Monday, October 26, 2015

Kim Chiu nakiusap: 'Wag nang palakihin ang isyu AlDub fans, Allan K rumesbak sa isyung ‘recycled’ ang gown ni Yaya Dub





ISA ang TV host-comedian na si Allan K sa mga nagtanggol kay Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa mga bashers na walang ginawa kundi ang gumawa ng isyu mula sa isang maliit lamang na bagay.

Usap-usapan kasi ngayon ang gown na isinuot ni Yaya Dub sa “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga noong Sabado sa Philippine Arena – recycled lang daw pala ito dahil una nang naisuot ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nasabing Francis Libiran gown sa isang fashion show noong 2013.

Kumalat pa nga sa social media ang litrato ni Kim suot ang kaparehong gown ni Maine noong Saturday, at dahil nga rito, maraming nang-okray kay Maine.
Pero siyempre, hahayaan ba ng milyun-milyong netizens na nagmamahal kay Yaya na basta apihin ang ka-loveteam ni Alden Richards?

Ayon sa ilang comments na nabasa namin sa Twitter at Facebook, wala naman daw issue kung nagkapareho ng gown sina Maine at Kim, nangyayari naman daw talaga iyan sa showbiz.

At mismong ang fashion designer nang si Francis Libiran ang nagsabi na binili ng Eat Bulaga wardrobe team ang gown ni Maine at hindi pa raw ito nagamit ng kahit sinong artista sa kahit anong event.

Komento naman ng isang AlDub fan, “Naku, wag nang ikumpara si Yaya kay Kim Chui, wag nang maki ride sa mga pumuna ng gown damit lang yan. Ang importante ang nangyari sa PhilArena.

Hindi magagawa ni kim chui un, eh kung movie lang ang pag uusapan wag kayong atat oi abangan sa december 25 ipapakita namin kung anung kakayahan ng aldub!”

Sa kanyang official Twitter account halatang napikon din si Allan K sa mga namba-bash sa gown ni Maine, aniya sa kanyang post, “Wag na lagyan ng issue yung gown.

Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?” Kasabay nito, hinamon din ng komedyante ang mga bashers ni Yaya, “Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets.

Ok?” Kahit si Kim ay nakiusap na huwag nang palakihin ang isyu ng gown nila ni Maine, aniya sa kanyang Instagram post, “No hate please. A gown is just a gown…its how you make people happy.

No comments: