DIRETSONG inamin ng Kapuso actor na si Ken Chan na may mga indecent proposal siyang natatanggap mula sa mga bading na gustong maka-score sa kanya kahit one-night stand lang.
Ayon sa Destiny Rose lead star, may mga beking nagpaparamdam at nag-aalok sa kanya ng kung anu-ano kapalit ng kanyang katawan at “pagmamahal”. Pero aniya, wala raw siyang pinatos sa mga ito.
“Aaminin ko po, meron talaga. Pero alam ko pong natural lang yun sa mga artista. Hindi lang naman si-guro ako ang nakaka-experience ng ganu’n, ” sabi ni Ken. Pero ayon sa binata, hindi naman daw niya binabastos o nire-reject agad ang mga ba-ding na lumalapit sa kanya.
“Mas flattered ako kesa sa nao-offend. Kasi alam ko na may dahilan sila kung bakit nila nagawa yun. Lahat naman tayo may karapatang magmahal. Yun nga lang hindi ko talaga kaya yung ganu’ng relasyon. Kaya ang ginagawa ko ine-explain ko lang sa kanila yung side ko,” esplika pa ni Ken na sikat na sikat na ngayon dahil sa napa-kagaling na performance niya sa afternoon series ng GMA na Destiny Rose.
Tinanong namin kung magkano ang pinaka
malaking offer na natanggap niya sa isang bading? “Huwag na yun, basta meron po. Pero like I said, mas naa-appreciate ko yung ganu’n kesa magagalit ako. Kasi ibig sabihin may dating ka sa kanila.”
Samantala, natanong din si Ken kung hindi pa ba niya nadadala sa tunay na buhay ang role niya bilang si Destiny Rose, “Minsan sinasabi nila pagkatapos ng taping parang hindi ko pa mabitiwan si Destiny Rose, lalo na pag intense yung mga eksenang ginawa namin. Pero sabi ko nga, secured naman po ako sa gender ko at trabaho lang po ang ginagawa ko.”
Sa Nov. 13, Biyernes, aba-ngan daw ang “most beautiful transformation” sa balat ng telebisyon. Sa wakas, magiging “babae’ na si Joey Flores Vergara bilang si Destiny Rose at tutukan ang mga bonggang pagbabago sa kanyang buhay bilang isang transgender woman.
“Napakahirap pong gawin ito. Hindi siya biro, physically and emotionally, hindi ganu’n kadali ang pinagdaraanan ko as Destiny Rose. Marami akong prosesong pinagdaraanan. I did a lot of workshops and I researched about transwomen, about girls, how they move, talk, communicate, sing, and everything else about women,” paliwanag pa ni Ken.
Pero kahit na nga sobrang hirap ng kanyang role sa Destiny Rose, sobrang grateful siya sa trust na ibinibigay sa kanya ng GMA at sa all-support nila sa kanilang serye.
“Nang nakuha ko na at nahulma si Destiny Rose, natuwa ako at na-overwhelm, sa nakikita ko sa sarili ko. Na-appreciate ko kung gaano kaganda, kung gaano ka-sexy, na-appreciate ko siya, kasi hindi ko pa naman naranasan maging babae, magkilos babae.
“Ngayon sabi ko ang sarap ng pakiramdam na nagagawa ko ito, na kaya kong gawin, kasi artista ako and it’s my duty and work para i-entertain ang viewers. Masaya ako at excited na mapanood nila ang pagpapatuloy ng kuwento ni Destiny Rose,” litanya pa ni Ken.
Kaya tutukan ang mga pagsubok, ang pagbagsak at muling pagbangon ni Destiny Rose, tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Buena Familia.
Anyway, game rin si Ken sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Fabio Ide, ang ka-loveteam niya sa Destiny Rose.
“Kung talagang kailangan sa istorya bakit hindi. Gagawin ko naman yun bilang artista, as a transwoman at hindi bilang si Ken Chan,” chika pa ng guwapo at magaling na young actor.
Kasama rin sa cast sina Katrina Halili, Manilyn Reynes, Joko Diaz, Jackielou Blanco, Jeric Gonzales, JC Tiuseco, Sheena Halili, Irma Adlawan at Michael De Mesa, sa direksyon ni Don Michael Perez.
No comments:
Post a Comment