Showing posts with label Bandera Chikka 2015. Show all posts
Showing posts with label Bandera Chikka 2015. Show all posts

Friday, December 4, 2015

Baby nina Marian at Dingdong inuulan ng offer sa commercial




Tulad ng inaasahan ng lahat, tila anghel ngang bumaba sa lupa ang itsura ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Napakaganda ni Baby Letizia sa mga litratong ipinost ng mag-asawa sa kanilang Instagram account.
Balitang napakarami nang natatanggap na offer nina Marian at Dingdong para gumawa ng TV commercial ang sanggol, pero wala pa raw tinatanggap ang GMA Primetime King and Queen.

Mismong si Marian na ang nagsabi noon na gusto muna nilang i-enjoy ni Dingdong ang kanilang first baby bago nila ito payagang gumawa ng commercial. Sa kanyang Instagram account, ilang litrato ni Baby Letizia ang ipinost ni Dingdong, pero ang pinakapaborito niya raw sa lahat ay ang nasa pahinang ito kung saan nakabalot sa lampin ang baby.

“I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10,” ang caption niya sa nasabing picture. Sey naman ni Marian sa kanyang IG, “41 weeks akong nag hintay , 18 hrs na nag labor.

Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko, @dongdantes.

“At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga ta-yong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina.

Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia” dagdag pa ng aktres.  Samantala, bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, active rin ngayon si Dingdong pagdating sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang aspeto ng Climate Change.

Layunin niyang maturuan ang kanyang bawat Filipino na maging handa sa lahat ng mga sakunang maaari nating maranasan sa mga darating pang panahon. Ngayong Linggo (Dec. 6), mapapanood sa SNBO ng GMA ang 2Degrees, isang dokyumentaryong patungkol sa Climate Change.

Kasama ng Kapuso Primetime King sa napapanahong dokumentaryong ito ang GMA News personality na si Jiggy Manicad. Hosted by Dingdong, this documentary will aim to answer all the questions that each of these fathers have about the causes of the most devastating natural calamity that struck the Philippines this decade – typhoon Yolanda.

Sabi nga ni Dingdong, “This is the right time to be informed. Learn more about climate change and realize the pressing need to take action with this special documentary.”



Sheryl nagpipiyesta dahil sa mga kasong isinampa laban kay Grace?





Maraming nagtatanong, ano raw kaya ang nararamdaman ngayon ni Sheryl Cruz sa mga isyung kinasasangkutan ni Senadora Grace Poe, nagbubunyi raw kaya ang aktres na matagal nang nangnenega sa senadora?

Hindi ba’t nu’ng una pa man ay ‘yun na ang sigaw ni Sheryl, hilaw pa raw si SGP para kumandidatong pangulo, marami pa raw dapat pag-aralan ang senadora bago mangarap tumakbo sa isang mataas na posisyon.

Nu’ng isang araw ay masayang-masaya naman ang kampo ng senadora dahil sa ikalawang sultada ng kanyang laban sa Senate Electoral Tribunal ay ibinasura ang motion for reconsideration ng isang abogadong naghain ng kaso laban sa kanyang citizenship.

Panalo si Senadora Grace sa SET, pero sila naman ang maghahain ng MR ngayon sa COMELEC, sa kinukuwestiyon niyang residency ay natalo ang senadora sa botong 3-0.

Malayo pa ang pagta-tapos ng laban, sabi ng kampo ni Senadora Grace Poe, may karapatan pa siyang mag-apela hanggang sa makarating ang usapin sa Supreme Court.

Kapag pala inabot ng eleksiyon ang mga usaping ito nang hindi pa nareresolbahan, manalo o matalo si Senadora Grace Poe ay mawawalan na ng saysay ang lahat, kaya nag-aapura ang kanyang mga katunggali na madesisyunan agad ang mga kasong ihinahain laban sa senadora.



Thursday, November 19, 2015

Malungkot na bagets na nakasakay sa jeep ginulat ni Yaya Dub




Big deal para sa AlDub fans ang photo ni US President Barack Obama kasama ang isang Navy official na nag-pabebe wave. Gamit na gamit si President Obama sa kumakalat na photo.

Ang feeling ng AlDub fans ay nagpabebe wave ang pangulo ng Amerika kahit hindi naman. Actually, marami naman talaga ang nakapansin na there’s no-thing pabebe in his wave, no! “Hindi naman yan pabebe wave kaloka lang, parang nag hi lang siya.”

“Looks like a regular wave to me. nag wave lang ng kamay, pabebe wave na agad? susmaryosep!”
“Parang normal wave lang, di ung pabebe…ung pabebe e ung kay kapitan. parang di naman pabebe wave kay Obama.”


‘Yan ang comments ng mga netizens sa picture ni US Pre-sident. But others say na wag na lang basagin ang trip ng AlDub fans para walang issue. “Walang basagan ng trip.
E, ano ngayon kung ang tingin ng AlDub nation sa ginawa ni Obama ay pabebe wave? Masisira ba ang buhay n’yo kung yun ang paniniwala namin? Get a life!”

Another big deal sa fans ang isang video which showed Maine Mendoza na binuksan ang bintana ng kanyang van para makita ang isang young guy na nakasakay sa jeep. Siyempre ay nagulat ang guy upon seeing Maine.
Napangiti na nga lang siya. Pero ang tanong ng marami, bakit kailangan pang i-video ang pagsilip ni Maine sa labas ng kanyang van? Para ano, para ipakitang napaka-down to earth niya?

Para ipakitang ready siyang makita ng mga tao even without make-up? May nakapansin din na tila crew ang guy na nakasakay sa jeep ng fastfood chain na ini-endorse ni Maine.
Kung true ito, mukhang gusto lang ni Maine na pasayahin ang guy dahil nagtatrabaho ito sa fastfood chain na kanyang ini-endorse. May nagsabi namang nag-trip lang daw si Maine kaya niya ginawa ito.

But one director corrected Maine’s bashers and said na ginawa lang ito ng dalaga dahil naramdaman niyang parang malungkot ang guy. One AlDub fan even pos-ted this message sa Twitter, “She maybe random but she can make people happy!”



Monday, November 16, 2015

Video ng ‘bodyguard’ ni Lola Nidora nanuntok daw sa ‘Kalyeserye’ kalat na




KUMAKALAT ngayon sa social media ang video ng sinasabing bodyguard ni Lola Nidora (Wally Bayola) na sinuntok umano ang isang lalaking may hawak na bata.

Naka-white t-shirt ang alleged bodyguard pero hindi naman talaga nakunan ng video ang panununtok niya. Bigla na lang kasing nagkagulo. Halatang mainit ang ulo ng sinasabing bodyguard dahil sigaw ito nang sigaw kahit na inaawat siya.
Marami ang nag-react sa nasabing video, sari-sari ang kanilang opinion matapos mapanood ang mga eksena sa video.

May nagsabing, “Sigurado nman may ginawa yun kaya nasuntok. Kung bakit ba nman kasi may mga taong di nalang makuntentong tumingin sa mga iniidolo nila. Kailangan pa tlga malalapitan at mahahawakan nila. Buti sana kung simpleng hawak lang, yung iba kasi pisil, kurot, hablot yung ginagawa. Kawawa din nman yung mga artista.”

Ang paniwala naman ng isa ay, “Baka pa-bodyguard nung barangay na pinuntahan nila and not really one of EB bodyguards? Kasi kung EB bodyguard yan, for sure mataas na tolerance ng mga yun sa mga fans dahil sa almost everyday na ganyang eksena sa brgy.”
“Hindi sa nagpapaka-tard ako ha, sigurado namang may rason yan kung bakit naging ganun yung reaksyon. 

Hindi lang natin makita sa video nang malinaw. Sometimes kasi yung mga tao ang hirap pakiusapan e. Pero dapat nga sanay na sila sa ganun. Siguro napikon,” say naman ng isa pa.



Friday, November 13, 2015

Richard gaganap na ‘Panday’; Pero kailangang magpapayat



Ire-remake pala ni Richard Gutierrez sa telebisyon ang classic movie ni FPJ na Ang Panday. Yes bossing Ervin, isa ito sa seryeng ipo-produce ni boss Vic del Rosario sa TV5.
Balik na sa paggawa ng serye ang TV5 at plano nga raw ni boss Vic na tapatan ang mga teleserye ng ABS-CBN at GMA 7 para hindi lang sila ang pinapanood ng mga tao.

Makikipagsabayan na raw ang TV5 sa dalawang giant stations and knowing boss Vic, tiyak na pawang de-kalidad ang ipo-produce nitong mga programa.

Going back to Ang Panday, balitang magtutulong sina
 boss Vic at ang may akda nitong si Carlo J. Caparas na buuin ang programa mula naman sa direksyon ni Mac Alejandre.

Matatandaang nagsimula sa Komiks ang kuwento ng Panday noong 1970 hanggang sa gawing pelikula ni Fernando Poe, Jr.. Bukod kay FPJ, gumanap din sa pelikula bilang Panday sina Bong Revilla at Janno Gibbs.

Ginawan din ito ng remake sa TV ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Jericho Ro-sales noong 2005.
Nag-pictorial na raw si Richard kahapon at napansin ng lahat ng production staff, “Ang taba ni Richard, kailangan niyang mag-reduce, hindi na sila nagkakalayo ng katawan ni Raymond (kakambal ng aktor).”


Sabi namin, bakit si Bong Revilla medyo chubby din noong ginawa niya ang pelikulang Ang Panday? Anyway, may dalawang buwan pa naman si Richard para mag-gym dahil sa 2016 pa naman sisi-mulan ang taping ng fantaserye niya.

Tuesday, November 10, 2015

Ken Chan umaming may natatanggap na mga indecent proposal mula sa mayayamang bading






DIRETSONG inamin ng Kapuso actor na si Ken Chan na may mga indecent proposal siyang natatanggap mula sa mga bading na gustong maka-score sa kanya kahit one-night stand lang.

Ayon sa Destiny Rose lead star, may mga beking nagpaparamdam at nag-aalok sa kanya ng kung anu-ano kapalit ng kanyang katawan at “pagmamahal”. Pero aniya, wala raw siyang pinatos sa mga ito.

“Aaminin ko po, meron talaga. Pero alam ko pong natural lang yun sa mga artista. Hindi lang naman si-guro ako ang nakaka-experience ng ganu’n, ” sabi ni Ken. Pero ayon sa binata, hindi naman daw niya binabastos o nire-reject agad ang mga ba-ding na lumalapit sa kanya.

“Mas flattered ako kesa sa nao-offend. Kasi alam ko na may dahilan sila kung bakit nila nagawa yun. Lahat naman tayo may karapatang magmahal. Yun nga lang hindi ko talaga kaya yung ganu’ng relasyon. Kaya ang ginagawa ko ine-explain ko lang sa kanila yung side ko,” esplika pa ni Ken na sikat na sikat na ngayon dahil sa napa-kagaling na performance niya sa afternoon series ng GMA na Destiny Rose.
Tinanong namin kung magkano ang pinaka
malaking offer na natanggap niya sa isang bading? “Huwag na yun, basta meron po. Pero like I said, mas naa-appreciate ko yung ganu’n kesa magagalit ako. Kasi ibig sabihin may dating ka sa kanila.”

Samantala, natanong din si Ken kung hindi pa ba niya nadadala sa tunay na buhay ang role niya bilang si Destiny Rose, “Minsan sinasabi nila pagkatapos ng taping parang hindi ko pa mabitiwan si Destiny Rose, lalo na pag intense yung mga eksenang ginawa namin. Pero sabi ko nga, secured naman po ako sa gender ko at trabaho lang po ang ginagawa ko.”

Sa Nov. 13, Biyernes, aba-ngan daw ang “most beautiful transformation” sa balat ng telebisyon. Sa wakas, magiging “babae’ na si Joey Flores Vergara bilang si Destiny Rose at tutukan ang mga bonggang pagbabago sa kanyang buhay bilang isang transgender woman.

“Napakahirap pong gawin ito. Hindi siya biro, physically and emotionally, hindi ganu’n kadali ang pinagdaraanan ko as Destiny Rose. Marami akong prosesong pinagdaraanan. I did a lot of workshops and I researched about transwomen, about girls, how they move, talk, communicate, sing, and everything else about women,” paliwanag pa ni Ken.

Pero kahit na nga sobrang hirap ng kanyang role sa Destiny Rose, sobrang grateful siya sa trust na ibinibigay sa kanya ng GMA at sa all-support nila sa kanilang serye.

“Nang nakuha ko na at nahulma si Destiny Rose, natuwa ako at na-overwhelm, sa nakikita ko sa sarili ko. Na-appreciate ko kung gaano kaganda, kung gaano ka-sexy, na-appreciate ko siya, kasi hindi ko pa naman naranasan maging babae, magkilos babae.

“Ngayon sabi ko ang sarap ng pakiramdam na nagagawa ko ito, na kaya kong gawin, kasi artista ako and it’s my duty and work para i-entertain ang viewers. Masaya ako at excited na mapanood nila ang pagpapatuloy ng kuwento ni Destiny Rose,” litanya pa ni Ken.

Kaya tutukan ang mga pagsubok, ang pagbagsak at muling pagbangon ni Destiny Rose, tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Buena Familia.

Anyway, game rin si Ken sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Fabio Ide, ang ka-loveteam niya sa Destiny Rose.
“Kung talagang kailangan sa istorya bakit hindi. Gagawin ko naman yun bilang artista, as a transwoman at hindi bilang si Ken Chan,” chika pa ng guwapo at magaling na young actor.
Kasama rin sa cast sina Katrina Halili, Manilyn Reynes, Joko Diaz, Jackielou Blanco, Jeric Gonzales, JC Tiuseco, Sheena Halili, Irma Adlawan at Michael De Mesa, sa direksyon ni Don Michael Perez.


Vice inupakan ng bashers, tinawag na baklang laos…idinamay pa ang nanay ‘Wag n’yong sayangin ang oras n’yo sa akin....love you!’ – Vice





SA halip na magwala sa galit at patulan ang mga netizen na patuloy na nanlalait at nambabastos sa kanya, mas minabuti na lang ni Vice Ganda ang mag-spread ng good vibes at magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.
Sa mga nabasa naming comments ng ilang netizens sa sunud-sunod na post ni Vice sa kanyang Twitter account, tinawag siya ng mga ito na laos at isang malaking karma.
Nauna nang nanawagan ang TV host-comedian sa kanyang followers sa social media na tigilan na ang kanegahan at naging positive na lang, “Marami na tayong nasaktan at marami na ring nakasakit satin.
Let’s spread Good Vibes na lang para clap clap clap Champion! #StopTheHate!”
Dugtong pa nito, “Nasaksihan ko na ang ganda ng araw sa salamin. Clap clap clap! Champion! #ShowtimePBBSaLubong!”
Matapos ngang mag-post si Vice ng kanyang mga mensahe, dito na nagkomento ang ilang bashers kung saan tinawag siyang “laos” at may ilan pa nga na idinamay pa pati ang kanyang nananahimik na ina.
Sabi pa ng isang hater huwag na rin daw siyang pumasok sa It’s Showtime at i-apply daw niya sa tunay na buhay ang mga pinagsasasabi niya at huwag puro dakdak. Ang tanging sagot lang dito ng TV host ay, “#StopTheHate: #StopTheHate!”
Siyempre, hindi rin nagpatalo ang mga fans ni Vice at gumanti sa mga bastos na bashers. Pero agad din silang pinagsabihan ng komedyante, “To all my Little Ponies and Vicerylle babies: Thanks for trying to be responsible netizens as much as you can. Never resort to bashing.”
Narito naman ang message ni Vice sa kanyang haters, “My recent tweets are for my fans. So if you’re not my fan, you don’t have to react. Don’t waste your time to bash me. Love you.”



Thursday, November 5, 2015

Sarah ayaw gumanap na Darna: Wala naman po akong sexy body!




HANDA nang bumuo ng sariling pamilya si Matteo Guidicelli. Inamin ng Kapamilya singer-actor na may mga sarili na siyang investments, bukod pa sa mga nabili niyang properties mula sa katas ng kanyang pag-aartista.

Sey ni Matteo sa isang panayam, may mga business na siya sa Cebu at next next year plano na rin niyang magnegosyo dito sa Manila. Kaya naman naitanong sa kanya ng press kung ready na siyang magkaroon ng family of his own. 

“Pwede naman… but I’m not contented yet. Siyempre you want to be comfortable when you have a family di ba? That’s what I’m getting ready for.”

Nilinaw din ng binata na wala pa silang plano ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo na mag-invest together para sa kanilang future, “We didn’t talk about that but me personally as an individual I have so many things to do for myself, so many dreams to do for myself. Yes, she’s my girlfriend but we are not married yet so I want to make my stable strong and be prepared for the days.”

At dahil malapit na ang Pasko, may nagtanong naman kay Matteo kung mahilig ba siyang magregalo ng mga mamahaling bagay sa Pop Princess, tugon nito, “I don’t really invest in expensive gifts. I believe in more meaning stuff eh like you know like a handwritten letter.”

Sa presscon naman kahapon na ibinigay ng Viva Artists Agency kay Sarah para sa kanyang nalalapit na major concert, ang “From The Top” sa Araneta Coliseum sa Dec. 4 and 5, 8 p.m., sinabi ng singer-actress na matagal pa bago siya magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Napakarami pa raw nilang gustong gawin ni Matteo sa kanilang respective career at wala pa sa priorities nila ngayon ang magpakasal.

Tinanong naman ang singer-actress kung totoo bang nagkakalabuan sila ni Matteo tulad ng mga napapabalita, nilinaw nitong maayos ang relasyon nila ni Matteo at happy naman siya kung anong meron sila.

Nakiusap naman ang Pop Princess sa press na kung maaari ay huwag na siyang tanungin tungkol kay Matteo na pinagbigyan naman ng mga nag-iinterbyu sa kanya. Mukhang hindi nga ito kumportableng sagutin ang questions about her boyfriend.

May nagtanong naman sa dalaga kung ano ang reaksiyon niya na maraming nagsa-suggest sa Star Cinema na siya na lang ang gumanap na Darna sa bagong movie version nito na inayawan na ni Angel Locsin due to health reasons.
“Ako? Darna!” na-shock na tugon ni Sarah. “Sorry, parang hindi yata bagay sa akin, wala naman akong sexy body. Personally po, hindi siguro para sa akin yun. Tsaka hindi po ako magtu-two piece, never akong magsusuot ng two-piece. Ha-hahaha!

“And aside from that, kaila-ngan siyempre, physically fit ka du’n, maraming demands ang pagiging Darna. Parang yun ang hindi ko kakayanin.
“Oo, naman po, pinangarap ko ring maging Darna nu’ng bata pa ako, sino naman ang hindi , di ba? Actually, si Lara Croft (Angelina Jolie) nga ang peg ko, e. Kasi gusto ko rin yung mga action. Baka siguro, in the future, gusto kong mag-action, pero mag-Darna, hindi para sa akin ‘yun,” esplika pa ng Pop Princess.

Samantala, ang “From The Top” ay sinasabing isa sa “biggest and grandest” concerts na magaganap sa big Dome this year. Asahan daw ng mga Popsters ang pag-evolve ni Sarah bilang performer. Maraming pasabog si Sarah na ngayon pa lang niya gagawin on stage. May gusto raw kasi siyang patunayan sa kanyang sarili at sa kanyang loyal supporters kaya naisip nila ang concept na tinutukoy niya.
In fairness, one-night lang talaga ang December concert ni Sarah pero mabilis itong na-soldout kaya nagdesisyon ang Viva Concerts na magkaroon ito ng repeat sa Dec. 5.



Tuesday, November 3, 2015

Maine bagong reyna ng TV Commercial; mga naninira sa AlDub butata, nganga




Maraming sikat na artistang nasagasaan nang hindi sinasadya ni Maine Mendoza, ang Yaya Dub ng sambayanang Pilipino, ang palagi nang nami-miss ngayon ni Alden Richards.

Nakamamangha naman kasi ang biglang pagdami ng kanyang TV commercials, kahit saang ista-syon ka tumutok ngayon ay mukha ni Maine ang bubulaga sa iyo, parang wala nang interes ang mga ahensiya ngayon sa ibang mga artista at sa kanilang loveteam na lang ni Alden nakasentro ang mga kumpanya.

Kunsabagay, ganu’n naman talaga sa mundo ng advertising, kung sino ang sikat at may magandang imahe sa publiko ang kanilang kinukuhang tagapag-endorso. At ang sigaw ng buong bayan ngayon ay AlDub.

Sila ang kinakikiligan ng ating mga kababayan, sila ang hinahanap at hinahangaan, kaya hindi natin masisisi ang mga agency kung bakit nakatutok ang kanilang tingin ngayon kina Maine at Alden bilang endorser ng kanilang mga produkto.

Parang kumpetisyon lang ‘yan sa bentahan ng paboritong pausok ng mga Pinoy. Nakakamangha dahil kahit saan ka magpunta, lalo na sa mga probinsiya, ang makikita mong tatak ng sigarilyo ay Mighty, Chelsea, King at Marvels.
‘Yun ang dahilan kung bakit sila ginagaya ng kanilang mga kalaban, ginagaya na nga ay sinisiraan pa, pinepeke na rin ngayon ang kanilang mga produkto. Para silang AlDub.

Ginagaya na ay sinisiraan pa, ibinabagsak dahil sila ang nasa itaas ngayon, kung anu-anong komento ng paninira ang pinalulutang tungkol sa pinakasikat na loveteam pero sorry na lang sa mga ito.

Nananalamin ang sambayanang Pilipino sa mga napapanood nilang eksena sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Ang kulturang Pinoy ay buhay na buhay sa kalyeserye.
Kaya hindi ‘yun basta komedya lang, hindi ‘yun basta pakilig lang, maraming natututuhan lalo na ang mga kabataan sa mga inili-litanya ni Lola Nidora.



Hacker ni Maine may mahalagang mensahe sa AlDub nation







TRUE kaya ang paniniwala ng marami na pang-showbiz lang talaga ang pairing nina Alden Richards and Maine Mendoza?

May lumabas kasi sa isang website na Maine is still in love with ex-boyfriend Miggy. Hindi ito si Iggy Torculas, say ng website handler, kundi si Miguel Villapando.

Naglabasan ang photos ng dalawa sa website at tiyak na magre-react na naman ang sandamakmak na fans. Tiyak na sasabihin nilang isa itong demolition job sa kanilang idol.

With this item kasi na nasa website ay parang pinalalabas na fake ang brewing romance between Alden and Yaya, bagay na ikagagalit ng kanilang supporters. Siyempre, they want their idols na magkatuluyan.

Ginagawa ring malaking issue ang past boyfriends ni Maine. As we write this, parang nakalimang boyfriend na raw ang dalaga. Bakit naman magagalit ang fans ng yaya kung naipo-post sa social media ang past boyfriends nito? At bakit naman nila sasabihing demolition job ito? Bakit, kailan pa naging demolition job ang pagpo-post ng isang bagay na totoo naman.

Actually, we feel na hindi naman talaga type ni 
Alden si Yaya. Napipilitan lang itong pakisamahan ang dalaga at sakyan ang mga biro sa kanila because sumikat siya dahil na rin sa famous yaya.
Siyempre, hindi niya ito basta-basta ieetsapwera kundi ay maliligwak ang kanyang career. Nagwala naman sa galit ang fans ni Maine nang ma-hack ang Twitter account ng kanilang idol.

Talagang super katsang sila sa social media, parang sila ang na-hack. Inako ng isang Anonymous Philippines ang pangha-hack sa Twitter account ni Maine.
Later on, nag-sorry ito sa dalaga at sa fans nito: “To all AlDub fans, paumanhin po sa pag gamit namin sa account ni YAYA DUB. Wala po kaming masamang intensyon.

“We use the internet to communicate with you. nais lang namin magparating ng mahalagang mensahe. hindi ito ang tamang panahon para pagtalunan kung bakit namin ginawa ang isang bagay. siguro ang dapat nyong isipin e kung ano yung nagtulak sa amin para gawin yun.

HINDI NYO PO KAMI KAAWAY. “Ms. Maine, ma’am, pasensya na po idol. alam po namin na isa ka sa mga unang makakaintindi sa amin at salamat. lahat ng bagay may dahilan.

“Umaasa po kami na dumating yung TamangPanahon upang gumising tayo sa mga hindi magandang nangyayari sa paligid. lahat po tayo may magagawa kung sama-sama.
“PS. naibalik na po ang account ni meng katulad ng plano.” Mukhang malalim ang pinanggagalingan ng hacker na ito.

Thursday, October 29, 2015

Yaya Dub ginawang Inang Kalikasan sa isang mural sa Italy






GINAWANG Inang Kalikasan si Yaya Dub na Maine Mendoza sa totoong buhay sa isang mural sa Italy.
Nagpost sa kanyang Facebook si dating Climate Change Commissioner (CCC) Naderev “Yeb” Saño, isa mga lider ng Climate Walk, ng isang litrato kung saan nakaupo siya sa isang mural na ginawa ng kanyang kapatid na si AG Saño.


“AG Saño does it again. A masterpiece in Galliate, Italy. The woman portrayed as Madre Della Terra looks familiar. And AG painted this in 4 degrees Celsius super cold weather,” sabi ni Saño sa kanyang post.

Nakalagay sa caption ang “#yayadub as mother nature… art attack italia.”


Sa isang text message, sinabi ni AG, na
 umaasa siyang makakatulong ang popular na love team ng AlDub na sina Alden Richards at Yaya Dub para ipaalam sa buong mundo ang mga isyu na kinakaharap ng Inang Kalikasan.



Liz Uy pumalpak uli, inupakan ng Aldub fans




OOOPPSSS, she did it again.

Who did what? Liz Uy, that is.

Lumabas kasi sa isang popular website ang dalawang photos, that of Maine Mendoza and Liz. It was obvious that they were wearing the same jacket.
Liz’s photo was taken just a few weeks ago sa kanyang pictorial for Preview magazine.

It was obvious na siya ang nagpasuot ng jacket kay Maine who is a client. Siya kasi ang stylist ni Yaya. Social media people were barking against Liz sa popular website.
“Ok Lang naman Dahil bu-mabagay naman ke Maine kaso YAYA ba talaga tingin ni Liz Uy ke Yayadub at parang hand me downs ang pinapasuot???!!!!!”
“Bingong bingo na tong si Liz Uy ha!”
“It seems that Liz Uy doesn’t realize or doesn’t give enough importance to her client Maine Mendoza.
Maine may be a newbie, but she is obviously a fast rising star, all eyes are on her, she’s been getting breaks left and right, as a stylist – and a much-hyped one at that, she should make sure na wala namang repeat ng clothes, nagmumukha kasing pinagpasahan ng damit si Maine and SHE DOES NOT DESERVE THAT.
“With the right crew she could be the next superstar, the support is already there. Pero pinagmumukhang pipitsugin ng stylist. Nasuot mo na, ipapasuot mo pa sa client mo? Parang pinasahan mo ng damit ang dating eh. Haller!”
Let’s just see how the Eat Bulaga people who hired Liz as stylist for Maine will react on this controversy.
Hindi na ba natuto si Liz sa kanyang recent mistake of making Maine wear a gown previously worn by Kim Chiu noong 2013? Mukhang hindi siya aware sa kanyang mga kapalpakan, ha.
Fresh na fresh pa sa memory ng mga tao ang ginawa niyang kapalpakan sa gown ni Maine noong grand event nito sa Philippine Arena tapos meron na naman siyang bagong kapalpakan.
They say that it comes in threes so let’s wait for another fashion blunder by Liz. Ano naman kaya ang susunod?



Wednesday, October 28, 2015

Joey: Wag madaliin ang career, wag itulad sa karera ng kabayo!




JOEY de Leon seems to have taken a SWIPE at Vice Ganda on his recent tweets.
“Like LOVE, ang CAREER ay hindi minamadali. Ang minamadali lang na karera ay sa KABAYO!”

“I repeat, wag madaliin ang career. Treat it like LOVE. Wag i-tulad sa karera ng KABAYO, tapos agad!”

The patutsada is uncalled for, very unethical and very pedestrian. What has Vice done to deserve it? Nothing! It baffles us why this TV host is making non-stop patu-tsada on Twitter when they already have the number.

Isn’t he happy that the noontime show he’s part of is making waves? Hindi pa ba siya masaya roon?
Again, we felt that making parinig to somebody who’s down reeks of unprofessionalism!


He, too, made a sarcastic comment about the controversial gown which Yaya Dub wore during an event, “Ano naman yang isyu tungkol sa GOWN? Tayo nga lahat ang saya-saya pag Graduation, pare-pareho naman tayo ng gown!”

“Yan bang gumagawa ng ‘gown issue’ colegiala? Malamang hindi. Ang mga colegiala kasi pare-pareho suot ‘no!” “Baka naman yung nag-raise ng gown issue bats for originality. Malamang NAG-IISA LANG ang salawal nyan!” That was his aria.



Monday, October 26, 2015

Joey gustong maging ninong sa kasal nina Alden at Maine





Kung mauuwi man sa totohanan ang pag-iibigan nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula lang sa makasaysayang kalyeserye ng Eat Bulaga, willing daw si Joey de Leon na tumayong ninong sa kasal ng dalawa.
Kung si Joey daw kasi ang tatanungin, gusto rin niyang magkatuluyan sa totoong buhay sina Alden at Yaya Dub dahil naniniwala siyang bagay na bagay ang dalawa. Sa katunayan, lagi raw niyang kinukulit si Alden kung meron nang something sa kanila ni Maine.
Sa isang panayam sinabi ni Joey na botong-boto sila kay Yaya para kay Alden, at feeling niya, wife material din ang dalaga. Hindi rin naman daw ito dehado sa “manok” nila dahil alam naman ng buong mundo kung gaano kabait at karesponsableng lalaki ang Pambansang Bae.
“Kaya nga minsan, tinanong ko kay Alden kung wala bang tamang pana. Magba-Valentine’s Day na, e. E, bata pa si Alden, e. Sabi lang niya, ‘Meron naman, Tito Joey, meron naman. Tingnan natin.’
“Sana magkatuluyan para matuwa lalo ang AlDub Nation. At kung makasal, lahat kami magni-ninong. Kahit hindi kami kunin, mag-a-apply kami!” natatawang chika pa ng TV host-comedian sa nasabing interview.
Noong Sabado, naging record-breaking na naman ang episode ng Eat Bulaga at ang phenomenal na kalyeserye ng AlDub. Nagtagumpay ang mga Dabarkads sa paglikom ng malaking halaga para sa “AlDub Library Project” sa pamamagitan ng “Tamang Panahon” grand fans day kung saan mu-ling nagkita sina Alden at Yaya Dub.
Bukod dito, tinalo na rin ng #ALDubEBTamangPanahon ang may hawak ng highest number of tweets worldwide, ang #WorldCup match sa pa-gitan ng Brazil at Germany (#BRAvsGER) noong 2014 (with 35.6 million) matapos itong makapagtala ng mahigit 39.5 million tweets.
Ayon naman kay Joey, sa maniwala kayo at sa hindi, hindi na raw nila masyadong iniintindi ngayon ang pagiging record breaker ng Eat Bulaga, “Yun mismong venue (Philippine Arena), world record na, e.
Pero hindi na namin pinapansin ‘yang mga world record. Ang importante sa amin, masaya yung mga tao.” Feeling din ni Joey magtatagal pa sa ere ang kalyeserye ng AlDub ngayong binigyan na ng freedom ni Lola Nidora sina Alden at Yaya Dub.
Sabi nga ni Lola Nidora, wala siyang balak na tapusin ang kalyeserye dahil gusto pa niyang makita ang magiging apo niya.

Kim Chiu nakiusap: 'Wag nang palakihin ang isyu AlDub fans, Allan K rumesbak sa isyung ‘recycled’ ang gown ni Yaya Dub





ISA ang TV host-comedian na si Allan K sa mga nagtanggol kay Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa mga bashers na walang ginawa kundi ang gumawa ng isyu mula sa isang maliit lamang na bagay.

Usap-usapan kasi ngayon ang gown na isinuot ni Yaya Dub sa “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga noong Sabado sa Philippine Arena – recycled lang daw pala ito dahil una nang naisuot ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nasabing Francis Libiran gown sa isang fashion show noong 2013.

Kumalat pa nga sa social media ang litrato ni Kim suot ang kaparehong gown ni Maine noong Saturday, at dahil nga rito, maraming nang-okray kay Maine.
Pero siyempre, hahayaan ba ng milyun-milyong netizens na nagmamahal kay Yaya na basta apihin ang ka-loveteam ni Alden Richards?

Ayon sa ilang comments na nabasa namin sa Twitter at Facebook, wala naman daw issue kung nagkapareho ng gown sina Maine at Kim, nangyayari naman daw talaga iyan sa showbiz.

At mismong ang fashion designer nang si Francis Libiran ang nagsabi na binili ng Eat Bulaga wardrobe team ang gown ni Maine at hindi pa raw ito nagamit ng kahit sinong artista sa kahit anong event.

Komento naman ng isang AlDub fan, “Naku, wag nang ikumpara si Yaya kay Kim Chui, wag nang maki ride sa mga pumuna ng gown damit lang yan. Ang importante ang nangyari sa PhilArena.

Hindi magagawa ni kim chui un, eh kung movie lang ang pag uusapan wag kayong atat oi abangan sa december 25 ipapakita namin kung anung kakayahan ng aldub!”

Sa kanyang official Twitter account halatang napikon din si Allan K sa mga namba-bash sa gown ni Maine, aniya sa kanyang post, “Wag na lagyan ng issue yung gown.

Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?” Kasabay nito, hinamon din ng komedyante ang mga bashers ni Yaya, “Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets.

Ok?” Kahit si Kim ay nakiusap na huwag nang palakihin ang isyu ng gown nila ni Maine, aniya sa kanyang Instagram post, “No hate please. A gown is just a gown…its how you make people happy.

Friday, October 23, 2015

Sharon napaluha sa b-day ni Charo, hiyang-hiya kay Piolo





SHARON Cuneta is now singing a different tune. After seething with anger some three years ago, the Megastar was profusely sorry for what she did to Piolo Pascual after he hurt KC Concepcion’s heart.
Nagkita sina Sharon at Piolo sa birthday party ni Madame Charo Santos and in an instant Sharon’s anger vanished in thin air. She made kuwento her encounter with Piolo on her Facebook account.
“Now take a deep breath…because I am about to share with you one of the best gifts God gave me this year. “As a human being, sometimes when you are very hurt, your emotions overtake your sensibilities, and your tendency is to hurt back.
This is especially true when you are a mother. Like a mama lion whose cub has been hurt, you will defend her without caring about the possible consequences of your actions and do not care even if you put your own ‘safety’ on the line.
“And sometimes, unlike a mama lion, a human being will regret losing her temper, her patience – never mind that the cause of such anger was also her being provoked by people who could never understand, and even rubbed salt in her wounds, kicked her when she was down, still, you end up being angry at yourself because you know that you were raised to be decent, that some things would have been best discussed in private, and people with the worst intentions should have been ignored totally.
“Now, because the words said were said on social media, The words I write now I also put forth on social media. Because I feel it is fair and right.
“I was in my wheelchair amongst friends and I didn’t see him coming. He hugged me tight and when I looked at his face, I hugged him back so tight…’I am so sorrys’ and ‘I love yous’ and ‘I miss yous’ later, making me tear up…I thanked Father God for the happiness in my heart.
“My ‘son,’ who is the only one I managed to hurt (and I imagine, his family too…) – and he knows this: because not just my daughter but I loved him very much, and sometimes it is the ones we love that we hurt and are hurt by, is still, after all is said and done, my ‘son’ that I love.
“I know your apology was sincere. Please know that mine was, too. I think of your mama and feel very badly about how she must’ve felt, because she too, is a mother like me. I am sorry that you and my baby had to end your relationship, and I am sorry for how very publicly I made my emotions known.
For what it’s worth, I was not that kind of person. Was not, am not, and hopefully never will be. I believe you know that in your heart.” “Thank you, Lord Jesus for forgiveness, restored friendships, and love.
Most of all, thank you that my Kristina is fine now and happy. And thank you, dear Piolo, that I can still call you my son no matter what. God bless you, P.J.! Love you.”
That was Sharon’s long aria.



Amalia...na-stroke!






MY dear friend Ms. Divina Valencia (my other mom sa showbiz actually) texted me yesterday asking for prayers for her colleague Ms. Amalia Fuentes, Tita Nena to many of us, dahil nasa Korea raw ito ngayon at doon dinale ng stroke and currently confined sa isang undisclosed hospital.

Actually, ilang araw ko nang nabalitaan ito through a blind item and someone very close to me whispered na si Tita Nena nga raw ang tinutukoy doon. Bigla akong nag-flashback sa beautiful moments ko with Tita Nena who became very close to me too.

There were times na bigla na lang darating sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz iyan sa DZMM, wala lang. Gusto lang daw niyang dumalaw dahil ayaw siyang tamaan ng antok.
“Hindi ako makatulog at na-miss lang kitang bigla. Kaya nang makita kita sa Te-leradyo, bumalikwas ako sa higaan ko at kahit nakapantulog na ako ay sumugod ako para lang makigulo sa program ninyo. Ha-hahaha!” she would fondly tell me noon.

Totoo nga, nakapantulog lang si Tita Nena nang makipagtsikahan siya sa amin ni Papa Ahwel. Kasi nga, she just lives nearby – sa New Manila lang siya nakatira kaya mabilis siyang nakarating sa program namin.

Siyempre, with Tita Nena around, no dull moments. Kahit isang oras kang makinig sa pagtataray niya oks lang dahil very cute ang dating. And meron siyang karapatang magtaray dahil siya si Ms. Amalia Fuentes, ‘no!

Minsan naman ay niyayaya ko iyan to attend sa ilang personal events ko. Join iyan sa akin provided na ipapasundo ko lang siya at pakakainin nang masarap. Mababaw lang ang kaligayahan ni Tita Nena kaya magkasundo kami talaga niyan.

“Mahal kita Jobert, I just love you and Boy Abunda. You are just very special to me,” ang madalas niyang sinasambit sa akin na siyempre’y ikinakapa-flatter ko talaga.
Now ay wala siya sa tabi natin, nasa malayong lugar siya kaya imadyinin n’yo na lang ang pag-aalala naming mga nagmamahal sa kaniya.

Sana ay huwag siyang pabayaan ng nasa Itaas, sana ay malagpasan niya itong pagsubok na ito sa buhay niya. Mahirap kasi pag nagkakaedad na tayo, hindi talaga maiiwasan ang ospital.

Kasi nga humihina na ang ating system kaya sana ay tulong-tulong tayong magdasal that she’d be fine. Kahit mataray iyang si Tita Nena she is very sweet in reality.

Pag mahal ka niya, she will fight for you till the end pero pag irita siya sa iyo, walang kinatatakutan iyan. Susugurin ka niya kahit saan para iparamdam lang sa iyong masama ang loob niya.

That’s why I love her. Get well soon, Tita Nena. We love you.

Thursday, October 22, 2015

Alden Richards, Ryzza Mae dumalaw sa PH Arena




DALAWANG tulog na lang at Tamang Panahon na.
Kaya nga sa Thursday episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga, dinalaw ni Alden Richards at ni aleng Maliit na si Ryzaa Mae ang Philippine Arena kung saan idaraos ang super big event ng AlDub ngayong Sabado.
Makailang ulit na pinaaalalahanan ang publiko na hindi pwede ang mga bata na 7 years old and below na makapanood ng show at gayon din ang mga buntis para na rin sa kanilang kaligtasan.
Inaasahang magiging punung-puno ang 55,000 seater na Philippine Arena at magdudulot ng matinding trapiko sa North Luzon Expressway ang mala-exodus sa Metro Manila na gagawin ng AlDubnation para lang makadalo sa nasabing event.



Tuesday, October 20, 2015

James Reid nag-dirty finger, inupakan ng mga moralista




NAG-FLASH ng dirty finger si James Reid sa isang photo na kumalat sa social media. Of course, he was bashed when the photo surfaced in one website.

Agad-agad namang nagtanggol ang isang fan ng actor and said, “Normal sya na tao! Nagkakamali din. Y ikaw never kaba nag middlefinger? Linis mo ha.”

Sinagot naman ito ng isang fan who said, “Hindi po normal ang mag middle finger. Tsaka sinasadya nya yun ginawa nya. Kaw, gusto mo na may mag middle finger sa yo?”

“Oo na nagkakamali din kami pero bakit ang dalas niya magkamali? Hahahaha para kasing di na niya iniisip kung ano ang epekto ng mga pagkakamali niya sa libo libong teenagers na fans niya.

Una, gimik tapos babae tapos vaping tapos middle finger. Oo di siya perfect gaya ko pero artista siya na maimpluwensya sa fans niya. Matuto ka din sana tumanggap ng pagkakamali ng idol mo, kesa mangaway ka ng mangaway,” say ng isa pa.
Meron pa ring todo depensa kay James as one said, “OMG! Astig talaga ng idol ko! Ang hot hot mo po kapag nakikita ka sa gimikan! Tapos ang gaganda pa ng nalilink sayo, yan ang gwapo! ORAYT! Rock and roll to the world!”

Actually, James’ flashing off his middle finger became an issue just because he is a celebrity. Kung hindi siya artista, will the people ever care? Siyempre, hindi!!!



Kilalang female celebrity naadik sa retoke, nagmukha nang unggoy




MAY nakakita sa isang dating magandang young actress na naninirahan na ngayon sa isang napakalamig na bansa. Nang ipakilala siya nu’n ay talaga namang siya ang sinasabing crush ng halos lahat ng mga male stars.

Napakaganda naman kasi niya talaga, sexy pa, kaya nakuha niya ang atensyon ng mga bagets na kasamahan niya. Pero sinuwerte ang isang actor-TV host, ito ang una niyang na-ging boyfriend, sumunod naman ay isang young comedian at nagtagal din ang kanilang relasyon.

Pero biglang nagbago ang mundo ng girl, may karelasyon siyang businessman, mula nu’n ay wala nang naging balita sa kanya.

Nu’ng minsang may mag-show sa malamig na bansa kung saan naninirahan ngayon ang dating magandang young actress kasama ang kanyang pamilya ay naloka ang source.
Bakit daw nagkaganu’n na ang dating crush ng bayan, ibang-iba na ang kanyang itsura, dahil nagpaayos ng mukha ang female personality.

“Ano ba naman ‘yun? Halos hindi na namin siya nakilala ng mga friends ko! Bakit niya pinabayaang pakialaman ng siyensiya ang face niya? Sorry, pero hindi ito OA, nagmukha na siyang monkey!

“Ang ganda-ganda niya dati, pero ang nose niya ngayon, huwag na huwag siyang titingala, dahil baka masalo niya ang ulan. Ano na ang nangyari sa kanya? Bakit niya pinabayaang magkaganu’n ang itsura niya?

“Ang ganda-ganda niya dati, maliit ang face niya, pero natural na natural ang beauty niya. Ngayon, para na talaga siyang monkey, napakalaki ng ipinagbago ng itsura niya!” windang na windang na kuwento ng aming impormante.
Bradly Guevarra, may kapangalan siyang naging champion sa isang labanan ng pabi-lisan, tunog-Italyana naman ang apelyido niya. Siya na ‘yun!