Monday, October 26, 2015

Pokwang dedma sa panlalait ng Bashers; pilit na ikinukumpara sa tagumpay ni Ai Ai




Napangiti na lang si Pokwang sa maintrigang tanong kung ano ang reaksiyon niya sa mga sinasabi ng bashers na sa tagal na niya sa industriya ay wala pa rin siyang matatawag na super big hit.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi pa siya pwedeng matawag na certified box-office star unlike Ai Ai delas Alas na marami nang napatunatan.

Sey ni Pokwang during the presscon of her latest movie “Wang Fam” under Viva Films, “The fact na may mga producer at direktor pang naniniwala sa akin at nagbibigay ng projects, obligado po akong magtrabaho ng maayos at mag-deliver accordingly.”

Sinusugan naman ito ng kanilang direktor na si Wenn Deramas, wala raw siyang ibang naiisip na gumanap bilang si Malou Wang sa naturang movie kundi ang komedyana dahil bukod sa husay at galing nitong makisama, ito raw kasi ang local version ng famous character ni Anjelica Huston na si Morticcia Addams sa “Addams Family” ng Hollywood na siyang peg ng movie, “Pagkakatiwalaan mo siya. Iba siyang klaseng katrabaho,” sabi ni direk Wenn.

May following na ang tandem nina Pokwang at kaibigan-kumpare naming si Benjie Paras (dahil sa serye nilang Nathaniel ng ABS-CBN) kaya’t naniniwala rin si direk Wenn na magugustuhan ng manonood ang mga bagong gimik at pasabog ng dalawa sa “Wang Fam”.

Bukod kina Pokwang at Benjie, kasama rin dito sina Andre Paras at Yassi Presman, Alonzo Muhlach, Wendel Ramos, Candy Pangilinan, Joey Paras at Atak. Showing na ito nga-yong Nov. 18 nationwide.

No comments: