a blog and Super Collections for all Classic Tagalog Movies and Actors from 1912 to 2016 from famous and not so famous Movies in the Philippines, Actors and Actresses, Directors, Movie Company and Great Actors of Silent Films from Prewar up to the Present of Movie Video, Bluffs and other happenings and Award Giving Bodies.
Sunday, September 27, 2015
Mark Elardo McMahon
Labels:
Azkals,
Mark Elardo McMahon
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Baron kumonsulta sa psychiatrist dahil sa demonyo
Kinailangang kumonsulta sa isang psychiatrist si Baron Geisler dahil masyado siyang naapektuhan sa role niya bilang demonyo sa katatapos lang na serye sa ABS-CBN na Nathaniel.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Baron na nakipag-u-sap na siya sa kanyang doktor para matanggal sa sistema niya ang kanyang karakter sa serye na si Gustavo o Tagasundo.
“I spoke to my psychiatrist today. I needed her help because my character Gustavo has been changing me. She gave me three options and we agreed that I should choose the third one.
I decided to go to the beach for the next three weeks to rediscover himself,” sey ng aktor. Dagdag pa niya, “I love playing Gustavo but I need a release. I will be with the fishermen.
Swim with them, know how they work, live with them and experience the beauty of life in the simplest ways. “Salamat sa pagtatangkilik sa Nathaniel at sa pagmamahal kay Gustavo.
Ilulubog ko na po siya sa dagat para lumabas ulit ang totoong Baron. God is good,” aniya pa.
Labels:
Bandera Chikka 2015,
baron geisler,
Ervion Santiago
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Sheryl walang utang na loob, Pati si Susan Trinaydor
Lumantad na si Mrs. Norma Lim, isang negosyanteng nagtiwala kay Sheryl Cruz, pero ngayon ay nadadamay sa mga akusasyon ng aktres dahil ginigipit daw siya ng kanyang mga dating manager.
Ang mga tinutukoy niyang manager ay sina Tita Dolor Guevarra at Tita June Rufino, ang dalawa raw ang utak sa mga nangyayari nga-yon sa kanyang career, idinamay niya pati ang negosyanteng walang ibang kasalanan kundi ang pagkatiwalaan siya.
Masakit sa loob ni Mrs. Norma Lim ang mga pinaggagagawa ngayon ni Sheryl, “Parang tunay na anak na ang turing sa kanya ni Ms. Susan Roces, tapos, ganito pa ang ibinabalik niya sa tiyahin niya?
“Nakakahiya ang mga pinagsasasabi ni Sheryl, pati akong nananahimik, e, idinamay pa niya, samantalang binigyan ko na nga siya ng hanapbuhay nu’ng mga panahong ang sabi niya, e, kailangan niyang kumita para sa anak niya!”
punumpuno ng sentimyentong kuwento ni Mrs. Norma Lim.
Ayaw bigyan ng panahon ni Manang Inday ang mga kuwentong-kutsero ng kanyang pamangkin, kilalang-kilala kasi nito si Sheryl, kaya ayaw nang magsayang pa ng panahon ng respetadong aktres.
Saan ngayon pupulutin si Sheryl Cruz, hindi naman panghabampanahon ang eleksiyon, nakakalungkot pero ang nakadikit na paglalarawan sa kanya ngayon ay walang delicadeza at utang na loob.
Sabi pa ng isang kasamahan namin, “Ano kaya ang nakain ni Sheryl at ipinagka-nulo niya ang mismong mga kadugo niya? Bakit siya nagpagamit, bakit siya nagpadalus-dalos?
Labels:
Bandera Chikka 2015,
cristy fermin,
Sheryl Cruz,
susan roces
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Kaming mga Kapamilya We Love AlDub
Labels:
kapamilya
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
KC anak..balikan mo man si Piolo, wala akong paki
APRUB kay Gabby Concepcion ang pagkakabati ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion sa na- kagalitang ex-boyfriend na si Piolo Pascual. Hindi pa raw sila nagkikita at nagkakausap nang personal ni KC after her London trip.
“Maganda nga magkaayos lahat ng nagkakaroon ng konting alitan ‘di ba? Para masaya ang mundo,” nakangiting sabi ni Gabby sa presscon ng latest film niya na “Felix Manalo.”
Last time raw na nagkita sila ni KC ay noong nagkasakit ng degue ang kanyang eldest daughter. Bago siya pumunta ng London. Pinuntahan ko pa siya sa ospital because nag-worry ako. Kasi ang dengue hindi biro ang dengue, very dangerous.”
May nagkuwento naman kay Gabby ng tungkol sa nangyaring pag-uusap nina KC at Piolo sa London pero hindi niya kino-confirm sa anak. “Oo, ako okey lang ako kung may naririnig ako na ganoon.
Hangga’t hindi niya ako tinatawagan, ibig sabihin hindi pa niya kailangan ang tulong ko,” say pa ni Gabby. Wala naman siyang pakialam kung makipagbalikan ang kanyang anak kay Piolo, “Wala namang problema basta ang importante sa akin minamahal ang anak ko, nagmamahalan silang dalawa ‘di ba?
Kahit sino, basta’t mahal ng anak ko ‘yung makakasama niya. Hindi naman ako ang magiging kasama niya, e.” Hindi raw tututol si Gabby na magkabalikan ang dalawa kahit minsan nang sinaktan ni Piolo si KC, “We all deserve a second chance, ‘di ba? We all deserve many chances if you feel that the person is your Prince Charming or princess, prinsipe, nasa sa ‘yo ‘yun.”
Tiniyak naman ni Gabby na a-attend siya sa grandyosong premiere night ng “Felix Manalo” sa Philippine Arena on Oct. 4. At gustuhin man daw niya na isama si KC sa premiere night, malabo na, dahil nasa ibang bansa ang kanyang panganay.
Para kay Gabby, mag-iiwan ng legasiya ang pelikula nila tungkol sa buhay ng founder ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo. Habang ginagawa pa lang daw niya ang pelikula, marami raw siyang nadiskubre tungkol sa INC.
“Lahat naman tayo kasi may pinagbabasehan sa relihiyon. E, eto kasi nakikita ko noong bata ako sabi ko, wala akong nalalaman na relihiyon-relihiyon other than ‘yung being a Catholic.
Nakita ko ngayon ang iba’t ibang klase ng relihiyon and Iglesia Ni Cristo napakaraming followers coz’ iisa lang naman din ang pinaniniwalaan. ‘Yun din ang pinaniniwalaan natin, ang Bibliya,” ani Gabby.
Marami rin siyang natuklasan na mga ugali ng member ng INC, “Magalang sila, mababait sila. Sumasamba sila, malakas ang paniniwala nila sa pinag-aaralan nilang Bibliya, solid sila,” pagiisa-isa niya.
Ipalalabas na sa Oct. 7 ang “Felix Manalo” na gagampanan ni Dennis Trillo at idinirek ni Joel Lamangan mula sa Viva Films.
Labels:
Tabloid
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Pagkapili sa ‘Heneral Luna’ bilang entry ng Pinas sa Oscars inireklamo
May issue pala sa selection ng “Heneral Luna” as our entry sa forthcoming Oscar Awards. Naglitanya si Lesley Elvira Valenciano Martinez, daughter of Leo Martinez dahil marami raw ang nam-bash sa kanyang father when he announced na ang “Heneral Luna” ang Philippine representative for the foreign language film category of next year’s Oscars.
“For those who are saying that my dad made ‘Heneral Luna’ get into next year’s Oscars cause he & my Kuya are part of the cast and he’s one of the producers of the movie, well, you guys are wrong.
Why don’t you read the article first before saying anything? “And please read it carefully so you’ll know that he’s not even part of the committee that chose the movie to represent the Philippines.
He announced it, cause he’s the Director-General of the Film Academy of the Philippines (FAP).
“So for those hating and sa-ying stupid things about him and the movie, why don’t you guys just be proud Filipinos, head to the cinemas, and see for yourself what a great film #HeneralLuna really is & how it really deserves to be in the Oscars? Cause you obviously haven’t seen it if you’re hating on it that way. K, yun lang. God bless you all.”
‘Yan ang maanghang na say ng anak ni Leo. We’re baffled kung bakit ganoon na lang ang kanyang pagkaimbiyerna sa bashers ng kanyang ama. It appears na affected much siya sa mga pinagsasabi ng mga tao sa social media against her father.
Labels:
Alex Brosas,
Bandera Chikka 2015,
Heneral Luna,
Oscar Awards
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Sigaw ni Yaya Dub kay Alden: It must be Love!
“LOVE is in the air” ang naging tema ng kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon. Buong mundo na naman ang tumutok sa unang pag-akyat ng ligaw ni Alden Richards kay Yaya Dub (Maine Mendoza) sa mismong mansion mismo nila Lola Nidora (Wally Bayola).
At tulad ng inaasahan winasak na naman ng AlDub ang kanilang record sa Twitter bilang Social Media King and Queen. Nilagpasan pa nila any 12 million tweets na nakuha ng kanilang #ALDUBMostAwaitedDate last Saturday.
Habang sinusulat namin ito, nasa mahigit 23 million tweets na ang nakukuha ng #AlDubEBforLove episode ng kalyeserye kung saan nga naganap ang unang selfie at unang subuan nina Alden at Yaya Dub.
Umaga pa lang kahapon ay nasa mahigit 10 million tweets na ang #AlDubEBforLove, at nang magsimula na ang episode bandang 1 p.m. ay mas bumilis pa ang pagtaas ng mga nagtu-tweet tungkol sa pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Maine.
Maging ang mga bida ng kalyeserye ay hindi maitago ang excitement at kaba sa mga magaganap. “Oh my thiz izzzz eeet! Ano kayang mangyayari mamaya? Excited na ba kayo? (…kasi ako,sobra! Secret lang ha! :)) #ALDubEBforLOVE” ang tweet ni Yaya Dub bago nagsimula ang Kalyeserye.
Si Alden naman ay nag advance na ng pasasalamat sa lahat ng susubaybay na fans nila. Sa panimula ng Eat Bulaga, hinarana muna ni Alden si Yaya Dub nang live sa studio with their trademark love song na “God Gave Me You” ni Bryan White.
Napaiyak pa nga ang binata at sobrang nagpapasalamat sa fans pero aniya, “Sobrang nagpapasalamat ako sa mga fans pero inaalay ko muna to kay Meng.”
Ang pagkanta ni Alden ay isa sa tatlong kundisyon ni Lola Nidora para sa pag bisita niya sa mansyon kahapon. Tinupad din ni Alden ang isang wish ni Lola Nidora na magdala ng chicharon, isang bilao pa nga ang bitbit ng binata.
Pagdating ni Alden sa mansion ay binati naman siya at pinapasok agad ni Rhianna (si Wally din) ang mayordoma sa bahay ni Lola Nidora. Halata naman ang kilig ng dalawa nang bumaba na si Maine mula sa kanyang kwarto.
Medyo may eksena pa na nagsisigaw si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) kasi naririnig daw niya na nag-uusap at nagkakamustahan ang dalawa. Nahuli pang nagpupunas ng pawis si Alden na halatang kinakabahan.
Ingat na ingat din siya sa kanyang kilos dahil ayaw niyang suwayin ang no touch rule ni Lola kahit panay ang tulak sa kanya ni Lola Tinidora (Jose Manalo).
Siniguro naman ni Lola Nidora ang 1 foot apart at no touch rule niya. May dala pa siyang panukat para dito. In fairness, kung sa splitscreen na dubsmash ay kinikilig na ang manonood, mas tumodo pa ito nang harap-harapan na silang mag-lipsync with their other theme songs.
Halos hindi makatingin nang diretso si Meng kay Alden, halatang may halo na itong hiya at kilig.
Bantay-sarado talaga sila kay Lola Nidora pero nang magmeryenda na ay iniwan din sila ng tatlong lola, kaya kahit paano’y nagkasarilinan sila.
Mas malapit na rin sina Alden at Yaya Dub sa isa’t isa at nagsubuan pa ng cake. Sweet kung sweet ang dalawa. Pero habang kumakain ay nabulunan si Yaya Dub kaya agad siyang inabutan ng tubig ni Alden.
Di sinasadya ay naghawak ang mga kamay nila ng ilang ulit na talagang kinakilig ng sambayanan. Intimate date talaga ang naganap, dahil kahit hindi naririnig ay halatang nag-uusap ang dalawa habang kumakain.
Maya-maya ay lumabas naman si Rihanna. Nakipag-selfie ito kina Alden at Yaya Dub. Pagkatapos ay ni-request naman ni Alden na sila naman ni Yaya ang mag-selfie. Dito na nga nakunan ang first selfie ng AlDub. At kahit magkadikit na sila, maingat pa rin si Alden na huwag hawakan si Maine.
Natapos ang maliligayang sandali ng dalawa dahil sinabi ni Lola Nidora na kailangan na niyang mag-siesta. Bago umalis, ay may inabot si Yaya Dub kay Alden na personal na sulat.
Napasigaw uli si Lola Tidora at binuking na nakasulat raw ang tunay na pa-ngalan ng binata sa envelope. Bago umalis isang face-to-face na flying kiss ang pinakawalan ng AlDub sa isa’t isa.
At sa huling eksena na talagang ikinagulat ng lahat – nagsalita na talaga si Yaya Dub at nagsabing, “It must be love!” Narinig naman na sumigaw si Lola Nidora ng “Alden” pero di na nalaman pa kung bakit at kung ano ang kanyang nakita.
Kaya si-guradong may aabangan na naman sa Lunes ang milyun-milyong dabarkads sa mas lalo pang tumitinding mga tagpo sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Samantala, inaasahan naman ng AlDub nation na papalo sa 25 o 26 million tweets ang #ALDubEBforLOVE sa loob ng 24 oras.
Labels:
Bandera Chikka 2015,
Djay Magbanua,
maine mendoza
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Gloc 9 wala pang karanasan sa Bading
WALA pang experience sa bading ang award-winning rapper na si Gloc 9.
Dahil sa kanta niyang “Sirena” maraming beki ang humanga at nagkaroon ng interes kay Gloc 9, naging ma maingay ang kanyang pangalan dahil sa pagbibigay niya ng importansya sa mga bading.
Sa presscon kamakailan ng first solo anniversary concert niyang “Ang Kuwento Ng Makata: Gloc9 Live” natanong ang singer-rapper kung sa 18 years niya sa industriya ng musika ay nagkaroon na ba siya ng experience sa “sirena”, ang naging sagot niya ay talagang ikinahagalpak ng tawa ng press.
“Medyo iba po ang landas na natahak ko kaya medyo hindi ako nagawi sa dagat!” nangingiting sagot ni Gloc 9. Sundot pang tanong sa kanya, ayaw ba niyang pa-experience sa sirena? “Mara-ming salamat po sa offer! Ha-hahahaha!”
Sinabi ni Gloc 9 na may pinanggagalingan din ang pagkasulat niya sa “Sirena”, aniya, marami siyang nakilalang beki noong nakatira pa sila sa Binangonan, Rizal. Isa na nga rito ang bading na naging inspirasyon niya sa pag-compose ng “Sirena”.
Sa isang panayam kay Gloc 9, naikuwento nito ang tungkol sa isang parlorista, “Pag umaga, makikita ko siya dumadaan sa bahay namin, mini-skirt, full make up and all, para pumasok sa parlor, at umuwi hatinggabi na, for the main reason na siya lang ang nagtratrabaho para sa pamilya niya.”
“At para akuin mo yung responsibilidad na itaguyod ang pamilya mo, karespe-respeto naman para sa akin,” ang natatandaan pa naming sinabi ni Gloc 9.
Samantala, sa ika-18 taon ni Gloc 9 sa showbiz industry, maraming naka-line up na proyekto ang kanyang management team na PPL Entertainment para sa kanya, kabilang na itong kauna-unahan niyang solo concert na “Ang Kuwento Ng Makata: Gloc9 Live”.
Siguradong kakantahin niya rito ang bago niyang self-produced single na “Payag,” na napapanahon din sa kalagayan ng bansa, lalo na’t malapit na ang 2016 elections. Maaari itong maging salamin ng bawat Pinoy sa kung ano ang pinaniniwalaan at gustong paniwalaan.
Apat na Sabado ngayong buwan ng Oktubre mapapanood ang “Ang Kuwento Ng Makata: Gloc9 Live” (Oct. 10, 17, 24 at 31) sa Music Museum. Ito na rin ang magsisilbing pasasalamat ni Gloc 9 sa loob ng 18 taong suporta at pagmamahal na ipinagkakaloob sa kanya, lalo na ng mga mahihilig sa musika.
“Sa 18 years ko po sa larangan na ito, halos mahigit kalahati po noon ang puhunan ko para matandaan ng tao ang aking pangalan. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan at suporta na i-pinakita ng mga tao sa akin.
Exci-ted po at kabado rin sa series of shows na gaga-win namin nga-yong October pero at the same time, ito rin po ay aking pasasalamat para sa lahat ng tao na sumusuporta sa amin.”
Ilan sa special guests ni Gloc 9 sa kayang concert ay sina Aiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie Padilla at Marc Abaya (Oct. 10); Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray and Rico Blanco (Oct. 17); Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez and Yeng Constantino (Oct. 24); Ebe Dancel, Jay Durias, Julie Anne San Jose and KZ Tandingan (Oct. 31); at regular guests naman sina Maya, Migz Haleco, Reese at Rochelle Pangilinan.
Mabibili ang tickets sa Ticketworld (891-9999) at Music Museum (721-0635). Ang bahagi ng kikitain nito ay para sa YES Pinoy Foundation.
Labels:
Bandera Chikka 2015,
ervin santiago,
Glpc 9
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Kim Chiu
Labels:
kim chiu
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Ruben Tagalog - Ang Tapis Mo Inday (1958)
Labels:
OPM
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Fred Panopio - Diwa ng Pasko (1972)
Labels:
Records
Born: March 23
Zodiac Sign: Aries
Chinese Sign: Dragon
Kinder: Proj 3, Kindergarten School
School: Proj 3., Elem. School
College: Feati University
P.S.B.A.
Movie Apperance: 150
Tv Appearances: 550
Contestant:
Lunch Date; Decoadin
Eat Bulaga: Music Maestro (11x Champion)
Subscribe to:
Posts (Atom)