Tuesday, September 1, 2015

Ejay sa relasyon nila ni Ellen: Ayoko nang magpadalus-dalos!




MARAMING bumibilib kay Ejay Falcon bilang breadwinner ng kanyang pamilya. Talagang inuuna niya lagi ang kanyang family kesa sa pansariling kaligayahan.

Sa presscon ng bagong season ng Wansapanataym, ang I Heart Kuryente Kid na pinagbibidahan nila ni Alex Gonzaga, nakaka-relate raw talaga ang binata sa role niya sa nasabing programa dahil sa pagiging mapagmahal nitong anak at kapatid.

“Ako panganay din ako at meron din akong mga kapatid pero ano siya parang parehas kami, parang ang bilis kong nakahugot sa mga karakter na ito dahil sa kwento ni Tonio (role sa Wansapanataym),” kuwento ng hunk actor.

Breadwinner din daw kasi siya sa tunay na buhay, “Breadwinner din ako, ako ang nagpapaaral sa ka- patid ko.”
Naniniwala rin si Ejay na pinagpapala ang mga mapagmahal na kapatid at anak, “Masasabi ko na parang mabuti akong tao kasi bago ako gumawa ng hindi magagandang bagay, pinag-iisipan kong mabuti kasi ayaw kong mawala sa akin itong ibinigay sa akin so ayokong maapektuhan ang family ko, mga kapatid ko.”

Proud na proud ding i- binalita ng Kapamilya actor na malapit na niyang mapagtapos ng college ang dalawa sa kanyang mga kapatid.

“Nakaka-proud kasi meron akong kapatid na magtatapos. Ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko. Parang ‘yun na talaga ‘yung premyo sa lahat ng paghihirap ko,” anang binata nang makachika ng ilang reporters sa presscon ng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na nagsimula na noong Linggo.

Bukod dito, hindi rin nakakalimutan ni Ejay na balikan ang kanyang pinanggalingan. Alam n’yo ba na regular na dumadalaw ang aktor sa probinsiya kung saan siya lumaki? Tuwing December, nag-i-sponsor siya ng basketball at gift-giving activity sa isang lugar sa Mindoro.

“Nagpapa-basketball, nagpapa-liga every December 26 to December 31 and every December 31, nandon kami lahat sa basketball court at lahat ng endorsements ko ‘yung mga sponsors, ‘yung mga gift sa akin, ibinibigay ko sa lahat ng mga tao, ‘yung mga giveaways ‘yung iba nagpapa-raffle,” anang binata.

Alam daw kasi niya ang feeling ng walang natatanggap na regalo tuwing Pasko at birthday.


“Naranasan ko noong bata ako dati ‘yun nga parang humingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati.

“Nakikita ko ‘yung mga bata ngayon na wala ‘yung mga parents nila, walang mabigay so ako ‘yung parang kahit simpleng pabango, simpleng sapatos ibinibigay ko sa kanila.
Ang sarap sa feeling na ginagawa ko siya for five years na,” pagbabalik-tanaw pa ni Ejay. Samantala, tigas pa rin sa pagtanggi si Ejay na magdyowa na sila ni Ellen Adarna, ang partner naman niya sa afternoon series na Pasion de Amor.
Single na single pa rin daw siya, “Wala pa po talaga. Single po talaga ako. Wala pa po, ano pa lang kami, sabi ko nga siya ‘yung pinakamalapit na babae sa akin.

Palagi ka- ming magkasama. Sobrang close kami ni Ellen.” Dagdag pa niya, “Luma- labas po kami pero group naman kami.”

Posible bang mag-level up na ang kanilang friendship very soon? “Ayoko na kasing padalos-dalos kasi ‘yung ang aking nakaraan kasi. ‘Di ba dati po masyadong mabilis ‘yung pangyayari? Dahil doon natuto naman ako so siguro ngayon po mas importante na makilala ko ‘yung tao.

Mas matagal pa naman kaming magkasama. Ayokong madaliin ang mga bagay-bagay. So kung darating naman kami doon, aaminin ko.”

Hirit pa nito, “Kasi si Ellen gusto ko talaga ‘yung personality niya kasi sobrang…sabi ko nga kahit saan mo siyang dalhin eh napaka-cowboy niyang tao, sa sosyal o sa jologs, kaya niyang pa- kisamahan lahat.

Nagugulat nga ako sa kanya kasi alam naman natin na lumaki sa yaman si Ellen pero pagnakausap mo siya parang nakikipag-usap siya kahit kanino sa set.
Napaka-humble niyang tao, sobrang humahanga ako sa personalidad niya.” Sa taunang Star Magic Ball, si Ellen ang magiging ka-date ni Ejay. So, alam n’yo na!