Showing posts with label Coleen Garcia. Show all posts
Showing posts with label Coleen Garcia. Show all posts

Sunday, September 13, 2015

Billy: Gusto ko nang pakasalan si Coleen!





HANDANG-HANDA na si Billy Crawford na pakasalan si Coleen Garcia.
Ito ang diretsong sinabi ng TV host-actor nang tanunging kung nag-propose na siya sa kanyang girlfriend. Ani Billy, kahit anong oras ay pwedeng-pwede na siyang lumuhod sa harap ni Coleen at yayain na itong magpakasal.
Pero ayon sa binata, alam niyang hindi pa handa si Coleen na magpatali sa kanya dahil marami pa itong gustong gawin sa kanyang career.
Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Biyernes, ready na siyang bumuo ng sariling pamilya kasama si Coleen pero hindi naman daw ganu’n kadali ang magpakasal lalo na’t mas bata sa kanya ang dalaga.
“To be honest, I would love to (mag-propose). I would definitely love to take that step. But of course, doon kami papunta. “Pero the fact is ang dami pa niyang pangarap na gustong maabot and she’s only 23.
Pero iyon lang ang sinasabi ko, I will always be here for her regardless of what it is and I’ll always wait. But when the time comes and I feel the time is right, I definitely won’t hesitate,” pahayag pa ni Billy.
Inamin din ng binata na apektado siya sa napanood niyang love scenes nina Coleen at Derek Ramsay sa pelikulang “Ex With Benefits”, “Sino ba naman ang boyfriend na hindi magseselos?
“I would definitely be  lying. But the thing is ang kakaiba dito is professional si Derek and he’s a good friend of mine. And I’m very thankful that it was done with class,” depensa ng binata.
Ayon pa kay Billy, mula nang dumating si Coleen sa buhay niya ay napakalaki na rin ng ipinagbago niya, “I changed myself for her. Hindi na ako naninigarilyo, hindi na ako umiinom and pumayat ako because of her.”



Friday, September 11, 2015

Coleen: Feeling ko si Billy na ang forever!





Para kay Coleen Garcia, si Billy Crawford na nga ang “the one” para sa kanya and she’s praying na sana’y ang TV host-actor na nga ang kanyang mapangasawa.

Sa Kris TV kahapon, si-nabi ni Coleen na si Billy na ang nais niyang makasama forever, “I know he is,” ang agad nitong sagot nang tanungin ni Kris Aquino.

Botong-boto rin daw ang pamilya ni Coleen kay Billy, “Wala kasi siyang itinatago na anything. My parents would ask him anything, he’ll answer right away.”

Sey pa ng dalaga, istrikto raw talaga ang daddy niya pagdating sa pakikipag-boyfriend niya, “Kahit nung bata ako, ‘Wala, you’re gonna have a boyfriend when you’re 42.’

But then, when he met Billy, super solid Billy siya. Even my lola, before she died, sabi niya, ‘Whatever you do, don’t let go of Billy.”

Nag-propose na ba si Billy sa kanya? “Not yet naman. Pero siyempre, he talks to me about it, we talk about it. And he wants to get married soon.

Pero I have so many things I want to do first. So, ayun, we have to compromise.”Dagdag pa ni Coleen, wala siyang reklamo kay Billy bilang boyfriend dahil napaka-supportive at napakabait nito sa kanya, kaya nga raw nasabi niyang “he is the one”. Well, sana nga ay may forever!

Monday, September 7, 2015

Coleen sa naging relasyon kay Gab Valenciano: Napakabigat!




Nagsalita na rin sa wakas si Coleen Garcia tungkol sa naging relasyon nila noon ng anak ni Gary V na si Gab Valenciano at kung bakit sila nag-break.

“Before the relationship I’m in now, there was only one really serious relationship that I’ve been in. It was with Gab and I feel like it left the biggest impact because it was such an intense relationship.

By that, I mean the highs were very high and the lows were low,” chika ni Coleen nang mag-guest siya sa The Bottomline ni Boy Abunda last weekend.

Isang taong tumagal ang relasyon nila at naghiwalay nga noong 2013. Kinailangang pumunta ni Gab sa US para mag-aral, “I felt like it was so heavy and at the same time, on the positive note, I learned so much.

It really shaped me to be the person I am now. It taught me to be strong and to put myself first sometimes.” Nang tanungin kung mahalaga ba sa isang nagtapos na relasyon na may formal closure, sey ni Coleen, “My ex just got up and left the country.

I think it’s not important. I think that at that moment, it could be (important) depending on the situation. But if you’re over it, you’re over it.

“Just respect for the other person, it would be nice if you actually get that closure. You show that person that you still respect whatever you’ve been through together just by talking about it and having that closure,” aniya pa.

Hirit pa ng dyowa ni Billy Crawford, “I was done with the relationship. I just wanted that closure. I wanted to talk and leave things at a good note.

I’m not the kind of person who holds any grudges, who actually entertains any negative thoughts about other people.”



Sunday, September 6, 2015

Coleen Garcia sumakay ng MRT, nilait-lait ng mga bashers





Sumakay sa public transportation si Coleen Garcia para hindi siya mahuli sa kanyang appointment, nag-MRT siya. Ang lokah, ipinost sa social media ang photo niya kasama ang MRT commuters, ayun puro pamba-bash ang inabot niya.

Merong nagsasabing promo lang ang ginawa niya dahil sho-wing pa ang “Ex With Benefits” movie niya with Derek Ramsay na kumita ng P8 million on its first day.

Mahina raw ang movie niya kaya kailangang umisip ng gimik at ang pagsakay nga ng MRT ang naisip daw ni Coleen. Kaloka ang mga bashers niya, ha.

“Ewan ko sa mga artista na sumasakay jan kelangan pa talaga picturan. After how many years pag wala na ningning mga bituin nyo, di naman kayo mag pipicture pag sasakay jan eh.”

“Anuuuuviiiih? Alam na nga kung gaano ka trapik di dapat may allowance talaga sa biyahe at aalis ng maaga. Bumenta na yang sasakay ng MRT kuning ku-ning.”

“Pansin ko lang pag may show or movie nag MRT… in short PROMO.” Kaloka ang mga nag-comment, ha. So, kapag artista ka pala ay wala ka ng karapatan sumakay sa public transportation? Hindi ba puwedeng alternative ang MRT sa matinding trapik? Ang hirap kasi sa mga tao, masyadong mapanghusga. Parang bawal ang artista na sumakay sa MRT.



Monday, August 24, 2015

Coleen Garcia bininyagan ni Derek sa kama

AMINADO si papa Derek Ramsay na ang muling pagtapak niya sa ABS-CBN noong Sabado ng gabi ang isa sa pinaka-nakakanerbyos na ginawa niya sa kanyang career sa showbiz.

“I’m just nervous. Iba ang pressure,” ang natatawang sey nito nang makaharap muli ang mga kapamilya sa isang presscon para sa pelikulang “Ex With Benefits” opposite Coleen Garcia and directed by Gino Santos.

Napaka-warm naman ang pag-welcome sa dating Kapamilya artist ng mga taga-Star Cinema na co-producer ng Viva Entertainment para sa nasabing movie.

Muli, napatunayan na wala talagang permanenteng kagalit sa showbiz dahil ang bonggang interes na makapagbigay ng magandang panoorin at mai-launch ng wagas si Coleen Garcia bilang bagong pantasya ng bayan ang mas nanaig.
Basta sinabi ni papa D na wagas din ang kanyang kaligayahan at kasiyahan na mu- ling makapagtrabaho at makatuntong sa bakuran kung saan naman talaga siya naging big star.

Isang doktor na muling na-involve sa kanyang ex-GF ang role ni papa Derek at sa maiinit na eksenang nakita namin between him and Coleen, parang tama ang payo niya sa batang aktres na kung ipapapanood nito ang movie sa dyowa niyang si Billy Crawford ay huwag niya itong itabi sa kanya dahil baka raw pagbalingan siya dahil sa matinding selos. Ha-hahahaha!