Friday, November 13, 2015

Anak ng Negosyante, Bunugbog ni Hunks at ipinagpalit pa sa Bading





NASA ibang bansa na pala ang dating karelasyon ng isang guwapong hunk actor.


Nagkaroon sila ng isang anak, nasa pangangalaga ngayon ng male personality ang bata, tumakas na lang sa sobrang kabiguan ang babaeng mula sa isang angkan ng mga negosyante.

Naging masalimuot ang kanilang pagsasama, maganda lang nu’ng una, pero nang magtagal ay naramdaman na ng babae ang pagiging tau-tauhan lang sa piling ng hunk actor.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya puwedeng magpakita in public, bawal, makasisira kasi ‘yun sa machong image ng mister niya. Kapag namamasyal sila, e, malayo ang position ng girl sa lalaki, kailangang ganu’n, para hindi mag-isip ang mga nakakakita sa kanila na meron silang relasyon.

“Walang freedom ang girl, hindi siya puwedeng dumalaw sa set kapag may taping o shooting ang asawa niya, basta wala lang, nasa housing authority lang nila dapat ang babae.

“Pero kaya pa ‘yun ng girl, kaya lang, naging mabigat na ang kamay ng lalaki, kapag may pinagtatalunan sila, pak, pak, pak! Jombag ang inaabot ng girl!” napapailing na komento ng aming impormante.

Pero ang hindi talaga kinaya ng babae ay nang malaman nito na meron pala itong kahati sa pagmamahal ng kanyang mister. May third party sa kanilang relasyon.
Pero na-shock ang girl nang kumpleto na nitong malaman ang mga detalye.

“Nakakaloka! Beki ang kaagawan niya sa pagmamahal, atensiyon at panahon sa mister niya! Isang kilalang figure sa labas at loob ng showbiz ang beki na talaga namang buong-ningning pang nagpupunta sa kanilang bahay!

“Hindi na ‘yun kinaya ng girl, isang matinding jombagan pa at umuwi na sila ng anak niya sa bahay ng kanyang mga magulang. Matagal nilang pinaglabanan ang custody sa bata.

“Hanggang sa isang araw, e, sumuko na rin ang babae, ibinigay na niya sa aktor ang bata, nagpakalayu-layo na lang siya para makalimot.

“Bradly Guevarra, nasa bandang huli ng alphabet ang initials ng hunk actor, lalo na ang name niya, baligtaran pa nga!” pagtatapos ng aming source.


No comments: