Saturday, August 29, 2015

Coco: Mas magiging mahigpit ako, kasi nakakapagod, nakakasawa na!



NILINAW ni Coco Martin na walang political agenda ang pagtanggap niya sa seryeng Ang Probinsiyano na unang ginawa noon ni a King Fernado Poe, Jr. na mapapanood na ngayong Setyembre.

Ayon kay Coco, nag-usap sila ng mga bossing ng ABS-CBN at ng maybahay ni FPJ na si Ms. Susan Roces na walang kinalaman sa pulitika ang project lalo na ngayong mainit na pinag-uusapan ang posibleng pagtakbo ni Sen. Grace Poe sa 2016.

Hindi naman kaila na maraming tinulungan ang aktor na pulitiko noong 2010 elections na nasa pwesto na ngayon. Ang tanda ng lahat ay sina Presidente Noynoy Aquino at Sen. Sonny Angara ang hayagang ikinampanya ng aktor.
Kaya natanong kung may mga lumalapit na sa kanya ngayon pa lang para iendorso niya – hindi naman ito itinanggi ni Coco.

“Honestly po, mayroon, pero para po sa akin kasi, hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito. Sabi ko nga, napagod na rin ako, nagsawa na rin ako.

“Kumbaga, parang lahat naman tayo na
ghahanap na rin ng pagbabago, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na sa ating mga magi- ging anak, sa ating pamilya at sa lipunan,” ani Coco.

Nagulat nga ang entertainment press na dumalo sa solo presscon ni Coco para sa Ang Probinsiyano dahil naging prangka ang aktor sa mga nilalaman ng dibdib niya at kung ano ang gusto niyang mangyari sa 2016 elections, “Napakaimportante po ng pagkakataong ito, kung saka-sakali, sa election next year.

“Kasi ito lang yung pagkakataon na mahahawakan ko ang sarili kong pananaw, pagkakaintindi o pagkatao. Kasi, after that, kapag naboto ko na sila, wala na.
Kumbaga, sila na naman ang maghahari, gagawin na naman nila kung ano ang gusto nilang mangyari, di ba? “Ngayon mas magiging mahigpit ako sa mga taong tutulungan ko o paniniwalaan ko.

Kasi nakakapagod, nakakasawa. Parang may mga tao kang tinulungan, tapos magugulat ka na ganu’n pala yung nangyari. Ayaw ko nang maulit ‘yon,” mariing pahayag ng aktor.

Inamin din ng Teleserye King na may natulungan daw siyang hindi niya nagustuhan ang pamamalakad ngayon, “Oo, mayroong iba,” pag-amin niya. “Siguro sa pagkakataong ito, mas magi- ging mahigpit ka na.

Kasi, kapag alam kong nangangaila- ngan ng tulong, talagang sinusuportahan ko. “Pero may mga tinulu- ngan ako na talagang proud ako, like si Sen. Angara. Sobrang proud na proud ako,” say ni Coco.

At bago raw niya ikampanya o tulungan ang isang kandidato, “Unang-una, siyempre hindi naman sapat na pangako lang. Alam naman natin yung credibility ng bawat tao, alam mo naman ‘yung bawat hangarin.

Kumbaga, bilang tao, alam naman natin kung sino ang dapat. “Kung ako ang tatanu- ngin, isa lang ang sasabihin ko, gusto ko lang ng pagbabago. Kumbaga sa kanser, kahit maglagay ka ng bago, pero ganun pa rin ang sistema nila, kakainin lang ‘yan.

“Kung maaari, gusto ko nga lahat bago (walang trapo) para magkaroon tayo ng bagong lipunan. Kung dadagdagan lang din natin ‘yan, uulit lang tayo nang uulit sa mga taong ilalagay natin sa posi- syon, walang mangyayari, ganu’n pa rin. Sino ba ang mahihirapan? Tayo pa rin,” sabi pa ng aktor.
At dito na nga naipasok ng aktor ang isa sa ikinasasama ng loob niya sa gobyerno, “Honestly, may realization nga po ako, e. Parang bakit kami natatakot sa gobyerno, bakit kami natatakot sa mga taong nakaposisyon?

“Kung tutuusin, tayo ang nagpapasahod sa kanila. Dapat tayo ang pinaglilingkuran nila. Sana, kung magkaroon ng pagkakataon, sana baguhin lahat.

“Sana, kung maaari, sana baguhin lahat, sana bata lahat para magkaroon ng pagbabago,” diretsong sabi ng binata. Pero kinlaro ni Coco na wala siyang planong pasukin ang pulitika in case na alukin siya.

“Sa ngayon, wala po akong naiisip na ganu’n. Kasi, para sa akin, masaya po ako sa kung nasaan ako ngayon at kung anuman ang ginagalawan kong mundo, sa aking trabaho po.
“Sa akin pong pagkakaalam, marami ring tao ang nasira dahil diyan sa magulong mundo na ‘yan. Iba-iba siguro ang destiny ng mga tao.

“Siguro, may mga tao talagang inilaan para sa ganung aspeto ng buhay. Ako siguro, kung ano ako ngayon, ito ang ibinigay sa akin ng Diyos.

“At sa ganitong paraan ko, bilang artista, ginagamit ko rin ito para makatulong ako sa kapwa.
“Siguro sa pag-arte ko, kahit papaano, nagagawa ko ang part ko dahil napapasaya ko ang mga manonood. Nakakapagbigay ako ng encouragement.

“Sa bawat role na ginagampanan ko, alam niyo yung nakakapagbigay ako ng magandang ehemplo para gayahin nila ako sa bawat karakter na ginagawa ko,” sabi ni Coco.
Samantala, bukod kay Ms. Susan Roces na gaganap na lola ni Coco sa Ang Probinsiyano, makakasama rin sa napakalaking proyektong ito ng Dreamscape Entertainment sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas at marami pang iba, sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

No comments: