Ilang linggo nang pinagagapang sa rating ng Sunday PinaSaya ang mahigit na dalawang dekada nang naghahari sa himpapawid na ASAP ng ABS-CBN.
Sa lahat ng survey groups ay hindi man lang nakaabante ang kabayo ng Dos sa bagong programa ng GMA 7 at APT productions. Dahil du’n ay kung anu-ano nang pagbabago ang napapanood sa kalaban ng Sunday PinaSaya.
Nandiyang magkaroon na rin sila ng mga parlor games, comedy sketches, pero wala pa rin. Tuwing lumalabas ang ratings ng magkatapatang shows ay malayo pa rin ang agwat ng Sunday PinaSaya sa matagal nang Sunday noontime show ng Dos.
Sabi pa ng isang nakausap naming propesor, “Pana-panahon lang ‘yan. Siguro, nakakita ng bago ang mga televiewers, nabigyan sila ng choice kung alin ang tututukan nila, ganu’n lang ‘yun.
“Nakaka-flatter sa tropa ng GMA 7 ang mga ginagawa ngayon ng kabilang show. Imitation is the highest form of flattery, di ba? Ginagaya sila, kaya dapat, maging proud ang mga taga-Sunday PinaSaya.
“Sabi nga ng mga kaibigan ko, e, kung bakit daw kasi si Alex Gonzaga pa ang binibigyan ng opportunity na mag-comedy. Nega kasi ang dating ni Alex sa kanila.
TH daw, masyadong forcing through, kaya instead na matawa ka, maiinis ka pa!” komento ng kausap naming propesor.
Ang isa pang nagpapahirap ngayon sa ASAP ay ang Wowowin ni Willie Revillame. Grabe rin ang pagsuporta ng ating mga kababayan sa pagbabalik ng minamahal nilang Kuya Wil.
No comments:
Post a Comment