Patuloy na naninindigan si Sheryl Cruz sa binitawan niyang mga pahayag kaugnay sa pagtakbo sa pagka-Pangulo ng pinsan niyang si Senator Grace Poe sa 2016 elections.
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Sheryl noong Oktubre 1, sa Relish Hello Happiness, sa Quezon City, sinabi ng aktres na hindi niya babawiin ang kanyang mga sinabi.
“First of all, what I’ve said I won’t retract.
"Iyon ang akin, mayroon naman akong paninindigan, di ba?"
“Iyon ang akin, not for anything else.
"I respect everyone in my family and I love everyone in my family, including her [Senator Grace].
“Kasi kung wala akong concern, I won’t speak up.
“Concerned ako sa aking pinsan, ayokong mangyari sa kanya kung ano ang nangyari kay Uncle Ronnie [Fernando Poe Jr.] before,” sabi ni Sheryl.
Ang yumaong King of Philippine Movie ay tumakbong presidente noong 2004.
HURT. Nasaktan daw si Sheryl na maraming negatibong lumabas laban sa kanya at marami ang minasama ang kanyang mga sinabi.
“Of course naman, hindi naman sa hindi ka nasaktan, masyado lang naging malaki yung reaksiyon na hindi naman dapat ganun.
“Ang sa akin lang, lahat naman tayo may karapatan sa ating mga sariling opinyon,” sabi niya.
Hindi pa raw nakakausap ni Sheryl si Senator Grace matapos pumutok ang isyu. Pero bukas naman daw siya sa pakikipag-usap.
Saad ni Sheryl, “Sinabi ko naman na ang communication line ko is always open.
“They all know that, wala naman akong hindi kinakausap.”
Matagal na rin daw nang huli silang mag-usap ni Senator Grace nung April 5 this year, birthday ni Sheryl.
Maging ang tiyahin niyang si Susan Roces, ina ni Senator Grace, ay hindi pa rin daw niya nakakausap.
Aniya, “Hindi pa kami nagkakausap kasi nga busy kami sa taping [ng mga teleserye], at saka pumunta nga ako ng Brunei recently.”
Nang tanungin tungkol sa mga nagsasabing naiinggit lang daw siya kay Senator Grace, tugon ng aktres, “Alam niyo, masama yung mainggit, ang inggit ko ay hindi inggit na nakakasira para sa akin.
“Inggit na sana isang araw maging kasing galing ko rin siya.
“It’s a constructive thing, ayoko ng negative, di ba?
“Hindi ko gusto na naiinggit kasi ang inggit nakakamatay iyon, e.
“At hindi lang ganun, you have to get over your insecurities in life, whatever they may be.
“Basta ang sabi lang naman sa akin, you cannot always get what you want.
“May mga things na ibinibigay sa atin ang Diyos, at mayroon din naman na hindi sa atin ibinibigay.
“I don’t know why, ayoko na lang kuwestiyunin.
“Basta kung saan Niya ako gustong dalhin, I will always listen sa nandoon sa taas
No comments:
Post a Comment