Saturday, August 29, 2015

Maraming kinilig sa kasal ni Mark Neumann sa TV5



Napakalaki ng nagawang tulong ng Baker King kay Mark Neumann. Natural lang na nu’ng una ay matakot ang guwapo at tisoy na aktor dahil mapaghamon ang papel ni Tak-Gu na bumibida sa istorya.

Nu’ng mga unang gabi ng Baker King ay pinalakpakan naman ng manonood ang gumanap na batang siya, si Nourish Icon Lapus, na tunay namang napakagaling na batang aktor lalo na sa mga eksenang iyakan.

Naging malaking hamon ‘yun para kay Mark, talagang tinutukan niya ang pag-aaral ng ating wika, lumaki kasi siya sa Germany at nagtrabaho sa maagang edad sa England.

Pero malaki talaga ang nagagawa ng pagsisikap at paggabay ng mga tao sa ating paligid, si Direk Mac Alejandre na hindi siya binitiwan sa mga eksenang nangangaila- ngan ng malalim niyang pagganap, ang mga kapwa niya artistang gumabay rin sa tamang pag-arteng dapat niyang gawin sa maseselang eksena.

Ngayon ay puwede nang ilaban nang sabayan si Mark Neumann. Hindi na siya garil Managalog, napaarte na niya ang kanyang mga mata, at ang pinakamahalaga ay ang magandang imaheng meron siya sa staff ng Baker King ng TV5.

“Napaka-professional po ni Mark, hindi niya kami binigyan ng problema kahit kailan. Dumarating siya sa set on time, basa lang siya nang basa ng script niya, napakasarap niyang katrabaho,” kuwento ng mga anak-anakan naming production staff ng Baker King.

Ito ang isa sa mga seryeng tinutukan namin mula sa umpisa at tututukan pa rin hanggang sa kanyang pagta- tapos sa susunod na buwan. May ginanap nang kasalan nu’ng isang araw, kinilig ang mga sumaksi, siyempre’y si Mark Neumann ang groom.

No comments: