Showing posts with label eat bulaga. Show all posts
Showing posts with label eat bulaga. Show all posts

Friday, August 28, 2015

siya si Tinidora ang kapatid nina Nidora at Tidora siya ang tunay ....


siya si Tinidora

ang kapatid nina Nidora at Tidora

siya ang tunay na ina ni Yaya Dub

Monday, August 24, 2015

Rating ng Eat Bulaga umabot na sa 45.6%, ang Showtime 2.3% nakakaalarma




PARANG spaghetting pababa nang pababa ang rating ng It’s Showtime ngayon.

In last Saturday’s episode kung saan dapat ikakasal na si Yaya Dub (Maine Mendoza) pero hindi natuloy dahil peke ang pari na magkakasal ay talagang halos magwala ang mga tao sa tuwa at hindi natuloy ang kasal.

The episode earned more than two million tweets, something which no other noontime show has ever achieved.
Easily, humataw sa all-time high ang rating for that day ng Eat Bulaga which got 45.6% against It’s Showtime’s 2.3%. That’s according to AGB Nielsen.

Imagine, pumalo na lang sa 2.3% ang noontime show ng Dos. With that, talagang naalarma na ang mga executives ng network kaya naman there are new schemes para makahatak ng tao.


Sunday, August 23, 2015

‘Nakakasawa na sina Vice, Anne, Vhong at Billy!’




NAKAKALULA itong AlDub fever lately – kahit saan ako magpunta ay iyan ang tinatanong sa akin and gosh – almost everyone knows how to do the pabebe wave na iyan.

Pati mga senador, mga taga-bangko, drivers, students or even nuns ay marunong na ng Pabebe Wave.
Nababaliw ako sa kanila. Isa lang ang ibig sabihin niyan – talagang sikat ang tandem na ito na napapanood sa Eat Bulaga.

Eat Bulaga has always been there. Consistent naman sila ever since sa mataas nilang rating. Pero iba ang pag-zoom up ng numbers nila when this AlDub thing came about.
Nilamon nga nila ang rating ng It’s Showtime na naka- kabahala na rin for sure sa management ng aming mahal na ABS-CBN.

Ganoon talaga, we cannot have it all. May mga show talagang hindi matibag-tibag sa Dos lalo na sa mga teleserye dahil na-master na ng ABS ang pulso ng TV viewing public.
Pero sa noontime, medyo hirap nga silang su- mabay sa Eat Bulaga lalo na nang pumasok ang AlDub tandem nina Alden Richards and Yaya Dub.

“Ang cute kasi nila, bagay silang magka-loveteam. Hindi yung tipikal na romance-romance na pa-cute like the KathNiel, JaDine or LizQuen. Comedy kasi ito at fresh ang idea kaya gustong-gusto ng tao.

Nakakasawa na kasi ang drama ng mga pa-cute na loveteams eh, iba itong AlDub. Funny and entertaining at nakakakilig talaga.

Nakakasawa na kasi ang Showtime, yung mga style nina Vice Ganda, Ann Curtis, Billy Crawford and Vhong Navarro, paulit-ulit na lang!” pagtataray ng isang kakilala naming bading.

Well, this is a big challenge nga para sa It’s Showtime producers. They have to do something about it. Eat Bulaga is enjoying a tremendous high rating.

Tama naman ang kausap natin, It’s Showtime must reinvent at hindi sagot ang sabi nilang Vice Ganda is coming up with a Vice Dub para itapat sa AlDub.

“Paano nila iisiping pantapat sa AlDub ang Vice Dub eh, si Vice nga ang kinaiiritahan ng audience? Dapat baguhin na ni Vice ang style niya.

Ang sakit na sa tenga ng mga boses nila sa show. Tsaka ang image ng mga hosts nila, whew! Lahat may kani-kaniyang iskandalo. It’s the whole show na dapat nilang baguhin,” talak pa ng kausap natin.

Hay naku, basta ako, with or without AlDub, Eat Bulaga baby talaga ako ever since. Alam naman ng buong mundo iyan noon pa, di ba?

Saturday, August 22, 2015

‘Rambutan’ ni Wally agaw-eksena sa love story ng AlDub



Sumakit ang panga namin sa katatawa nu’ng mapanood namin ang episode ng Eat Bulaga kung saan nag-hello ang ipinakakatagu-tagong rambutan sa pagitan ng dalawang hita ng magaling na komedyanteng si Wally Bayola.
Hindi namin ‘yun nakita mismo, pero nakakahawa ang sobrang paghalakhak nina Jose Manalo, Allan K, Paolo Ballesteros, Senator Tito Sotto at Joey de Leon.
Grabe ‘yun! Mabuti na lang at maraming hosts ang Eat Bulaga, kapag iniihit ng katatawa ang isa o dalawang hosts ay meron pa ring magsasalita sa ere, hindi nagkakaroon ng dead air.
“Sumungaw!” sigaw pa ni Jose na talaga namang nagpahalakhak sa lahat ng hosts, lalo na kay Allan K na tumayo na at saka akala mo naghe-headbang sa sobrang katatawa, nakakaengganyo ang kanilang sobrang kasiyahan sa noontime show.
Si Wally naman bilang ang New Yorker na si Dhories ay wala na ring nagawa, yumuko na lang siya at saka humagalpak sa katatawa, mabuti na lang ay may suot siyang malaking sombrero para matakpan ang kanyang mukha.
Grabe ang Eat Bulaga, mula Batanes hanggang Jolo talaga ang hatid nilang saya sa manonood, isang tanghali ‘yun na halos kabagan na kami sa pakikihalakhak sa mga hosts ng noontime show.
Kabog pa rin ng AlDub ang kanilang kalaban, magdikit lang ang pisngi nina Yaya Dub at Alden Richards sa split shot sa TV ay hindi na magkamayaw sa pagsisigawan at kakiligan ang kanilang mga tagahanga, paano pa sila mahahabol ngayon ng mga napipikon na nilang katapatan sa tanghalian?
Hampasin man nila nang hampasin ang kanilang kabayo ngayon ay hindi na makahahabol ang katapatan ng Eat Bulaga dahil sa milya-milya na nilang layo.
May lagnat na talaga ang buong bayan sa tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub. Lagyan na natin ng check ‘yan!

Sunday, August 16, 2015

Kalat na: Showtime araw-araw nagmi-meeting para mapataob ang AlDub ng EAT BULAGA




INGINUDNGOD. Ipinaghampasan. Inilampaso.

That is what seems to have happened to Its Showtime, ang flagship noontime show ng Dos. Halow araw-araw na raw ang meeting nilang ginagawa to improve the show dahil milya-milya na ang layo ng Eat Bulaga sa kanila.
On its Aug. 12 episode, tinalo ng Eat Bulaga ang Its Showtime when it got a 36.1 rating against 8.8%. That’s according to AGB Nielsen Mega Manila/Afternoon survey.

So, nag-single digit na ang Its Showtime. Clearly, walang binatbat ang think tanks ng Its Showtime sa Eat Bulaga. Butata sila when it comes to ratings, parang papunta na sila sa tuluyang paglubog.

Araw-araw ay trending topic ang AlDub, ang kalyeserye nila ang inaabangan ng madlang pipol, ang pinag-uusapan sa lahat ng sulok ng bansa.
Naging katawa-tawa sa social media ang photo ng representatives ng mahiwagang black box na nagpapakitang pinanonood nila ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Meron pang kuha sa mall and schools where it showed so many people watching AlDub. Clearly, isang malaking phenomenon ang AlDub, bagay na hindi napaghandaan ng Its Showtime.

They didn’t see it coming, they were not prepared. And in the end, they suffered!

Thursday, August 13, 2015

EAT BULAGA (Ang pagkikita ni YaYaDub & Alden ) - August 12 2015 FULL EPISO...



Eat Bulaga posts highest rating of the year for Wednesday's AlDub near-meeting Yaya Dub




AlDub fever is still running high, with the anticipated meeting between Alden Richards and Yaya Dub boosting Eat Bulaga to its highest rating of the year.

The longest running noontime show posted a 36.1 rating in AGB Nielsen's overnight measurements among Mega Manila households for its Wednesday, August 12 show, according to PEP.

This was the highest rated Eat Bulaga episode of the year, according to the entertainment website.

Anticipation for the show was at a high since Yaya Dub was set to perform on #BulagaPaMore, leading fans to tune in to see if she would finally come face to face with Alden.

It was not to be, however, as Alden was unable to complete Lola Nidora's extra challenge in time to see Yaya Dub.

Sunday, August 9, 2015

Eat Bulaga: AlDub Day 23 (Wedding Crasher)

Wednesday, July 29, 2015

Eat Bulaga (Lola NiDora Vs Donya Celia , ang asawa ni Celio) - July 28 2015


Eat Bulaga (Nagbalik si Yaya) - July 28 2015

Eat Bulaga (Lola NiDora humanap ng kapalit ni Yaya Dub) July 28 2015

EAT BULAGA Juan For All, All For Juan (Yaya Matigas ang ulo at tumakas pa) - July 27 2015

Monday, July 27, 2015

Alden's Gifts to Yaya Dub on their AlDub Weeksary Celebration

Saturday, July 18, 2015

Alden at Yaya Dub, mukhang magiging mag love team


Si Alden Richards lang pala ang magpapangiti sa mataray na si Yaya Dub!
 
Nawala sa masungit na karakter si Maine Mendoza, o mas kilala bilang Yaya Dub, nang makitang pinapanood siya ng Kapuso heartthrob kahapon (July 16).
Mainit na tinanggap ng netizens ang interaksyon ng dalawa, at marami ring pabor sa posibilad na maging magka-love team sila.
May nakapansin rin na parehong inamin nina Alden at Maine na sila’y pluviophile, isang tao na nakahahanap ng saya at katahimikan tuwing umuulan.