Saturday, August 29, 2015

Warning kay Tunying: Doblehin ang pag-iingat, nasa panganib ang buhay



Ayon sa mga imbestigador na tumakbo agad sa lugar ay labinglimang basyo ng bala ang nakita sa pamamaril sa restaurant ng komentaristang si Anthony Taberna.

Kahapon nang mada- ling-araw naganap ang pagsalakay ng riding in tandem, pinaulanan ng mga ito ng bala ang palibot ng restaurant ni Tunying, maraming nagpapalagay na may kuneksiyon sa kanyang trabaho ang dahilan ng pangyayari.
Mabuti na lang at walang mga tao sa loob ng restaurant, tanging ang mga salamin nito ang nagkabasag-basag, sa trabahong kinapapalooban ni Anthony Taberna ay mahihirapan ang mga imbestigador na matumbok kung sino ang salarin sa naganap.

Delikado ang buhay ng mga komentarista, lalo na’t may kaanghangang bumira si Anthony, ayon sa mga nagmimiron ay malaki ang posibilidad na may kinalaman sa pangyayari ang mga pangalang nabibira ni Anthony sa kanilang programa ni Gerry Baja sa DZMM.

Iniimbestigahan pa ngayon ang pamamaril sa resto ni Tunying sa Visayas Avenue. May umangat ding isyu na maraming kapwa niya komentarista ang may lihim na sama ng loob ngayon kay Tunying, idagdag pa ang minsang pamba-bash sa kanya ng mga netizens, malawak ang sakop ng kuwentong ito.

Isang bagay na dapat ipagpasalamat ng komentarista ay hindi siya, kundi ang kanyang negosyo na lang, ang nasaktan sa pamamaril.

Pero senyal na ‘yun na may mga nagtatangka sa kanyang buhay ngayon, kaya kailangang magdoble ingat si Tunying, dahil hindi niya alam kung sinu-sno ang kanyang kalaban.

No comments: