Monday, September 28, 2015

Ate Vi kinoronahang ‘Queen of the Province’ ng mga Muslim



TUMANGGAP ng bago at natatanging parangal si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Kinoronahan ang Star For All Seasons bilang Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas) ng Muslim community ng probinsiya noong Sabado sa Lima Park Hotel sa Malvar/Lipa City Batangas.

Ang Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses ng Sultanate of Batangas ang nag-crown at nag-confer ng title kay Gov. Vilma sa isang Royal Enthronment Ceremony.

Mahigit 3,000 Muslim brothers at leaders ang sumaksi sa nasabing seremonyas, hindi lang ang nagmula sa Batangas kundi maging sa ibang bansa gaya ng Brunei at Malaysia.

Proud at dama ang excitement sa gobernadora na dumalo sa event habang suot ang isang Muslim costume. “Malaking karangalan para sa akin dahil kasama ko ang mga kapatid nating mga Muslim para matupad ang maayos na programa sa Batangas mula pa ng Mayor ako.

Salamat kay Sultan Paramount Faizal Coyogan Cocoy Bansao. Mabuhay po kayo! Muli, sa pangalan ng mga Batangeno at sa Mayor ng Lipa, maraming salamat po sa karangalan!” pahayag ni Ate Vi.

Nais ding iparating ni Gov. Vilma sa mga nagmamahal sa kanya na labas na ang cover niya kasama ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa October issue ng YES Magazine.

Ngayong Oktubre rin nakatakdang ipalabas ang latest movie niya under Star Cinema kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.

Totoo namang puro kababawan ang pinaggagawa ng AlDub, ‘no!





BAKIT nagri-react ang ibang AlDub fans pag sinasabing kababawan lang naman ang ginagawa ng mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza? Bakit? Pag sinasabi bang kababawan masama agad? Puwede namang kababawang masaya, di ba?

Alangan namang sabihing malalim ang AlDub eh, wala namang ginawa ang dalawang iyan kungdi ang magpabebe nga – yung walang wawang wave ng dalawa na naging viral at nagustuhan ng mabababaw ding audience.

Nagkataon lang na marami talagang mabababaw na mga Pinoy kaya nag-click sila. Wala namang nagsabing krimen ang ginagawa nila – sinasabi lang ng iba na mababaw, mali ba iyon? Naka-timing lang sila dahil sa gitna ng hirap ng buhay ng mga Pinoy ay pumasok ang kababawang ito yet nagustuhan nila.

Kumbaga, naging outlet nila ang kababawan ng AlDub para maging masaya. Kaya doon sa AlDub fanatics na sobrang OA magsitigil kayo. I-enjoy niyo ang moment ninyo for now dahil one day ay lilipas din iyan.

Just have fun at huwag masyadong magyabang. Kumbaga, weder-weder lang talaga iyan. Some say na fake ang sinasabing 25 million plus tweets na nakuha nila last Sa-turday dahil meron na raw paraan para madaya ang tweets-tweets na iyan.

Ako naman, hindi ako makapag-comment dahil wala akong alam sa social media. Sila lang naman ang nakakaalam kung ano ba ang totoo riyan. I don’t know din kung ilang beses puwedeng mag-tweet ang isang tao sa isang araw. As many as you can yata.

Kumbaga, kung masipag kang mag-tweet ay dadami talaga ang makakamit nilang numbers. Lalo pa ang mga nababaliw na AlDub fanatics na iyan, wala naman yata silang ginagawa sa buhay nila kungdi ang mag-tweet.

Sige nga, kung ayaw nin-yong maniwalang kababawan lang ang AlDub-AlDub na iyan, what do you think it is? No one is stopping you naman to patronize it. Kaniya-kaniyang trip lang ‘yan sa buhay, so walang basagan.

The same way na pag hindi trip ng iba ang AlDub, aba’y dapat lang na igalang din ninyo. Ano ito, Martial Law? Na kaila-ngang ipilit ninyo sa lahat na gustuhin ang AlDub kung ayaw nga nila?

“Sa totoo lang, matagal na akong sumusubaybay sa AlDub na iyan at nu’ng umpisa, natuwa ako sa kanila. Cute naman kasi talaga lalo na yung mga banat nina Wally Bayola and the rest of the gang.

Pero habang tumatagal ay parang nauumay na ako. Paasa lang sa audience – pinadudugo nang husto para lalong tumagal ang pakilig nila sa tao. Sobrang stretched ang segment.

Hindi ko naman sinasabing tapusin nila in one day iyon dahil baka nga isang malaking marketing strategy nila ito dahil kinagat nga ng audience yung ganoong drama nila.
“Pero sa totoo lang umay na umay na ako. Kaming mag-anak ay umay na sa style nilang pakilig. Kaya I’ve stopped watching this segment ng Eat Bulaga. Nabola rin nila ako sa start pero I think that guy Alden Richards is overexposed already.

He’s everywhere, pati cooking shows ng GMA 7 ay nandoon siya. Kaya nawawalan na rin siya ng premium as a star, eh. Para lang siguro kumita nang malaki, masyado niyang sinasamantala ang moment ng kasikatan ng AlDub. Parang mali iyon ha.

“Hindi siya magtatagal sa industry pag ganoon. Nakakasawa na kasing panoorin kung lahat ng shows ay si Alden ang guest. Dapat ay piliin naman niya ang la-labasan niya. Para namang napakasuwapang niya sa pera at kasikatan dahil lahat ay nila-labasan niya.

Kaya totoo iyan, I’ve stopped watching this AlDub thing dahil nakakaumay na yung mga wave-wave nila.  “Alam naman nating walang-wawa lang ang ganyan-ganyan nila.

Oks na ako na napanood ko sila for a while – hanggang doon na lang ang kaya ng oras at patience ko,” ang mahabang litanya ng isang kakilala na-ming super-AlDub veiwer din dati pero natauhan na raw siya.

Hindi lang siya ang nakausap ko about this. Maraming taga-Valenzuela City (sa Malinta) ang nagsasabing nauumay na rin sila sa ganoong drama ng AlDub sa Eat Bulaga.

Parang gamit na gamit na raw silang viewers sa ka-cheapang ito. O, ayan, ha, comment ng mga tao ‘yan, baka ako na naman ang i-bash ng mga hitad na ito. Ha-hahaha!
Tulad ng comment ni Ms. Lea Salonga, imagine, talagang pinatikim nila ng kabastusan ang international star nang mag-comment ito sa kababawan ng viewers.

Ipagpalagay nating tinamaan ang AlDub sa statement na iyon ni Lea, anong masama roon? Totoo namang maliwanag na kababawan, di ba?

Nakakadiri ang halikan nina Vice at Karylle!



Marami raw ang nandiri sa paghalik (dalawang beses) ni Vice Ganda kay Karylle sa lips nu’ng nakaraang Sabado sa 
6th anniversary ng It’s Showtime sa Araneta.

Nakita ko rin ang litrato ng halikan ng dalawa, at isa lang din ang nasabi ko – NAKAKADIRI NGA! EIWWW!!!




Sheryl binara ng kampo nina Chiz at Grace


Nananaginip raw ba ng gising si Sheryl Cruz? ‘Yan ang tanong ng mga supporter ni Sen. Grace Poe matapos itong magdadakdak tungkol sa pagtakbo ng kanyang pinsan sa 2016 presidential elections.

Chika ng mga kakampi ni Sen. Grace, saan daw kaya pinagkukuha ni Sheryl ang impormasyong ipapa-DNA test siya at ang kaniyang inang si Rosemarie Sonora upang mahanap ang totoong magulang ng senadora?

Mismong ang running mate ni Grace na si Sen. Chiz Escudero ang nagsabing walang katotohanan ang akusa-syon ng aktres na pinipilit siya at ng kaniyang ina na magpa-DNA test upang mapatunayan kung totoo ang tsismis na anak si Grace ni Rosemarie at ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ilang beses nang idinenay ni Grace at ng mga Marcoses ang nasabing tsismis na kumalat noon pang dekada 70. Sinabi ng kampo nina Grace at Chiz na ang kukunan ng DNA sample ay ang mga posibleng kamag-anak ni Grace sa Jaro, Iloilo kung saan siya napulot noong 1968.

“No. Not from Senator (Bongbong) Marcos or Rosemarie Sonora nor from Sheryl Cruz. As she (Grace) said, it is from a person that they believed, based on stories told in Jaro, Iloilo might be her father or her brother as the case maybe,” ani Chiz sa isang panayam.

Kung matatandaan walang takot na ipinagsigawan ni Sheryl ang umano’y panggigipit sa kaniya at sa kaniyang ina upang magpa-DNA test para mahanap ang totoong parents ni Grace.
Nakiusap pa nga ito na huwag nang idamay ang kanyang ina at ang kanyang pamilya sa ambisyon ni Grace na maging pangulo. Si Grace ay inampon ni Da King, Fernando Poe, Jr., at asawang si Susan Roces na kapatid naman ni Rosemarie.
Bukod dito, itinanggi rin ng dating manager ni Sheryl na si Rams David na may gumipit at nangharas sa kanya para bitiwan ang pagma-manage sa aktres.

Sinabi ni Rams na ang pagbibitiw niya bilang manager ni Sheryl ay bunsod ng hindi pagkakaintindihan sa dati niyang alaga tungkol sa takbo ng career ng aktres at walang kinalaman kay Grace.

Pinasinungalingan rin ng mga talent managers na sina Dolor Guevarra at ng presidente ng Professional Artists’ Managers, Inc. o PAMI na si June Rufino ang mga pahayag ng aktres na may pressure kay Rams para bitawan ang pamamalakad sa career ng aktres.




Sey mo Nadine…James Reid FHM model ang bagong nilalandi





James Reid seems to have found a new date – a former FHM model.

The name Nath Perrier is so yesterday na yata kay James and he’s now seen dating Debs Garcia.

Photos of them surfaced in one po-pular website and there seems to be a lot of explaining as to why the hunk actor has a penchant for women na model-like ang frame at hindi masyadong maganda.

But as it is, mukhang gimik lang itong photo nina Debs at James. Why? Kasi pareho silang Viva artists. Siguro ay gumimik lang sila, naging chummy-chummy, nakunan ng photos and viola, instant lovers na sila!

Baka nga gimik ang paglabas nila para mapansin naman si Bebs na wala sa radar ng showbiz at isang DA HU!

Empress nahirapang manganak sa sobrang laki ng baby



Nanganak na si Empress Schuck noong Linggo ng hapon sa St. Luke’s Me-dical. Isang healthy baby girl (7 pounds and 9.5 inches long) ang isinilang ng dating Kapamilya actress na pinangalanan nilang Athalia.

Para sa hindi pa nakakaalam, ang tatay ng baby ni Empress ay si Vino Guingona, apo ni dating Vice-President Teofisto Guingona Jr.. Isang taon na silang magkarelasyon.

Ayon sa kampo ng aktres, medyop nahirapan itong manganak, “The OB/Gyn had to vacuum Athalia. Nahirapan si Em because of the epedurial and malaki ang baby but nakaraos naman and she is resting.”



Kalat na: Lea tinawag na kababawan ang pagkaadik ng mga pinoy sa AlDub




LEA Salonga found herself being at the center of hate when she tweeted, “Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo.”
Some people on social media took it to mean that she’s taking a swipe at the Eat Bulaga love team, AlDub.

 Tila nag-panic ang mga tao sa kanyang comment kaya naman todo bash sila sa world renowned singer.


Many of them cited the love team’s observance of family values. They collectively rammed on Lea’s throat that AlDub is a very positive team-up as they espouses good values on the youth.

Feeling defensive, Lea tweeted, “Ang daming judgmental at defensive dito. Haaaaay, di niyo na-gets ang tweet ko. “For those of you that replied about BALANCE, you rock my world.
That’s what I was after. We all need fun, but that can’t be all there is. Gusto ko sanang isipin na malinaw na ang aking pagpapaliwanag,” dagdag pa ng singer.

She denied having an idea na may malaki palang ganap sa Eat Bulaga last Saturday, saying, “Uhmmm… I have no idea what’s going on. Why did people assume I was tweeting about AlDub? I wasn’t.

I don’t know about it. So why the hate? “Only now am I finding out that today was a significant day. I honestly had zero idea anything was going on! My tweet was pure coincidence!”
Then, she pleaded, “So stop the hatred, the negative assumptions, whatever you’re throwing at me. Just send me links so I know what the fuss is about.”

It was not clear, however, kung sino at ano ang tinutukoy ni Lea na kababawan. It would certainly make her defense more effective kung tinukoy niya kung ano ang sinasabi niyang kababawan.

But she didn’t, the reason why people on social media were enraged. Gets mo Lea?



Joey de Leon sinagot ang “kababawan” tweet ni Lea Salonga




SINAGOT ng “Eat Bulaga” mainstay na si Joey de Leon ang kontrobersiyal na tweet ng actress at singer na si Lea Salonga noong Sabado.

“Hindi naman pala daw AlDub pinatatamaan ni Lea. Baka naman yung kabila? Nagtatanong lang po,” sabi ni de Leon sa kanyang mga tweet.

Ito’y matapos ang tweet ni Salonga na “Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo.”

Umani naman ng mga reaksyon sa mga netizen ang naging tweet ni Salonga sa harap naman paniniwalang ang pinatutungkulan nito ay ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Itinanggi naman ni Salonga na “AlDub” ang kanyang pinatatamaan niya.

“Baka naman yung tuwit ni Lea “in General” kaya kay General na lang sya magpaliwanag,” dagdag ni de Leon.

“Ano masasabi nyo sa mga taga-shobiz na nagsasabi na HINDI sila pamilyar sa Aldub? Nagse-survey lang po. #ALDUBandPROUD,” ayon pa kay de Leon.


Binatikos din ni de Leon ang mga komento na mababaw lamang ang AlDub phenomenon.

“Mga tao sa labas at nagsasaya huwag mong ihusga kung nasa lungga ka! Sa lungga ka na lang at di mo sila kilala! #ALDUBThisMustBeLove.”

“Ayaw nila nang MABABAW kaya NASA ILALIM SILA! #ALDUBThisMustBeLove,” sabi pa ni de Leon.