat bigyan ng Best Actor award, siya na yun.
Bukod kasi sa role niya bilang si Lola Nidora, may dalawa pa siyang papel sa kalyeserye ng AlDub – sina Duhrizz at Rihanna. “Siyempre po, nakaka-overwhelm.

Pero sabi ko nga, yung simpleng marami kang napapatawa…kumbaga kasi, marami ang nagsasabi sa amin, lalo na nung isang beses na nagpunta ako sa St. 

Luke’s (Hospital), ang sabi sa akin, ‘Meron kang tagahanga na ganito, puwede ka raw bang pumunta du’n?’
“Pinuntahan ko ang nanay. Sabi sa akin, ‘Salamat po. Naaawa kami sa nanay namin.’ Pero kapag nanonood siya ng AlDub, nag-i-smile raw ang nanay nila.

“Yun ang malaking reward sa amin. Nakakapagpasaya kami ng taong malungkot, may sakit,” kuwento ni Wally. Hindi pa rin makapaniwala si Wally na tanggap na tanggap na uli siya ng publiko, at nagpapasalamat siya kay Lola Nidora dahil dito talaga siya mas tumatak sa isip at puso ng mga manonood, “Sa tagal ko na rin na maraming ginagaya, talagang ito lang si Lola Nidora ang nabigyan ng moment.”

At kung dati ay kontrabidang-kontrabida ang dating ni Lola Nidora sa pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub, hindi na ngayon. Kahit nga ang mga bata ay natutuwa na rin sa kanya dahil sa mga inspiring words of wisdom ni Lola Nidora.

“Nagulat lang ako dahil nagkataon na yung lola, hindi na masyadong galit. Hindi na masyadong galit sa dalawa (Alden at Yaya Dub). Parang pumapayag na siya. Marami na ang nagmamahal kay Lola sa AlDub Nation,” chika ng komedyante.

Kahit nga raw ang mga anak niya ay apektado sa karakter niya sa kalyeserye, “Actually, noong una, noong parang kinokontra ko si Alden, galit! Lalo na yung maliit. Sabi niya, ‘Papa, bakit naman mad ka kay Alden?’ Sabi ko, ‘Hindi, script lang yun, anak.’ Tapos noong pumapayag na ako, sabi sa akin ng bunso ko, ‘Very good na si Papa.’”

In fairness, maligaya ang lahat ng dabarkads para kay Wally dahil masasabing bumalik na ang tiwala sa kanya ng mga tao, “Masaya ako, lalo na sa mga mentors ko, yung mga unang-unang sabi ko na hindi ko sasayangin yung chance na ibinigay nila.

“Unang-una na ang mga boss ko sa Eat Bulaga, mga mentors ko, sina Mamu (Andrew de Real), yung mga nagtuturo sa akin dati. Sa school ko siyempre, sa pinagtapusan kong school, sa Naga. Sa mga taga-Naga, mga kababayan ko sa Naga, mga Bicolano.

At least, sabi ko, naibawi ko yung chance na ibinigay.” Dagdag pa ni Wally, “Yung trabaho namin sa Eat Bulaga, yung hirap, sabi nga nila, ‘Grabe yung ginagawa mo, ang init-init.’ Tapos, costume-costume sa init ng araw.
Sabi ko naman, salamat at maganda ang rehistro ng paghihirap namin, maganda ang resulta bilang nagpapasalamat kami nang sobra.”

Ngayong tanghali naman inaasahang muling magkikita sina Alden at Yaya Dub sa studio ng Eat Bulaga. Kahapon pa lang, todo na ang ginagawang paghahanda ng mga dabarkads sa studio para sa pagdalaw nina Lola Nidora, Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) kasama si Yaya Dub.

Pumayag si Lola Nidora na magpunta sa studio para mabigyan uli ng chance na magkasama kahit sandali lang sina Alden at Yaya. Pero inulit ni Lola Nidora ang kanyang mga kundisyon – paiiralin pa rin ang kanyang “no touch” at “one foot” rule.

Humiling naman si Alden kay Lola Nidora kung pwede siyang bumeso kay Yaya, pero hindi ito pumayag, dapat daw makuntento ang binata kung ano lang ang meron sila ngayon ni Maine. Nag-request naman si Lola ng maraming tubig sa studio para hindi na mabilaukan si Yaya tulad ng nangyari last week.

Ito ang dahilan kung bakit nagkahawak ng kamay ang AlDub at nasuway ang “no touch” rule.


Promise naman ni Tito Sotto, “Basta kami na ang bahala kay Alden, kayo ang bahala kay Yaya.”


Bago matapos ang kalyeserye, may hiniling si Lola Nidora kina Tito, Vic & Joey – kung pwede raw ay haranahin siya ng TVJ ngayong tanghali na pinagbigyan naman ng tatlong host-comedian. Kaya tutukan ngayong araw ang TVJ meets AlDub with the Lolas sa Eat Bulaga.

Mega mas type makipag-sex, dedma sa chocolate




GINULAT ni Megastar Sharon Cuneta ang audience sa mga sagot niya sa kauna-unahan niyang guesting sa bagong late night show ng King of Talk na si Boy Abunda sa ABS-CBN.
Sa Fast Talk segment ng Tonight With Boy Abunda, pinapili si Mega between sex and chocolate, walang kapuknat-puknat na pinili niya ang sex.
“Oo, ‘di ba? Aanhin ko naman ‘yung chocolate. Ha-hahaha! Alangan naman ‘yung tatlong anak ko, e, Immaculate Concepcion? Ha-hahaha! Kasi hindi alam ng tao na I’m passionate, I’m sensual, you know.
I’m those things, lahat sila,” masayang sagot ni Mega noong makausap namin siya after ng interview niya kay Kuya Boy. Ganadung-ganado si Sharon sa pagsagot sa mga tanong ni Kuya Boy kaya naman hindi kinaya na sa isang episode lang siya lumabas sa pilot week ng Tonight With Boy Abunda last Thrusday.
Kaya naman na-extend ng isa pang gabi ang interbyuhan nina Kuya Boy at Mega noong Biyernes.
“Oh, my God! One of the best na, whenever I’m with Kuya Boy it’s always a great time.

Kahit nga magdamagan, e. ‘Yung hindi ka, you won’t feel tired or sleepy or bored coz he’s so engaging, he’s so smart and he asks the right questions, the kind of people I get along with, so, I love being with him. Sabi ko nga sa kanya, seryoso ako doon sa limang gabi kasi bitin. Ha-hahaha!”
Babalik daw siya tiyak sa show ni Kuya Boy kung hindi raw bored sa kanya ang staff ng TWBA.
“Miss na miss ko ang talkshow. Ha-hahaha! Talaga! Alam mo, saka hindi, (kasi) masayahin talaga ako.

Tapos nakakatuwa si Kuya Boy. Natatawa rin siya sa akin. Kaya enjoy na enjoy ako. Tsaka na-miss ko na ini-interbyu ako,” pag-amin niya.
Ni-reveal pa ni Mega ang kanyang book collection na umabot na sa kalahating milyon ang halaga bukod pa yan sa mga e-book niya, huh.
And since ngayon lang uli namin siya nainterbyu, sinamantala na namin ang pagkakataon na kunin ang reaksyon niya sa pagkakaayos ng kanyang anak na si KC Concepcion sa ex-BF nitong si Piolo Pascual.
Matatandaan na nagkaroon ng malaking isyu noon between her and Piolo. “Ay, I’m very happy. Actually, talaga namang dala lang ng, alam mo kapag ina ang isang tao syempre parang mas gugustuhin mo ikaw ang masaktan kesa sa anak mo.
Hindi sa ano, I mean, she had naman…hindi lang naman ‘yun ang relationship niya. May iba naman. Never akong nakialam, ‘di ba?”
Dugtong pa niya, “Siguro that time lang, hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal ‘yung tao, e. So, I really treat him as part of the family. Pero tapos na ‘yun. I’m very happy na okey na sila.”
Inamin din ni Mega na may konting pagsisisi siyang na naramdaman sa paglabas niya ng feelings sa social media laban kay Piolo noon.
“And alam mo, sana rin hindi ako…tsk. Hindi ako naging masyadong public sa feelings ko noon kahit na masakit. Kasi, parang afterwards, noong tapos na lahat, in retrospect, kahit kanino mo gawin, kahit sa sarili mo mangyari, hindi maganda.
“So, ayaw na ayaw ko na…syempre I’m sure nakasakit ako. Ayoko noon. Kasi kung may nakasakit, huwag mo nang dagdagan,” sabi pa ni Sharon.
Tinanong din namin siya kung itinigil na rin ba niya ang paggamit ng kanyang social media accounts.
“Sa FB. Tapos nakakonek naman siya sa Twitter ko. Pero wala na. I don’t, ‘di ba? Hindi na ako nagbabasa masyado.

Konting negatibo, nilalampasan ko. Hindi ko binubuo. I concentrate on, kung may isa kasi…may tatlong daan, apat na daang na puro, you know, parang hindi mo na mapapansin kasi parang nakakatuwa na ang positive, e, sa dami.
Natatabunan, hindi mo na rin na, that’s why I like Facebook, you just delete,” paliwanag niya.
Na-happy naman kami to hear that from Mega.

Syempre, Megastar siya ‘no at hindi bagay sa kanya na pumapatol sa mga bashers sa social media. Hayaan na lang niya ‘yan sa mga istarlita at ibang palengkerang artista diyan na desperada nang mapansin sa showbiz kaya napapapansin sa social media.

Oh My God... Anak ni Janice (1991)




Oh My God... Anak ni Janice (1991)
Regal films

JANICE DE BELEN
RENE REQUIESTAS
JANNO GIBBS
CRMINA VILLAROEL
ISABEL GRANADA
ROBERT ORTEGA
SMOKEY MANALOTO
CHINKEE TAN
MARIO ESCUDERO
JORDAN CASTILLO
BERTING LABRA
JOAQUIN FAJARDO
LUZ FERNANDEZ
ZORAYDA SANCHEZ
EVELYN VARGAS
MAHAL

Dir: Mike "Relon" Makiling



AlDub muling pinakilig ang buong mundo sa unang ‘hawak-kamay’





MAGKAKAPALIT ng buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa pagpapatuloy ng phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga simula sa lunes.

Sa pagtatapos kasi ng episode ng Eat Bulaga kanina, hiniling ni Lola Nidora (Wally Bayola) kung pwede niyang iwan muna si Yaya Dub sa pangangalaga ni Bossing Vic Sotto at isasama naman niya si Alden sa mansiyon para ito ang magbantay at mag-alaga sa kanya.

Si Alden na rin ang makakasama nina Lola Nidora, Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa pagsugod sa mga barangay para sa segment na “Juan For All, All For Juan”.

Pumayag naman si Bossing na magpalit muna ng trabaho sina Alden at Yaya Dub, ngunit bago pa matapos ang episode ng kalyeserye kahapon, may tumawag na naman kay Lola Nidora para ibalitang may nangyari sa mansyon kaya kailangan na niyang umalis kasama si Alden.

Tulad ng inaasahan nag-number one trending topic na naman ang noontime show ng GMA 7 kahapon kung saan dumalaw nga ang The Explorer Family kasama si Yaya Dub sa studio ng Eat Bulaga. Habang isinusulat namin ang balitang ito, nakakuha na ng mahigit 10.1 million tweets ang hashtag #ALDUBmeetsTVJ.

Unang dumating sa studio si Tinidora at humataw agad sa stage. Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Lola Nidora at Yaya. Isa-isang ipinakilala sa kanya ang mga Dabarkads. Pero bago sila magkita uli ni Alden, hinarana nina Tito, Vic, & Joey si Lola Nidora tulad ng kanilang pangako.

Mas baging riot ang eksena nang biglang kumanta si Jimmy Santos para haranihin din si Lola. Dito na naglulupasay si Lola Nidora dahil sa sobrang kilig.

Napuno naman ng tilian ang buong studio pati na rin ang paligid sa labas ng Broadway (kung saan naroon ang napakaraming dabarkads na hindi na nakapasok sa loob) nang muling magkaharap sina Alden at Maine.
Binigyan ng binata si Yaya pati na rin sina Lola Nidora at Tinidora ng bulaklak na mula pa sa Cebu kung saan nagkaroon ng mall show ang Kapuso heartthrob.

Pero bago pa nakaupo ang AlDub sa hinandang lamesa ng Dabarkads sa studio at makpag-usap muli ay binigyan muli ng challenge ni Lola si Alden – kailangang talunin ng binata si Lola sa bato-bato pik.

Sa ending, nagwagi muli si Alden kaya jackpot na naman ito kay Yaya. At dito na nga nangyari ang makasaysayang “first shake hands” ng dalawa.
At dahil ayaw iwan ni Lola Nidora ang AlDub dahil baka may gawin na naman ang mga ito na labag sa kanyang mga kautusan, niyaya siya ni Allan K na lapitan muna ang studio audience para mabati niya ito at makapagpa-selfie.

Sinamantala naman nina Alden at Yaya Dub ang pagkakataon – nilapit nila ang isa’t isa at uminom pa sa iisang shell ng buko sa pamamagitan ng straw. Nag-selfie pa ang dalawa at nagpa-picture kasama ang mga Dabarkads.
Naghiwayan pa ang audience nang inilagay ni Joey ang kamay ni Alden sa balikat ni Yaya Dub. Mas pinakilig pa nila ang manonood nang mag-duet sila nang live (Wish I May) gamit ang kanilang mga tunay na boses.

May isa pa raw dahilan si Lola Nidora kaya sila pumunta sa studio, sinabi niya sa TVJ na gusto niyang maging bahagi ng Bayanihan Ni Juan project ng Dabarkads. Pero bago nga matapos ang nasabing episode ng kalyeserye, biglang tumawag si Rihanna, ang mayordoma ni Lola Nidora – may nangyari raw sa mansyon.

Mabilis na umalis ang lola kasama si Alden na binitbit pa ng mga Rogelio palabas ng studio, habang naiwan na si Yaya sa piling ng mga dabarkads.

Ano nga kaya ang nangyari sa mansyon, may naganap bang masama o baka naman may good news lang si Rihanna para sa kanyang amo? Ano naman kaya ang ipagagawa kay Yaya sa studio bilang bagong co-host ng noontime show?

At magampanan kaya ni Alden ang mga bagong challenges na ibibigay sa kanya ni Lola Nidora ngayong siya naman ang makakasama sa pagsugod sa mga barangay? Yan ang kailangang abangan ng buong bayan sa pagpapatuloy ng Kalyeserye ngayong Lunes.



Sheryl Cruz, ayaw daw mangyari sa pinsang si Sen Grace Poe ang nangyari kay FPJ







Patuloy na naninindigan si Sheryl Cruz sa binitawan niyang mga pahayag kaugnay sa pagtakbo sa pagka-Pangulo ng pinsan niyang si Senator Grace Poe sa 2016 elections.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Sheryl noong Oktubre 1, sa Relish Hello Happiness, sa Quezon City, sinabi ng aktres na hindi niya babawiin ang kanyang mga sinabi.

“First of all, what I’ve said I won’t retract.

"Iyon ang akin, mayroon naman akong paninindigan, di ba?"

“Iyon ang akin, not for anything else.

"I respect everyone in my family and I love everyone in my family, including her [Senator Grace].

“Kasi kung wala akong concern, I won’t speak up.

“Concerned ako sa aking pinsan, ayokong mangyari sa kanya kung ano ang nangyari kay Uncle Ronnie [Fernando Poe Jr.] before,” sabi ni Sheryl.

Ang yumaong King of Philippine Movie ay tumakbong presidente noong 2004.

HURT. Nasaktan daw si Sheryl na maraming negatibong lumabas laban sa kanya at marami ang minasama ang kanyang mga sinabi.

“Of course naman, hindi naman sa hindi ka nasaktan, masyado lang naging malaki yung reaksiyon na hindi naman dapat ganun.

“Ang sa akin lang, lahat naman tayo may karapatan sa ating mga sariling opinyon,” sabi niya.

Hindi pa raw nakakausap ni Sheryl si Senator Grace matapos pumutok ang isyu. Pero bukas naman daw siya sa pakikipag-usap.

Saad ni Sheryl, “Sinabi ko naman na ang communication line ko is always open.

“They all know that, wala naman akong hindi kinakausap.”

Matagal na rin daw nang huli silang mag-usap ni Senator Grace nung April 5 this year, birthday ni Sheryl.

Maging ang tiyahin niyang si Susan Roces, ina ni Senator Grace, ay hindi pa rin daw niya nakakausap.

Aniya, “Hindi pa kami nagkakausap kasi nga busy kami sa taping [ng mga teleserye], at saka pumunta nga ako ng Brunei recently.”

Nang tanungin tungkol sa mga nagsasabing naiinggit lang daw siya kay Senator Grace, tugon ng aktres, “Alam niyo, masama yung mainggit, ang inggit ko ay hindi inggit na nakakasira para sa akin.

“Inggit na sana isang araw maging kasing galing ko rin siya.

“It’s a constructive thing, ayoko ng negative, di ba?

“Hindi ko gusto na naiinggit kasi ang inggit nakakamatay iyon, e.

“At hindi lang ganun, you have to get over your insecurities in life, whatever they may be.

“Basta ang sabi lang naman sa akin, you cannot always get what you want.

“May mga things na ibinibigay sa atin ang Diyos, at mayroon din naman na hindi sa atin ibinibigay.

“I don’t know why, ayoko na lang kuwestiyunin.

“Basta kung saan Niya ako gustong dalhin, I will always listen sa nandoon sa taas

Oh My God... Anak ni Janice (1991)




Oh My God... Anak ni Janice (1991)
Regal films

JANICE DE BELEN
RENE REQUIESTAS
JANNO GIBBS
CRMINA VILLAROEL
ISABEL GRANADA
ROBERT ORTEGA
SMOKEY MANALOTO
CHINKEE TAN
MARIO ESCUDERO
JORDAN CASTILLO
BERTING LABRA
JOAQUIN FAJARDO
LUZ FERNANDEZ
ZORAYDA SANCHEZ
EVELYN VARGAS
MAHAL

Dir: Mike "Relon" Makiling