Tuesday, September 1, 2015

Michael makakalaban sina Kean, Eric at Sam sa ‘Your Face Season 2’

Image result for nasaan ka inay

Speaking of Michael Pangilinan, certified contestant na siya sa Your Face Sounds Familiar Season 2 ng ABS-CBN as announced. Walo silang maglalaban-laban sa napakasayang music impersonation ng YFSF, a franchise from Endemol.
Aside from Michael, the other seven celebrity contestants are Kean Cipriano, Sam Concepcion and Eric Nicolas for the boys and Myrtle Sarrosa, Cacai Bautista, Denise Laurel and KZ Tandingan para sa mga girls. In fairness, naka-second taping na sila for the show at magsisimula na silang mag-air sa Sept. 12, kapalit ng The Voice Kids.

“The secret daw here is just enjoy and have fun. 

 The competition is very friendly. Of course, gagalingan ko in the best of my capacity pero more than that, gusto ko siyang i-enjoy. Isang malaking pangarap ito on my part na nabigyang katuparan kaya napakasaya ko.

“May mga idols kasi akong ginagaya minsan pag nasa kuwarto lang ako. Lahat naman tayo may mga idolong icons, di ba? Kaya napakasaya at I feel so blessed na magagawa ko nang gayahin ang mga idol ko sa TV. Ha-hahaha! Kung anuman ang kahihinatnan nito in the end ay bahala na.
Basta ako, ka- ming lahat, we are all having fun,” ani Michael. Tiyak na mas magiging mahigpit ang judges ngayon sa mga celebrity contestants dahil kumbaga dapat mag-level up na ang season 2.

Kailangan mas maging entertaining ito sa audience. Sa pagkakaalam ko, ang original judges pa rin ang uupo sa ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar: sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Jed Madela.

Anyway, katatapos lang ng concert ni Michael sa Music Museum last Saturday entitled “Kilabot Meets Kilabot” kung saan – for the very first time, ay nakasama niya sa entablado ang original Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Mr. Hajji Alejandro. Bongga ang nasabing palabas.

“Para akong natutunaw sa stage dahil kasama kong nag-perform ang original Kilabot. Feeling ko parang hindi ako deserving of the title dahil nakasama ko ang original.
Sayang nga at wala si Kuya Ariel Rivera na sinundan ko. Nakakatawa nu’ng magkita kami sa ABS-CBN at sinabihan niya akong inililipat na raw niya ang title sa akin.

Ha-hahaha! Nakakatuwang nakakakilabot!” ani Michael na napaka-humble na bata. Wala tayong magagawa, ang mga tagahanga mo ang nagpatong ng titulong iyan sa iyo.
Sa ayaw at sa gusto mo, you have to accept that dahil in fairness naman to you, wala namang ibang mas deserving of the title kungdi ikaw lang sa iyong henerasyon.
Anyway, left and right ang bookings ni Michael ngayon. Ongoing pa ang “KANSER@35″ musicale niya sa direksiyon ni Frannie Zamora.

Nandiyan pa ang malapit nang ipalabas na first full-length movie niyang “Pare Mahal Mo Raw Ako” with Edgar Allan Guzman and Ms. Nora Aunor, sa direksiyon ni Joven Tan.
Two songs na lang at matatapos na rin ang 10-track second album niya under Star Music. “Sarap magtrabaho. I am very grateful and thankful sa ating Panginoon at biniyayaan niya ako ng munting talento sa pag-awit.
“At siyempre, this early ay gusto ko kayong pasalamatan lahat dahil sa walang-sawa ninyong pagsuporta sa bawat proyekto ko.

“Don’t worry, gagawin ko ang anumang maaabot ng a- king makakaya na huwag ka- yong madismaya sa akin or ma-disappoint. I will be a better man every day. Ha-hahaha!” he told us.


No comments: