Nasa “tamang panahon” (pahiram Lola Nidora) talaga ngayon ang show nina Ai Ai at Alden na Sunday PinaSaya, talagang simula nang umere ito ay laging mataas ang ilang beses na ring tinalo ang ASAP.
“Kasi, siguro sa rami ng problema ng Pilipinas, sa rami ng negativity… positive, e. It’s about time, positive, masaya. Wala kang sinasaktan… wala kang pangit na sinasabi.
Nagpapasaya ka lang ng tao. And ano yun, greatest ano talaga yun, maging masaya ka,” ayon pa sa Comedy Queen. Sama-samang factors na rin daw ‘yun like si Alden na isang malaking bentahe sa show.
“Yung Jose-Wally, kaputukan din ni Wally, e. Si Marian na alam naman natin na may maraming kulto talaga ‘yan. Tsaka yung panahon. Panahon ni Alden ngayon.
Panahon ng AlDub, panahon ng Eat Bulaga, panahon ni Wally at ni Jose.” In fairness, masasabing malaking comeback din ito kay Ai Ai na tinawag na rin bilang Pambansang Alas ng Pilipinas.
“Ay, ako? Ano na lang ata ako, third wind ko na ata ‘to. Pirming opening-closing lang ako, tsika-tsika. Ang sarap nga ng buhay ko rito, e, chill-chill lang.
Pero nu’ng una, sobrang pressured sa akin, Sobra. Kasi, sasabihin nila, ‘O, si Ai Ai na naman ang timon diyan.’ ‘Yun nga, e, kaya sabi ko, ‘Diyos ko, thank you, kasi lahat ng samahan ko, e, nagri-rate naman,” lahad niya.
Tinanong din namin si Ai Ai kung ano ang reaksyon sa bansag sa kanya bilang Pambansang Alas ng Pilipinas, “Kinikilabutan ako,” excited na sabi ng komedya. “Puro dasal lang at pasasalamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganu’ng swerte.”
Sabi pa niya, sa Diyos daw nanggagaling ang “magic” niya sa Pinoy audience. “Sinabi ko kasi sa kanya, e, nu’ng babalik ako sa showbiz, sabi ko, ‘Kung gusto Ninyo po akong bumalik, ibalik N’yo po ‘yung magic na meron ako.’ So, binalik naman Niya. Thank you Lord.
“Super hiling ko ‘yun sa Kanya. Tsaka talagang lumuluhod ako sa Baclaran para sa lahat ng mga blessings na mangyayari sa amin. Hindi lang sa akin.
Hindi lang sa buong istasyon kundi pati sa lahat ng mga programa,” kwento pa ni Ai Ai. For sure, patuloy ang suporta ng kanyang fans especially ‘yung bagong tayo na Inter-Galactic AiAi Fans Club.
“E, ‘yun lang ang fans ko. Ha-hahahaha!” At least, may fans club pa rin si Ai Ai, ‘di ba?
No comments:
Post a Comment