Showing posts with label billy crawford. Show all posts
Showing posts with label billy crawford. Show all posts

Thursday, September 24, 2015

Billy kay Coleen: Alam kong kasama kita hanggang mamatay ako!



Sa Instagram idinaan ng It’s Showtime at Celebrity Playtime host na si Billy Crawford ang kanyang 23rd birthday greeting sa kanyang girlfriend na si Coleen Garcia kahapon.

“Happy happy birthday to you my everything. You’ve been through ups and down your entire life. But you still grew up to be the toughest, loveliest, hardworking, amazing, beautiful, God fearing, understanding and patient person I have ever encountered.

“I thank God for you every single day. You deserve the best and nothing less. I am so happy knowing I have you in my life until the day I die. Even if you’re still at work, hopefully you enjoy your day cause you need it. I love you so much!” caption ni Billy sa picture nila ni Coleen.

Nagpasalamat naman si Coleen dahil nag-effort talaga si Billy na makarating sa Tagaytay para sa kanyang birthday salubong.

Sa presscon ng bagong game show ng ABS-CBN na Celebrity Playtime sinabi ni Billy na bibisita rin sila sa Hospicio de San Juan sa Sabado, “Gusto niyang tulungan at mag-party doon,” he said. “Yes, may gift ako sa kanya and may inihanda para sa kanya.”

Monday, September 14, 2015

Billy 1 taon nang di nagyoyosi at umiinom




Pagkatapos mapanood ni Billy Crawford ang pelikulang “Ex With Benefits” ng kanyang girlfriend na si Coleen Garcia, ay hindi na napag-usapan ng magdyowa ang daring scenes ng aktres.

Pahayag ni Coleen, “Hindi na, basta ayaw lang niyang ma-limit ako sa isang role, and that’s what I also want for myself. Basta puro lang congratulations, I’m proud of you, puro ganu’n na lang, puro positive.”

“And also, he trusts me naman, hindi naman ako ‘yung nagpapaalam, sinasabi ko lang sa kanya, he really trust what I decide for myself,” kuwento pa ng TV host-actress.
Samantala, natanong naman si Coleen tungkol sa iskandalong kinasasangkutan ngayon ng ex-boyfriend niyang si Enrique Gil, lalo na ang ginawa diumano nitong pambabastos kina Jessy Mendiola at Liza Soberano.

“That was a very long time ago (relasyon nila ni Enrique), so people change in span of time, ako I changed a lot actually, pero ang masasabi ko kay Enrique, he’s a very good person and lahat ng tao nagkakamali and at the end of the day, siguro may pinagdadaanan siya, siguro let’s just respect na lang.

“Ako, I’m not in the position to say anything to judge kasi I wasn’t there when it happens and people are people, we all have different sides of ourselves na hindi nakikita ng tao na maraming pinagdadaanan, so it’s best kung don’t judge na lang,” paliwanag ng aktres.

Samantala, isang taon na ang nakararaan mula nang masangkot si Billy sa iskandalo dahil sa sobrang kalasingan matapos um-attend sa Star Magic Ball 2014. At ayon kay Coleen after that incident, napakalaki na ng ipinagbago ng kanyang boyfriend.

Kaya naman nu’ng Sabado pagkatapos ng Star Magic Ball 2015 ay hindi na nagpunta kung saan-saan ang dalawa para iwas-gulo na. Sabi nga ni Coleen, dahil daw sa gulong i-yon na maituturing na ba-ngungot sa buhay ni Billy, “You know, since that day, Billy stops smoking and drinking, so it’s been a year na, stop na siya.”

Very vocal si Billy na si Coleen lang daw ang nakapagpabago sa kanya, reaksyon ni Coleen, “Well, ako kasi ‘yung tipo ng tao na hindi ko siya pipigilan, pero kakausapin ko siya.

Kasi somebody na may problem, the more you talk to them, the more na hindi sila mag-stop.  “Ako, I really don’t like smoking, kasi my parents smoke, so ayoko.
Siya (Billy) naman, ang nangyari do’n, hindi ko siya pinigilan, pero sinabi ko sa kanya na I don’t like it (yosi at alak), tapos unti-unti, nahanap niya sa sarili niya na siya na ‘yung nag-stop mag-isa.

Dagdag pa, “Ganu’n kasi dapat na kung talagang gusto mong mag-stop, manggaling talaga sa sarili mo, hindi dahil gusto ng ibang tao.”

Bukod sa It’s Showtime, mapapanood pa rin si Coleen sa seryeng Pasion de Amor book 2. Nakakaloka nga ang mga sumusubaybay sa Pasion de Amor na ipinalalabas sa oras ng hapunan dahil ang laging sinasabi ng male viewers pag umeere na ito, “May ulam na tayo.”

Ganito rin ang binabanggit ng beking friends namin dahil naman kina Joseph Marco, Jake Cuenca at Ejay Falcon na palaging nakahubad sa kanilang mga eksena.



Sunday, September 13, 2015

Billy: Gusto ko nang pakasalan si Coleen!





HANDANG-HANDA na si Billy Crawford na pakasalan si Coleen Garcia.
Ito ang diretsong sinabi ng TV host-actor nang tanunging kung nag-propose na siya sa kanyang girlfriend. Ani Billy, kahit anong oras ay pwedeng-pwede na siyang lumuhod sa harap ni Coleen at yayain na itong magpakasal.
Pero ayon sa binata, alam niyang hindi pa handa si Coleen na magpatali sa kanya dahil marami pa itong gustong gawin sa kanyang career.
Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Biyernes, ready na siyang bumuo ng sariling pamilya kasama si Coleen pero hindi naman daw ganu’n kadali ang magpakasal lalo na’t mas bata sa kanya ang dalaga.
“To be honest, I would love to (mag-propose). I would definitely love to take that step. But of course, doon kami papunta. “Pero the fact is ang dami pa niyang pangarap na gustong maabot and she’s only 23.
Pero iyon lang ang sinasabi ko, I will always be here for her regardless of what it is and I’ll always wait. But when the time comes and I feel the time is right, I definitely won’t hesitate,” pahayag pa ni Billy.
Inamin din ng binata na apektado siya sa napanood niyang love scenes nina Coleen at Derek Ramsay sa pelikulang “Ex With Benefits”, “Sino ba naman ang boyfriend na hindi magseselos?
“I would definitely be  lying. But the thing is ang kakaiba dito is professional si Derek and he’s a good friend of mine. And I’m very thankful that it was done with class,” depensa ng binata.
Ayon pa kay Billy, mula nang dumating si Coleen sa buhay niya ay napakalaki na rin ng ipinagbago niya, “I changed myself for her. Hindi na ako naninigarilyo, hindi na ako umiinom and pumayat ako because of her.”



Friday, September 4, 2015

Billy: Mas sira-ulo kami ni Melai!




AARIBA na ang second season ng Your Face Sounds Familiar simula sa darating na weekend to be hosted by Billy Crawford and Melai Cantiveros. Umaasa si Billy na matatapatan kundi man mahigitan ng walong celebrity contenders ang tagumpay ng season one.

“I think ‘yung goal namin is hindi malampasan but sana mapantayan lang. Ang goal lang talaga namin dito is magpasaya ng tao. That’s what we strive for,” ani Billy.

“I’m really nervous kasi usually kapag may shows na ganito and it’s the second season, you really don’t know what to expect anymore kasi the first season is really successful. Hopefully it will be as good as the first one or maybe even better,” dagdag pa ng TV host-actor.

“Pero ang sasabihin ko sa inyo, mas sira ulo (kami ni Melai dito). We get to just enjoy being on stage, it’s not just pure harutan. Si Melai kasi, she has a special part,” chika pa ni Billy.

Kaya tutukan ang pagsisimula ng YFSF Season 2 simula Sept. 12 sa ABS-CBN lang.



Sunday, August 23, 2015

‘Nakakasawa na sina Vice, Anne, Vhong at Billy!’




NAKAKALULA itong AlDub fever lately – kahit saan ako magpunta ay iyan ang tinatanong sa akin and gosh – almost everyone knows how to do the pabebe wave na iyan.

Pati mga senador, mga taga-bangko, drivers, students or even nuns ay marunong na ng Pabebe Wave.
Nababaliw ako sa kanila. Isa lang ang ibig sabihin niyan – talagang sikat ang tandem na ito na napapanood sa Eat Bulaga.

Eat Bulaga has always been there. Consistent naman sila ever since sa mataas nilang rating. Pero iba ang pag-zoom up ng numbers nila when this AlDub thing came about.
Nilamon nga nila ang rating ng It’s Showtime na naka- kabahala na rin for sure sa management ng aming mahal na ABS-CBN.

Ganoon talaga, we cannot have it all. May mga show talagang hindi matibag-tibag sa Dos lalo na sa mga teleserye dahil na-master na ng ABS ang pulso ng TV viewing public.
Pero sa noontime, medyo hirap nga silang su- mabay sa Eat Bulaga lalo na nang pumasok ang AlDub tandem nina Alden Richards and Yaya Dub.

“Ang cute kasi nila, bagay silang magka-loveteam. Hindi yung tipikal na romance-romance na pa-cute like the KathNiel, JaDine or LizQuen. Comedy kasi ito at fresh ang idea kaya gustong-gusto ng tao.

Nakakasawa na kasi ang drama ng mga pa-cute na loveteams eh, iba itong AlDub. Funny and entertaining at nakakakilig talaga.

Nakakasawa na kasi ang Showtime, yung mga style nina Vice Ganda, Ann Curtis, Billy Crawford and Vhong Navarro, paulit-ulit na lang!” pagtataray ng isang kakilala naming bading.

Well, this is a big challenge nga para sa It’s Showtime producers. They have to do something about it. Eat Bulaga is enjoying a tremendous high rating.

Tama naman ang kausap natin, It’s Showtime must reinvent at hindi sagot ang sabi nilang Vice Ganda is coming up with a Vice Dub para itapat sa AlDub.

“Paano nila iisiping pantapat sa AlDub ang Vice Dub eh, si Vice nga ang kinaiiritahan ng audience? Dapat baguhin na ni Vice ang style niya.

Ang sakit na sa tenga ng mga boses nila sa show. Tsaka ang image ng mga hosts nila, whew! Lahat may kani-kaniyang iskandalo. It’s the whole show na dapat nilang baguhin,” talak pa ng kausap natin.

Hay naku, basta ako, with or without AlDub, Eat Bulaga baby talaga ako ever since. Alam naman ng buong mundo iyan noon pa, di ba?