Showing posts with label rica peralejo. Show all posts
Showing posts with label rica peralejo. Show all posts

Saturday, September 5, 2015

Rica Peralejo tinawag na laos, uhaw sa publicity





Napakalaking tulong ng social media ngayon sa ating lipunan. Maraming trabaho ang napapabilis, parang madyik ang pagdaloy ng komunikasyon, kumportable ang lahat dahil sa social media.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging paborable para sa atin ang iba-ibang porma ng social media, meron ding panahon na sa halip na makatulong ay ‘yun pa ang naglalagay sa atin sa alanganin, tulad na lang ng nangyari kay Rica Peralejo.

Sumama raw ang kanyang pakiramdam, nagpunta siya sa ospital, pero hindi niya nagustuhan ang ginawang pagpaparetrato sa kanya ng mga nurses na nandu’n.

Agad-agad na nagsumbong si Rica sa kanyang social media account, nakiayon naman sa kanya ang mga kaibigan niya, pero mas niratrat siya ng mga negatibong komento ng mga netizens na hindi nagkagusto sa kanyang ginawa.

Tinawag siyang publicity hungry, mas masakit ang isa pang salitang ipinakain sa kanya, laos. Matagal na kasing wala sa sirkulasyon si Rica, mula nang mag-asawa siya ay nanahimik na ang aktres, at kapag matagal na hindi napapanood ang artista ay laos ang itinatawag sa kanila ng iba.

Sa postura kasi ni Rica ay parang gusto niyang mawalan ng trabaho ang mga nurses na nagpa-picture sa kanya dahil sa termino niyang ginamit na “Isusumbong ko sila!”
Ayon sa mas nakararami, dapat nga raw ay nagpasalamat pa si Rica dahil kahit hindi na siya aktibo sa pag-aartista ay kilala pa rin siya, pero hindi pala okey para sa kanya ang ganu’n.

Sana’y nagpairal na lang ng diplomasya si Rica Peralejo. Kaya nga artista-entertainer ang tawag sa mga tulad nila ay nagpapasaya sila ng publiko.

Friday, September 4, 2015

Rica Peralejo naipit sa iskandalo, sinisi ang Media



Inisa-isa ni Rica Peralejo ang buong detalye nang kinasasangkutan niyang isyu ngayon tungkol sa pagpapapiktyur sa kanya ng ilang nurse sa St. Luke’s Global hospital.

Nalokah kasi si Rica dahil na-blown-out-of-proportion na ang pagpo-post niya sa social media sa pagka-disgusto niya sa pagpapapiktyur sa kanya while in pain.

Kaya inisa-isa ni Rica ang mga punto niya. Una sa mga nurse ng hospital, sabi niya sa kanyang blog, “I don’t hate nurses and never expressed that.

The media and some narrow-minded followers did that, not me. I have always meant to get at the leaders of the establishment, not you.”

Nanawagan din siya sa mga nagba-bash sa mga nurse na huwag gawin ‘to, “Please check the original post and not rely merely on media’s sensationalizing and faulty headlines.
We are all victims of click-baits! Let’s not fall for this. Let’s be smarter. And of all the outcomes I feel the saddest about this — ako na lang i-bash niyo.”

Nanawagan din si Rica sa mga taga-media, aniya “Please, make accurate headlines.” Nag-react din siya sa mga nang-aaway sa kanya sa social media, “You say I shouldn’t have posted my rant when there you are posting your rant against me.

So paano na? Kayo nalang pwede? Hahaha!” At sa huli, nabanggit ni Rica ang tungkol sa pagdi-disown sa kanya ng grandparents niya dahil sa paggawa niya ng bold movies years ago.

“Naturally they would. After all, I carry their last name in those TRASHY films. Even if they did not do any of those things, their name is imprinted boldly on every filth of a film.
I pray it is a lesson for all of us to also consider whose name do we dirty when we do things? That group of people who took photos of me live free of hassle today while St. Luke’s and nurses are getting all fired up.”



Wednesday, September 2, 2015

Rica nabwisit nang magpa-picture ang mga nurse sa St. Luke’S Global





HINDI nagustuhan ng dating aktres na si Rica Peralejo ang ginawa ng ilang nurse sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Nag-post si Rica sa kanyang Instagram account na nagsasabing kinailangan niyang magpunta sa doktor dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam.

Pero makalipas ang ilang oras, sa Facebook naman nag-post ng kanyang mensahe ang dating Kapamilya actress kung saan naglabas nga siya ng kanyang sentimyento tungkol sa mga nurse nag-assist sa kanya habang siya’y ginagamot sa nabanggit na ospital.

Ayon kay Rica, “I find it absolutely unprofessional that nurses & staff in the hospital will want to take my photo ONE BY ONE despite the fact that I am here.”

Maraming friends ni Rica sa FB ang sumang-ayon sa kanya kasabay ng pagsasabing ipagdarasal nila ang aktres para gumaling agad.