Wednesday, September 2, 2015

Regine di tinanggap ang Sunday Pinasaya: Ayoko namang ako lang ang may trabaho!



GUSTUNG-GUSTONG makasama ni Regine Velasquez sa bagong Sunday variety show ng GMA 7 na Sunday PinaSaya ang mga kaibigang sina Ai Ai delas Alas at Marian Rivera.
Ngunit ayon sa Asia’s Songbird, mas umiral sa kanya ang pakikisama dahil alam niyang maraming mawawalan ng trabaho sa pagkawala ng Sunday All Stars.
“I was feeling kinda bad naman na ako lang yung may trabaho, yung iba kong kasama…” ang biting pahayag ni Regine nang matanong sa presscon ng StarStruck Season 6 kung bakit tumanggi siyang mapabilang sa Sunday PinaSaya.
Totoong kasama raw siya sa bagong Sunday show ng GMA pero dahil siya lang ang matitirang may trabaho mula sa mainstays ng SAS, nagdesisyon siyang huwag na lang tanggapin ang programa na co-production ng GMA at APT Productions ni Tony Tuviera.
“Naintindihan naman nila Mr. Tuviera. But I was actually very excited at first, kasi makakasama ko sina YanYan, si Ai Ai. I was supposed to take care of the musical part.
“But medyo nahihiya lang din ako sa mga naging kasama ko. Kumbaga, naging show ko rin naman ‘yon (Sunday All Stars). Nahihiya lang ako and they understand naman,” chika ng Asia’s Songbird.
Pero nang magsimula na ang Sunday PinaSaya, ilan sa mga dating regular na napapanood sa SAS ay kasali rin pala sa nasabing show tulad nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza.
Pero wala naman daw pagsisising nararamdaman si Regine na hindi niya tinanggap ang Sunday PinaSaya, “Pero talagang it’s hard to be in that situation na…Kasi, since the beginning, yun ang timeslot, di ba? So, nahiya naman ako. Nahiya naman ako kasi siyempre trabaho ‘yon.
“Mahirap to be in that si- tuation knowing that the other colleagues are not working, so parang nahiya lang din naman ako,” sabi pa ng misis ni Ogie Alcasid.
Pero para sa mga fans ng Songbird, huwag daw kayong mag-alala dahil may bago siyang pasabog sa mga susunod na buwan, “Meron akong gagawin na parang variety show pa rin.
Hindi ko lang alam kung aabot ‘yan this year. It’s also a musical pero nighttime.” Nami-miss na rin ng fans si Regine na umaarte sa teleserye, huli pa siyang napanood sa romantic-comedy series na I Heart You Pare kung saan nakasama niya si Dingdong Dantes.
Ayaw na ba niyang gumawa ng teleserye? “Parang di ko na rin kaya kasi masaya ako. Ha-hahaha!” birong tugon ni Regine. Dugtong niya, “Hindi naman, kasi ang niche ko ay nasa comedy-drama or comedy-musical.
“Nandu’n talaga ako, so yung mga nanonood sa akin, gusto nila na nakikita akong ganu’n. Although nagdadrama naman, lagi namang mayroon konti.
“Pero at the end of the day, laging ang main concept ay comedy, doon din ako comfor- table,” paliwanag ng Songbird. At isa pa sa mga dahilan kung bakit parang hindi na niya bet ang magkaroon ng teleserye ay ang kanyang pamilya, priority pa rin niya ang kanyang asawa at anak, “It should be that way…nag-asawa pa ako kung career pa rin ang (priority) ko?
“Siyempre, nandu’n pa rin naman ‘yon, pina-prioritize ko pa rin naman ang trabaho. Pero hindi na ako kasing-adik noong araw, na lahat na lang ng raket, e, sunggab nang sunggab.
“Parang ayaw ko nang ga- win ‘yon, kasi siyempre, yung anak ko rin, lumalaki. Hindi ko na maibabalik ang age na ‘to. Hindi ko na maibabalik ang time na ‘to,” chika pa ni Regine.
Hirit pa nito, “I’m enjoying my time being a mom. I’m enjoying my time with my husband and my son.”

Samantala, excited na si Regine sa nalalapit na pagsisi- mula ng Starstruck Season 6 kung saan nga isa siya sa magiging member ng council na siyang magdya-judge sa mga artista hopefuls na kinabibilangan ng 35 young aspirants na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Makakasama niya sa Starstruck council sina Joey de Leon, Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes na magiging host din ng bagong season ng original artista talent search ng GMA 7.
Bukod kay Dingdong, makakasama rin niya si Miss World 2013 Megan Young with other Starstruck alumni na sina Kris Bernal, Rocco Nacino, Mark Herras at Miguel Tanfelix na magsisilbing segment hosts ng show.



No comments: