Showing posts with label Vice Ganda. Show all posts
Showing posts with label Vice Ganda. Show all posts

Tuesday, November 10, 2015

Vice inupakan ng bashers, tinawag na baklang laos…idinamay pa ang nanay ‘Wag n’yong sayangin ang oras n’yo sa akin....love you!’ – Vice





SA halip na magwala sa galit at patulan ang mga netizen na patuloy na nanlalait at nambabastos sa kanya, mas minabuti na lang ni Vice Ganda ang mag-spread ng good vibes at magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.
Sa mga nabasa naming comments ng ilang netizens sa sunud-sunod na post ni Vice sa kanyang Twitter account, tinawag siya ng mga ito na laos at isang malaking karma.
Nauna nang nanawagan ang TV host-comedian sa kanyang followers sa social media na tigilan na ang kanegahan at naging positive na lang, “Marami na tayong nasaktan at marami na ring nakasakit satin.
Let’s spread Good Vibes na lang para clap clap clap Champion! #StopTheHate!”
Dugtong pa nito, “Nasaksihan ko na ang ganda ng araw sa salamin. Clap clap clap! Champion! #ShowtimePBBSaLubong!”
Matapos ngang mag-post si Vice ng kanyang mga mensahe, dito na nagkomento ang ilang bashers kung saan tinawag siyang “laos” at may ilan pa nga na idinamay pa pati ang kanyang nananahimik na ina.
Sabi pa ng isang hater huwag na rin daw siyang pumasok sa It’s Showtime at i-apply daw niya sa tunay na buhay ang mga pinagsasasabi niya at huwag puro dakdak. Ang tanging sagot lang dito ng TV host ay, “#StopTheHate: #StopTheHate!”
Siyempre, hindi rin nagpatalo ang mga fans ni Vice at gumanti sa mga bastos na bashers. Pero agad din silang pinagsabihan ng komedyante, “To all my Little Ponies and Vicerylle babies: Thanks for trying to be responsible netizens as much as you can. Never resort to bashing.”
Narito naman ang message ni Vice sa kanyang haters, “My recent tweets are for my fans. So if you’re not my fan, you don’t have to react. Don’t waste your time to bash me. Love you.”



Wednesday, October 28, 2015

Joey: Wag madaliin ang career, wag itulad sa karera ng kabayo!




JOEY de Leon seems to have taken a SWIPE at Vice Ganda on his recent tweets.
“Like LOVE, ang CAREER ay hindi minamadali. Ang minamadali lang na karera ay sa KABAYO!”

“I repeat, wag madaliin ang career. Treat it like LOVE. Wag i-tulad sa karera ng KABAYO, tapos agad!”

The patutsada is uncalled for, very unethical and very pedestrian. What has Vice done to deserve it? Nothing! It baffles us why this TV host is making non-stop patu-tsada on Twitter when they already have the number.

Isn’t he happy that the noontime show he’s part of is making waves? Hindi pa ba siya masaya roon?
Again, we felt that making parinig to somebody who’s down reeks of unprofessionalism!


He, too, made a sarcastic comment about the controversial gown which Yaya Dub wore during an event, “Ano naman yang isyu tungkol sa GOWN? Tayo nga lahat ang saya-saya pag Graduation, pare-pareho naman tayo ng gown!”

“Yan bang gumagawa ng ‘gown issue’ colegiala? Malamang hindi. Ang mga colegiala kasi pare-pareho suot ‘no!” “Baka naman yung nag-raise ng gown issue bats for originality. Malamang NAG-IISA LANG ang salawal nyan!” That was his aria.



Tuesday, September 29, 2015

Promise ni Alden kay Yaya: Hinding-Hindi kita Lolokohin





Sa naganap na kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon, umentrada si Lola Nidora (Wally Bayola) habang pinagagalitan ang kanyang mga Rogelio dahil sa pagiging tamad, lagi raw kasing tulog ang mga ito. Pati si Yaya Dub (Maine Mendoza) ay pinagalitan dahil lagi silang nagtsitsismisan ni Rihana (si Wally din) at late na silang matulog.

Inasar naman sila ni Vic Sotto na baka si Alden Richards ang pinag uusapan ng dalawa. Bigla namang napangiti si Yaya.
Samantala, si Will raw ang tumawag kahapon kay Tinidora (Jose Manalo). Naalala niya ang sweet moments nila lalo na kapag nakikita niyang sweet ang AlDub couple.

Sinabihan naman nina Lola Nidora at Tinidora si Alden na huwag lolokohin si Yaya Dub. Sabi pa ni Lola Nidora, “Ang pag-ibig n’yo ay di pang Juan for All, di pang takbuhan. Pang su-god-bahay lang. Isa lang ang winner.” Nangako naman si Alden na hindi niya lolokohin si Yaya.

Muli na namang umentrada ang boses (dubsmash) ni Maine. Kinanta niya gamit ang kanyang boses ang ilang songs na inaawit niya for Alden kagaya ng “Someday Will Know” at “Because of You”. Pilit namang pinaaamin ni Alden si Yaya Dub kung boses niya ba talaga ang naririnig niya pero dedma ito.

Bago matapos ang kalyeserye, ay may sasabihin dapat si Alden kay Lola Nidora. Mukhang aaminin na nito na sinuway talaga nila ni Yaya ang “no-touch” sa date nila last Saturday. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lola Nidora?



Monday, September 28, 2015

Nakakadiri ang halikan nina Vice at Karylle!



Marami raw ang nandiri sa paghalik (dalawang beses) ni Vice Ganda kay Karylle sa lips nu’ng nakaraang Sabado sa 
6th anniversary ng It’s Showtime sa Araneta.

Nakita ko rin ang litrato ng halikan ng dalawa, at isa lang din ang nasabi ko – NAKAKADIRI NGA! EIWWW!!!




Sunday, September 6, 2015

Vice: Magkamatayan na, hindi n’yo makikilala ang dyowa ko!





Inamin ni Vice Ganda na hindi lang sa kanya nanggagaling ang perang ipinamimigay niya sa Good Vibes segment ng It’s Showtime. Sa isang interview niya sa isang entertainment portal, sinabi ng standup comedian na “bukod sa nakakapagpasaya ka ng tao, nakakatulong ka rin.”

“Kasi mas blessed ako ngayon. Dahil mas blessed ako, mas malaki yung chance na makapag-share ng blessings ko. Siyempre, pag walang-wala ka naman, anong isi-share mo? Ngayon, mas maraming blessings ang ibinigay sa akin ng Diyos, kaya mas malawak ang blessings na puwede kong i-share,” he said.

“May mga nanggagaling sa akin, may ibang nagpe-pledge din. Sinasagot din ng Showtime, may ibang sinasagot ang mga kaibigan ko, like sila Kris Aquino.

Mara-ming nagtutulong-tulong, mara-ming tao ang gustong magbigay ng good vibes sa maraming tao,” dagdag pa niya.
Meanwhile, during an episode of It’s Showtime, isang member ng studio audience ang nagtanong kay Vice kung paano niya ipakikilala sa pamilya niya ang bagets niyang dyowa, dito na niya ginawang e-xample ang sitwasyon niya at ng kanyang lover, “Noong nagsisimula pa lang ako sa ‘It’s Showtime’ hanggang ngayon, paulit-ulit ang tanong ng mga reporter.

‘Sino ba ang boyfriend mo?’ Hindi natahimik ang tao sa paghahanap kung sino bang boyfriend ni Vice Ganda.” “Hindi ko puwede sabihin kung sino ang boyfriend ko.

Tinanong niya ako kung bakit? Sabi niya, ‘kinakahiya mo ba ko?’ Ang sabi ko sa kanya, ‘Hindi kita pinapakilala kasi gusto kitang protektahan dahil pag nakilala ka nila, huhusgahan ka nilang lahat.”

“Bakit ko gugustuhin husgahan ninyo ang taong napahalaga sa buhay ko. Kaya hindi ko ipapakilala sa inyo, magkamatayan na, hindi ninyo malalaman kung sino ang jowa ko.”



Saturday, September 5, 2015

Ipinamimigay na pera sa studio audience galing sa sariling bulsa




Ang gustong pagbutihin pa ni Vice ay ang nakakaaliw at mala-Wish Ko Lang na segment niyang “#AdViceGanda,” kung saan nagbibigay siya ng advice sa mapipiling studio audince bilang si Madam Bertud.

“Yun naman ang gusto ko, yun naman ang gusto namin talaga, na maraming maka-relate. Para habang tinatalakay namin ang issue ng isang tao, hindi lang parang siya ang pinag-uusapan namin, kundi marami ang nakaka-relate sa pinag-uusapan, na parang sila din ang kinakausap ko,” ani Vice sa panayam ng Cinema News.

Sa huling episode ng Showtime, nagbigay si Vice ng P25,000 sa isang matandang mag-asawa na nanonood sa studio.

Ayon sa ulat, ilan sa ipinamimigay na premyo sa kanilang programa ay galing mismo kay Vice at sa ilang malalapit na kaibigan ng komedyante.



Tuesday, September 1, 2015

Mga seksing cover girls kabog sa bagong pasabog ni Vice Ganda



Kabogera talaga itong si Vice Ganda.
Aba, siya lang ang first gay na nasa cover ng Mega magazine for its September issue. This is the very first in Asia, ha!

“Set in the picturesque Lavender Fields of Hokkaido, Japan, we marvel at the realization of a re-imagination that is Vice Ganda (@praybeytbenjamin).

A multi-faceted performer and ally in the LGBT cause, Vice Ganda walks us through the story of his life as he is photographed wearing floor-grazing feminine numbers in the most airy of pastels.”

‘Yan ang maikling mensahe about Vice sa magazine na available na on Sept. 9. Naku, tiyak na mas kabogera ang mga outfits ni Vice Ganda sa pages ng Mega.

For sure, magpipiyesta ang fans niya sa mga dresses niyang tiyak na kaiinggitan ng marami or kokopyahin ng mga beki.



Sunday, August 30, 2015

Pagkatalo ng Showtime sa Aldub ng Eat Bulaga isinisi kay Vice Ganda



Matinding pressure para kay Vice Ganda ang biglang pagsikat ng AlDub. Matindi talaga dahil mula nang mamulat ang mga Pinoy na meron palang tambalang kinagigiliwan ngayon ang buong bayan ay napag-iwanan na sa rating ang It’s Showtime.

Si Vice Ganda ang iti- nuturing na kapitan ng barko ng programa ng Dos, kaya sa unti-unting paglubog nito, natural lang na sa kanya ituro ang sisi.

Kung anu-ano nang gimik ang ginagawa ng noontime show ng Dos, pero nakakaawa pa rin sila, pinakakain sila ng alikabok ng Eat Bulaga.

Double digit na ang rating na kanilang kalaban, pero ang It’s Showtime ay hirap na hirap pang makakuha ng single digit, pine-pressure siyempre ng pamunuan ng Dos ang produksiyon lalo na si Vice Ganda na tumatayong pinaka-leader ng tropa.

Hanggang hindi sila nakakaisip ng mga gimik na orihinal ay walang mangyayari sa kanilang pakikipagsalpukan sa Eat Bulaga.

Grabe ang epidemya ng kalyeseryeng pinagbibidahan nina Yaya Dub, Alden Richards, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo.

Panahon nila ngayon, kakampi nila ang kapalaran, kaya kahit anong pagtatambling pa ang gawin ni Vice Ganda ay mawawalan ‘yun ng katuturan.

Magmumukha lang silang kaawa-awa na gaya lang nang gaya, nakikiamot ng ideya sa kalaban nilang show, kailangang magi- sing ang mga hosts at staff ng It’s Showtime para kahit paano naman ay makabawi sila. Sa totoong-totoo lang.

Wednesday, August 26, 2015

Kris ibinuking ang relasyon ni Vice kay Mr. Chinatown: Ewan ko sa ‘yo! nakakaloka ka!’


NOW, it’s Kris Aquino’s turn to reveal something about Vice Ganda’s lovelife.

Sa isang episode kasi ng It’s Showtime ng ABS-CBN, merong isang fan na ininterbyu si Vice na gustong ma-meet personally si Kris.

Tinawagan agad ni Vice ang TV host-actress at pinakausap ang nasabing fan. Pinagbigyan naman siya ni Kris at sinabing mag-meet sila sa isang restaurant.

Matapos ang chikahan with the fan ay naging taklesa si Kris and said, “Hindi ba, nag-food trip na tayo diyan with Karla (Estrada), kasama si Mr. Chinatown, nu’ng in love ka pa kay Mr. Chinatown?”

Stunned by her revelation, ang tanging nasabi na lang ni Vice Ganda ay, “Ewan ko sa iyo! Bababaan kita ng telepono. Nakakaloka ka!”

Patuloy ang mga bagong gimik sa It’s Showtime. Hindi lang namimigay ng cash si Vice, meron pa siyang drama na sinagot niya ang pag-aaral ng isang girl na humihingi ng advice.

Nahihiya na raw kasi ‘yung girl na humingi ng baon at pambayad ng tuition fee niya sa magulang ng kanyang boyfriend kaya naman humingi siya ng advice kay Vice Ganda.

Nagmagandang-loob si Vice na sagutin na lang ang pag-aaral ng dalaga. How nice. One thing more, napansin naming na panay ang pa-good shot ni Vice Ganda ngayon, ha.
Parang sunud-sunod ang kanyang kawanggawa which is nice naman as he is able to help someone in need. Napanood namin ang isang video niya habang nakasakay sa taxi kasama ang kanyang alalay/friend.

Super chikahan sila sa taxi ng driver na hindi makapaniwala na pasahero niya si Vice Ganda. Later, nang bayaran time na, nag-abot si Vice Ganda ng P3,000 para sa boundary ng taxi driver.

Siyempre pa’y tuwang-tuwa ang driver sa laki ng halaga na kanyang natanggap. Ang nakakaloka lang, bakit kailangan pang i-video ang taxi ride ni Vice Ganda? Para ipakitang tinulungan niya ang taxi driver? Para ipakitang generous siya?

Wish ni Vice: Makapagpa-picture kay Ate Guy

Image result for nasaan ka inay



Matagal nang dream ni Vice Ganda ang makausap nang personal at makapagpa-picture sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Sa Kris TV kahapon, i- namin ni Vice na pangarap niya na magkaroon sila ng selfie ni Ate Guy, “Close ako kay Ate Vi (Vilma Santos). Kay Inang Maria (Maricel Soriano), close ako.
Si Mega (Sharon Cuneta), chika ko. Si Ms. Nora Aunor na lang.” Ikinuwento pa ni Vice na talagang nanghinayang siya nang hindi siya nakapagpa-picture kay Nora nang magkasama sila sa isang event ng Metro Manila Film Festival.
“Ngarag na ngarag kami doon. Hanggang sa nakauwi na kami sabi ko ‘di ko na meet si Ate Guy, ‘di yata pumunta.” “Nu’ng nanonood ako ng ‘TV Patrol’ ipinakita ‘yung press con nasa tabi ko siya.
Kasi nung pag-upo ko dire-diretso na ‘yung tanong, nataranta na ako dahil ang daming camera, ang daming nagtatanong. Hindi ko tuloy nakita ang pakay ko.
Sabi ko katabi ko pala si Ate Guy di ako nakapagpa-picture man lang,” pahayag pa ng komedyante.

Sunday, August 23, 2015

‘Nakakasawa na sina Vice, Anne, Vhong at Billy!’




NAKAKALULA itong AlDub fever lately – kahit saan ako magpunta ay iyan ang tinatanong sa akin and gosh – almost everyone knows how to do the pabebe wave na iyan.

Pati mga senador, mga taga-bangko, drivers, students or even nuns ay marunong na ng Pabebe Wave.
Nababaliw ako sa kanila. Isa lang ang ibig sabihin niyan – talagang sikat ang tandem na ito na napapanood sa Eat Bulaga.

Eat Bulaga has always been there. Consistent naman sila ever since sa mataas nilang rating. Pero iba ang pag-zoom up ng numbers nila when this AlDub thing came about.
Nilamon nga nila ang rating ng It’s Showtime na naka- kabahala na rin for sure sa management ng aming mahal na ABS-CBN.

Ganoon talaga, we cannot have it all. May mga show talagang hindi matibag-tibag sa Dos lalo na sa mga teleserye dahil na-master na ng ABS ang pulso ng TV viewing public.
Pero sa noontime, medyo hirap nga silang su- mabay sa Eat Bulaga lalo na nang pumasok ang AlDub tandem nina Alden Richards and Yaya Dub.

“Ang cute kasi nila, bagay silang magka-loveteam. Hindi yung tipikal na romance-romance na pa-cute like the KathNiel, JaDine or LizQuen. Comedy kasi ito at fresh ang idea kaya gustong-gusto ng tao.

Nakakasawa na kasi ang drama ng mga pa-cute na loveteams eh, iba itong AlDub. Funny and entertaining at nakakakilig talaga.

Nakakasawa na kasi ang Showtime, yung mga style nina Vice Ganda, Ann Curtis, Billy Crawford and Vhong Navarro, paulit-ulit na lang!” pagtataray ng isang kakilala naming bading.

Well, this is a big challenge nga para sa It’s Showtime producers. They have to do something about it. Eat Bulaga is enjoying a tremendous high rating.

Tama naman ang kausap natin, It’s Showtime must reinvent at hindi sagot ang sabi nilang Vice Ganda is coming up with a Vice Dub para itapat sa AlDub.

“Paano nila iisiping pantapat sa AlDub ang Vice Dub eh, si Vice nga ang kinaiiritahan ng audience? Dapat baguhin na ni Vice ang style niya.

Ang sakit na sa tenga ng mga boses nila sa show. Tsaka ang image ng mga hosts nila, whew! Lahat may kani-kaniyang iskandalo. It’s the whole show na dapat nilang baguhin,” talak pa ng kausap natin.

Hay naku, basta ako, with or without AlDub, Eat Bulaga baby talaga ako ever since. Alam naman ng buong mundo iyan noon pa, di ba?