Ire-remake pala ni Richard Gutierrez sa telebisyon ang classic movie ni FPJ na Ang Panday. Yes bossing Ervin, isa ito sa seryeng ipo-produce ni boss Vic del Rosario sa TV5.
Balik na sa paggawa ng serye ang TV5 at plano nga raw ni boss Vic na tapatan ang mga teleserye ng ABS-CBN at GMA 7 para hindi lang sila ang pinapanood ng mga tao.
Makikipagsabayan na raw ang TV5 sa dalawang giant stations and knowing boss Vic, tiyak na pawang de-kalidad ang ipo-produce nitong mga programa.
Going back to Ang Panday, balitang magtutulong sina
boss Vic at ang may akda nitong si Carlo J. Caparas na buuin ang programa mula naman sa direksyon ni Mac Alejandre.
Matatandaang nagsimula sa Komiks ang kuwento ng Panday noong 1970 hanggang sa gawing pelikula ni Fernando Poe, Jr.. Bukod kay FPJ, gumanap din sa pelikula bilang Panday sina Bong Revilla at Janno Gibbs.
Ginawan din ito ng remake sa TV ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Jericho Ro-sales noong 2005.
Nag-pictorial na raw si Richard kahapon at napansin ng lahat ng production staff, “Ang taba ni Richard, kailangan niyang mag-reduce, hindi na sila nagkakalayo ng katawan ni Raymond (kakambal ng aktor).”
Sabi namin, bakit si Bong Revilla medyo chubby din noong ginawa niya ang pelikulang Ang Panday? Anyway, may dalawang buwan pa naman si Richard para mag-gym dahil sa 2016 pa naman sisi-mulan ang taping ng fantaserye niya.