Thursday, September 24, 2015

Pagkontra ni Sheryl sa pagtakbong pangulo ni Grace gimik lang?





MARAMI raw mga taga-entertainment press ang nagtampo sa sinabi ni Sheryl Cruz na hindi pa raw panahon para sa pinsan niyang si Sen. Grace Poe ang tumakbo ito sa pagkapangulo.

Bakit naman sila magtatampo kay Sheryl? Why can’t they just understand or respect Sheryl’s decision eh karapatan niya i-yon? Kahit sino sa atin ay may kaniya-kaniyang choices kung sinu-sino ang iboboto natin sa anumang halalan. Just because pinsan ni Sheryl si Sen. Grace ay kailangang automatic na sasang-ayon na lang siya kung labag naman sa kalooban niya?

Not because she doesn’t like her to run now ay i
big sabihin nang hindi niya mahal ang pinsan niya.
Malinaw naman ang pagkasabi ni Sheryl na hindi pa right time for her Manang Grace to run for president sa 2016 – puwede pa raw sa 2022. That’s perfectly right kung kami rin ang tatanungin tungkol dito. Kumbaga, too soon for Sen. Grace to run for the highest position of the land.

Hindi porke anak siya ni late FPJ and veteran actress Ms. Susan Roces ay tiyak nang mananalo siya. Eh kung ang late dad nga niyang tumakbo before ay natalo, siya pa kayang anak lang.

For Sheryl to say what she truly felt took a lot of courage – pero nasabi niya nang maayos. She was not fighting her cousin naman – ang sinasabi ni Sheryl ay hindi right time – kumbaga hindi pa hinog ang pinsan niya to run dahil pag pinagpilitan nila itong tumakbo, mas lamang na matatalo ito. 
Yes, she may be very po-pular sa surveys – pero huwag nating kalimutang hawak ng administrasyon ang makinarya.

Huwag din nating kalimutang malakas din talaga si VP Jejomar Binay na nakauna nang umikot sa buong bansa. Kaya walang guarantee na sikat si Sen. Grace Poe para makasigurong ma-nanalo siya. Show of concern lang yung kay Sheryl and that should be taken positively.

Dapat nga magpasalamat pa ang buong angkan ni Sen. Grace that there’s someone like Sheryl in their family na nagbubukas ng isipan nila – that she is not ripe to run for presidency. Iba yung ripe to become president at iba rin ang ripe to run for presidency. These are two different scenarios and I admire Sheryl for doing so.
Kung tutuusin pa nga, mas dapat pa nilang ipagpasalamat ang ginawa ni Sheryl at lalong napag-u-sapan ngayon si Sen. Grace. Kung iisipin mo nga, baka strategy pa nila ito para lalo silang lumakas sa media mileage. We wouldn’t know – alam niyo naman kung gaano kagulo at kadumi ang politics, di ba?


Maraming mga ganap na hindi natin mawari minsan.
Kaniya-kaniya tayo ng choices kung sino ang iboboto natin sa susunod na halalan. Some choose those who have helped them in the past – some say, “Naku, mga hinayupak na iyan. Magagaling lang pag nangangampanya pero pag nakaupo na hindi mo na malapitan. Kaya doon na lang ako sa pinakikinabangan ko”.

Totoo naman, eh. More often than not, yung mga dati nating minanok na naupo ay deadma na during their entire term pero pag malapit na ang halalan, parang mga maaamong tupang nakikipagkaibigan sa atin. Sumisimpleng nakikiusap pero pag nakaupo na, ni anino nila ay hindi mo na makikita.
Pag may kailangan ka sa kanila ay pagpapasa-pasahan ka hanggang sa mainis ka na lang. Kaya tama pa yung may attitude na kung kanino siya may pakinabang doon siya. Hindi mo sila masisisi kasi halos karamihan namang lumalabas ay matatalino nga sana pero mas masahol pa sa pobol pag nasinagan na ng salapi.

Peralang naman ng bayan ang habol ng karamihan sa mga iyan eh. And that power na very addictive. Hay naku, sa eleksiyon ngayon, kuwartahan na lang ang mga kandidatong iyan para patas ang laban, ok?

No comments: