Sunday, September 21, 2008




Pag-ibig ng Kadete (1934) Rosario Reyes & Amado Yuson


Movie Title: Pag-ibig ng Kadete

Year: 1934

Producer: Julian Manansala

Director: Julian Manansala

Cast of Characters:
Rosario Reyes
Amado Yuson

Ang Kilabot ng mga Tulisan (1932) - Dolly Garcia & Salvador Saragoza


Ang Kilabot ng mga Tulisan

August 12, 1932

Moviehouse
Imperial Theater

Banahaw Pictures

Dolly Garcia

Salvador Zaragoza

Producer
Julian Manansala

Director
Julian Manansala




Julian Manansala


Movie Title: Dimasalang

Year: 1930

Producer: Julian Manansala

Director: Juliam Manansala

Cast of Characters:

Mary Walter
Gregorio Fernandez

Patria Et Amore (1929) Julian Manansala


Movie Title: Patria Et Amore

Year: 1929

Producer: Julian Manansala

Director: Julian Manansala

Cast of Characters:
Julian Manansala

Trivia:
JULIAN MANANSALA na unang ginawa ang Patria Et Amore (1929). Ang pelikulang ito ay lumikha ng ingay nang tangkain ng Spanish community na harangin ang pagpapalabas nito dahil sa implikasyong political. Subalit pinayagan din ito ng mga kolonyal-administrador at ito’y tinangkilik ng husto ng publiko.

Vicente Salumbides



Bagamat dalawang magkasunod na sunog ang tumupok sa studio ni Nepomuceno, hindi siya nawalan ng pag-asa o nasiraan ng loob sa bunga ng naturang sunog. Bumili siya ng panibagong mga kagamitan sa pelikula at nagtayo ng panibagong studio. Kinuha niyang kasosyo si Vicente Salumbides.

Si VICENTE SALUMBIDES ay isa rin sa mga pioneer sa paggawa ng pelikulang Pilipino. Malawak din ang kaalaman ni Salumbides pagdating sa paggawa ng pelikula. Nag-aral siya ng pagkathang pelikula, pag-arte at pagdirihe sa Hollywood. Doon siya nagtrabaho bilang ekstra sa Famous Players ng Lasky Studio. 

 Una niyang ginawa ang Miracles Of Love (1925) kung saan niya itinama ang mga depekto ng mga nakaraang pelikula katulad ng pag-apply ng make-up sa mga artista. Nakita niya ang depekto ng mga pelikula ni Yearsley na walang make-up ang mga artista kaya maiitim ang labas sa pelikula at masyado namang maputi kung sobra ang nilalagay na make-up sa mga pelikula ni Nepomuceno.

 Doon niya nai-apply ang make-up technique na natutunan niya sa Hollywood. Siya rin ang nag-angkin ng iba’t ibang inobasyon sa paggawa ng pelikula tulad ng paggamit ng “close up” para maipakita ang emosyon sa mukha ng gumaganap na aktor, “vision” para mailarawan ang kaisipan ng karakter, at “cutback scenes” upang mapabilis ang eksena ng katatakutan o aksiyon.

 Upang maiwasan ang mabagal na usad ng sarsuwela sa mga pelikula ni Nepomuceno, hinikayat ni Salumbides ang mga hindi gumaganap sa sarsuwela na gumanap sa kanyang mga pelikula tulad ng mga miyembro ng high society sa Maynila na mababa ang tingin sa sarsuwela at mataas kapag Hollywood films na ang pag-uusapan. 

 Bagamat mala-Hollywood-ish ang appeal ng pelikula ni Salumbides gaya ng mga titulong ingles na Miracles of Love (1925), The Soul Saver (1928), Fate or Consequence (1926), ang mga ito’y hindi nakausad sa pagpataas ng kalidad sa puntong teknikal dahilan sa kakapusan sa makabagong kasangkapang pampelikula at ang mga ito’y panay istorya ng pag-iibigan at romansa lamang.

Ang Tatlong Hambog (1926)


Movie: 
Ang Tatlong Hambog

Year: 1926

Production: Malayan Movie

Producer: Jose Nepomuceno

Director: Jose Nepomuceno

Cast of Characters
Elizabeth Dimples Cooper
Luis Tuason

Trivia: Ito ang kauna-unahang Kissing-Scene sa History ng Pelikulang Pilipino

Un Capullo Marchito (1921)


Un Capullo Marchito
Year: 1921
Production: Malayan Movie
Producer: Jose Nepomuceno
Director: Jose Nepomuceno
Cast of Characters:
LUISA ACUNA

Estrellita del Cine (1921)


Title: Estrellita del Cine
English Title: Cinema Star
Year: 1921
Producer: Jose Nepomceuno
Director: Jose Mepomuceno
Cast of Characters: ????

Hoy O Nunca Besame (1923) - Marcelino Ilagan & Luisa Acuna


Hoy O Nunca Besame
(1923)
Malayan Movies 

Alternate Title: Hoy...Huwag mong Bubuksan!

Marcelino Ilagan

Luisa Acuna

Genre: Comedy

Type: Silent Movie

Jose Nepomceuno
producer

Jose Nepomuceno
direction

Janine Frias


La Venganza de Don Silvestre (1920)


La Venganza de Don Silvestre (1920)

Pagkatapos ng matagumpan na pelikulang Dalagang Bukid, ang tagumpay ng pelikulang ito ay sinundan ng La Venganza de Don Silvestre (1920), ng sumunod na buwan. Ito ay sa ilalim ng pagdirihe ni Jose Nepomuceno para sa Malayan Movies.

Dalagang Bukid (1919)


Apache de Manila (1922)

Sa kabila ng hatak sa mga manonood ng tema ng kanyang mga pelikula, unti-unti na ring nababawasan ang kanyang mga tagatangkilik dahilan sa mga makabagong aspekto teknikal ng mga pelikulang banyaga na mas maayos ang pagkagawa at ang pagdating ng mga pelikulang de kolor. Hanggang sa siya’y magsara at ipaarkila ang mga gamit pangpelikula sa dalawang maliliit na kumpanya, ang Manila Films Company na gumawa ng Apache de Manila at Sirena Movie Company na gumawa naman ng La Purga de Suarez.

Apache de Manila (1922)

Sa kabila ng hatak sa mga manonood ng tema ng kanyang mga pelikula, unti-unti na ring nababawasan ang kanyang mga tagatangkilik dahilan sa mga makabagong aspekto teknikal ng mga pelikulang banyaga na mas maayos ang pagkagawa at ang pagdating ng mga pelikulang de kolor. Hanggang sa siya’y magsara at ipaarkila ang mga gamit pangpelikula sa dalawang maliliit na kumpanya, ang Manila Films Company na gumawa ng Apache de Manila at Sirena Movie Company na gumawa naman ng La Purga de Suarez.

Jingle



Walang Sugat (1913)

Ang ikalawang pagtatangka ni Yearsley ng paggawa ng pelikula ay isang sikat na paboritong sarsuwela, ang Walang Sugat. Ito’y tinampukan ng Compania de Zarzuela Tagala ni Severino Reyes, na siya ring lumikha ng bersiyon sa teatro at pelikula. Ito rin ang huling pelikula ni Yearsley dahil sa ang kanyang Majestic Theater ay nasunog at siya’y nalugi.

El Fusilamiento de Rizal (1912)

Nalaman ng isa ring Amerikanong si Albert Yearsley, may-ari ng Cine Majestic ang ginagawang pelikula nina Gross at Brown, at nagsimula rin siyang kumuha ng mga artistang gaganap sa gagawin niyang pelikulang batay rin sa buhay ni Dr. Jose Rizal at ito ay ang pagsasapelikula ng mga huling sandali ng buhay ni Rizal. Tinawag niya itong La Pasion y Muerte de Dr. Rizal, o El Fusilamiento de Rizal. Para lamang maunahan niya si Dr. Gross sa pagpapalabas ng kanyang pelikula, kinunan niya ang mga eksena ng madalian upang makahabol sa pagpapalabas ng pelikula ni Gross ng Agosto 24. Ang bahagi ng pagbaril kay Rizal ay kinunan ni Yearley noong Agosto 22, hindi sa Bagumbayan kung saan binaril si Rizal, kundi sa North Cemetery ng Maynila samantalang si Gross ay kinunan ang mga eksenang kung saan talaga naganap ang mga pangyayari. Noong gabi ng Agosto 22, ipinakita ni Yearsley sa publiko ang mga rushes ng kanyang bersyon at ipinalabas ang kabuuan nito kinabukasan, isang gabi bago ang pagpapalabas ng pelikula ni Gross sa Grand Opera House.

Philippine Movie History: The American Producer


Dalawang Amerikano ang nag-unahan sa paggawa ng kauna-unahang pelikulang batay sa buhay ng isang Pilipino. Si Dr. Edward Gross ay awtor ng isang dula, ang La Vida de Rizal na naging isang malaking hit sa takilya ng teatro. Siya ang asawa ni Titay Molina na isang artista ng bodabil. Si H. Brown ang nag-produce ng pelikula na tinampukan ng dramatic troupe ni Titay Molina, ang Molina-Benito Company.

Mga Sinaunang Sinehan sa Maynila

at sinundan ng mga iba pa tulad ng Paz, Cabildo, Empire, Majestic, Comedia, Apollo, Ideal, Luz at Gaiety na natatag mula 1909 hanggang 1911.

Ang Zorilla, na isang palabasan ng mga sarsuwela at opera ay nagpalabas na rin ng mga pelikula sa huling taon ng 1909 habang ang Grand Opera House ay nagsama ng mga pelikula sa gitna ng mga palabas na bodabil noong 1910.

Pelikula noong 1903


Noong 1903, isang Pilipino na nagngangalang Jose Jimenez ang nagtayo ng kauna-unahang sinehan na pag-aari ng isang Pilipino, ang Cinematografo Rizal. Ito’y nasa Azcarraga Street (Recto ngayon) na nasa harapan ng istasyon ng tren sa Tutuban. Sinundan ito ng isa pang sinehan na pag-aari din ng isang Pilipino, ang Cinematografo Filipino sa Tondo.

Ang patuloy na progreso ng mga produksyong pampelikula sa Europa at Amerika ay nagresulta ng pagtatatag ng mga ahensiyang nagdadala ng mga pelikula mula Europa at Amerika sa Maynila katulad ng Pathe Freres Cinema nuong July 1909. Dahilan sa matatag na supply ng mga pelikula sa murang panimulang halaga, nag-usbong ang maraming sinehan katulad ng Cine Anda na nagbukas noong August 8, 1909

Sinaunang Pagtatanghal

Bago pa man ipinakilala ang pelikula sa Pilipinas, ang mga Kastila ang siyang nagpalaganap ng pagtatanghal ng mga dula o drama sa entablado na noong panahong iyon ay laganap sa mga bansang Europeo. Una rito, bago dumating ang mga Kastila ay may mga katutubong sayaw at awitin na ang itinatanghal ng mga katutubong Pilipino tulad ng mga ritwal sa digmaan, kasalan, patay at kung anu-ano pa. Mayroon ding mga tulang nagsasagutan ang magkatunggali.

Ninais ng mga Kastila na palaganapin ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga dula na naglalarawan sa paghihirap ni Kristo, ipinakilala ang Senakulo. Ito ang dahilan upang pawiin ng mga Kastila ang mga ritwal ng paganismo sa Pilipinas. Makalipas din ang ilang panahon ay sumunod ang Komedya at Moro-Moro at bago natapos ang 1800, ang sarsuwela.

Unang nagpalabas ng pelikula noong August 31, 1897, isang taon matapos ang rebolusyon. Dalawang mangangalakal na Swiso, sina Ginoong Leibman at Peritz, ang nagtayo ng isang movie hall sa No. 31 Escolta, malapit sa panulukan ng San Jacinto, na ngayon ay Tomas Pinpin Street sa distrito ng Sta. Cruz na sentro ng middle class na mangangalakal at residensiyal nuong panahong iyon. Ang mga serye ng film strips na ipinalabas ay tulad ng The Czar’s Carriage Passing Place de la Concorde, An Arabian Cortege, Snow Games, Card Players and A Train’s Arrival.

Dahilan sa maraming kinaharap na problema tulad ng pag-antala ng pagdating ng mga pelikula mula sa Europa at unti-unting paghina ng pagdalo ng mga tao sa panonood sa dahilang paulit-ulit na lamang ang pagpapalabas ng mga pelikula, natigil ang pagpapalabas sa mga huling araw ng Nobyembre 1897 at ang movie hall na itinayo nina Leibman at Peritz ay napilitang isara.

Ang pagpapalabas ng pelikula ay muling inulit nuong 1900 at ang unang nagtayong muli ng sinehan ay isang British na nagngangalang Walgrah na tinawag na Cine Walgrah sa No. 60 Calle Santa Rosa, Intramuros. Matapos ang dalawang taon, noong 1902, isang sinehan muli ang itinayo, sa Quiapo, na isang lugar na sentro na ng pangangalakal at residensiyal noon pang panahong iyon. Ito ay pag-aari ng isang mangangalakal na nagngangalang Samuel Rebarber. Tinawag niyang Gran Cinematografo Parisien ang naturang sinehan at ito’y nasa No. 80, Calle Crespo.