Wednesday, September 2, 2015

Dolphy & Sahlee Quizon - You and I (1972)



You And I

1972

Dolphy & Sahlee Quizon

Willear's Records

Theme from the Movie:
Kung Ano ang Puno, Siyang Bunga



0

0

Pauleen inalok na ng kasal ni Vic; ibinandera ang engagement ring



USAP-USAPAN ngayon sa social media na engaged na raw ang TV host-actress na si Pauleen Luna sa boyfriend nitong si Bossing Vic Sotto.

Marami kasing televiewers at netizens ang nakapansin sa suot-suot ni Poleng na singsing na may malaki at kumikinang na bato sa isang episode ng Eat Bulaga kaya ipinalagay ng mga ito na mukhang nagkaroon na nga ng “secret engagement” ang magdyowa.

Nabasa namin ang makahulugang post ni Pauleen sa kanyang Instagram account noong nakaraang araw na kuha sa Perpetual Adoration Chapel na may caption na: “Thank Lord for all the blessings!” At karamihan nga sa mga nag-comment na followers ay nagtatanong kung engaged na sila ni Bossing.

Kahapon, nagsalita na rin si Vic tungkol dito. Inamin nitong engaged na nga sila ni Poleng sa isang presscon para sa kanyang bagong endorsement.

Pero aniya, malalaman ng publiko ang mga detalye sa kasal “sa tamang panahon”, tulad ng laging dialogue ni Lola Nidora sa kalyeserye ng AlDub.

Bago ito, nabasa na namin sa isang website a
ng post ng acting coach at dating aktres na si Beverly Vergel, na malapit din kay Pauleen – ito’y isang picture ng singsing na may malaking bato na ayon sa netizens may pagkakahawig daw sa suot na singsing ni Pauleen.

Mas lalong naghinala ang followers ni Poleng sa engagement nila ni Bossing nang lagyan pa ni Beverly ng caption ang kanyang post ng: “CONGRATULATIONS!!! I am sooo happy for you!!! It’s meant to be.

This love will last a lifetime.” Kung noon ay agad na sumasagot si Pauleen sa mga tanong ng kanyang social media followers kapag tinatanong tungkol sa relasyon nila ni Bossing, ngayon ay umiwas ang aktres.

Siguro’y napagdesisyunan nila ni Bossing na ito na ang magsasalita tungkol sa kanilang engagement.
Kung matatandaan, sinabi ni Poleng na mas gusto nila ni Vic ng isang simple at intimate na wedding, ayaw daw nila ng engrande.


Nu’ng matanong din namin ang TV host-actress tungkol sa balitang nagpapatayo na sila ni Bossing ng sariling bahay sa isang village sa Laguna ay super iwas na ito.

Sinubukan naming kunan ng komento si Pauleen ngunit hindi ito sumasagot. Sa pagkakaalam namin kahapon umalis si Pauleen patungong Amerika kasama ang kanyang ina, may dadaluhan daw kasi silang kasal ng isang kaanak doon.



0


Alden umabot na sa 1-M ang followers sa Twitter



Sa pagsisimula ng “Ber” month na hudyat din ng pagsisimula ng pinakamahabang Christmas season sa buong mundo, binigyan agad ng napakagandang regalo si Alden Richards.
Noong Sept. 1, umabot na sa 1 million ang followers ng Pambansang Bae sa Twitter (@aldenrichards02). Ilang celebrities lang ang may mahigit na isang milyong followers at isa na nga riyan si Alden.

Isa na itong malaking achievement para sa Kapuso actor kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang mga tagasuporta.

“Never kong in-expect na magkakaroon ako ng ganun karaming followers,” pahayag ng binata nang makapanayam ng press sa isang event.

Dagdag pa niya, “Happy na nga ako na maraming nagpa-follow sa social media ko, e, pero it’s all thanks to everyone.”
Sa nabasa naming report, nito lang nakalipas na isang buwan ay mabilis na nadagdagan ng 415,653 ang followers ni Alden sa Twitter, samantalang ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza o Yaya Dub ay nadagdagan ng 581,569 followers sa Twitter (@mainedcm).

Ang tambalang AlDub din ang nanguna sa listahan ng “fastest-growing celebrities profiles in Philippines” nitong nakalipas na Agosto base sa data na inilabas ng socialbakers.com.

Samantala, ang noontime show ng GMA 7 na at Bulaga kung saan napapanood araw-araw ang kalyeserye ng AlDub ay mabilis namang nadagdagan ng 217,739 followers nito lamang nakaraang buwan.

Ngunit malaking numero pa ang kailangan ni Alden para makalapit man lang sa tinaguriang Top 10 most followed Filipino celebrities sa Twitter na kinabibilangan nina Anne Curtis (8 million), Angel Locsin (6.4 million), Vice Ganda (5.6 million), Kathryn Bernardo (4.9 million), Angelica Panganiban (4.7 million), Yeng Constantino (4.6 million), KC Concepcion (4.3 million), Bianca Gonzalez (4.3 million), Luis Manzano (4.2 million) at Daniel Padilla (4.1 million).

Pero naniniwala kami na very soon ay matatapatan na rin nina Alden at Yaya Dub ang nasa Top 10 ng most followers Pinoy celebrities dahil araw-araw ay daan-daang followers ang nadagdag sa Twitter at Instagram accounts ng dalawa.

Bamboo umaming naging emosyonal sa pagkapanalo ni Elha kaya napaiyak




NAIYAK sa labis na saya ang Rock Icon na si Bamboo nu’ng i-proclaim na bagong grand champion ng The Voice Kids mula sa Kamp Kawayan ang banana que vendor from Kyusi na si Elha Nympha.

Hindi naman itinanggi ni Bamboo na naluha siya for Elha. “I just thought she deserved it lang,” esplika ni Bamboo. I thought she was the most consistent, the most natural performer, uhm, we have somebody really special now.

Ah, it’s amazing to what this show can do ng we have found nga, e. Her life will gonna change on her own merit, what God has given me,” pahayag ni Bamboo.

Kapansin-pansin din ang pagi- ging very emotional ni Coach Bamboo sa pagkapanalo ni Elha, “I am, I am. I’ve investment in my kids, ganoon lang ‘yun kasimple,” pag-amin niya.

Hindi naman niya inisip na finally meron ng champion from his team, “I’m just happy for Elha, ‘yun lang naman. But well, I’m in Team Elha now and I’m just very proud of her.
Look at her smile and the voice to back her up, the heart to back her up. Amazing lang talaga.”

Malaking bagay daw sa pagkakapanalo ni Elha ang pagpili niya ng tamang kanta during the finals.


“At this point, I never liked ta- king credit. Sa amin kasi it’s about Elha. It’s about our team lang. We worked well. Madali siyang turuan, madali siyang kausapin.
She just has a good heart, a good kid. People around her are good people as well, her mother. That’s a sign of good things to come.”

Feeling niya if there’s something na he did right ngayong season ng The Voice Kids ay ‘yung pagpili niya kay Elha during the blind auditions.

“Well, that something right was I turned for her. I was the only coach who turned for her. That is quite a story lang, and then, for her to come, coz’ people does not expect her, no one saw her coming, right?

And then, at some point, I knew I had somebody very special talaga, very special. It’s mind-blowing what she can do,” pahayag pa niya.

Sobrang saya naman daw ni Elha nu’ng makita niya na umiyak si Bamboo on stage. Siyempre, tinanong naming si Elha kung anong plano niya sa napanalunan niyang cash prize.
“Ang plano ko po sa premyo ko ay iipunin ko muna po para sa susunod po may pangkuha po kami doon ng kailangan namin. At siguro po, kasi gusto ko po sanang magtayo ng banana que restaurant,” lahad ni Elha.

Nakilala si Elha sa The Voice Kids sa kanyang paglalako ng banana que. Wala pa raw siyang planong bilhin na anything for herself na gustung-gusto niya. Meron na raw kasi siyang cellphone.

Tinanong din namin si Elha kung type rin niyang umarte on TV gaya ng unang grand champion sa The Voice Kids na siu Lyca Gairanod, “Ah, kailangan ko po muna magpraktis,” ngiti ni Elha. “Marunong po ako ng….konti.”
At ang pinaka-unforgettable raw para sa kanya na itinuro ni coach Bamboo na sa tinign niya ay nagpanalo sa kanya, “Always smile with 10 thousand points.”



Rica nabwisit nang magpa-picture ang mga nurse sa St. Luke’S Global





HINDI nagustuhan ng dating aktres na si Rica Peralejo ang ginawa ng ilang nurse sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Nag-post si Rica sa kanyang Instagram account na nagsasabing kinailangan niyang magpunta sa doktor dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam.

Pero makalipas ang ilang oras, sa Facebook naman nag-post ng kanyang mensahe ang dating Kapamilya actress kung saan naglabas nga siya ng kanyang sentimyento tungkol sa mga nurse nag-assist sa kanya habang siya’y ginagamot sa nabanggit na ospital.

Ayon kay Rica, “I find it absolutely unprofessional that nurses & staff in the hospital will want to take my photo ONE BY ONE despite the fact that I am here.”

Maraming friends ni Rica sa FB ang sumang-ayon sa kanya kasabay ng pagsasabing ipagdarasal nila ang aktres para gumaling agad.



Zanjoe, baka mamemohan ni ABS dahil sa Pabebe Wave



Just recently, Zanjoe Marudo, in a pose with Eat Bulaga’s Malou Choa-Fagar and Bea Alonzo, posed with his Pabebe wave.

Alam naman ng lahat na taga-Dos si Zanjoe kaya ang fear ng ilan sa mga nag-comment sa isang popular website ay baka ma-memohan ang actor sa kanyang ginawang Pabebe wave na strongly identified sa Eat Bulaga mainstay na si Yaya Dub (Maine Mendoza).

“That’s cute. I’ve always like Zanjoe’s sense of humor. For me, he’s the perfect mix to Bea’s boring image lol,” say ng isang fan ng aktor.

“Siguro si Zanjoe nanunuod talaga ng EB. Sa pagkakatanda ko gusto nya rin si Ryzza dati di ba?” comment naman ng isa pang netizen.


]

0

Regine di tinanggap ang Sunday Pinasaya: Ayoko namang ako lang ang may trabaho!



GUSTUNG-GUSTONG makasama ni Regine Velasquez sa bagong Sunday variety show ng GMA 7 na Sunday PinaSaya ang mga kaibigang sina Ai Ai delas Alas at Marian Rivera.
Ngunit ayon sa Asia’s Songbird, mas umiral sa kanya ang pakikisama dahil alam niyang maraming mawawalan ng trabaho sa pagkawala ng Sunday All Stars.
“I was feeling kinda bad naman na ako lang yung may trabaho, yung iba kong kasama…” ang biting pahayag ni Regine nang matanong sa presscon ng StarStruck Season 6 kung bakit tumanggi siyang mapabilang sa Sunday PinaSaya.
Totoong kasama raw siya sa bagong Sunday show ng GMA pero dahil siya lang ang matitirang may trabaho mula sa mainstays ng SAS, nagdesisyon siyang huwag na lang tanggapin ang programa na co-production ng GMA at APT Productions ni Tony Tuviera.
“Naintindihan naman nila Mr. Tuviera. But I was actually very excited at first, kasi makakasama ko sina YanYan, si Ai Ai. I was supposed to take care of the musical part.
“But medyo nahihiya lang din ako sa mga naging kasama ko. Kumbaga, naging show ko rin naman ‘yon (Sunday All Stars). Nahihiya lang ako and they understand naman,” chika ng Asia’s Songbird.
Pero nang magsimula na ang Sunday PinaSaya, ilan sa mga dating regular na napapanood sa SAS ay kasali rin pala sa nasabing show tulad nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza.
Pero wala naman daw pagsisising nararamdaman si Regine na hindi niya tinanggap ang Sunday PinaSaya, “Pero talagang it’s hard to be in that situation na…Kasi, since the beginning, yun ang timeslot, di ba? So, nahiya naman ako. Nahiya naman ako kasi siyempre trabaho ‘yon.
“Mahirap to be in that si- tuation knowing that the other colleagues are not working, so parang nahiya lang din naman ako,” sabi pa ng misis ni Ogie Alcasid.
Pero para sa mga fans ng Songbird, huwag daw kayong mag-alala dahil may bago siyang pasabog sa mga susunod na buwan, “Meron akong gagawin na parang variety show pa rin.
Hindi ko lang alam kung aabot ‘yan this year. It’s also a musical pero nighttime.” Nami-miss na rin ng fans si Regine na umaarte sa teleserye, huli pa siyang napanood sa romantic-comedy series na I Heart You Pare kung saan nakasama niya si Dingdong Dantes.
Ayaw na ba niyang gumawa ng teleserye? “Parang di ko na rin kaya kasi masaya ako. Ha-hahaha!” birong tugon ni Regine. Dugtong niya, “Hindi naman, kasi ang niche ko ay nasa comedy-drama or comedy-musical.
“Nandu’n talaga ako, so yung mga nanonood sa akin, gusto nila na nakikita akong ganu’n. Although nagdadrama naman, lagi namang mayroon konti.
“Pero at the end of the day, laging ang main concept ay comedy, doon din ako comfor- table,” paliwanag ng Songbird. At isa pa sa mga dahilan kung bakit parang hindi na niya bet ang magkaroon ng teleserye ay ang kanyang pamilya, priority pa rin niya ang kanyang asawa at anak, “It should be that way…nag-asawa pa ako kung career pa rin ang (priority) ko?
“Siyempre, nandu’n pa rin naman ‘yon, pina-prioritize ko pa rin naman ang trabaho. Pero hindi na ako kasing-adik noong araw, na lahat na lang ng raket, e, sunggab nang sunggab.
“Parang ayaw ko nang ga- win ‘yon, kasi siyempre, yung anak ko rin, lumalaki. Hindi ko na maibabalik ang age na ‘to. Hindi ko na maibabalik ang time na ‘to,” chika pa ni Regine.
Hirit pa nito, “I’m enjoying my time being a mom. I’m enjoying my time with my husband and my son.”

Samantala, excited na si Regine sa nalalapit na pagsisi- mula ng Starstruck Season 6 kung saan nga isa siya sa magiging member ng council na siyang magdya-judge sa mga artista hopefuls na kinabibilangan ng 35 young aspirants na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Makakasama niya sa Starstruck council sina Joey de Leon, Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes na magiging host din ng bagong season ng original artista talent search ng GMA 7.
Bukod kay Dingdong, makakasama rin niya si Miss World 2013 Megan Young with other Starstruck alumni na sina Kris Bernal, Rocco Nacino, Mark Herras at Miguel Tanfelix na magsisilbing segment hosts ng show.



Jennylyn, Dennis takot malasin ang relasyon kaya ayaw pa ring umamin



WISH ng maraming suppor- ters nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na sana’y sila na ang magkatuluyan sa huli, at sana’y mauwi na rin sa kasalan ang kanilang relasyon.

Ayon sa mga tumututok sa GMA Telebabad series ng dalawa na My Faithful Husband, kahit hindi sila umamin ay halatang-halata na nagkabalikan na talaga sila.
At naiintindihan daw nila kung bakit kailangan pa nilang maglihim sa madlang pipol. Baka raw kasi natatakot sina Dennis at Jennylyn na malasin ang kanilang “second chance” kapag ibinandera na nila sa mga tao ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Anyway, sa pagpapatuloy ng My Faithful Husband narito ang kailangan n’yong abangan: Hihintayin ni Emman ang pag-uwi ni Melanie, pero kahit late na ay wala pa rin ang asawa niya.
Ipapaalala naman ni Melanie kay Dean na hanggang friendship na lang sila, bagay na tatanggapin ng binata kaya makakampante nang muli ang babae sa kaniya.

Makakatulog si Melanie kasama ni Dean. Magugulat si Emman, umaga na pala pero hindi pa rin umuuwi si Melanie. Mawiwindang si Melanie sa paggising niyang nasa sasakyan pa rin siya ni Dean.

Mag-aalok si Dean na ihatid ang misis ni Emman pauwi, pero tatanggi ito at dali-daling aalis. Tatawagan ni Emman si Mylene para alamin kung doon nagpunta si Melanie, pero hindi rin nito alam kung nasaan ang kapatid.

Agad rin namang tatawagan ni Melanie si Emman at sasabihing pauwi na siya, pero nang tanungin ni Emman ang asawa kung saan ito buong gabi, magsisinungaling si Melanie at sasabihing nakitulog siya kay Adelle.

Magagalit na naman si Mercedes sa hindi pag-uwi ni Melanie, pero ipagtatanggol ni Emman ang asawa sa ina, kaya lalong magi-guilty si Melanie sa nagawa niya.
Magbe-breakdown si Melanie kay Emman, sorry nang sorry, pero hindi masabi sa asawa kung ano ang nagawang kasalanan. Mare-realize niyang mahal pa rin niya si Dean.
Aaminin ni Dean sa kaibigan na hindi na niya kayang pigilan ang pagmamahal kay Melanie, kaya babalaan siya ni Ben na maghanda na sa gulong siguradong darating.

Pagagalitan ni Mercedes si Melanie sa ginawa nito the night before, at magugulat ang babae nang hindi lumaban ang manugang.

Pagsasabihan rin ni Carmen ang anak sa ginagawang pagsama sa mga kaibigan, pero itatanong rin ni Carmen kay Melanie kung kaibigan nga lang ba talaga ang kasama nito.
Magsisinungaling si Melanie sa ina. Tatawagan ni Dean si Melanie at si Emman ang sasagot sa telepono habang mangungumpisal naman si Melanie sa pari, at sasabihin na nagkasala siya dahil nagmamahal siya ng ibang lalaki kahit may asawa na siya.



Tuesday, September 1, 2015

Ama Namin by People Precious and few Choir


Ama Namin

People Precious and Few Choir

Ivory Records

juan Angelo Mendoza 
(composer)

Kedy Sanchez 
(producer)

Eric Oracion 
(vocal arranger)

alvin nunez
(arranger)

Record # PCM-S-1083

Rene Ordonez





Only The Lonely

(1971)

Rene Ordonez

The Blinkers
Arranger

Gil Cruz
Supervisor

Alpha Record #
ALP-240 - B

Kumpletuhin ang mag-aama na ito kuha noong ....


Kumpletuhin ang mag-aama na ito kuha noong dekada 50s

Palabra de Honor (1983) - Hilda Koronel & Gloria Diaz



Palabra de Honor

(1983)

Viva films

Hilda Koronel
Gloria Diaz
Elizabeth Oropesa
Beth Bautista
Amy Austria
Jackie Lou Blanco
Dindo Fernando
Ronaldo valdez
Tommy Abuel
Mark Gil
Eddie Garcia
Ike Jarlego Jr (editor)
George Canseco (music)
Felizardo Bailen (cinematography)
Danny Zialcita (direction)

Palabra de Honor (1983) - Hilda Koronel & Gloria Diaz





Palabra de Honor

(1983)

Viva films

Hilda Koronel

Gloria Diaz

Elizabeth Oropesa

Beth Bautista

Amy Austria

Jackie Lou Blanco

Dindo Fernando

Ronaldo Valdez

Tommy Abuel

Mark Gil

Eddie Garcia

Ike Jarlego Jr 
(editor)

George Canseco 
(music)

Felizardo Bailen
 (cinematography)

Danny Zialcita 
(direction)

Palabra de Honor (1983) - Hilda Koronel & Gloria Diaz


Palabra de Honor

(1983)

Viva films

Hilda Koronel

Gloria Diaz

Elizabeth Oropesa

Beth Bautista

Amy Austria

Jackie Lou Blanco

Dindo Fernando

Ronaldo Valdez

Tommy Abuel

Mark Gil

Eddie Garcia

Ike Jarlego Jr 
(editor)

George Canseco 
(music)

Felizardo Bailen
 (cinematography)

Danny Zialcita 
(direction)

..ang babae ay kilalang may dugong Aleman ...ang lalake naman ay kilala din may halong....


..ang babae ay kilalang may dugong Aleman

...ang lalake naman ay kilala din may halong foreign blood

SINO SILA?

Karla ano ang masasabi mo sa itinatapat sa anak mong si Daniel na si Alden?




Noong 2011 at nasa GMA Network pa si Karla Estrada ay gumanap siyang ina ni Alden Richards sa afternoon soap na Alakdana.

Ang Alakdana ang kauna-unahang project ni Alden bilang isang artista.

Pagkalipas ng apat na taon, umalagwa na nang husto ang career ni Alden, lalo na ngayon dahil sa phenomenal AlDub tandem nila ni Maine Mendoza (na mas kilala bilang Yaya Dub) sa kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga.

Masayang-masaya raw si Karla para sa anak-anakan niyang si Alden.

Pahayag ng actress-singer, “Happy ako dahil nakitaan ko na siya ng potensiyal, e.

“Sinabihan ko siya na, 'Pagpatuloy mo lang, matuto kang makisama and darating yung time mo.'”

May ikinuwento pa si Karla na isang insidente noong nagte-taping sila ni Alden ng Alakdana.

Sa pagbabalik-tanaw ni Karla ay magdya-judge noon si Alden sa isang pageant sa Laguna.

“E, di ba, may pagka-pakialamera ako?

“Parang kailangan na niyang umuwi sa Laguna, tapos parang hindi pa siya pinapayagan sa set dahil meron pa siyang eksena.

“Nakialam ako, so pinaalis ko siya.

"Kinausap ko pa yung mga hura-hurado dun sa Laguna, ‘Parating na siya, hintayin niyo siya, huwag niyo naman siyang ngaragin!’

“Tanungin mo siya, maaalala niya yun!” natatawang kuwento ni Karla.

Sa tingin ba niya ay long overdue na ang kasikatan ni Alden?

“Medyo. Natagalan, oo natagalan, pero wala namang makakatalo dun sa right timing na ganun.

"Pag right timing, e, di right timing, di ba?"


Hindi naman kaila sa lahat na si Karla ay ina ni Daniel Padilla, isa sa pinakasikat na young stars ngayon kasama ang ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.

Ano ang masasabi ni Karla na itinatapat ang AlDub loveteam sa KathNiel tandem nina Kathryn at Daniel?

“Ang cute lang!” tawa ni Karla

A Tear Fell (1970) - Victor Wood





A tear fell
when I saw you
in the arms of someone new
A tear fell
all alone and feeling blue
when you left me
A tear fell when you told me
Oh, I didn't miss the teardrops
that your love was not for me but I missed you constantly
The teardrops
A fool am I, a fool am I, in love.
Were crushed like
that you stepped on as you danced across the floor
when you told me
my poor heart was when you walked out of my door A tear fell
like this tear drops
that the flame in your heart died Darlin' have I lost you from my eyes?
when you told me
A fool am I, a fool am I I in love... (Instrumental) A tear fell
like this tear drops from my eyes
that the flame in your heart died Darlin' have I lost you A fool am I,
a fool am 

I in love...

Ejay sa relasyon nila ni Ellen: Ayoko nang magpadalus-dalos!




MARAMING bumibilib kay Ejay Falcon bilang breadwinner ng kanyang pamilya. Talagang inuuna niya lagi ang kanyang family kesa sa pansariling kaligayahan.

Sa presscon ng bagong season ng Wansapanataym, ang I Heart Kuryente Kid na pinagbibidahan nila ni Alex Gonzaga, nakaka-relate raw talaga ang binata sa role niya sa nasabing programa dahil sa pagiging mapagmahal nitong anak at kapatid.

“Ako panganay din ako at meron din akong mga kapatid pero ano siya parang parehas kami, parang ang bilis kong nakahugot sa mga karakter na ito dahil sa kwento ni Tonio (role sa Wansapanataym),” kuwento ng hunk actor.

Breadwinner din daw kasi siya sa tunay na buhay, “Breadwinner din ako, ako ang nagpapaaral sa ka- patid ko.”
Naniniwala rin si Ejay na pinagpapala ang mga mapagmahal na kapatid at anak, “Masasabi ko na parang mabuti akong tao kasi bago ako gumawa ng hindi magagandang bagay, pinag-iisipan kong mabuti kasi ayaw kong mawala sa akin itong ibinigay sa akin so ayokong maapektuhan ang family ko, mga kapatid ko.”

Proud na proud ding i- binalita ng Kapamilya actor na malapit na niyang mapagtapos ng college ang dalawa sa kanyang mga kapatid.

“Nakaka-proud kasi meron akong kapatid na magtatapos. Ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko. Parang ‘yun na talaga ‘yung premyo sa lahat ng paghihirap ko,” anang binata nang makachika ng ilang reporters sa presscon ng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na nagsimula na noong Linggo.

Bukod dito, hindi rin nakakalimutan ni Ejay na balikan ang kanyang pinanggalingan. Alam n’yo ba na regular na dumadalaw ang aktor sa probinsiya kung saan siya lumaki? Tuwing December, nag-i-sponsor siya ng basketball at gift-giving activity sa isang lugar sa Mindoro.

“Nagpapa-basketball, nagpapa-liga every December 26 to December 31 and every December 31, nandon kami lahat sa basketball court at lahat ng endorsements ko ‘yung mga sponsors, ‘yung mga gift sa akin, ibinibigay ko sa lahat ng mga tao, ‘yung mga giveaways ‘yung iba nagpapa-raffle,” anang binata.

Alam daw kasi niya ang feeling ng walang natatanggap na regalo tuwing Pasko at birthday.


“Naranasan ko noong bata ako dati ‘yun nga parang humingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati.

“Nakikita ko ‘yung mga bata ngayon na wala ‘yung mga parents nila, walang mabigay so ako ‘yung parang kahit simpleng pabango, simpleng sapatos ibinibigay ko sa kanila.
Ang sarap sa feeling na ginagawa ko siya for five years na,” pagbabalik-tanaw pa ni Ejay. Samantala, tigas pa rin sa pagtanggi si Ejay na magdyowa na sila ni Ellen Adarna, ang partner naman niya sa afternoon series na Pasion de Amor.
Single na single pa rin daw siya, “Wala pa po talaga. Single po talaga ako. Wala pa po, ano pa lang kami, sabi ko nga siya ‘yung pinakamalapit na babae sa akin.

Palagi ka- ming magkasama. Sobrang close kami ni Ellen.” Dagdag pa niya, “Luma- labas po kami pero group naman kami.”

Posible bang mag-level up na ang kanilang friendship very soon? “Ayoko na kasing padalos-dalos kasi ‘yung ang aking nakaraan kasi. ‘Di ba dati po masyadong mabilis ‘yung pangyayari? Dahil doon natuto naman ako so siguro ngayon po mas importante na makilala ko ‘yung tao.

Mas matagal pa naman kaming magkasama. Ayokong madaliin ang mga bagay-bagay. So kung darating naman kami doon, aaminin ko.”

Hirit pa nito, “Kasi si Ellen gusto ko talaga ‘yung personality niya kasi sobrang…sabi ko nga kahit saan mo siyang dalhin eh napaka-cowboy niyang tao, sa sosyal o sa jologs, kaya niyang pa- kisamahan lahat.

Nagugulat nga ako sa kanya kasi alam naman natin na lumaki sa yaman si Ellen pero pagnakausap mo siya parang nakikipag-usap siya kahit kanino sa set.
Napaka-humble niyang tao, sobrang humahanga ako sa personalidad niya.” Sa taunang Star Magic Ball, si Ellen ang magiging ka-date ni Ejay. So, alam n’yo na!



Mga seksing cover girls kabog sa bagong pasabog ni Vice Ganda



Kabogera talaga itong si Vice Ganda.
Aba, siya lang ang first gay na nasa cover ng Mega magazine for its September issue. This is the very first in Asia, ha!

“Set in the picturesque Lavender Fields of Hokkaido, Japan, we marvel at the realization of a re-imagination that is Vice Ganda (@praybeytbenjamin).

A multi-faceted performer and ally in the LGBT cause, Vice Ganda walks us through the story of his life as he is photographed wearing floor-grazing feminine numbers in the most airy of pastels.”

‘Yan ang maikling mensahe about Vice sa magazine na available na on Sept. 9. Naku, tiyak na mas kabogera ang mga outfits ni Vice Ganda sa pages ng Mega.

For sure, magpipiyesta ang fans niya sa mga dresses niyang tiyak na kaiinggitan ng marami or kokopyahin ng mga beki.



Coco sa mga bading na pulis: Hanga ako sa katapangan nila!




INAABAGAN na ng madlang pipol ang nalalapit na pagsisimula ng TV version ng classic FPJ film na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin with Maja Salvador and Bela Padilla as his leading ladies.

Kambal ang magiging role ni Coco sa nasabing Primetime Bida series, ang isa ay magiging mabuting alagad ng batas ngunit mapapaslang agad ng kalaban at ang isa nama’y pinagkakatiwalaang miyembro ng SAF na siyang gagamitin ng pamunuan ng pulisya para mahuli ang pumatay sa kanyang kakambal.

At dahil nga kapulisan ang tema ng nasabing serye, sa nakaraang presson ng Ang Probinsiyano, natanong si Coco kung ano ang masasabi niya sa mga pulis na bading.
Sey ng Kapamilya actor, wala siyang nakikitang masama kung bading man ang isang pulis, “Sa tingin ko, walang problema du’n. Actually, kahanga-hanga nga po yon, eh.

Dahil siyempre, unang-una, hanggang hindi niya dinudumihan yung uniporme nila, hangga’t nirerespeto nila yung trabaho nila at ginagawa yung trabaho nila, wala pong problema do’n.”

Dagdag pa niya, “Kasi, iba naman po tayo sa trabaho natin at sa personal na buhay natin. Sa akin po, wala pong masama don sa mga ganung bagay.”

Natanong din si Coco kung nate-threaten pa ba siya kapag may dumarating na bago at mas batang aktor sa showbiz, lalo na sa ABS-CBN? “Kahit nu’ng nasa indie pa ako, hindi po pumapasok sa isip ko ang kompetisyon.

Basta ako, ginagawa ko kung ano yung tingin kong tama.”  Wala raw siyang nararamdaman ngayon kundi feeling blessed kaya puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya, “At paano ako napagpapasalamat? Siyempre, dapat tumulong din ako sa mga taong nagsisimula na kagaya ko noon.

Kasi, sabi ko nga, nu’ng nagsisimula ako, maraming mga taong tumulong sa akin. “So, bakit hindi ko ise-share ‘yon? Kumbaga, ito yung pagkakataon na mai-share ko kung anuman yung mga blessings na nakukuha ko ngayon sa buhay ko,” aniya pa.

“Ano bang mapapala ko kung makikipag-compete ako? Bakit hindi ko na lang i-share kung ano yung talentong nalalaman ko sa kanila. Kaya ganu’n ang ginagawa ko nga- yon sa mga nakababatang artista sa akin.

“Masarap kasi sa pakiramdam kapag may mga taong na-appreciate ka, kapag nakakatulong ka. Eh, ano pa bang hahangarin ko sa ngayon? Sobra-sobra na po kung anong meron ako ngayon… sobra na po para sa akin,” paliwanag pa ng Teleserye King.

Samantala, makakasama rin ni Coco sa Ang Probinsiyano si Ms. Susan Roces na gaganap na lola niya sa serye, at inamin ni Coco na kahit sa tunay na buhay ay parang maglola na talaga ang turingan nila ng biyuda ni FPJ.
“Nakikita ko talaga na para ko siyang lola. May panahon ako sa kanila para kumustahin sila, para makipagkuwentuhan sa kanila, alagaan sila sa set.

Kasi, sabi ko nga napaka-thankful ko na nandiyan sila para sa akin, para tulungan ako at suportahan,” ani Coco. Hiningi na ba ng veteran actress ang suporta niya para sa pagtakbo ng anak nitong si Sen. Grace Poe sa 2016 elections? “Sa akin po, hindi po sa akin pamantayan na parang…at klaro po sa amin ni Tita Susan yon.

Sa totoo lang po, walang halong kasinungalingan, pero never naming pinag-usapan kung tutulungan ko ba siya o hihingi siya sa akin ng tulong. Kapag nag-uusap po kami ni Tita Susan, about sa personal na buhay, about sa trabaho namin.
“Kasi, alam kong napakataas din po ng respeto niya sa akin, eh. Na para tanungin o lapitan. Kasi, maski siya ‘pag tinanong mo, sasagutin niya lang na ‘hindi ko alam sa anak ko kung anong plano niya.’ Kasi ganu’n yung respeto nila sa isa’t isa,” chika pa ng award-winning actor.

Mark, Rocco naiinggit nga ba sa kasikatan ni Alden?





Nang matanong naman sina Mark Herras at Rocco Nacino kung naiinggit o nai-insecure sila kay Alden, sinabi ng dalawa na masaya rin sila para sa Kapuso leading man.
Basta may Kapuso raw na nagtatagumpay ay sinasaluduhan nila, at pareho raw nilang kaibigan ang binata. Alam daw nila kung paano magtrabaho si Alden at kung gaano ito kasipag.
Mapapanood ang StarStruck Season 6 mula Lunes hanggang Biyernes simula sa darating na Sept. 7 sa GMA bago mag-24 Oras.

Yaya Dub pinangaralan ang Aldub fan na nanlait kay Kathryn: Make love, not war!





HINDI nagustuhan ng ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza ang isang tweet which compared her legs with that of Kathryn Bernardo.

“Aren’t Maine Mendoza’s legs lovely? She’s not SAKANG unlike some other starlet we know… 
#ALDUBTheREVELATION,” said one @bimby_kalerQUI recently after posting a photo of a plier and Kathryn’s legs.
“@bimby_kalerQUI friendly reminder: kung hindi maayos ang sasabihin sa kapwa mas mabuti pang wag na magsalita. Make love, not war,” ang naging tugon naman ni Maine.
Obvious na ginamit ang anak ni Kris Aquino ng isang basher by using his name on his Twitter account. Bobo lang ang mag-iisip na si Bimby nga ang nag-tweet noon, ‘no.

Anyway, marami ang pumuri kay Maine sa kanyang “make love, not war” stance. “Maine, Liza, Julie Anne, Nadine are definitely the role models. They don’t tolerate these kind of fans. Saludo.”

“Maine, Liza, and Nadine are the only celebs I know that have reprimanded their fans on social media. This is why I love all three of them.”

“Ayan dapat ganyan, hindi yung kinukunsinti pa ang fandom kaya lalong nagiging war- freak! To think na postive compliment ang kay Maine dito.

This is against K, but pinagtanggol pa rin ni Maine, go AlDub! Nakakbilib lang. Really a breath of fresh air! Ibang iba sa ibang fandom na nakasanayan na ntin dito sa Pinas, mga warfreaks.”

One suggested Kathryn na, “Dapat si Kath pinagsasabihan din mga fans ng KN na bawas bawasan ang pagiging warfreak, See? si Maine pinagsasabihan nya kasi di nya tinotolerate mga ganyang bagay kaya sa AlDub fandom hindi rin sila nagtotolerate ng ganyan kasi nga alam nila na ayaw ni Maine ng hindi magandang comments sa iba.”