Hindi maikakailang ang The Half Sisters ang pinakatinututukang drama series sa bansa dahil sa pamamayagpag nito sa national TV ratings kontra sa dalawang programa ng Kapamilya.
Umarangkada ang serye nina Thea Tolentino at Barbie Forteza hindi lamang sa Kapuso bailiwick na Mega Manila kundi pati na rin sa Urban Luzon at National Urban Philippines matapos magwagi sa nationwide ratings ngayong Agosto.
Sa datos mula sa National Urban Philippines para sa buwan ng Agosto (Agosto 23 -31 base sa overnight data), nakakuha ang The Half Sisters ng household rating na 17.1 percent.
Certified hit din maging sa Urban Luzon, na binubuo ng 77% ng national urban television households, ang The Half Sisters matapos padapain ang counterpart programs nito.
Ikinatuwa naman ng buong cast ng The Half Sisters ang tagumpay na patuloy na tinatamasa ng kanilang programa.
Huwag bibitiw sa mga naglalakihan pang mga rebelasyon at kaabang-abang na mga tagpo sa The Half Sisters, sa direksyon ni Mark Reyes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
No comments:
Post a Comment