Showing posts with label Pastilyas Girl. Show all posts
Showing posts with label Pastilyas Girl. Show all posts

Sunday, October 11, 2015

Banta sa Gabriela: Tantanan na si Pastillas Girl, kasuhan ang Playgirls





Gabriela made sawsaw sa bugawan issue against It’s Showtime’s Pastilla’s Girl named Angelica Jane Yap. What they don’t realize is that binu-bully si Angelica Jane ng fans nina Alden Richards at Yaya Dub.
Nilait nang husto ang dalaga as if she did some horrible things. Idinamay pa ang It’s Showtime at pinalabas na ibinubugaw nito si Angelica Jane.
How absurd! Gabriela clearly doesn’t know what PIMPING is all about. We certainly believe they will not be able to SUBSTANTIATE claims of these fans na ibinubugaw si Angelica.
We felt that Gabriela is making sawsaw sa issue just to be RELEVANT. Why don’t they file a case against a sexy female group na nagsayaw nang malaswa sa isang political event?
Bakit hindi sila nagsasalita about women who were clearly exploited sa ilang men’s magazine? Bakit wala silang paki kahit halos hubo’t hubad na ang mga babae sa mga men’s magazine?
Now, the bugawan issue has escalated into the office of MTRCB. We felt that the MTRCB should not be influenced by Gabriela or the AlDub fans who clearly want Pastillas Girl out of the limelight.



Friday, September 25, 2015

4 sikat na loveteam maghaharap sa Showtime ANIMversary




Higit sa paghahanap ng bagong pag-ibig, ang kwento ni Pastillas Girl na araw araw nasasaksihan ng madlang people sa It’s Showtime ay kwento ng isang babaeng naghahangad ng bagong pagkakataon sa buhay.

Tulad ng ordinaryong mga babae na nasaktan, nais lang ni Pastillas Girl o Angelica Yap sa totoong buhay, na muling buuin ang sarili at muling maniwala sa pag-ibig.

Unang sumikat dahil sa kanyang online video na “How to Make a Pastillas” kung saan may “hugot” lines siyang binabato habang pinapaliwanag ang hakbang ng paggawa ng pastillas, si Pastillas Girl ay kusang dumulog sa It’s Showtime para humingi ng payo kay Madam Bertud sa segment na “AdVice Ganda.” At sa kanyang paglalahad, naantig ang puso ng mga manonood at tatlong lalaki – isa mula sa studio audience at dalawa mula sa Twitter – ang nagpahayag ng kanilang intensyong makilala pa si Pastillas Girl.

Noong Sabado (Sept. 19), naglakas-loob ang kanyang ex-boyfriend na si Enzo na harapin si Pastillas Girl upang humingi ng tawad, linawin ang mga tanong na bumabagabag sa isipan niya, at lagyan ng pormal na closure ang kanilang naging pagsasama.

“Pasensya ka na rin. Hindi ko naman intensyon na kumalat ang video. Hindi ko intensyon na mag-viral. Hindi ko pinlano na andito ako ngayon. Tandaan mo na sa mga nangyari sa atin, wala akong pinagsisisihan,” emosyonal na pahayag ni Angelica sa komprontasyon niya kay Enzo.

Maging ang pamba-bash ng netizens ay tiniis niya sa ngalan ng pagpapakatotoo sa kanyang nararamdaman, “Totoong tao ako. Hindi po ako artista, bago po ito lahat sa akin.
Sana kilalanin n’yo muna ako bago niyo ako i-judge. Lahat ng tanong niyo kaya kong sagutin, binuksan ko po yung buhay ko para po dito,” sabi pa nito.

Dahil sa pagi-ging totoo niya kung kaya’t kinakapitan din siya ng viewers at maging ng netizens na nagpapahayag kung paano sila nakaka-relate kay Pastillas Girl sa pamama-gitan ng interactive at live tweet component ng segment.
Ano pa ang magaganap sa paghahanap niya kay Mr. Pastillas sa darating na mga araw?  Samantala, magaganap ngayong tanghali ang inaaba-ngang 6th anniversary kick off ng Kapamilya noontime show na pinamagatang “It’s Showtime Kapamilya Day: The ANIMversary Kick Off.”

Makakasama sa selebra-syon ang pinakamalalaking Kapamilya loveteams KathNiel, JaDine, LizQuen and KimXi, Kapamilya Gold at Primetime Bida stars, The Voice Kids season two finalists, PBB 737 Teen Big Four, cast ng “Etiquette for Mistresses” at Primetime King Coco Martin.