Sunday, August 30, 2015

Alex Medina: Wow, grabe yang si Angelica Panganiban!



IPINAGTANGGOL ng ma- galing na character actor na si Alex Medina si Angelica Panganiban sa mga intrigang naglalabasan na lagi itong galit at palamura sa set ng kanilang seryeng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sa panayam sa aktor sa presscon ng pelikulang “Heneral Luna” kamakailan ay natanong ito tungkol sa co-star niyang si Angelica na gumaganap na Madam Claudia sa PSY, natatawa lang daw siya sa mga kumakalat na chika.

Si Alex ang gumaganap sa role na Simon sa Pangako Sa ‘Yo, ang ex-boyfriend ni Madam Claudia. Ayon sa binata, magaling na aktres si Angelica at feeling niya, laging in character ang girlfriend ni John Lloyd Cruz sa set ng serye nila kaya marahil ay misunderstood lang ang aktres.
“Professional. Tahimik lang siya ‘tapos usap-usap sa eksena. Kapag rumolyo na, yun na,” aniya pa.

Hirit pa ng anak ni Pen Medina, “Feeling ko, very in-character siya, so nakakatuwa.
Intimidating lang si Madame Claudia kaya ang ganda ng ginagawa niya para sa character. Kahit ako natutuwa ako na, ‘Wow, grabe ‘yang si Angelica mag-ano.’ Yung hold niya sa character niya na si Madame Claudia. Talagang madame talaga siya.”

Bago nagsalita si Alex, nauna nang ipinagtanggol ni Joem Bascon si Angelica sa mga bashers nito at nagsabing maayos naman katrabaho ang aktres at never itong nag-inarte sa set.

Kasama rin si Joem sa Pangako Sa ‘Yo. Kamakailan ay naging u- sap-usapan na naman si Angelica matapos itong magwala sa galit at pagmumurahin ang kanyang bashers.
May kinalaman ito sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens na nagsabing gaya-gaya raw siya sa mga pino-post na litrato ni Bea Alonzo sa Instagram.

Samantala, umaasa naman si Alex Medina na panonoorin ng mga kabataan ang pelikula nilang “Heneral Luna” na pagbibidahan ni John Arcilla sa direksiyon ni Jerrold Tarog, “Sana mapanood ng mga kabataan, kasi iba din yung ipinaglaban ni Antonio Luna.

Talagang pasok, e. Panalo e.” “Ang ganda ng action dito. Grabe yung budget namin. Buti nga na malaki yung budget namin dahil hindi napipi- gilan ang direktor na pagandahin ang bawat eksena,” aniya pa na gumaganap sa movie na Jose Bernal, isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Gen. Antonio Luna noong panahon ng Filipino-American War (1898).

No comments: