Showing posts with label marian rivera. Show all posts
Showing posts with label marian rivera. Show all posts

Friday, December 4, 2015

Baby nina Marian at Dingdong inuulan ng offer sa commercial




Tulad ng inaasahan ng lahat, tila anghel ngang bumaba sa lupa ang itsura ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Napakaganda ni Baby Letizia sa mga litratong ipinost ng mag-asawa sa kanilang Instagram account.
Balitang napakarami nang natatanggap na offer nina Marian at Dingdong para gumawa ng TV commercial ang sanggol, pero wala pa raw tinatanggap ang GMA Primetime King and Queen.

Mismong si Marian na ang nagsabi noon na gusto muna nilang i-enjoy ni Dingdong ang kanilang first baby bago nila ito payagang gumawa ng commercial. Sa kanyang Instagram account, ilang litrato ni Baby Letizia ang ipinost ni Dingdong, pero ang pinakapaborito niya raw sa lahat ay ang nasa pahinang ito kung saan nakabalot sa lampin ang baby.

“I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10,” ang caption niya sa nasabing picture. Sey naman ni Marian sa kanyang IG, “41 weeks akong nag hintay , 18 hrs na nag labor.

Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko, @dongdantes.

“At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga ta-yong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina.

Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia” dagdag pa ng aktres.  Samantala, bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, active rin ngayon si Dingdong pagdating sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang aspeto ng Climate Change.

Layunin niyang maturuan ang kanyang bawat Filipino na maging handa sa lahat ng mga sakunang maaari nating maranasan sa mga darating pang panahon. Ngayong Linggo (Dec. 6), mapapanood sa SNBO ng GMA ang 2Degrees, isang dokyumentaryong patungkol sa Climate Change.

Kasama ng Kapuso Primetime King sa napapanahong dokumentaryong ito ang GMA News personality na si Jiggy Manicad. Hosted by Dingdong, this documentary will aim to answer all the questions that each of these fathers have about the causes of the most devastating natural calamity that struck the Philippines this decade – typhoon Yolanda.

Sabi nga ni Dingdong, “This is the right time to be informed. Learn more about climate change and realize the pressing need to take action with this special documentary.”



Tuesday, September 1, 2015

Showbiz reporter pumiyok, 2 beses inisnab ni Marian




Our very amiable friend Alwin Ignacio was kinda pissed off by Marian Something’s snobbery attitude.
“Noong unang Linggo ng Sunday PINASAYA, kami ni Ate Julie (Bonifacio), nasa dressing room nila ni AIAI.

Nakita niyang ini-interview namin si AiAi pero ni hi or hello, hindi nagpabalat bunga si Rivera. Ito ang the height, pumasok si Dingdong sa dressing room.

Nakita ako at bumunghalit, ‘O, Alwin, kamusta ka?’ “Imposibleng hindi narinig ni Marian na binati ako ni Dong. Kung may good manners at right conduct siya, narinig mong ang isang reporter eh binati ng asawa mo, lalapit ka sa amin, at kung hindi niya kami kilala, mag-e-effort ka na magpakilala.

Inisip ko na lang painfully shy siya. “Eto ang classic, sa 3rd week ng PINASaya, andun kami ulit ni Ate Julie. Papasok kami sa dressing room.

Saktong palabas siya, nagkasalubong kami pero as usual, deadma na naman ang hitad, wa niya kami pinansin. Isang Linggo lang ang pagitan pero hindi niya pa rin kami kilala.
“Inisip ko nga noong una na painfully shy kaya di niya kami pinansin kahit pa nga pinansin ako ni Dingdong. Eh may part two pa, OA naman na sa second time namin sa dressing room, hindi niya pa rin maatim na ngitian man lang kami.”
‘Yan ang mahabang aria ni mareng Alwin. Naku, baka mabasa ito ni Marian at lalo kang hindi batiin, Alwin. Actually, Marian is known naman for pang-iisnab.

Ilang story na ba ang lumabas about fans na nagpapa-picture sa kanya na kanyang inisnab. She has an attitude when it comes to fans.

At meron lang siyang close na movie reporters whom she can be chummy with. Kapag hindi ka niya kilala o kapag bumabanat ka sa kanya ay tiyak na deadma siya sa iyo.
Feeling sikat pa rin siya kahit on the verge of hasbeenhood na siya. The nerve!!!

Sunday, August 30, 2015

Marian isinumpa ng Basher, pati baby dinamay sa kabaliwan



GRABE naman ang isang basher ni Marian Something, talagang idinamay pa ang magiging anak ng aktres sa kanyang galit.

“It sucks and SPS is a bunch of freakin starlets why not have A List Actresses like Heart Evangelista, Lovie Poe or Carla Abellana not just pure blooded trashers like that Dirty Moon lady Ai Ai annoying and Marian who has to suffer miscarriage and let her Aids infest baby die Goah,” tweeted one @ekaterinamolavska kay Rams, ang alalay ng dyowa ni Dingdong.

“Hi @ekaterinamolavska Hindi kita kilala but it’s ok to bash me d naman ako artista wag ka lang mangdamay ng ibang tao wala din silang kasalanan syo.

Thanks for watching our show @gmasundaypinasaya,” sagot naman ni Rams. Actually, noong una ay si Rams ang bina-bash ni @ekaterinamolavska.

Sinumulan niya ito sa panglalait sa ilong nito. Grabeng panlalait naman ang inabot ng basher sa fans ni Marianita. “Kung usapan AIDS lang din..

Mukang ikaw ang meron nun @ekaterinamolavska ugali mo pa lang AIDS infested na, mas malala pa sa AIDS ang pagkatao mo.. God bless your soul darling,” said one fan.
“Unbelievable. There’s a special place in HELL for this kind of people. What a sorry excuse for a human being,” say naman ng isa pang Marian defender.

Say naman ng isang fan kay Rams, “sir, kahit saan account ng artista pakalat kalat yan, bastos talaga bunganga nyan. Walang modo, mukang walang magulang na nagturo sakanya ng magandang asal, siguro di rin sya nakatungtong sa eskwela kaya ganyan.

Di rin si- guro nagsisimba yan.. Ipagdasal na lang natin sya kawawa naman.. Pero faney nga sya ni ?? (H.O-E).”
Sino kaya ang basher ni Ma- rian at pati ang magiging anak nito ay idinamay pa. Hindi na siya natakot, parang wala siyang Diyos. Madalas naming pitikin si Marian pero never did we include her soon-to-be-baby.

That @ekaterinamolavska clearly has no SOUL. Wala siyang kaluluwa!!! Hindi siya TAO!!!

Thursday, August 13, 2015

Birthday day gift ni Dingdong kay Marian nilait-lait




DINGDONG Dantes posted a photo of his gift sa dyowa niyang si Marian.
Isang pearl necklace at red roses ang nasa photo niya sa Instagram account niya.
When the said photo surfaced sa isang website, merong isang nambasag ng trip ni Dingdong and commented, “Kumpara tlga kay Marian eh barat magregalo itong si DingDong kahit pa south sea pearls pa yan still walang panama sa mga over expensive gifts na binibigay ni Marian sa kanyang hubby.”
Ayun, kinuyog kaagad ng lait ang nag-comment.
“Ganun! eh anong mas gusto mo mamahalin nga regalo niloloko ka naman. yong bracelet na bigay sa kanya dati worth almost P1M daw yon, barat pa rin ba yon sa yo?”
“Bakit sinasabihan ka ba ni Marian ng lahat ng regalong natatanggap nya from Dong? Unless nakalimutan mo yung kasal nila na gastos lahat ni Dong. Gown pa lang ni Marian P2M pesos na.”
See how fans of the couple behave?

Sunday, August 2, 2015

Very bad ang mga fans ni Marian


Umuusok na naman sa galit ang ilong ng mga tagahanga ni Marian Rivera dahil sa sinabi ni Heart Evangelista na “very bad” ang mga fans ng magandang buntis.
Natural, kahit naman sinong masabihan ng ganu’ng paglalarawan ay aalma, aangat sa kanilang inuupuan para maipagtanggol ang kanilang sarili.
Ang bad nga ay hindi na maganda sa pakiramdam at sa pandinig, pero mas lumala pa, very bad ang ginamit na termino ni Heart sa paglalarawan sa mga tagasuporta ni Marian Rivera.
Dapat nag-iingat si Heart sa pagsasalita. Huwag siyang gumagamit ng mga terminong bubuhay sa galit ng mga tagahanga ng kahit sinong artista laban sa kanya.
Naturingan pa naman siyang matalino, smart at alam ang kanyang mga ginagawa, pero dahil sa paggamit niya ng mga salitang hindi katanggap-tanggap ay heto, inuupakan na naman siya ng mga tagasuporta ni Marian.
At sa kanya nagmula ang away na ito, kundi niya si- nabihan ng very bad ang mga tagahanga ni Marian ay wala naman sanang gulo, dapat lang magising sa katotohanan si Heart na hindi lang siya ang nasasaktan.
May emosyon din ang ibang tao, tulad niya ay umaaray rin ang kanyang kapwa, kaya pinipili niya dapat ang mga salitang pinakakawalan ng matabil niyang bibig.
Nasa mundo pa naman ng pulitika ang mister niyang si Senador Chiz Escudero. Kabawasang boto para sa kanyang asawa ang kanyang kataklesahan kung tatakbo nga ito.
Sa totoong-totoo lang.

B-day wish ni Marian: Lumaking mabuting tao ang baby namin ni Dong!



Ngayong araw ang 35th birthday ni Dingdong Dantes at siguradong may celebration silang gagawin ng kanyang misis na si Marian Rivera.
Sa Aug. 12 naman ang ika-31 kaarawan ng GMA Primetime Queen kaya natanong namin siya sa presscon ng bagong Sunday show ng Kapuso network na Sunday PINASaya kung ano ang kanyang birthday wish para kay Dingdong at para na rin sa kanyang sarili.
“Wish? Siguro ngayon wala akong gustong i-wish para sa sarili ko. Lahat ng wish, gusto ko para sa anak ko.“Na sana paglabas niya, maging mabuti siyang tao at, alam mo ‘yun, maging magandang inspirasyon niya ang tatay niya.
Kasi, kahit ako, naa-amaze ako sa ginagawa ni Dong, especially sa pagtulong niya sa kapwa niya. “Alam mo ‘yun, kahit wala siyang tulog, basta maging aware lang ang mga kababayan natin kapag may sakuna, may lindol,” sey ni Marian na ang tinutukoy ay ang naging partisipasyon ng asawa, bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission, sa Metro Manila Earthquake Drill noong July 30.
Hirit pa ni Marian, “Puyat na puyat ‘yan. Parang isa, dalawang oras, umalis agad ng bahay. Parang nakaka-inspire na grabe ‘tong tao na ‘to na magmahal sa trabaho niya, especially sa advocacy niya.”
Samantala, sa Aug. 9 na nga magsisimula ang kanilang weekly variety show na Sunday PINASaya kung saan makakasama niya bilang host sina Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Wally Bayola, Jose Manalo, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Jerald Napoles at Valeen Montenegro.
Siyempre, tuwang-tuwa ang fans ng Primetime Queen dahil regular na uli nilang mapapanood sa TV ang aktres. Sey ni Marian, pinayagan siya ng kanyang OB Gyne na magtrabaho kagit na six months na ang ipinagbubuntis niya.
“Actually, hanggang kayo ko. Nandiyan din naman ang team ko, especially the AAA (talent management). Alam ko na hindi nila ako pababayaan at sila mismo magsasabi sa akin na, ‘O, Yan, kailangan mo nang mag-rest or anything.’
“Siyempre, nasa akin din naman yun kung hanggang kailan ko kakayanin. So far naman, parang wala namang nangyayari. Lumaki lang ang tiyan ko, pero kaya ko naman,” chika pa ni Marian.
Sasayaw pa rin daw ang misis ni Dong sa Sunday PINASaya tulad ng ginawa niya noong Grand Kapuso Fans Day sa MOA Arena. “E, kasi nga, sabi ng OB ko, ‘Kung ano yung ginagawa mo noong hindi ka pa buntis, puwede mo siyang gawin nang buntis ka.
As long as nag-iingat ka, walang problema.’”

Baby nina Marian at Dingdong kinawawa ng fans ni Heart



A-HURT nang todo ang mga fans ni Marian Something sa comment ni Heart Evangelista na “very bad people” ang mga ito.
“We are supporters of Dingdong and Marian (who has been indirectly included by….in her posts). We would like to logically present our point in response to Heart’s ‘very bad’ comment.

“No to nega? Isn’t declaring and generalizing the fans of Marian as ‘very bad’ causing unnecessary negativity? It is easy to resort to labelling a person when you do not have the intellect to explain yourself properly.
The burden of proof lies with who declares (labels,generalizes), not who denies.  “FYI, both sides have their share of bashers and insults.

The fans of Marian are very bad? Some fans even go to Marian’s IG just to bash her. There is nothing worse than some fans, wishing something bad would happen to Marian’s innocent unborn baby.
Even follows the bashers of Marian. And we have evidence to back it up. In contrast to, Marian has been very quiet, understandably because she has no time for anything or anyone that is pointless and meaningless.

“Marian is living a happy and contented life. She is very po- sitive and knows her priorities are her husband and baby. We can’t help but think that Marian is again being used to make noise for a new show which has so far failed to catch the interest of the public.”
That was DongYanatics aria on social media. Well, talaga namang bad ang Marian fans. Nakakatawa na ngayon ay nasasaktan sila kapag sinabihan silang bad, talagang todo depensa sila.

Guilty kasi sila. Kung anu-ano ang ibinabato nila kay Heart tapos ngayon sinabihan silang bad ay magagalit sila. Nakakatawa sila, ‘no!!! Mga war freak naman talaga ang fans ni Marianita, parang mga cri- minal, mga walang pinag-aralan.

Warning kay Heart: Mag-ingat sa pagsasalita ng masama sa kapwa




Umuusok na naman sa galit ang ilong ng mga tagahanga ni Marian Rivera dahil sa sinabi ni Heart Evangelista na “very bad” ang mga fans ng magandang buntis.

Natural, kahit naman sinong masabihan ng ganu’ng paglalarawan ay aalma, aangat sa kanilang inuupuan para maipagtanggol ang kanilang sarili.

Ang bad nga ay hindi na maganda sa pakiramdam at sa pandinig, pero mas lumala pa, very bad ang ginamit na termino ni Heart sa paglalarawan sa mga tagasuporta ni Marian Rivera.
Dapat nag-iingat si Heart sa pagsasalita. Huwag siyang gumagamit ng mga terminong bubuhay sa galit ng mga tagahanga ng kahit sinong artista laban sa kanya.

Naturingan pa naman siyang matalino, smart at alam ang kanyang mga ginagawa, pero dahil sa paggamit niya ng mga salitang hindi katanggap-tanggap ay heto, inuupakan na naman siya ng mga tagasuporta ni Marian.
At sa kanya nagmula ang away na ito, kundi niya si- nabihan ng very bad ang mga tagahanga ni Marian ay wala naman sanang gulo, dapat lang magising sa katotohanan si Heart na hindi lang siya ang nasasaktan.

May emosyon din ang ibang tao, tulad niya ay umaaray rin ang kanyang kapwa, kaya pinipili niya dapat ang mga salitang pinakakawalan ng matabil niyang bibig.

Nasa mundo pa naman ng pulitika ang mister niyang si Senador Chiz Escudero. Kabawasang boto para sa kanyang asawa ang kanyang kataklesahan kung tatakbo nga ito.
Sa totoong-totoo lang.

Friday, July 31, 2015

Sey ni Heart…puro masasamang tao raw ang mga fans ni Marian



Heart Evangelista posted a photo of her and her pet named Panda.
“Look who’s with me today #princesspanda” caption ni Heart. Isang fan ng dalaga, @pink_minicooper, ang nag-comment agad-agad and said, “Ur way better than Marian!”
Aware that the comparison might brew nasty comments from the fans of Marian, Heart retorted, “@pink_minicooper thank you but let’s not start with that her fans are very bad and I don’t wanna get bashed. thank you.”
“Oh! I’m so sorry… Love you,” ang agad na reply ng fan. But with her comment na “fans are very bad” ay baka lalong mapasama si Heart.
Alam n’yo naman siguro kung gaano kasama ang fans ni Marianita, they will bash you endlessly as if ang idol nila ang pinakamayaman, pinakamatalino, pinakamagandang nilalang sa mundo.
Anyway, kahit anong comparison pa ang gawin ay milya-milya ang layo ni Heart kay Marian.
Heart live a scented path, galing siya sa de Buena familia.

Bata pa ay meron na siyang LV, Prada, Hermes. Nakapag-travel na siya abroad kahit hindi pa siya artista. May negosyo sila na kilalang-kilala. Heart is sophisticated any which way you look at her.

Marian sa patuloy na pang-iintriga sa kanila ni Lovi: Let it go!



AYAW nang magpakanega ni Marian Rivera sa buhay, lalo na ngayong magiging mommy na siya sa first baby nila ni Dingdong Dantes.
Kaya naman nang matanong tungkol sa intrigang nakipagplastikan lang siya kay Lovi Poe nang makunan silang bagbebeso-beso sa isang showbiz event ay tumanggi nang magkomento pa ang GMA Primetime Queen.
“Move on na tayo,” ang naging tugon ni Marian nang makorner ng reporter matapos ang presscon ng bagong variety show ng GMA 7 tuwing Linggo, ang Sunday PINASaya kung saan makakasama niya bilang host ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ang comic duo na sina Wally Bayola at Jose Manalo.
Ayon kay Marian, wala na silang issue ni Lovi, “Oo, parang tama na. Ang tagal-tagal na nun, mag-move on na tayo. Mas maganda na mas maging positibo tayo sa buhay, especially now na buntis ako.
“Sa dami ng iisipin ko dahil sa anak kong ito, parang walang dapat isipin. Okay na ‘yon, let go na natin ‘yon,” sey pa ng misis ni Dingdong.
Burado na raw ang misunderstanding nila ni Lovi na nag-ugat noon sa shooting ng ginawa nilang pelikula under Regal Films, ang “Temptation Island” nang dahil kay Heart Evangelista.
“Okay na ‘yon. Alam mo ‘yon, matured na kami, may kanya-kanya na rin kaming buhay. Ako ngayon, priority ko ang asawa ko at saka yung anak ko.
Mas maganda na mag-move on na at maging positive kami sa buhay,” ang pahayag pa ni Marian na halatang-halata na ang umbok ng tiyan.
Kuwento pa ni Marian, pinayagan naman daw siya ng kanyang OB Gyne na sumabak uli sa trabaho dahil maayos naman ang kundisyon niya at ng kanyang baby na ayon sa aktres ay mas kamukha raw ni Dingdong base sa resulta ng latest ultrasound na ginawa sa kanya.

Wednesday, July 29, 2015

Marian bwisit na bwisit pa rin kay Rhian, plastikan lang



Marian Something had everyone guessing if she’s still mad at Rhian Ramos.
Why? It’s because in an Instagram photo which she posted recently ay nakitang kasama niya ang female cast ng flopsinang tomboyserye ng Siyete.
There she was with Chynna Ortaleza, Sheena Halili, Glaiza de Castro and Katrina Halili. They were all smile pa sa photo.
But it was very noticeable na wala si Rhian sa picture-taking? Was it because talagang wala siya sa taping the day Marian dropped by o she was doing a scene kaya wala siya sa photo?
Ayun, naintriga tuloy na until now ay hindi pa rin feel ni Marianita si Rhian. Na until now ay hindi pa rin niya ma-take na naging leading lady ito ni Dingdong.
Originally, Marian was to play the tomboy Jade Tanchingco sa teleserye but she backed out kahit na nakapag-taping na siya because of her pregnancy.
Milyones ang nawala sa Siyete because of her pagba-backout. In her place, si Rhian ang pumalit.

Monday, July 27, 2015

Marian ayaw nang magmaldita, baka chumaka ang baby



PAPASOK daw si Marian Something sa last episodes ng teleserye ni Dingdong Dantes.
Paniwalang-paniwala ang Siyete na may hatid na suwerte si Marianita sa mga shows kung saan siya nagge-guest. Ang chika kasi, tumataas ang rating ng show kapag guest nila si Marianita.
Gano’n? Teka, kung true ‘yan, bakit hindi nag-rate nang husto ang last teleserye ni Marian? Bakit kulelat ito sa rating?
Well, we felt na ang paglabas ni Marian, that is, kung true nga ang chika, sa soap ni Dingdong ay bilang suporta na lang sa kanyang asawa.
Actually, napapansin namin na medyo behave na ngayon si Marianita. Sa kanyang mga interview ay careful na careful na siya sa kanyang binibitiwang salita. Siguro good vibes lang siya dahil baka maapektuhan ang baby sa kanyang tummy. Baka nga naman chumaka ang anak nila kapag nagpakanega siya.


Saturday, July 25, 2015

Marian muling kinawawa ng bashers, pati magiging baby nila ni Dingdong dinamay


Pinag-usapan si Marian Something dahil sa kanyang Instagram baby bump photo na inilabas sa kanyang fan page sa Facebook.
Kaso, ang daming negative reaction sa photo na ‘yon. Kesyo bakit daw kailangan pa niyang mag-pose na obvious na ang kanyang baby bump at bakit kailangan pa itong ibalita sa social media.
“The heck!! Kulang na lang ibalita nyo na pumutok ng laway c marian at nautot c dingdong.. Sana nman ung may sense ang ibalita!”
“Nako si Marian ala magawa sa buhay pati pagbubuntis eupload, palibhasa hindi sikat!” “Kailangan bang ibalita ang paglaki ng tiyan nia everyweek? OA OA OA OA OA OA OA!”
“Ano to every man kailangan post tlaga …ang dami celebrity na nagbuntis….napaka #OA naman neto….dios ko ano takot malaos, nakakasira ng mood.”
“Naku para Lang kumita ng pera pose talaga ng Katawan. Siguro yung anak ninyo gagamitin nyo rin para kumita LNG ng pera.”
Ilan lang ‘yan sa nasty comments na aming nabasa. Well, one fan defended the actress and said, “Grabe naman kau magslita at mang husga perfect b kau .try nyo kya rumespeto ng tao. ke panget yn buntis o pabebe pa wla na kau paki dun.
Kya sa haters ni marian manahimik nlang kau wla naman kaung alam.” In fairness to Marian, maganda nga siyang magbuntis. But that’s all there is to her!!!

Thursday, July 23, 2015

Marian kaplastikan lang ang kabaitan


MARIAN Something has changed, drastically, that is.
Her statement sa isang interview which read, “Maging masaya ka para sa kapwa mo, at gawing inspirasyon kung anong meron siya lao na kung galing sa pagsisikap at hindi mo kailangang manira para lang maiangat ang sarili mo. Mas masarap na maging positibo, mas masarap ang buhay” all reek of positivity.
Seemingly, that is. But what lies beneath that statement is a subtle swipe at her detractors. Intindihin n’yong mabuti ang words niya, parang may pinahahagingan siyang hindi lang niya matukoy.
Apparently, nagbabagong-bihis si Marianita sa kanyang imahe. Pilit niyang binubura ang kanyang palengkera, bungangera, palaway image of yesterday.
Pero, kaplastikan ang lahat ng kanyang ipinapakita. Hindi siya iyon. That’s what we think.
“Baka in-enroll na si Marian ng bago niyang manager sa personality dev’t. or whatsoever para at least maging prim and proper na ang kilos niya’t pananalita, bagong image ba,” said one guy.
“Okay na sya magsalita ngayon. Secured na kase sya kay DD (Dingdong Dantes) hindi tulad before, lahat na lang pinagseselosan,” obserbasyon naman ng isa pa.
“Magaling talaga ang new management ni Marian, unlike before kay Popoy negang nega sya. Ngayon goodie goodie na image nya huh!” papuri ng isa sa bagong manager ni Marianita.
Ayun, biglang natira si Popoy Something na dating manager ni Marianita when one said, “Si Popoy, hinahayaan ang mga alaga nya to be true to themselves. Walang pagtatakip. What you see is what you get. Yung ibang manager, todo cover up at change image.”
“Yan din ang napansin ko kay Popoy. He does not advocate for his talents, especially kung may negative publicity or black propaganda against sa talent niya. Di mo malaman kung dahil bahag ang buntot or wapakels sa overall well-being ng talent. Basta may work, may kukubrahin siya, tapos na ang trabaho niya.
“Nu’ng manager pa siya ni Marian, mga fans ang nagtatanggol kay Marian, si Popoy, quiet lang palagi kaya naging easy target si Marian. Kapag may bagong starlet, ididikit ang name kay Marian w/ matching lies para makakuha ng exposure sa interviews at coverage ng media.
“Kung hindi malakas ang fan base ni Marian, napabagsak na ni Popoy yan. Kaya very good that she had the sense to fire him and get the Tuviera group to manage her,” litanya naman ng isa pa.

Sunday, April 5, 2015

Chynna Ortaleza pumayag maging tomboy para kay Marian



Hindi nag-dalawang isip ang versatile Kapuso actress na si Chynna Ortaleza na magpa-short hair. Isa na itong paghahanda para sa kanyang role sa upcoming drama series ng Kapuso Network na The Rich Man’s Daughter na pagbibidahan ni Marian Rivera.

“They didn’t need to convince me [to cut my hair short]. I knew right away that I needed to chop my hair for this kind of role. Plus it is a welcome break. I’m not really a fan of my long hair,” kuwento niya.
Gagampanan niya ang role ni Batchi. Si Batchi ay isang butch, lesbianang astigin na lalaking-lalaki kumilos at manamit. Ang role ni Batchi ay very interesting para kay Chynna bilang aktres dahil she can learn so much from Batchi’s character, heart, and the way she loves.
Abangan ang pagganap ni Chynna bilang Batchi sa The Rich Man’s Daughter ngayong Mayo sa GMA Telebabad

Wednesday, November 26, 2014

Kathryn, hindi na abay nina Marian at Dingdong

Nag-sorry si Kathryn Bernardo kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito’y may kinalaman pa
rin sa gaganaping kasal ng GMA Primetime King and Queen sa Dec. 30.
Ayon kay Kathryn, hindi kasi siya makakadalo sa Royal Wedding nina Marian at Dingdong dahil meron na siyang prior commitment sa nasabing date.
Kinuha kasi ni Marian ang Teen Queen para tumayong isa sa mga bridesmaid pero hindi nag pumuwede si Kath.Sa presscon ng kanyang self-titled album nagpaliwanag ang Kapamilya actress, “Actually, nung sinabi yun sa akin, nag-sorry talaga ako, kasi wala ako dito nun.
Gusto ko talaga pumunta, kasi super idol ko talaga si Ate Marian, pero yun, naintindihan naman niya.  “Gusto ko silang i-congratulate kasi super-fan ako ng DongYan, and I am sure naman na marami pa silang years together.
They look very happy and in love and nakaka-inspire sila,” anang young actress. Kung matatandaan, unang nagkasama sina Kathryn at Marian sa Kapuso teleserye na Endless Love (2010), kung saan gumanap na batang Marian ang Teen Queen na isa na rin ngayong recording artist ng Star Music.

Monday, November 24, 2014

Bench Naked Truth Fashion Show 2014