Friday, August 21, 2015

Totoo ba, Ate Vi ayaw tumakbong VP dahil takot makalkal ang yaman?




FOR a while ay malakas ang ugong-ugong that Batangas Gov. Vilma Santos was eyeing a higher political position sana for 2016 pero someone very reliable whispered to us that she finally conceded on her plans to run either for Senate or Vice-Presidency for some fears.

“Hindi ba’t isa siya sa kinu-consider na richest politicians sa bansa ngayon with a net worth of more than P400 million? Inilabas iyon ni Mareng Winnie Monsod before sa kaniyang programa pero hindi ito masyadong natutukan ng media.

“Naging showbiz ang chikahan nila ni Mareng Winnie hanggang sa makalimutan na ang isyu ng kaniyang biglang pagyaman. Hindi ba’t kaya hindi siya gaanong interesado sa pag-aartista dahil there is so much money in politics.

“Yung sinasabi niyang P400 million net worth niya ay hindi lang daw kaniya iyon – sa kanila raw ‘yun ng asawang si Sen. Ralph Recto na alam naman nating before niya mapangasawa si Vilma ay bagsak na ang financial status ng pamilya.

“Nag-resurrect lang ito nu’ng magsimulang mag-mayor si Vilma and then become governor. Kumbaga, gamit na gamit ni Sen. Ralph ang sikat na asawa para lalong tumingkad ang kaniyang political career and financial status. Si Ralph naman talaga ang tunay na nagpapatakbo ng Batangas eh,” ang kuwento ng aming source.

“One friend told me na talagang nag-decide na si Vilma na hindi tumakbo for higher position dahil baka makakalkal daw ang yaman nila. Alam n’yo naman ang politika sa atin, labasan ng baho kapag kampanya na. Kaya tiyak na tatanungin ng bayan kung saan talaga galing ang ganoon kalaking pera nila? Movies? Oh c’mon! Endorsements? Di siya si Kris Aquino, ‘no!” sabi ng aming kausap.

Naikuwento pa nito sa amin kung paano yumayaman ang mga politiko sa ating bansa, “Marami akong nakakausap tungkol sa tinatawag na SOP mula sa mga projects ng local government. Kung gaano kalaki ang porsiyentong hinihingi nila sa mga bidding-bidding ng mga government projects. SOP na kasi na merong porsiyento ang mga opisyal tuwing may bini-bid na negosyo – kung kanino ina-award ang project.

“Automatic iyon, may certain amount daw na para sa mga local official. Walang choice ang mga nagbi-bid kundi ang pumayag kaysa mapunta sa iba ang project, babawian na lang nila sa pagtaas ng presyo sa kanilang consumers. So, ang nagsa-suffer ngayon ay ang taumbayan dahil itataas nila ang bilihin or produkto nila para makabawi. Ganoon din kaya ang labanan sa Batangas?” ang sabi pa ng ating source.

Pero feeling ba niya talagang hindi na tatakbo si Vilma sa 2016? “Hindi na. Alam niyo naman ang Philippine politics, kaniya-kaniyang kalkalan ng baho iyan para masira ang mga kalaban nila. Doon natatakot si Vilma,” dagdag pa ng kausap natin.

Ano kaya ang masasabi rito ni Vilma Santos? Siguro ang magandang gawin niya, ipaliwanag nang mabuti sa publiko kung saan talaga galing ang daang-milyong net worth niya. Totoo nga kayang lumobo na raw ito sa bilyong halaga? Kailangan na sigurong mag-explain ni Gov. Vilma Santos hinggil dito para maunawaan ng kanyang mga nasasakupan.

No comments: