Saturday, September 5, 2015

Kami ang mga Sikat noong ....


Kami ang mga Sikat noong Dekada Sisenta 60s

Sino Kami?

ano kaya ang titulo ng pelikulang ito na gawa....



ano kaya ang titulo ng pelikulang ito na gawa ng LVN Pictures

Ano kayang taon ito kung saan naka jackpot .....



Ano kayang taon ito kung saan naka jackpot ang tatlong 

Sampaguita Stars na ito sa Famas?

Talipandas



0


0


Lagi na lang litrato ng AlDub ang bumubulaga sa Twitter, Instagram Rocco kay Alden: Sawang-sawa na ko sa pagmumukha mo!



Kung may isang taong natutuwa sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Alden Richards, ‘yan ay walang iba kundi si Rocco Nacino. Close ang dalawang Kapuso stars dahil iisa ang handler nila sa GMA Artist Center.

Alam n’yo bang magka-batch sina Rocco at Alden sa batch 5 ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck noong 2010? Nakaabot si Rocco sa Final 14 at nanalong Second Prince o second runner-up, habang si Alden naman ay umabot lang hanggang sa Top 60.

Chika ni Rocco sa presscon ng StarStruck 6 kamakailan bilang isa sa mga journey host, “We’re under the same handler kaya lagi kong nakukumusta si Alden, ’Is he doing good, kumusta yung mga projects?’ So, may level of closeness din kami.

Nagpapasalamat naman siya, sinasabi ko sa kanya, ‘You’re everywhere!’” Hirit pa ni Rocco na napapanood din sa GMA Telebabad series na Beautiful Strangers, “I’m just happy na tuwing binubuksan ko yung Instagram and Twitter ko, ‘Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo!’ In a good way, ha, in a good way…I’m sure nag-e-enjoy po siya sa posisyon niya ngayon.

“And kampante ako na hina-handle niya nang maayos ito. He’s very smart when it comes to his finances and ‘yung image niya, paano niya inaalagaan.”

Samantala, aminado si Rocco na kinakabahan siya sa bagong challenge sa kanyang career bilang journey host ng Starstruck 6 kasama ang iba pang Starstruck alumni tulad nina Mark Herras, Kris Bernal at Miguel Tanfelix ng StarStruck Kids.

“For sure magiging emotional ako when interviewing the hopefuls. Nakakakaba dahil ‘yun nga magiging emotional ako. But at the same time, it will also help me understand them kung ano yung pinagdadaanan nila.”

0






As we write this ay nangyayari pa lang ang #ALDUBBATTLEForACause pero meron na kaagad panira ng araw ng AlDub fans. Noong una, meron kaming nakitang photo capture ng isang TV na parang sira ang signal.

Apparently, pinanonood ng isang viewer ang Eat Bulaga nang masira ang kanyang cable signal. “Hi, I’m sick & tired of @SKYserves! @gmanetwork. WALANG SIGNAL GMA ngayon #ALDUBBATTLEForACause,” say ng isang @ChetCapua na obviously as isang fan nina Alden Richards and Maine Mendoza, more popularly known as AlDub.

Sinabotahe na naman ba ang much-awaited AlDub episode? “ALDUBBATTLEForACause sa mga hindi nakakanood dahil sa sinabotaheng cable it’s time na pumunta sa EDSA!!! Hahaha -lola Tinidora” tweeted one guy.

Anyway, meron pang isang panira ng araw ng mga AlDub fans as tweeted by one guy, “Wrong spelling po ang BATLLE !! It should be BATTLE ! Esep esep!! #ALDUBBATTLEForACause tamang hashtag!”
Nag-react naman ang isang showbiz-oriented Twitter account and said, “Naku, ayan may nag wrong spelling na sa trending para maharang ang trend. Ingat po dito – BATLLE ang spelling nung isang hashtag.”

So, pati ba naman sa hashtag ay meron pa ring kumakalaban sa AlDub? As we write this ay naka-more than two million tweets na ang #ALDUBBATTLEForACause.

Hindi pa man nagsisimula ang mga eksena nina Alden and Yaya Dub niyan, ha. Marami rin ang pumuri sa glamorous outfit and make-up ni Maine.
Parang hindi na siya mukhang yaya at si Lola Tidora na ang mas mukhang katulong. Hindi na kami nagulat sa pagbabagong anyo ni Maine because meron na siyang stylist ngayon, si Liz Uy, ang stylist to the stars.

Kaya in future episode, mas magandang Yaya Dub ang bubulaga sa viewers ng Eat Bulaga. From social media, we gathered that the loveteam of Maine and Alden or AlDub was adjudged Most Popular Celebrity Love Team from Eduk Circle Award.

Clearly, gumagawa talaga ng kasaysayan ang AlDub dahil wala pa naman silang movie or teleserye ay nakamit na kaagad nila ang well-deserved recognition.



Denise Laurel magpapakasal pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar





Follow-up sa sinulat namin tungkol sa isa sa contestant ng Your Face Sounds Familiar na si Denise Laurel na pagkatapos daw ng programang ito ay pag-uusapan na nila ng fiancé niya ang detalye ng kanilang kasal.
Iilan lang kasi ang nakakaalam na engaged na si Denise sa boyfriend niyang player ng Barangay Ginebra, ang pointguard na si Solomon Jemuel Mercado, isang Filipino-American.

Kuwento nga ni Denise kuya pa tawag niya noon kay Solomon dahil nga magbarkada sila, “And oh my God, kuya nga, now I’m calling him baby!”

Kuwento ng aktres, magdadalawang taon na silang engaged ni Sol (palayaw ng BF) pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang mga detalye ng kanilang kasal at katwiran niya, “Matagal na kaming engaged, kasi alam naman naming para kami sa isa’t isa, so feeling ko, after nitong Your Face, finally magde-decide na kami ng date para sa wedding,” sabi ng aktres nang makatsikahan namin pagkatapos ng presscon ng YFSF.

Pareho raw kasing busy sina Denise at boyfriend niya kaya hindi nila namalayang matagal na pala silang engaged. Bale ba, may anak si Denise sa dati nitong boyfriend na hindi na nakikita ng anak kaya ang kinalakihan na nitong ama ay si Solomon.

“The biological father of my son, he’s on another country, he travels all over the world for his work but I told him if he wants to give (support), it’s okay, it not, it’s okay, too.
My fiancé, I think they were meant for each other kasi since baby pa si Alejandro (pangalan ng anak), may bonding na sila,” sabi ni Denise.

Tinanong namin kung nagsasama na sina Denise at Solomon sa iisang bubong, “Oh no, my parents will die like I will burn in (hell),” mabilis nitong sagot sa amin.
Ibinahagi rin ng aktres na bago raw siya inayang magpakasal, “Before he proposed to me binili niya for us for our future, ‘yung condo (unit) on top of my parents condo para raw hindi niya ako ilalayo sa parents ko at para raw ‘yung anak ko hindi malulungkot na biglang hindi na makakasama ang parents ko.”

Kaya mas lalong napamahal si Denise kay Solomon dahil hindi siya inilayo sa magulang niya na talagang sobra niyang mahal. Retired na pareho ang magulang ni Denise kaya naitanong namin kung siya ang breadwinner ng pamilya.
“In our family, once you’re working, you contribute and if you want something na kailangan, pag-ipunan mo, eversince bata kami, ganyan ang turo sa amin, now that my daddy is retired and my mom is with us, all of us siblings like before naman.

Maski naman they’re working kahit hindi sila humingi kasi hindi naman nila kailangan, nagbibigay ako,” paliwanag nito sa amin.



Rica Peralejo tinawag na laos, uhaw sa publicity





Napakalaking tulong ng social media ngayon sa ating lipunan. Maraming trabaho ang napapabilis, parang madyik ang pagdaloy ng komunikasyon, kumportable ang lahat dahil sa social media.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging paborable para sa atin ang iba-ibang porma ng social media, meron ding panahon na sa halip na makatulong ay ‘yun pa ang naglalagay sa atin sa alanganin, tulad na lang ng nangyari kay Rica Peralejo.

Sumama raw ang kanyang pakiramdam, nagpunta siya sa ospital, pero hindi niya nagustuhan ang ginawang pagpaparetrato sa kanya ng mga nurses na nandu’n.

Agad-agad na nagsumbong si Rica sa kanyang social media account, nakiayon naman sa kanya ang mga kaibigan niya, pero mas niratrat siya ng mga negatibong komento ng mga netizens na hindi nagkagusto sa kanyang ginawa.

Tinawag siyang publicity hungry, mas masakit ang isa pang salitang ipinakain sa kanya, laos. Matagal na kasing wala sa sirkulasyon si Rica, mula nang mag-asawa siya ay nanahimik na ang aktres, at kapag matagal na hindi napapanood ang artista ay laos ang itinatawag sa kanila ng iba.

Sa postura kasi ni Rica ay parang gusto niyang mawalan ng trabaho ang mga nurses na nagpa-picture sa kanya dahil sa termino niyang ginamit na “Isusumbong ko sila!”
Ayon sa mas nakararami, dapat nga raw ay nagpasalamat pa si Rica dahil kahit hindi na siya aktibo sa pag-aartista ay kilala pa rin siya, pero hindi pala okey para sa kanya ang ganu’n.

Sana’y nagpairal na lang ng diplomasya si Rica Peralejo. Kaya nga artista-entertainer ang tawag sa mga tulad nila ay nagpapasaya sila ng publiko.

Ipinamimigay na pera sa studio audience galing sa sariling bulsa




Ang gustong pagbutihin pa ni Vice ay ang nakakaaliw at mala-Wish Ko Lang na segment niyang “#AdViceGanda,” kung saan nagbibigay siya ng advice sa mapipiling studio audince bilang si Madam Bertud.

“Yun naman ang gusto ko, yun naman ang gusto namin talaga, na maraming maka-relate. Para habang tinatalakay namin ang issue ng isang tao, hindi lang parang siya ang pinag-uusapan namin, kundi marami ang nakaka-relate sa pinag-uusapan, na parang sila din ang kinakausap ko,” ani Vice sa panayam ng Cinema News.

Sa huling episode ng Showtime, nagbigay si Vice ng P25,000 sa isang matandang mag-asawa na nanonood sa studio.

Ayon sa ulat, ilan sa ipinamimigay na premyo sa kanilang programa ay galing mismo kay Vice at sa ilang malalapit na kaibigan ng komedyante.



Vice sa Eat Bulaga: Ipokrita ako kung sasabihin kong walang kumpetisyon!





“NAPAKAIPOKRITA kapag sinabi ko, ‘Naku, walang kumpetisyon!” Yan ang diretsong sinabi ni Vice Ganda tungkol sa tumitinding labanan ngayon sa pagitan ng It’s Showtime ng ABS-CBN at Eat Bulaga ng GMA.

Pero sey ng TV host-comedian, “healthy competition” lang naman ito at walang personalan, pare-pareho lang naman daw silang nagtatrabaho at nagpapasaya ng mga tao.
Ang pagsasalita ni Vice ay sa gitna na rin ng paghataw sa ratings game ng Eat Bulaga dahil sa kasikatan nina Alden Richards at Maine Mendoza o si Yaya Dub.

Sa interview ng Cinema News, kinunan ng komento ang komedyante kung ano ang masasabi niya sa tila umiinit na kumpitensiya sa pagitan ng kanilang noontime show at ng Eat Bulaga.

“Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA. Hindi lang naman Showtime saka Eat Bulaga. Teleserye nila, kakumpitensiya ng teleserye namin… lahat.

“Kaya napakaipokrita, napakaipokrito na pagka sinabi ko, ‘Naku, walang kumpetisyon!’ May kumpetisyon ‘yan, and it’s a healthy competition,” aniya pa.
Dinenay din ni Vice na may plano silang magkaroon din ng segment sa Showtime kung saan magpapakitang-gilas siya sa pagda-dubsmash tulad ng ginagawa ni Yaya Dub at ni Alden, “Of course not, that’s not true.”

0


Barbie, Thea nagrereyna pa rin sa Afternoon Prime ng GMA





Hindi maikakailang ang The Half Sisters ang pinakatinututukang drama series sa bansa dahil sa pamamayagpag nito sa national TV ratings kontra sa dalawang programa ng Kapamilya.

Umarangkada ang serye nina Thea Tolentino at Barbie Forteza hindi lamang sa Kapuso bailiwick na Mega Manila kundi pati na rin sa Urban Luzon at National Urban Philippines matapos magwagi sa nationwide ratings ngayong Agosto.

Sa datos mula sa National Urban Philippines para sa buwan ng Agosto (Agosto 23 -31 base sa overnight data), nakakuha ang The Half Sisters ng household rating na 17.1 percent.
Certified hit din maging sa Urban Luzon, na binubuo ng 77% ng national urban television households, ang The Half Sisters matapos padapain ang counterpart programs nito.

Ikinatuwa naman ng buong cast ng The Half Sisters ang tagumpay na patuloy na tinatamasa ng kanilang programa.
Huwag bibitiw sa mga naglalakihan pang mga rebelasyon at kaabang-abang na mga tagpo sa The Half Sisters, sa direksyon ni Mark Reyes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

nang bigkasin ni Alden ang salitang I LOve You na pabulong...



...nang bigkasin ni Alden ang salitang I LOve You na pabulong 

habng papalapit ng papalapit ang dalawa

Hinahanap ni Yaya si Alden


Pati mga tao sa labas ng Broadway na hindi na nakapasok sa Super dami ng pumila at halos hindi na magkamayaw....


Pati mga tao sa labas ng Broadway na hindi na nakapasok sa 

Super dami ng pumila at halos hindi na magkamayaw sa sigawan 

at umaasa pang baka makapasok kila

IPuwede pag tapos na ang programa hehehe) 



0


0


0