Showing posts with label bandera showbiz chikka. Show all posts
Showing posts with label bandera showbiz chikka. Show all posts

Sunday, November 23, 2014

Kathryn handa nang ‘HIWALAYAN’ si Daniel

Ngayon pa lang ay tanggap na ni Kathryn Bernardo na darating at darating ang araw na mabubuwag ang loveteam nila ni Daniel Padilla. Naniniwala kasi ang Kapamilya Teen Queen na walang loveteam na pang-forever sa showbiz.
“Wala naman yatang love team na forever kaya kahit ayaw mo na maka-loveteam na iba o kaya ay hindi ka sanay, e, part talaga ‘yon. Kahit ayaw namin siyempre hindi naman ‘yon pwede,” paliwanag ng dalaga sa interview ng ABS-CBN.
Marami-rami na ring nagawang proyekto together ang dalawa at halos lahat ay sinuportahan talaga ng kanilang fans, tulad ng mga seryeng Princess And I at Got To Believe, pati na rin ang mga pelikulang “Must Be Love” at “She’s Dating The Gangster.”
Pero sa ngayon, ayaw daw munang isipin ni Kathryn na magkakanya-kanya na sila ni Daniel sa kanilang career, sa katunayan, pareho na silang excited sa bago nilang proyekto, ang remake ng ’90s drama series na Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
“Ayaw muna naming isipin kasi nakakalungkot na kasama for almost three years tapos iba bigla ‘yung kasama mo. Well okay lang naman ‘yon.
Ayaw ko namang maging selfish sa kanya, pwede rin siyang i-love team sa iba, pero iba lang talaga na comfortable na kayo sa isa’t isa,” chika pa ni Kath.

Jay Manalo may apo na; sustentado pa rin ang 10 anak

AS usual, masaya pa ring kausap ang kaibigan naming papa Jay Manalo, kahit na hindi kami
madalas magkita ay bongga pa rin ang naging kuwentuhan namin.
Proud “lolo” na nga ang mahusay na aktor at sinabi pa nitong halos kaedad lang ng kanyang bunsong anak ang apo. May 10 anak si papa Jay sa anim na mga nanay na kanyang kinasama.
At ang pinakahuli nga ang  pinakasalan niya kung saan siya may apat siyang anak. “Masaya lalo ngayong magpa-Pasko. Barkada naman ang turingan namin ng mga anak ko at magkakapatid silang lahat.
Pati nga mga nanay nila magbabarkada rin, pati na mga BF nila, tropa namin,” masayang tsika ni Jay. Ipinakita niya sa amin ang pictures ng mga anak niya na puwedeng-puwedeng mag-showbiz pero sabi niya sa amin, “Ayoko.
Hindi ko sila ineengganyo. Basta ang usapan namin, mag-aral at tapusin ang school nila, then kung gusto nila mag-showbiz, baka doon lang ako pumayag.”
Balik-salbahe role si papa Jay sa seryeng Strawberry Lane ng GMA 7 after nga siyang kamuhian sa nagtapos na Niño. “Ganu’n talaga, artista tayo, eh. Basta matinong trabaho, okey ako diyan,” hirit pa nito.
Halos hindi na nga siya nag-ahit ng balbas since gawin niya ang TV5 project na Madam Chairman with Megastar Sharon Cuneta hanggang sa gawin na niya ang Niño at dito nga sa Strawberry Lane kung saan kinaiinisan at isinusumpa ang role niya ng mga bidang sina Bea Binene, Jake Vargas, Jhoana Marie Tan, Sunshine Dizon, Kiko Estrada, Kim Rodriguez, Sheryl Cruz, Rita de Guzman, Christian Bautista at iba pa.

Thursday, November 20, 2014

Lea Salonga kinuyog ng netizens: ’Sobra ka na! Diktador…ipokrita!

Medyo marami ang naangasan sa latest tweet ni Lea Salonga. May pagka-sarcastic kasi ang
bitaw niya ng salita when she tweeted, “Just because an artist that gets into TVOP doesn’t conform to your taste, it doesn’t give you the right to bash them. Wala kang karapatan.”
Known as a very straightforward person, marami ang naloka sa mga tweets ni Lea. Kasi naman, talagang diretso ang mga messages niya, tamaan ang tamaan, magalit kung sino ang magalit.
But her recent tweet has attracted more bashers like this one who said, “Sumosobra na tong si Lea kala mo kung sinong magsalita pero kung mag bash sya tse hypokrita mo.”
“Ayan nanaman si TITA Lea. Such a pontificating, self-righteous woman. Lumaki ka kamo sa Tate where hard truths are dished out pero ikaw mismo hindi mo keri. Che!” say naman ng isa pa.
This one nailed it, “Don’t take my fan, don’t call me tita, can’t say this or that, do as I say but not as I do. Lea sounds like a hypocritical dictator.” Aray ko!
One Lea fan defended the singer and said, “Agree with Lea. Hirap sa ating mga nanonood at mga Pinoy in general, masyado tayong nagmamarunong at balat sibuyas. Pag hindi lang nakapasok or nakuha ang mga gusto, ngumangawa na agad.”
We think that since Lea opened herself on social media, talagang hindi mapipigilan na merong mam-bash sa ‘yo.
Ang napapansin lang namin, maraming celebrities ang ginagamit ang social media para i-promote ang mga activities nila – shows, concerts, mall tours, TV shows, movies. Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? Imagine, iniengganyo nila ang mga followers nila para panoorin sila. Nagmumukha silang alipin ng kanilang network sa ginagawa nila, ‘no!
Gets mo, Lea?
Hindi rin ba nakakairita na pagbukas mo sa Twitter or FB account ng mga artista ay ang daming ipino-post nila about their endorsements? Hindi ba nakakasuka ‘yon?
Ang mga artista, palaging may request sa mga followers nila. Sinasamantala nila ang kanilang kasikatan para pagkakitaan ang mga followers nila sa social media – ALL BECAUSE OF MONEY!!!

Marian biglang napaiyak nang makita ang wedding gown

HALOS maiyak daw itong si Marian Rivera when she finally saw her wedding gown designed by Dubai-based fashion designer Michael Cinco.
Tuwang-tuwa si Marian because nasunod ang lahat ng detalye na gusto niya para sa kanyang wedding gown na isusuot next month for her wedding to her boyfriend Dingdong Dantes.
Marami naman ang nag-react and observed that Marian was OA. Para ‘yun lang daw ay bakit kailangan niyang maging emotional. The comments we saw in one Facebook account were harsh on Marian.
“Detalyadong detalyado…tnalo pa ang issue ng kurapsiyon sa gobyerno sa dami ng updates ng kasal nila…..jst saying.”
“Ang OA mo nman..umiyak kba dahil iniisip mo agad na sayang ang gown mo at Baka maghihiwalay lng kayo?heheheh.”
“Sus!!drama mo Laos na.”
“Iniiyakan yong wedding gown mahal kc he he he he.”
One Marian fan defended the actress from her bashers and said, “Ang kakapal ng mga mukha niyo kung makapagsalita kayo kay marian ng hindi maganda parang wala kayong dungis sa sarili…Tumingin nga kayo sa salamin mga nagmamalinis… kapal!”
Bakit nga ba tuwing may posts si Marian sa kanyang Instagram account ay ang dami pa ring nagagalit sa kanya. Seemingly endless yata ang galit ng mga tao sa kanya. Why, o why?