Friday, September 4, 2015

Jake babu sa pagiging yosi kadiri; pati dyowa napilitang mag-quit



TAGUMPAY si Jake Cuenca at ang kanyang model girlfriend na si Sara Grace Kelley sa pagku-quit mula sa pagi- ging “yosi kadiri”.

Ayon sa Kapamilya hunk actor, halos isang buwan na rin siyang hindi naninigarilyo ngayon. Sa kanyang Instagram account, ipinagmalaki ni Jake ang bagong “achievement” na ito sa kanyang buhay.

Sabi ng aktor, nagsimula siyang mag-quit sa pagyoyosi, pati na rin ang kanyang dyowang foreigner, noon pang nakaraang buwan. Kaya na- gulat siya nang makatanggap ng napakaraming negative comments matapos kumalat sa social media ang isang litrato nila ni Sara.

Makikita sa nasabing picture ang magkarelasyon na nagyoyosi together. Isa sa mga follower nila ang nag-comment ng, “Don’t glamourise cigarettes and smoking!” na sinang-ayunan naman ng marami pang netizens.

Sa ngayon daw nag-shift na sila ng kanyang girlfriend sa “vaping”, aniya, “These pictures were actual shoots with two separate professional photographers. Similar themes for both our shoots…  we quit smoking a month ago… We use vapes now.”

No comments: