Sunday, August 16, 2015

Julia Barretto wala raw respeto sa mga veteran stars



Young and bubbly. That’s what Julia Barretto appears to be.

Kaya hindi kami makapaniwala na isnabera raw ito sa taping ng kanyang bagong soap opera. Kapag dumarating daw ito sa set ay halos walang binabati, para raw itong naglalakad sa alapaap na walang nakikita sa kanyang paligid.

Ni hindi nga raw ito nagbibigay galang sa senior stars ng kanyang teleserye, walang chikahan, walang besohan, walang kuwentuhan.

Natatawa na nga lang daw ang senior cast kapag napapaga- litan si Julia dahil hindi nito mai-deliver ang isang simpleng eksena. Panay raw take three nito kahit na simple lang ang scene.

Ang nakakaloka ay ito. One time, nag-report sa set ang senior cast members. Nagulat na lang daw sila dahil iba na ang kanilang director, pinalitan na raw ito.

Did Julia have a hand in the selection of a new director? Siya ba ay nagsumbong sa management dahil sa madalas na pinagagalitan siya ng dating director dahil hindi siya maka-deliver ng tamang pag-arte?
Julia, you can now have the floor. Answer it. NOW!!!

Ate Guy niresbakan ang mga kaaway ni Grace Poe sa politika



KITANG-KITA ni Superstar Nora Aunor si Fernando Poe, Jr. sa anak nitong si Sen. Grace Poe, kaya naman ipinagtanggol din nito ang senadora sa pambabatikos ng ilan nitong detractors sa politika.
Sa gitna nga ng mali- lisyosong mga isyu na ibinabato laban kay Sen. Grace, siniguro ni Ate Guy na “101 percent support” ang ibinibigay niya sa anak nina FPJ at Susan Roces.
Ayon kay La Aunor, handa siyang suportahan si Sen. Grace sakali ngang magdeklara na itong tumakbo sa 2016 elections, “Para sa akin dapat lang siyang tumakbo bilang presidente dahil isa siya sa mga kakaunting matino at masigasig na opisyal ng gobyerno na nakikita ko,” sabi ni Ate Guy.
“Madali siyang lapitan, maunawain siya. Wala akong kaduda-duda sa kanyang kakayahan at katapatan bilang isang Pilipino at public servant.
Ako ay 101 percent na sumusuporta sa kanya,” dagdag niya. Paliwanag ng superstar, nakikita niya ang yumaong FPJ sa katauhan ng senadora.
Aniya, pareho silang mapagkumbaba at may malasakit sa mga mahihirap. “Sa totoo lang, mas naki- kitaan ko siya ng malasakit at pagmamahal sa Pilipino kaysa sa mga tumutuligsa sa kanya.
Si Sen. Grace ay isang magandang halimbawa ng isang Pilipinong tunay na naglilingkod sa bayan. Siya ang dapat tularan ng mga sinasabing batikang pulitiko diyan,” ani Ate Guy.
Pero nilinaw ng Superstar na hindi niya sinusuportahan si Sen. Grace dahil anak ito ni FPJ, na isang matalik na kaibigan at naging katambal niya sa ilang pelikula.
May sariling talino at diskarte aniya ang senadora, na napagmasdan niya noong una pa lang itong umupo sa Senado at nagsulong ng mga panukala upang makatulong sa mga mahihirap at sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Kalat na: Showtime araw-araw nagmi-meeting para mapataob ang AlDub ng EAT BULAGA




INGINUDNGOD. Ipinaghampasan. Inilampaso.

That is what seems to have happened to Its Showtime, ang flagship noontime show ng Dos. Halow araw-araw na raw ang meeting nilang ginagawa to improve the show dahil milya-milya na ang layo ng Eat Bulaga sa kanila.
On its Aug. 12 episode, tinalo ng Eat Bulaga ang Its Showtime when it got a 36.1 rating against 8.8%. That’s according to AGB Nielsen Mega Manila/Afternoon survey.

So, nag-single digit na ang Its Showtime. Clearly, walang binatbat ang think tanks ng Its Showtime sa Eat Bulaga. Butata sila when it comes to ratings, parang papunta na sila sa tuluyang paglubog.

Araw-araw ay trending topic ang AlDub, ang kalyeserye nila ang inaabangan ng madlang pipol, ang pinag-uusapan sa lahat ng sulok ng bansa.
Naging katawa-tawa sa social media ang photo ng representatives ng mahiwagang black box na nagpapakitang pinanonood nila ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Meron pang kuha sa mall and schools where it showed so many people watching AlDub. Clearly, isang malaking phenomenon ang AlDub, bagay na hindi napaghandaan ng Its Showtime.

They didn’t see it coming, they were not prepared. And in the end, they suffered!

Wish ng Barangay Ginebra fans: Kuning muse si Yaya Dub sa 41st season ng PBA!



WALA na talagang makakapigil sa kasikatan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay. 

Biglang naging instant superstar ang dalawa sa Eat Bulaga, lalo na nang simulan ng nila ang kanilang kalyeserye na talagang tinututukan nga- yon ng buong mundo.

Kamakailan ay pumirma ng movie contract si Alden sa APT Entertainment, sumunod dito ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Records bilang singer at balita namin ay makakasama na rin sila ni Yaya Dub sa MMFF entry nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na “Rom-Comin Mo Ako”.

Ang latest, si Yaya Dub din daw ang request ng Barangay Ginebra fans na kuning muse ng nasabing basketball team sa opening ng 41st season ng PBA sa October.

Sa isang sports website namin nabasa na maraming fans ng Ginebra ang humihiling kay Yaya Dub, tiyak daw na mas iingay ang Barangay Ginebra kapag ang tinaguriang Dubsmash Queen ang kinuha nilang muse.

Ayon sa ulat, open naman daw si PBA chairman Robin Non, ang tumatayo ring basketball operations head ng SMC franchise, sa hiling ng Ginebra fans.

Pero aniya, hindi naman daw siya o ang players ng Ginebra ang makakapagdesisyon tungkol dito.
Sey nito, kailangang dumaan muna ito sa SMC marketing department, ang namamahala sa pagpili ng magiging muse ng lahat ng team under SMC.
Sa ngayon, mas malaki ang posibilidad na si Ellen Adarna ang maging muse ng Ginebra dahil siya ang 2015 calendar girl ng nasabing produkto.

Samantala, nag-tweet naman ang isang executive ng Ginebra ng, “Mga ka barangay susubukan natin ibigay ang idea sa marketing para makuha natin si YAYA DUB para muse ng ginebra — alfrancis chua.”

24 Best All-Time Ilocano Classic Hits - Raye Lucero


24 Best All-Time Ilocano Classic Hits 

Raye Lucero

Bitbitwen A Nasillag

Tallugading

Nalami-is Nga Pul-oy

Inang-angaw Ko Ni Ayat

Sango Ti Altar

Gasatta Ngata

Urayennak

Lagip Ti Naglabas

Igid Ti Baybay

Iliw Ko

No Kasellag iti Bulan

Agpakadaak Kenka

Balbaliwan Kad Nga Usisaen

Paneknek Toy Kinapudno

Ni mannalon

Timudem Cadi Toy Sasainnekko

Ayadan Sinangalta Nga Arapaap

Ragsak Ita Inton Bigat Lulua

Raye Lucero - 24 Best All-Time Ilocano Classic Hits




24 Best All-Time Ilocano Classic Hits 

Raye Lucero

Bitbitwen A Nasillag

Tallugading

Nalami-is Nga Pul-oy

Inang-angaw Ko Ni Ayat

Sango Ti Altar

Gasatta Ngata

Urayennak

Lagip Ti Naglabas

Igid Ti Baybay

Iliw Ko

No Kasellag iti Bulan

Agpakadaak Kenka

Balbaliwan Kad Nga Usisaen

Paneknek Toy Kinapudno

Ni mannalon

Timudem Cadi Toy Sasainnekko

Ayadan Sinangalta Nga Arapaap

Ragsak Ita Inton Bigat Lulua